| Maraming salamat. Maraming
salamat.Maraming salamat, Secretary
Pat Sto. Tomas sa iyong pagpakilala sa akin. Maraming salamat din dahil hindi lang ikaw
nag-aalaga ng manggagawang Pilipino ikaw nga ang nag-aalaga ng mga manggagawa sa buong
mundo dahil si Secretary Pat Sto. Tomas ay pangulo ng International Labor Organization.
Gusto kong batiin ang ating bagong ambassador
sa People's Republic of China, si Ambassador Willy Gaa. At palagay ko pagkakataon nating
lahat na batiin sa unang pagkakataon ang ating bagong Consul General na si Corazon
Belmonte Jover.
Alam n'yo pinadala ko si Vicky Bataclan
naalala ninyo at sa nakita ko vibes na vibes kayo ni Vicky. Kanya lang sa magandang
trabaho niya dito panahon na rin na siya ay mapromote at maging full ambassador. Kaya si
Vicky ngayon ay ating ambassador sa Sweden ngunit pinapadala niya sa inyong lahat ang
kanyang tuloy na pagmamahal sa inyo. At sana kung gaano kayo magkavibes ni Vicky Bataclan
ganun din kayo magkavibes sana ni ating bagong Consul General, si Cora Belmonte Jover.
Gusto kong batiin ang aking mga kasama... Ay,
gusto kong ipakilala sa inyo ang aking mga kasama ngayon na nagbibisita sa inyo. Meron
tayong Muslim Association kanina nakilala ko, meron tayong kinatawan ng Muslim community
sa ating official party ngayon, ang gobernador ng probinsiya ng Sultan Kudarat, si Datu
Pax Mangudadatu; At ang nag-aayos ng ating mga priority projects at ating mga tulong na
nanggagaling sa ibang bansa, si Secretary Marita Jimenez; ang aking Presidential Spokesman
ay si Toting Bunye; ang nagbibigay sa akin ng payo para sa ating usapang pangkapayapaan
maging sa komunista, maging sa mga MILF ay si Secretary Ging Deles; ti adviser ko diay
amyanan ti Pilipinas, nagado ti fans idtoy Hong Kong, isu nga kada panag-bisitak toy Hong
Kong, kayat ko nga kadkaduwa tayo amin ni former governor Chavit Singson.
'Yon namang mga kasama ko sa executive branch
na nandito rin para tumulong na maglingkod sa inyong lahat, 'yung nagbibigay ng
iba't-ibang mga serbisyo sa inyo ay ang namumuno ng OWWA, si Ver Angelo. Sa ating OWWA
board nga ang kinatawan ng ating mga overseas workers ay taga-dito sa Hong Kong. Kaya
importanteng-importante ang Hong Kong sa OWWA.
Ang ating Undersecretary ng Trade and
Industry, si Undersecretary Tom Aquino; ang ating Undersecretary ng Tourism at siya rin
ang Chairman ng National Commission on Culture, si Evelyn Pantig; ang ating Undersecretary
ng mga tulong galing sa ibang bansa, si Lina Amata.
Gusto ko magpasalamat sa i-remit global
remittance at confed properties sa kanilang pagtulong sa ating Christmas party ngayon
dahil sila 'yung nagbigay nanggaling sa kanila 'yung dalawang lupang at pabahay na ating
ipinagbigay ngayon sa ating Christmas party. Salamat kay ginoong Bansan Choa.
Mga leaders ng iba't-ibang mga Filipino
community dito sisikapin kong batiin kayong lahat: dagiti annak ti Villaviciosa, Abra,
nangruna ni Corazon Carsola, naimbag a bigat yo amin, apo; 'yung Laisam International
Association headed by Teresita Dumdom; 'yung malaking grupo doo, 'yung El Shaddai. Salamat
andami ninyo dito kaya isa sa inyo tuloy ang nanalo ng pabahay. at gusto kong batiin si
Sister Tessie Wong ang namumuno ng El Shaddai dito.
'Yung Hong Kong musicians union sa liderato
ni Jun Cortez, magandang umaga sa inyong lahat. Naalala ko ako'y batang maliit pa -- hindi
kayo mismo pero 'yung mga predecessors n'yo, sila ang una-unang OFW dito sa Hong Kong --
'di ba sa iba't-ibang mga hotel lahat Filipino? Noong araw ilang daan kayo? Ngayon ilang
daang libo na ang Filipino dito sa Hong Kong.
Gusto ko rin batiin 'yung kasama ni ginoong
Choa sa I-Remit, si Chato Carlos. at naalala ko, mga kaibigan ko mga professionals sa Hong
Kong, noong pinatayo nila 'yung Philippine Association of Hong Kong, kaya binabati ko na
sila dito, represented here by Daisy Catherine Mandac; nagado ti Ilocano idtoy Hong Kong
iso nga adda pay ti belleg ti Ilocano Association nangruna ni Miss Petra Regua; at galing
sa Nueva Ecija, 'yung Gimbal Filipino workers Association na pinamumunuan ni Irma
Jiolamin; at siyempre 'yung Novo Ecijiano Association of Hong Kong lalo na si Rosita
Estipolar; ang samahon Zamboangita Association; gikan sa Negros Oriental, Jolita Elnas;
ang St. Joseph Philippine Prayer Group lalo na si ginoong Luis Sible ang laki ng grupo
ninyo.
Nabanggit ko kanina 'yung Muslim Filipino
Association Brother Asisto Juano salam alaikum pagariya; 'yung Philippine Bankers Club
lalo na si Dennis Juico; Ilocano manen ti cauayan, Ilocos Sur International Association
nangruna ni Elizabeth Quemado; at nakita ko ang ganda ng inyong homemade streamer dito,
Marinduque Migrant Workers Association lalo na si Adelaida Mogul; at ipinagmamalaki natin
'yung itinayo ng Philippine community kasama ang partnership ng Hong Kong government at
Philippine government, 'yung Hong Kong Bayanihan Trust. o, ang dami sa inyo ang nagpupunta
doon, halatang-halata. kaya binabati ko si Miss Lourdes Salazar na nangangatawan ng Hong
Kong Bayanihan Trust; 'yung Vilomen Hong Kong Association, si Irene Domingo, binabati ko
rin kayo. Ayan 'yung inyong karatula; at saka salamat Pastor Oral Paul Guevarra, thank you
for your prayers together with the International Christian Assembly of Filipino Ministry.
Tapos kanina diyan tumindig, pinalabas 'yung
kanilang placards, League of Overseas Filipino Midwives Hong Kong headed by Janet Japsay;
'yung Association of Filipino Builders in Hong Kong, salamat Mr. Crisanto Ogoy; ken... Ug
tanan aton mga Visayan ubos sa Federation of Visayan Association in Hong Kong labi na si
Amelita Deslate; ug sa akong mga kaigsuonan gikan sa Mindanao asa ko nidako, ang Mindanao
Hong Kong Workers Federation labi na si Miss Myrna Padilla; at 'yung Kabayan Radyo Fans
Club nangunguna ni Cely Gonzaga; Federation of Bicol Associations, Agnes Gahonera, marhay
nga aga sa indo gabos; balikatan sa kaunlaran, Ching Baltazar; Ilocano manen, Corazon
Manayan ken Alcala Migrant Workers Association, tingali... Siguro alcala diay Cagayan
province; Pinoy Abroad True Friends, Linda Layosa. Where are you Linda? ha? Ah, she's in
Manila, you represent... Please give her my love, ha? Okey, so nice to see you; Sunday
intake volunteer group headed by Susie Dela Cruz; and thanks for the welcome from PWU Hong
Kong represented by Dr. Angel Ramos, oh, you have your nice uniform; 'yung black panther
martial arts group headed by Joseph Bautista; the Hong Kong Chapter of the National
Organization of Professional Teachers headed by Lolita Brana. I understand you're the
biggest association in Hong Kong, congratulations; sagay, kasimanwa sang akong bana, sagay
Association of Hong Kong, Milagros Serica. oh, sagay is Cebuano, 'no?; and Pinay Justice
Volunteer Team, Eleanor Arellano; Ilocano manen, Ilocos Norte Phil Alliance of Hong Kong,
Sister Miriam Bartolome, Miss Miriam Bartolome; Abuyog Migrant Workers Association,
Rosario Lajer; Philippine Airlines Joseph Gonzales; a duwa ti Alcala, adda Alcala diay
Cagayan, Alcalanian Overseas Association, Clofe Torado; kasimanwa sang akong bana, Migrant
Ilonggo International Association; mga kasimanwa ni secretary kag tani future senator Mar
Roxas, Capiznon Association sa Hong Kong, Armando Villasoto
And so, if there are any that I failed to
mention, I just want to greet all of you including all the religious groups at sa inyong
lahat, merry Christmas, advance merry Christmas.
Salamat naman at ginamit ninyong day off para
magbigay ng panahon sa aking pagbisita sa Hong kong. naalala n'yo noong tayo ay narito
magkasama sa HITEC, sabi ko sa inyo, 'di bale, 'yung day off n'yo gagawin nating
makabuluhan. Bubuksan natin ang consulate para maglingkod sa inyo sa inyong day off kaya
ngayon tuloy-tuloy pa rin. Salamat sa mga taga-HongKong, salamat rin sa mga galing sa
Macau dahil maaga kayo nag-ferry para pumunta sa pagtitipong ito. Saan 'yung taga-Macau?
ayun! Thank you, thank you.
At sa inyong lahat, salamat sa pagiging
topnotcher sa registration para sa Overseas Absentee Voting. Dahil botante kayo gusto kong
ipahayag lamang: I'm glad the opposition is moving towards unity so that we can get down
to the business of threshing out the issues of the campaign. On my part, I've just
finished a fruitful trip to Japan where I worked for a better deal for our OFWs and marked
more gains for peace and development in Mindanao.
Palagay ko dahil kayo ay OFW alam naman n'yo
na ang Japan hindi bukas OFW hindi kagaya ng Hong Kong. Ngunit nagkasundo kami ni Prime
Minister Koizumi na sa Enero pagsisimulain na namin ang formal negotiations para makapasok
sa Japan ang mga OFW. ang pinagkasunduan namin, sabi namin, sabi ko kay Prime Minister
Koizumi, ang unang hihingin kung OFW na makapasok sa Japan ay 'yung caregivers. Kasi sabi
ko kay Prime Minister Koizumi -- at inamin naman niya -- ang Japan ay tinatawag na aging
population, maraming mga matatanda na. Kulang ang batang hapon pati nurse, pati midwife,
pati caregiver, kulang ang batang hapon.. kulang ang batang hapon na mag-aalaga sa kanila.
Eh sabi ko ang ating mga caregivers na pilipino kilalang-kilala sa buong mundo. Kilala sa
Hong Kong, kilala sa Londres, kilala doon sa Sweden, kung saan nandoon si Vicky ngayon,
kilala sa Canada. Eh alam ko 'yung mga hapon na matatanda talagang gusto nila na may
mag-aalagang Pilipinong caregiver sa kanila.
Isa pang ilalakad ko na pumasok sa Japan ang
mga information technology professionals. after my meeting with you today, I shall leave
for Bahrain. And in Bahrain, the meetings will also pursue the same thrusts at what I
sought in Japan. We shall widen the range of our diplomacy to reinforce our domestic
policies and programs to uplift the lives of our people. 'Yung aking administration, ours
is an administration that has been working across continents to bring the message of
Filipino pride and pride in the Filipino's bright future. this is part of the reform and
the changes in the system, and part of the unity and reconciliation we are seeking in our
country as we bring all Filipinos worldwide and at home together behind the sustained
march for peace, progress and prosperity.
Sabi ko, change in system, pagbabago sa
sistema. Sa dalawang taon at kalahating pagkapangulo ko nakita ko na, naunawaan ko kung
ano ang mga kailangang pagbabago sa aking sistema. Isa dito sa mga pagbabagong sistemang
sinisikap kong gawin at lalo ko pang isisikap na gawin, gusto kong itayo sa Pilipinas ang
kagaya nang ginawang pagbabago dito sa Hong Kong, 'yung itinayong Independent Commission
Against Corruption o ICAC. At sa pagbabagong inuumpisahan ko na ang preparasyon, ang aking
adviser mismo ay walang iba kungdi 'yung mismong unang nagtayo ng ICAC dito sa Hong Kong.
at nung siya ay pumunta sa Pilipinas at tinignan niya kung ano na ang inumpisahan kong
gawin para ihanda ito sa kanyang press conference, pinuri niya ang aking administrasyon at
nakita niya determinado ako na ipaibayo ang sistema natin sa Pilipinas laban sa
katiwalian.
Tungkol naman sa kapayapaan, siguro narinig
na ninyo nasugpo na at nahuli na si Kumander Robot, 'yan ang leader ng pinakahiya-hiyang
kidnapping sa Sipadan noong taong 2000. Now, all the surrounding issues of the Sipadan
kidnapping can be given light through the judicial process and institutional
investigations. Our priority is criminal justice and we will pursue this without being
distracted by the peripheral issues. Let the light come out so the public will see the
truth behind this most notorious incident in the history of crime and terrorism.
Tungkol naman sa kaunlaran, nitong nakaraang
quarter, ayon sa ating mga statistika ang ating growth rate sa Pilipinas ay number 6 sa
dalawampu't isang ekonomiya sa Asia at Pacific. at sa ibabaw ng pag-angat ng produksyon sa
loob ng Pilipinas na 4.4 percent -- number six nga sa 21 economies dahil sa inyong
remittances 4.4 percent GDP growth rate ay naging 5.9 percent GNP growth rate dahil kasama
ang remittances sa GNP. Kaya maraming salamat sa inyo, ang inyong remittances na
nagkakahalaga ng mahigit 200 million U.S. dollars kada taon ay malaki ang naitutulong
hindi lamang sa inyong pamilya kung hindi pati na rin sa ating bansa.
Kaya sa inyong mga nakikinig sa akin sa mga
nakaraang pagpupulong natin siguro maalala n'yo laging sinasabi ko kayo ay overseas
Filipino workers pero kayo na rin ay overseas Filipino investors dahil 'yung inyong
remittances ay nagsisilbing investments sa edukasyon, sa pabahay, sa puhunan ng inyong mga
minamahal sa buhay. Hindi ba investments lahat noon at galing sa inyo.
Nais ko namang ibalik sa inyo ang pagtulong
sa pamamagitan ng mga programang mapapakinabangan ninyo at ng inyong mga mahal sa buhay sa
Pilipinas.
Kaya sa ibabaw ng Overseas Voting Law, na
hindi ba ilang taon, ilang administrasyon, ilang kongreso na n'yong hinintay, sa wakas ay
pumasa sa loob ng aking administrasyon ang Overseas Voting Law. at hindi lamang 'yon,
'yung Anti-Money Laundering Law 'yon ay hindi lamang para hulihin ang mga money
launderers, 'yon ay para sa ganun hindi tayo bigyan ng mga parusa ng international
community at hindi dagdagan ang red tape ng inyong remittances. Kaya itong Anti-Money
Laundering Law rin ay ikinabubuti ng ating OFW para hindi kayo mahirapan ipadala ang
inyong remittances sa ating bansa.
Pinalawak ko rin ang ating programang pabahay
para sa mga manggagawa, sa aking administrasyon talagang sadya nating isinama ang overseas
Filipinos sa ating pabahay program para sa mga manggagawa. At dinig ko maganda ang naging
resulta ng tatlong pag-ibig housing fairs na ginanap sa Hong Kong mula noong nakaraang
taon na ito ay isinama natin sadya ang OFW. Ayon sa ating PAG-IBIG office sa Hong Kong,
umabot na sa 78 million pesos worth of housing ang binili n'yo mga overseas workers sa
Hong Kong itong tinanggap ng iba't-ibang housing developers na galing Pilipinas sa
naturang housing fairs. Kaya nga 'yung confed properties, sa laki ng kanilang kita, okay
na sa kanila ang mag-donate ng additional housing kasi 78 million ang binigay na n'yong
housing revenue sa ating mga housing developers. Kaya sa mga hindi pa nakakasali sa
pag-ibig housing fairs, may ika-apat na gagawing housing fair sa darating na enero. Sumali
kayo para naman ang inyong pinaghirapang sahod ay mapunta sa isang kapakipakinabangang
bagay either bahay ng inyong mga kamag-anak o bahay ninyo para kayo kung kayo ay
magre-retire na sa Pilipinas.
Hindi lamang sa registration magaling ang
Hong Kong, pati na rin sa pagiging miyembro ng SSS, alam ba n'yo topnotcher din kayo? sabi
sa akin ng ating SSS officer dito, 88,000 na ang SSS members sa Hong kong. andami 'no,
vast majority at patuloy pa rin ang ating promosyon ng magagandang programa ng SSS dito,
pati na rin sa Macau.
'Yung provident fund, hindi ba itinayo natin
'yon para magkaloob ng social services at emergency loans sa ating mga OFWs? Mayron na
tayong mga enrollees ngayon mula sa Hong Kong pati Jeddah, Qatar, Milan at Roma.
Mabuti rin at aktibo ang mga marami sa inyo
sa mga livelihood at skills training services na pinalawak natin. 'Yang ating programa
para sa mga teachers sa examination at sa paghahanap ng item para sa inyo, lahat po 'yan
ay utos ng pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ako po ang nag-utos noon. may mga umuwi, may
mga gustong bumalik dito dahil nagkakulang daw ng item. Gusto kong ipahayag sa inyo, sa
2004 budget ay merong uling dagdag na item para sa mga bagong teachers.
Dito sa Hong Kong alam ko na naghihirap ang
Hong Kong. Ang Pilipinas nga mabuti may 4.4 percent growth rate, GDP, 5.9 GDP. Hong Kong,
negative ang growth rate itong taong ito. 'Yung kahirapan ng Hong Kong alam kong nadadanas
din ng paghihirap ninyo mga nagtratrabaho dito sa Hong Kong. Una sa lahat 'yung SARS,
nalulungkot ako kasama ninyo na mayroon tayong mga kababayan na naging biktima dito sa
Hong Kong, pati na rin sa ibang mga bansa gaya ng Singapore at Canada. Hindi natin sila
kalilimutan sa ating dasal at nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagtatrabaho sa Hong Kong
hospitals dahil sa inyong sakripisyo at magpasalamat din tayo sa ating doktor na pinadala
ko dito -- 'di ba si Dr. Fajardo yuon? -- para maglingkod sa inyong lahat. Malaki ang
kanyang pagsisikap noong nagkaroon ng SARS para isigurado na ang ating mga OFW hanggang
kaya ay ligtas sa SARS.
Mabuti na rin ay doon sa Pilipinas naagapan
natin ang SARS. Maliban sa dalawang namatay sa SARS -- 'yung isang worker galing sa Canada
at saka 'yung tatay niya -- ay hindi kumalat ang SARS. At buong mundo ay pinuri ang
pamahalaang Pilipinas dahil sa ating sars management. 'yan nga ay isang binibigay na
patunay na 'yung ating administrasyon ay dalubhasa na sa crisis management.
'Yung isa pang problema ng ekonomiya ng Hong
Kong na kung saan pati kayo mga OFW ay nadamay ay 'yung napakalungkot na pagbawas ng
allowable wage at... Minimum allowable wage at ang pagpataw ng levy sa mga employer ng mga
foreign domestic helpers. Ako po sa lahat ng mga pitong bansa na nagpapadala ng OFW dito,
ako po ang pinakamasigasig sa lahat ng head of government na ipinaglaban ang aking mga
OFW. inalok ko, inalok ko pa nga 'yung ibang mga namumuno. Ipinaglaban ko kayo at inaalok
ko pa ang ibang mga lider nung ibang bansa na may domestic helper dito para magsama-sama
tayong lahat sa pakikipagbakang ito at tayo ay nagsampa ng kaso. Tayo ay naglead doon.
Pitong bansa ang nagkasama pero ang pinakalider ang Pilipinas.
Pangalawa sa activeness ay ang Indonesia, at
ayon sa ulat, naging matagumpay naman ang unang bahagi ng ating pakikibaka dito sa Hong
Kong high court tungkol sa isyung ito bagamat may kabagalan. Alam naman n'yo sa Pilipinas
akala natin ang korte matagal ang kanyang proseso, pati sa ibang bansa, pati na rin sa
Hong Kong. Ngunit ayon sa abogado na humahawak ng kaso at pati na rin sa ating konsulado
meron ng date for argumentation tungkol dito sa kasong ito. umasa kayo na hindi ako
titigil na iparating sa mga awtoridad ng Hong Kong ang aking pakikibaka, ating pakikibaka
sa kapakanan ng ating mga OFW dito sa Hong Kong.
After all, gaya nang sabi ko, kayo ay
huwarang Pilipino. huwaran sa pagtatrabaho kaya mahal na mahal kayo ng inyong mga
employers pati sila ay ipinaglalaban kayo. huwaran bilang mamamayan kaya kayo ang number
one sa Overseas Voting Registration. huwaran sa paglilingkod sa ating ekonomiya dahil ang
dami- dami n'yong pinapadalang remittances.
Mga Pilipino sa Hong Kong, sa Macau, salamat
na kayo ay huwarang Pilipino. Sana tuloy-tuloy ang inyong tagumpay.
Maraming salamat at merry Christmas sa inyong
lahat. |