HOME

BACKGROUNDER

NEWS

PHOTOS



 

PGMA's Speech during a Luncheon with the Filipino Olympians and the Filipino Community in Beijing
Grand Ballroom, Asia Hotel Beijing, China
August 9, 2008

 
Maraming salamat Secretary Romulo sa iyong pagpakilala.

Maraming salamat din Speaker Nograles at ibang mga kasapi ng Philippine delegation na nagpunta dito sa Beijing lalo na para magbigay ng parangal at to cheer on ang ating mga atletang Pilipino dito sa Beijing.

Gusto kong ipakilala sa inyo ang ilan sa ating mga Southeast Asian Games gold medalists na nandito ngayon sa olympics. Well, hindi siya Southeast Asian Games gold medalist pero una sa lahat nakilala ninyo ang ating four-time world champion ng boxing, si Manny Pacquiao. Dala niya yung kaniyang inspiration, si Jinkee.

Si Manny ngayon ang tinuturing na pinaka-greatest Asian boxer sa kasaysayan. Gawa ng apat na kategorya na siya nag-world champion, ngayon ipaglalaban niya ang pang-lima, nagtra-training na sa Amerika, pero bumalik dito sa Asia para magbigay ng parangal sa ating mga atleta.

Yung ating mga gold medalist sa Southeast Asian Games na nandito ngayon para makapagpaligsahan sa olympics, nandito si Miguel Molina; si Daniel Coakley; si Ryan Arabejo; si James Walsh; si Sheila Mae Perez; si Ryan Fabrega. At gusto ko rin tumindig yung ating ibang mga atleta na makikipagpaligsahan ngayon.

Alam niyo nung ginagawa nila itong… nung protocol yung schedule na ito, sabi nga nila sa Filipino community imbitahin natin yung mga atleta. Sabi ko, kaya lang ‘wag natin silang pipilitin kasi gusto natin yung pahinga nila, yung training nila hindi maistorbo kasi ang pinakamalaking parangal na maibibigay nila sa ating kababayan ay manalo sila at ayaw natin na magkaroon ng sagabal sa kanilang pananalo sa pagpunta dito.

Pero kaninang umaga tinanong ko, “Ano, may mga atletang pupunta?” “Meron.” Sinabi ba ninyo hindi kailangan kasi gusto natin na magpahinga sila, mag-ensayo sila. Alam raw nila yon pero kusang sila ay pumunta rito para makibati rin sa ating Pilipino.

At dito sa China meron din tayong mga gold medalists na Pilipino. Hindi sa Beijing Olympics necessarily pero sa kanilang ekonomiya, sa kanilang community.

Eh noong huling ilang beses na nagpunta na ako dito sa China, ang ating isang celebrity ay si Jimmy Flor Cruz. At yung isang torch bearer na pinakilala ni Ambassador Sonia Brady na binabati ko rin ngayon ay yung anak pala ni Jimmy Flor Cruz, di ba?

Isa pang torch bearer na pinakilala ni Ambassador Brady ay si Marco Torres na kumakatawan sa Filipino community dito sa entablado. At ako ay nasisiyahan na si Marco Torres ay marketing manager ng isa sa mga leading design firm sa Asia. Yan ang halimbawa ng mga magagaling na Pilipinong narito sa Beijing at saka sa China.

Meron pa tayong isang superstar, si Ben Lim ng Reuters. At isa pang e-e-export muli ng China patungong Pilipinas, kasi si Vlad Reyes ay magiging manager ng Peninsula doon sa Pilipinas.

At yung ibang mga teachers, professionals, musicians na binanggit ni Sonia kanina, congratulations sa inyong lahat. Ang ganda-ganda ng inyong pagkakatawan sa ating bansa dito sa Tsina.

Ako ay nagpapasalamat sa pagkakataong makita kayo muli. Ilan sa inyo nakita ko na sa mga nakaraang pagbisita gaya nang sabi ko si Jimmy Flor Cruz ay isang parati nating pina-flag wave dahil sa kaniyang celebrity status. Pero ako ay nasisiyahan na narito kayo muli at para iulit yung sinabi ni Sonia na ginagalang kayo ng pamahalaan at ng taumbayang Pilipino dahil sa inyong sakripisyo at malasakit sa inyong trabaho, sa inyong pamilya at sa ating bansa.
At tinatanggap ng buong loob ang inyong kontribusyon. Ngunit gaya nang sabi ni Sonia nagtatrabaho rin tayo sa bisa ng pag-angat ng ating ekonomiya para sa araw na hindi na kailangan pumunta pa ang Pilipino sa ibayong dagat para magtrabaho. That the day can come when overseas work is just a career option and not the only choice you have for a good job.

Noong isang taon, naranas natin sa Pilipinas ang pinakamataas na pag-angat ng ating ekonomiya sa loob ng isang henerasyon. Pero itong taong ito buong mundo ay nahihirapan sa global economic slowdown at saka sa pagtaas bigla ng presyo ng langis at pagkain.

Kaya walang pagod tayong nagtatrabaho para harapin itong mga hamong nanggagaling sa paghina ng pandaigdigang ekonomiya na sinasamahan pa ng pagsipa ng matataas na presyo ng langis at pagkain. Masipag tayong nagtatrabaho para tiyakin na matatag ang supply ng pagkain sa ating bansa at may pagkain sa bawat mesa. At salamat na lamang na siguro pag kayo ay nanonood ng telebisyon nakikita niyo ang food riot sa iba’t-ibang mga bahagi ng mundo. Doon sa Pilipinas, hindi tayo nawawalaan ng bigas.

Hindi lamang yon, ang presyo ng bigas ngayon sa Pilipinas ay mas mababa keysa sa presyo ng ating mga karatig-bansa. Gumagawa rin tayo ng mga hakbangin upang bawasan ang pasanan sa ating taumbayan nitong matataas na presyo ng langis at pagkain sa mundo.

Halimbawa, may subsidyo tayo sa bigas at kuryente para sa pinakamahihirap. Kaya meron tayong… ang presyo ng bigas sa, halimbawa, Thailand o Vietnam umaabot ng 50, 60 pesos. Sa ating bansa meron tayong mabibiling bigas, market price na 32 pesos. Yung Malaysia, yung Indonesia, sila ay nagsa-subsidize ng bigas. Yung kanilang subsidized rice mga 25, 27 pesos; yung ating susidized rice, 18.25. At nagagawa natin ito dahil sa reporma ng buwis na nagawa natin ilang taong nakaraan. Meron tayong malaking kaban ng bayan ngayon para sa mga subsidyong ganoon. Kaya ako ay nagpapasalamat uli sa ating mga Congressmen na narito ngayon dahil kung hindi niyo nagawa yuon nung ilang taong nakaraan ay hindi natin makakaya itong krisis na nangyayari sa buong mundo.

Yung sa presyo ng langis, ang pinakamalaking epekto noon dapat ay sa transportasyon. Ngunit sa kabila ng napakalaking sipa ng presyo ng langis sa buong mundo dahil meron tayong mga tulong na naibibigay sa sektor ng transportasyon, pumapayag naman sila na ang pagtaas ng pasahe sa Pilipinas ay one peso lamang, parang presyo lamang ng isang text message ng inyong mga kamag-anak sa Pilipinas. At doon naman sa kuryente na pangalawang pinaka-epekto ng mahal na langis sa mundo yung mga pinakamahihirap ay nagagawa natin na mabigyan ng konting subsidyo rin, subsidy, para tulungang bayaran ang kanilang mga electric bills. Kaya ito ang mga nagagawa natin, kasama ng ibang mga paraan para maibsan ang napakalaking kabigatan na kinakarga ng karaniwan at mahihirap na Pilipino.

Nagtuturo rin tayo ng Nutrition Education o wastong pagkaing hindi masyadong magastos. Kasama na nga dito ang pagpapa-iral ng breastfeeding para hindi tayo kailangan umangkat masyado ng gatas mula sa ibang bansa. At kaya naman tinanggap natin na ilunsad dito sa harap ninyo ang 2008 Breastfeeding Olympics o Worldwide Synchronized Breastfeeding. Kaya, congratulations!

Ganunpaman, anuman ang kilos na ginagawa natin, itong problema ng pagkain at langis ay pandaigdigang problema. Kailangan sama-sama tayo magtrabaho upang maresolba itong mga isyu kung gusto natin makita ang makabuluhang pagbangon muli ng pandaigdigang ekonomiya.

As President Hu Jintao said yesterday in his state lunch for the guests of the Olympics, and i quote. He said, “The international community faces grave challenges unprecedented in history. There has never been a greater need for us to understand, accommodate and cooperate with each other.” Yun ang sinabi ni Pangulong Hu Jintao kahapon.

At itong olympics ay naghahandog sa bawat bansa sa mundo ng pagkakataong isantabi yung mga nagpapahiwalay sa atin at tunay na magsama-sama at ipagdiriwang ang human spirit. At kaya naman ipinagmamalaki natin ang ating mga atleta na naka-qualify sa Beijing Olympics.

Alam niyo 15 ang ating athletes kasi ang hirap-hirap maka-qualify pa lamang. Kaya, the fact that they have qualified, sila ay mga kampeon na sa puso ng mga Pilipino.

Gaya ni Manny yung ating olympic athletes ay huwaran para sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino. Kasi ang ating bansang Pilipinas, hindi ba napaka-hilig natin sa sports? At hindi ba tinatanaw natin yung mga sakripisyo ng ating mga atleta para makipag-kumpetensiya sa antas ng world class. Kaya si Manny Pacquio ay isang talagang idol ng napakarami dahil nakikita natin ang kanyang sakripisyo at nakikita natin ang bunga ng sakripisyo sa pamamagitan ng kanyang tagumpay sa world stage. Dito sa olympics, kinakatawan ng Pilipinong delegasyon ng mga atleta ang lahat ng mga Pilipino. So I’m glad that they are here even if we did not require them to come. I’m glad that they are here in this lunch para naman malaman that the whole country is cheering for them.

China has worked hard to bring the world a truly memorable olympics. At kayo mismo kasi nakatira kayo dito sa Beijing, testigo kayo, first hand, sa napakahirap na trabahong ginawa ng China para mabuo these spectacular facilities and the exciting events associated with these games.

Naalala ko tuloy yung APEC Summit noong 2001. Ilan sa atin magkasama noon doon sa Shanghai. I have had the pleasure of attending a number of APEC Summits but the one I remember most was the summit that China so ably hosted in Shanghai in 2001. Para na rin yung pag-host nila nitong olympics ngayon. It was my first summit after I became president. But more than that, it was the first summit coming on the heels of the tragedy of 9/11, which had changed the world, heightened global concern regarding terrorism which generated so many unfortunate events including a global economic slowdown, similar doon sa nangyayari ngayon na global economic slowdown

Sa pag-aalala ko noon under China’s oversight, that APEC Summit in Shanghai played a major role in sending a clear and strong message to the international community that the Asia-Pacific community was united in its efforts to counter the threat of terrorism and that the economies of APEC were also united in their efforts to promote APEC’s vision of free, open and prosperous economies.

Sabi nila, coming out party ito ng China. Yung APEC Summit, coming out party nila yun sa ekonomiya ng mundo. And the fact that APEC subsequently gave its support to China’s membership in the WTO, that year can clearly be attributed in great part to the leadership that China showed at the summit and afterwards.

First impressions are always powerful. In this case, not only was China my first APEC Summit, but China was also one of the first to congratulate me when I was sworn in as president of the Philippines in 2001. Sa mensahe noon ni President Jiang Zemin, he called me an “old friend of the Chinese people.” Alam naman natin lahat, for the Filipino people as well as for the Chinese people, reference to an “old friend” is an expression of deep respect and openness toward the other. The APEC Leaders’ Summit in Shanghai was also my first visit to China as head of state, though as vice president, nagpunta na ako dito bilang panauhin din ni Vice President Hu Jintao noong panahong yun kaya matagal na old friend na nga.

So, I particularly remember the warm reception I received from the leaders of China, who manifested China’s wish to build our relations. At yun ay hindi sa salita lamang.

Today, Philippines-China relations are at an all time high.

Kahapon sa state luncheon ni President Hu Jintao, alam niyo walumpu ang kanyang heads of government na nagpunta rito, isang dosena lang mauupo niya sa kanyang head table, kasama doon ang pangulo ng Pilipinas.

At sa walumpung mga pinuno na narito hindi niya pwedeng ma-meet lahat sa bilateral, so may iba grupo-grupo. Ilan lang ang talagang bilateral na one-on-one at isa doon ginanap kaninang umaga, kiniwento nga ni Sonia Brady ay ang delegasyon ng Pilipinas.

At lumalawak nang husto ang ating kalakal kaya eto, tignan niyo yung mga naka-amerikanong mga guwapo diyaan, sila ay kumakatawan ng ating malaking business delegation na narito ngayon. Kinatawan lang sila dahil ang daming ibang merong ongoing bilateral, you know, yung mga bilateral meetings between Chinese businessmen.

Kanina nga binanggit ni President Hu Jintao na ang ating pangangalakal sa isa’t-isa ay umabot na sa 30 billion U.S. dollars, number one export market natin ang China ngayon.

Tuloy rin nating pinapalalim ang pagsasapalaran natin sa ibang bagay. At ang isang importanteng kasama dito ay ang importanteng kontribusyon ninyo, ang ating Overseas Filipinos dito sa China. Oo nga’t 1,500 lang kayo dito sa Beijing gaya nang sabi ni Sonia, pero grabe naman yung 1,500 na yun, napakabigat na mga kasapi ng Beijing kayo dito. Ating mga Filipino professionals, ating mga skilled worker, ating mga technical workers, malaki ang inyong kontribusyon sa ekonomiya at sa kultura ng People’s Republic of China.

Kaya sa inyong napakagalang-galang na pagtra-trabaho at mga pwesto sa inyong pinagtratrabahuan dito sa China, ang laki ng inyong tulong sa pagpapalakas ng ating relasyon sa pamamagitan ng Tsina at Pilipinas.

Kaya bukod sa mga remittances na pinapadala ninyo, napakalaki ang inyong kontribuson sa kaunlaran ng ating bansa.

Kaya ako’y nagpapasalamat sa ating 1,500 Filipinos na narito sa Beijing, salamat sa inyong tulong sa ating gumagandang relasyon, lalong gumagandang relasyon sa Tsina.

Salamat sa inyong tulong sa kaunlaran ng ating bansa. At nawa’y tuloy-tuloy pa ang inyong suporta sa ating minamahal na bayang Pilipinas.

Maraming salamat sa inyong lahat.
 

TOP | HOME