RomPor-ban-spch.jpg (23237 bytes)


PGMA's Speech during a Meeting with the Filipino Community
Pontificio Collegio Filippino, Via Aurelia 490, Rome, Italy
03 June 2007

Thank you so much, Ambassador Lhuillier.

Secretary Romulo; His Eminence Cardinal Sanchez; Monsignor Santos and the members of the Filipino clergy in Italy; members of the Philippine delegation; our Presidential awardee, Tomas Concepcion; Mr. Salvador; Consiglieri Comone De Roma and distinguished Philippine representatives to the various Municipios in Rome; officers and staff of the Philippine embassies in Rome and in the Vatican headed by Ambassador Nida Vera, Philippe Lhuillier; mga panauhin; mga minamahal nating kababayan, magandang hapon sa inyong lahat.

Karing Cabalen kung kapampangan mayap a gatpanapun kekongan caracal palang capampangan queti. Sa mga kaigsuonan ni Ambassador Vera, maayong hapon kaninyong tanan. May ara ba mga Ilonggo diri? Maayong hapon sa inyo nga tanan. Dagidiay Ilocano, adda Ilocano idtoy? Naimbag nga malem yo amin apo; to our beloved Bicolanos, marhay na hapon sa indo gabos.

Karangalan at pribilehiyo kong makipagkita na naman sa inyo. Una sa lahat, siyempre para ipaabot muli sa inyo ang pagkilala at pagpasalamat ng ating mga kababayan sa inyong kabutihang loob. At salamat sa inyo na nagbigibay kayo ng magandang pangalan sa lahat ng mga Pilipino dito sa Italya sa inyong kagandahang loob. Halos tuwing may italyano tayong kausap, bukang-bibig pagpuri sa mga Pilipino.

Saka sa nakita ko kanina na yung ating mga next generation of Filipinos, pati yung ating former seminarians, pati si Mr. Concepcion na dalubhasa na artist dito sa lugar kung saan napakaraming mga artists. Siyanga pala mga taga Pyrennes, thank you for coming here, taga Naples. Talagang mukhang at home na at home kayo dito sa lipunan ng Italya. Well, bakit naman hindi, magkatulad ang ating pananaw, kultura, paniniwala. Gaya nang sabi ni Cardinal Sanchez ang ating pananampalataya dito ang pinaka kapitolyo ng ating pananampalataya. Tayo ang pangatlong pinakamalaking katolikong populasyon sa buong mundo pero sa tingin ko bagamat siyempre maraming kakulangan bawat lipunan, gaya nang sabi ni Cardinal, number three tayo sa Catholic population pero number one sa devoutness ng ating pagka Catholic.

Tignan niyo yung mga patakaran ng ating bansa, wala tayong divorce, 'di ba? Family is a very important... Ang ating patakaran sa family planning ay natural family planning, wala tayong death penalty, tayo ay pro-life. At kaya yun ang isang dahilan palagay ko kung bakit napaka maganda ang tingin ng mga Italyano sa ating mga Pilipino. Hinahangaan ng mga Italyano ng iba't-ibang antas ng buhay, maging kausap ko nung isang taon yung pangulo at prime minister o kaya kausap ko yung mga karaniwang mga Italyano diyaan, maganda ang kanilang sinasabi sa inyong mga magagandang asal. Hindi nakakapagtaka na sa lahat ng mga overseas workers na narito, kayo ang pinakagusto ng mga italyano, pinakagusto nila ang mga Pilipino.

Kaya ayon na rin sa pagtrabaho ni Ambassador Lhuillier taun-taon tatlong libong Pilipino ay nakakapasok at nakakapagtrabaho sa Italya at kaunting bansa lamang ang binibigyan ng ganitong pribilehiyo. Kagaya nung nagkanta kanina taas noo tayo na tayo ay Pilipino kapag naririnig nating lahat ng magandang sinasabi tungkol sa inyo dito.

Noong isang taon, ang inyong lingkod ay narito at merong ilan sa atin nagkita rin at isang pinag-usapan natin nung isang taon, yung hiniling natin sa pangulo at prime minister, dahil nakipag-ugnayan ang inyong lingkod sa kanila, ng italya yung importanteng kasunduan sana ukol sa pagkikilala sa Italya ng Filipino driver's license. Naalala niyo yung pinag-usapan natin? Eh salamat sa Panginoon, congratulations! Ambassador, natupad na ito ngayon. Hindi ba ambassador, automatic nang nako-convert ang Filipino driver's license sa Italian driver's license. Kaya magiging mas madali para sa Pilipino na tumira at magtrabaho dito sa Italya at magbubukas din ito ng mga bagong pagkakataon sa serbisyo sa transportasyon.

Bukod sa mga ito, mayroon pa tayong isa pang magandang balita para sa ating mga Filipino rito. Dahil na rin sa rekomendasyon ni Ambassador, inaatasan natin ngayon ang Department of Foreign Affairs -- at alam na ito, inaprub na ito ni Secretary Romulo -- ibababa ang passport fee. Ibababa ang passport fee ng 65 Euro para maging 50 Euros na lang. At yung mga fee naman para sa mga affidavit, certification, notarials mula 32.50 Euros ay magiging 25 Euros na lang.

At bakit naman hindi? Dakilang mga bayani kayong mga ating mga overseas Filipinos sa inyong mga sakripisyo at malasakit sa inyong trabaho, inyong pamilya, at inyong bansa. Sampung porsiyento ng ating bansa ay overseas Filipinos. Eto ay hindi katangi-tangi. Yung mas mayamang bayan Portugal sampung porsiyento rin ng kanilang mga portuguese ay nagtatrabaho sa ibang bansa. At daig pa tayo ng New Zealand na first world na first world na bansa. Ang New Zealand 25 percent sa kanila ay nagtatrabaho sa labas ngunit may iba't-ibang asal. Doon sa New Zealand, kung saan ang inyong lingkod ay nanggaling kasama ni Secretary Romulo, ang kuwento nila sa akin kahit na nagtratrabaho sa ibang bansa yung anak, yung nanay at tatay na nasa New Zealand, sila pa ang nagpapadala ng pera sa kanilang anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Pero ang ating mga Pilipino sa labas, sa Italya, kayo ang nagpapadala sa inyong mga magulang at pamilya.

Salamat at 600 million dollars a year ang pinapadala ninyo sa ating minamahal na bansa. Alam niyo nung 2001 nung ako ay unang umupo bilang pangulo, walong milyong Pilipino ang naabutan ko sa labas. Ngayon, walong milyon pa rin dahil habang may lumalabas, may umuuwi. Ngunit ang mga overseas Filipino bagamat hindi lumaki ang total number dinoble ang pinapauwi. Yung naabutan kong seven billion bago 2001 ay naging 13 billion dollars na ngayon. Kaya maraming salamat. Sabi nga nila ito ay dahil namumuhunan na ang ating mga overseas Filipino sa ating bansa kaysa nagpapadala lamang para sa batayang pangangailangan ng mga pamilya. Kaya talaga ang dapat ibansag sa inyo ay hindi lang OFW o Overseas Filipino Worker kung hindi OFI or Overseas Filipino Investor.

Namumuhan kayo sa edukasyon at kalusugan, meron pang nagdo-donate ng mga classroom. Namumuhan kayo sa real estate, bumibili ng lupa, bumibili ng bahay, bumibili ng condominium. Alam ba ninyo ngayon at talagang namumulaklak ang real estate sa ating bansa. Ito ay 40 percent ang kanilang market ay overseas Filipinos. Kaya maraming salamat na pinalaki niyo ang ating housing market dahil ang housing ang pinakamalaking multiplier sa lahat ng mga industriya, pinakamaraming nagagawang bagong industriya at trabaho. At meron din akong mga nakilalang namumuhunan sa financial capital gaya ng stock exchange at mutual funds at marami sa mga overseas Filipino ay nagpopondo ng small and medium enterprises ng mga kamag-anak. Kaya maraming salamat doon.

Ngunit, panaginip ko ang araw na hindi na kailangan sana na mag-abroad ang Pilipino. Panaginip natin that overseas work will be just another career option and not the only choice you often have to earn a living. Gaya ng mga New Zealand, mayaman sila. Kung nag-aabroad sila, it's a career choice. May magandang trabaho nahanap, mas maganda o na-pirate sila, hindi dahil kung hindi sila mag-aabroad hindi sila makakabuhay. Sana ganun ang ating ekonomiya. Kaya nakatutok tayo sa ekonomiya, pinapaasenso natin ang mga rehiyon ng ating bansa, sinisikap na imudmod ang kayamanan upang makahanap ng trabaho ang ating taumbayan sa sariling bayan.

Doon sa North Luzon at saka sa mindanao pinapalago natin ang agri-business. Doon naman sa urban beltway ay yung mula Subic, Clark, Manila hanggang Calabarzon, Batangas port, industriya pinapalagay natin doon at saka mga call center at iba pang mga services. At lately nga, yung Texas Instruments ng America ay inanunsyo na magdadagdag sila ng investments sa atin ng one billion U.S. dollars doon sa Clark. At ito ay pinili nila ang Pilipinas bagamat ibang mga lugar, dalawang malaking probinsiya ng China at Thailand, ay nagliligaw sa kanila pero pinili nila na ilagay ang kanilang puhunan sa ating bansang Pilipinas.

Yung ating mga call center, business process outsourcing, yun naman ay mula baguio hanggang Clark-Subic, Maynila, Cebu, Davao. Eh nung nagsimula ako sa aking pagka pangulo, dalawang libo ang nagtratrabaho doon. Ngayon, 250,000 na, two billion-dollar industry na. Kaya naniniwala akong nabibiyak na natin yung cycle unti-unti kung saan kailangan pang lumabas para makahanap ng trabaho. I like to think that as the years will come increasingly we will be keeping our best and brightest right in the Philippines, mas malapit sa mga kaibigan at kaanak, tumutulong sa ating pamayanan, at nagbibigay ng susunod na liderato ng pamunuan.

Mabuti nga dito sa Italya nandito yung mga anak ninyo. Ang Italya ay maluwang sa pamilya ng mga manggagawang Pilipino. Ang italya kasama ng hong kong ang pinakamagandang mga batas para sa mga manggagawang Pilipino. At ngayon gumaganda na rin ang batas doon sa England dahil gustong-gusto rin nila ang Pilipino. Ngunit gaya nang sabi ko mas gusto natin na pupunta kayo dahil mas gusto ninyo, hindi dahil kailangan kayong pumunta rito. Kaya sa ating pagsisikap, itong first quarter ng 2007, lumago ang Pilipinas, ang ating ekonomiya ng halos seven percent. Ito ang pinakamataas sa halos dalawang dekada at bahagi nito ang galing, pagkabayani at kasipagan ng dakilang manggagawang pilipino na namumuhunan sa ating bansa.

Yun ngang housing ang laking kinontribute sa ating GDP. At yung housing one-fourth noon ay kontribusyon... Ay, hindi one-fourth, 40 percent ay kontribusyon ng ating mga Filipino mula sa ibang bansa. Noong 2004, nung unang makaboto ang overseas Filipino, pinakamataas na porsiyentong bumoto sa Europe ang mga pinoy ng Italya, 62 percent sa inyo ay bumoto. At kung titignan natin yung top ten sa buong mundo kasama kayo sa top ten sa buong mundo. Siya nga pala presidential election yun, nanalo ako dito sa Italya, maraming salamat sa inyong lahat. Ngayong 2010 muli, ganun din karami ang bumoto sa inyo, at pinatunayan sa mundo na buhay at magaling ang demokrasya sa Pilipinas.

Ang mga ito ay mga hindi natatawarang senyas kung gaano kalalim ang inyong malasakit sa ating inang bayan at sa kaniyang kinabukasan. Pinapakita ninyo sa inyong mga gawain ang inyong kagustuhan na manatiling bahagi ng ating dakilang trabahong nation-building kahit napakalayo sa inyong tahanan. At bagamat malayo kayo sa inyong tahanan, gaya nang sabi ko, mukhang at home na at home na tayo rito. Congratulations! Doon sa ating mga kababayang nabigyan ng pambihirang pribilehiyong umupo sa mga town council bilang Consiglieri Aggionte, congratulations! Yes, kasi ayon sa batas ng Italya kayo ay nakakasalita doon sa mga town council sa mga bagay at isyung may epekto sa mga kapwa-Pilipino. Kaya mas lalo na ipagtatanggol ang karapatan ng Filipino dito.

Talagang inspirasyon para sa ating lahat ang inyong walang-sawang pagmamahal sa ating bansa. Your deep pride -- sabi nga nung ating singer kanina, "Ako ay Pilipino, Taas Noo" -- your deep pride in being Filipino lifts up Filipinos everywhere. At inaasahan kong tuloy-tuloy nating sasamahan lahat ng ating kababayan sa Pilipinas at sa buong mundo sa pagsikikap at panalangin dahil sa ating pananampalataya ang kinabubuti ng ating bansang minamahal.

Muli, maraming salamat sa pagkakataong makipag-ugnay sa inyo.

Mabuhay ang Pilipino dito sa italya!

Maraming salamat sa inyo.

[TOP]