PGMA's Speech during the Mass Graduation of the First Batch of Barangay Tanods |
Cuneta Astrodome, Pasay City (23 April 2003) |
| Maraming salamat, Kalihim Joey
Lina. Kawawa naman si Joey dinaanan na naman ng intriga. Kaya gusto kong sabihin sa inyo
lahat hindi ko balak ilipat si Joey Lina sa DPWH. Mayor Ttrinidad, maraming salamat sa inyong pagtanggap muli sa amin dito sa napakaganda at napakalawak na Astrodome ninyo; Deputy Director General Egay Aglipay na gusto ko nga ipahayag na hinihingi ko kay Police Chief Ebdane na i-appoint si General Aglipay sa ibabaw ng kanyang trabaho bilang number two man sa PNP ay maging pinuno rin ng anti-drug task force ng Philippine National Police. Kaya makikipag-ugnay siya doon sa Dangerous Drugs Board (PDEA) sa pangunguna ni Secretary Lina at saka ni General Jun Avenido; President ng Public Safety College, Ramsy Ocampo; lahat itong mga training na ginagawa sila Ramsy ang gumagawa ng paghahanda ng mga curriculum; ang pinuno naman ng police dito sa NCR, General Rey Velasco; ang ating dalawang magagaling na Mayor na narito: si Mayor Marides Fernando, kapuri-puri kanina; si Mayor Rosendo Capco, na dating abogado ko noong ako'y Vice President para mag-alaga doon sa inabusong mga kabataan at kababaihan; ang ating bagong Undersecretary ng DILG si Agnes Devanadera; at... hindi kilala ng Protocol Officer natin si Director Benaldo. Nakalagay dito Undersecretary Alipio Fernandez. Mabuti kilala ko si Director Benaldo, aking kumpadre, na pinuno ng NCR, DILG; at siyempre ating mga magigiting na barangay tanod; ating mga panauhin -- at ang dami kong nakikitang mga panauhin -- 'yung mga pinuno ng iba't-ibang mga distrito at station ng pulis narito sila; mga barangay captain may nakikita rin ako narito; lahat sila magigiting na bisita natin sa inyong graduation; ladies and gentlemen: Kagaya ng lahat na nagsalita ngayon, malugod kong binabati ang lahat ng nagtapos ngayon sa pagsasanay ng mga barangay tanod dito sa National Capital Region. Alam nating lahat na ang Metro Manila karaniwan nang sumasalamin sa buong Pilipinas lalo na sa paningin ng ibang bansa. Metro Manila is the window of the world to the Philippines. Kaya napaka-importante ang kagalingan ng ating mga barangay tanod dito sa Metro Manila. Kung tutuusin, ang mga matitindi nating alalahanin nitong mga nagdaang araw ay hindi nagkaroon ng kaganapan dahil sa pagtutulungan nating lahat -- mga pinunong lokal, pulis, militar, mamamayan at mga barangay tanod, pinaka-frontliner sa ating mga alagad ng batas. Ang ganitong pagmamatyag ang nagpabawas sa ating takot laban sa paglaganap ng terorismo -- gaya ng sabi ni Joey -- krimen, pati na rin ang sakit ng SARS. And I'd like to take this opportunity to thank the barangay folk of Alcala, Pangasinan for submitting themselves to quarantine. We appreciate their discipline and sense of sacrifice for the greater good of the public. Kayo sa mga barangay tanod dito hinihiling ko sa inyo na tulungan ang ating mga pamayanan kung papaano harapin itong problema ng SARS. Unang-una, sana manguna kayo sa inyong pamayanan na sabihin sa ating mga mamamayan. We must take a sensible view of the situation. Kung sakali kailangan -- huwag naman mangyari -- pero kung sakali kailangan may isang barangay dito sa Metro Manila ay ma-quarantine, please explain to the people that the quarantine of a barangay does not mean that its residents are SARS carriers; it is merely a standard precaution, in the meantime that our health authorities determine the facts which shall be made available to the people. Mamaya ng 2:30 si Secretary Manolet Dayrit ay magbibigay ng briefing tungkol sa ating national SARS plan at sana subaybayan ninyo mga barangay tanod para ganoon tignan n'yo ang inyong papel na kailangan iganap ninyo dito sa ating plano. I regret the tragedy that has befallen the Catalon family. Next week, I will attend the ASEAN SARS summit and try to find ways to safeguard the health of our workers in other countries and to preserve their jobs. I ask for total cooperation from our people, wherever they are. At kaya inaasahan ko na ang mga barangay tanod ng Metro Manila ay tutulong dito sa problema ng SARS. I ask you barangay tanods, let's appeal to those who feel they are at risk of having SARS to voluntarily quarantine themselves and seek assistance from health authorities. The welfare of our nation rests upon the sense of duty of each and every citizen. Inaasahan ko na ang mga barangay tanod ay aalukin ang bawat mamamayan sa kaniyang alagang lugar na gagawin ang tungkulin sa krisis na ito. Throughout the stressful period in the run up to Holy Week, our LGUs including the barangays, kept in step with all the needed efforts to allay the concerns and anxieties of our people, and to give our people peace of mind. Kaya ako ay nagpapasalamat sa inyong lahat dahil mapayapa ang ating Holy Week sa kabila ng mga pagbabanta ng mga terorista. Salamat sa inyong pagsusubaybay. at kahit na napakagaling ang ginawa ninyo this past Holy Week, dahil graduation ito, napanahon naman ang okasyon upang ipa-alala muli ang mga pangunahing tungkulin ng ating mga local leaders. Alam na nating lahat na kayo mga barangay tanod ay na sa frontline. You are the cutting edge o vanguard ng pagiging matagumpay ng barangay sa pagpapatupad ng batas. Ang ating mga local leaders ang mangangasiwa sa pagmatyag ng lahat ng klase ng problemang sosyal at ekonomikal na kaugnay sa krisis, tulad ng presyo ng pangunahing bilihin at para tiyakin na ang komunidad ay ligtas sa lahat ng uri ng terorismo. 'Yung pagka-vigilante, terorismo rin 'yon. kaya pati 'yon ay dapat binabantayan natin. We're concerned about charges of vigilantism being aired in relation with the killings of activists in Mindoro Oriental. And when there are such charges, the authorities must step in to get rid... To get to the root of the matter soonest. At binanggit ko itong sa Mindoro Oriental dahil bahagi sa mga nagtanggol ng pamayanan ay 'yung mga barangay tanod doon sa Mindoro Oriental. Relative to this I have asked -- kasi 'yung Commission on Human Rights Independent 'yon ng Presidente. So hindi ko pwede silang utusan. Pero meron ding Presidential Committee on Human Rights. Ang namumuno dito ay ang Secretary of Justice -- at hiniling ko na kay Secretary Datumanong na mag-organize na siya ng task force para mag-imbestiga dito sa pangalan ng administrasyon. Bukod pa 'yon at saka kung ano man ang gagawin ng Independent Commission on Human Rights. At pinangalan na ni Secretary Datumanong si Undersecretary Joe Calida para mag-investigate dito. Kaya salamat sa ating mga barangay tanod doon dahil sila ang nanguna sa pagtatanggol. Kaya inaasahan ko rin na dito sa Metro Manila ganun din kamulat ang ating mga barangay tanod. Ang mga local leaders din ay information champions para sa katatagan ng ekonomiya at kagalingan ng publiko. Hinihiling ko na ang mga barangay tanod ay tumulong magpaliwanag ng ating mga patakaran, hindi lamang 'yung mga local issues sa inyong barangay kundi na rin 'yung ating national issues. Halimbawa, 'yung isyu ng ating humanitarian mission sa Iraq. Our participation in humanitarian and peacekeeping activities in post-war Iraq must be viewed within the framework of international collaboration. The terms of reference will be ironed out in due time. We are hoping for funding assistance, but we are determined to move on with whatever we have initially. Ang hinihiling ko sa mga barangay tanod tumulong sa pagpaliwanag ng mga bagay kagaya nito. Tumulong, let's not frontload the issue of money as if this were a market sale. This is about international goodwill and democracy. We're committed to help the people of Iraq heal the wounds of war and restore peace. Ito rin ang ating ginagawa sa ating bansa lalo na sa Pikit -- kung saan ako nanggaling kahapon -- para ipakita sa mga evacuees na ginagawa na 'yung kalsadang dekadang hinihintay nila. At para matignan kung ano pa ang kailangan nila para bumalik sila at matulog muli sa kanilang mga barangay. Ang mga pinunong lokal din ang ating anti-street crime czars. Indeed, the times call for our local leaders to be not only crisis managers but also information champions and anti-crime czars. Ang pananaw na ito sa panunungkulan ay nangangailangan ng mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng mga pamahalaang lokal at mga komunidad, na kinakatawan ng ating mga barangay officials, kasama na kayong mga barangay tanod. Sapagka't ang terorismo ay malakas ang loob at maraming ka-alyado sa buong mundo, hindi sapat ang pagkilos ng pamahalaang nasyonal lamang. Kailangan ang mga barangay tanod, at kailangan ang mga kaibigan mula sa ibang bansa -- kaibigan sa Malaysia. Kaibigan sa Indonesia. Kaibigan sa Libya. Kaibigan sa Amerika. Any joint training exercise against terrorism is under threat anywhere in the world. Neither we nor the American troops training our soldiers have any illusions about absolute security. The important thing is to ensure that all reasonable precautions are taken including timely alerts and level of preparedness. Napakalaki ang papel ng barangay tanod sa pagiging handa lagi doon sa pamayanan. Nakikita ko na kayo tinutugon n'yo ang aking panawagan. Kaya maraming salamat sa inyong pagmalasakit. Ang pagpapanatili ng kapayapaan sa ating bansa ay hindi trabaho lamang ng pulis o sundalo. Kailangan din ang commitment ng bawa't isa sa atin na igalang ang batas at supilin ang mga dahilang pinagmulaan ng terorismo at krimen. Hindi matatawaran ang papel na ginagampanan ninyong mga barangay tanod upang magtagumpay ang ating hangarin. Kaya nga ako ay natutuwa, bilang tugon sa aking direktiba sa PNP sa aming ginanap na command conference noong Pebrero beinte-uno, tumutulong na ang mga station commanders na sanayin ang mga barangay tanod sa paglaban sa kriminalidad. At gusto kong batiin ang ating host, si Ppeewee, dahil inumpisa pa niya itong training Enero pa bago pa nung ating command conference. But I'm very happy to learn that barely three weeks after our command conference, street crimes went down to 152 cases compared to 264 cases during the three weeks immediately preceding the February 21 command conference. Kaya congratulations! Sa mga barangay, dahil kayo ay may hawak na awtoridad at kinikilala ng inyong mga kababayan. Madali ninyong ma-monitor, sa tulong rin nila, kung may estrangherong dumadayo sa inyong lugar upang gumawa ng hindi-mabuti. Kayo rin, gaya ng sabi ni Joey sa kanyang diskurso kanina, ang maaaring magsilbing mga mata at tainga ng pamahalaan sa pagkalap ng impormasyon na makakatulong sa kasiguruhan at katatagan ng ating bansa. Kaya hinihiling ko sa inyo na paigtingin sana natin ang inyong pagmamatyag laban sa iba pang mga sakit ng ating lipunan tulad ng illegal gambling at lalo na ang drug trafficking. Kaya binanggit ko 'yon kay Deputy Director General Aglipay, kasi mga tanod sa inyong mga drug trafficking at anti-drug trafficking activities, makikita na naman ninyo si General Aglipay doon sa mga aktibiting 'yon. Maaari rin kayong mag-monitor ng graft and corruption practices o pag-aabuso sa mga tungkulin ng mga opisyal ng gobyerno. Maaari rin kayong magpaliwanag sa ating mga kababayan tungkol sa isyu na hindi nila nalalaman o gaanong naiintindihan, tulad ng kung papaano maiwasan ang pagkalat ng sakit ng SARS. Dito ay inyong makikita na maaari ninyong palawakin ang inyong papel sa pagtulong sa ating pamahalaan. Ang suporta ng komunidad, ng inyong barangay, ang unang susi para maging epektibo ang mga programa ng gobyerno sa paglaban sa kahirapan, terorismo, kriminalidad at iba pang mga sakit ng ating lipunan. Kaya tuloy tayong magkaisa at magtulungan upang maging matagumpay ang ating mga hangarin. Hangad ko ang inyong tagumpay dahil ito rin ay tagumpay ng ating bansa at ng buong sambayanan. Kaya congratulations at mabuhay ang barangay tanod para matatag ang ating Republika. |