| PGMA's Speech during the Groundbreaking Ceremony of Candahon Bridge |
Mogpog, Marinduque (15 August 2003) |
| Maraming salamat, Secretary
Marita Jimenez, na siya ang Cabinet officer for Regional Development ng Region MIMAROPA.
Alam po n'yo, si Mai Jimenez ang dating regional Director ng Region IV noong ako ay
Undersecretary ng Trade and Industry, at ako naman ang cord noon -- ay, hindi - ng isang
lalawiganng Cavite. Pero dahil siya ay Regional Director ng Region IV, ginawa ko nga
siyang cord ng MIMAROPA. At dahil siya ang humahawak ng maraming foreign-assisted project,
kaya naman ang dami-daming proyektong dumadating sa mimaropa, kasama na nga 'yung
iba't-ibang mga pinag-usapan ni Governor Reyes. Nagpapasalamat ako kay Governor Reyes sa kaniyang mga napakagandang sinabi ukol sa nagawa natin dito sa nakaraang isang taon. Binabati ko rin si Congressman Edmund Reyes. Binabati ko rin si Board Member Nepomuceno at 'yung iba't-ibang punongbayan na narito. Pero siyempre binabati ko si Mayor Jonathan Garcia, ang Mayor ng Mogpog. Kinuwento nga ni Mayor Jonathan Garcia, na 'yung tatay ko, si President Diosdado Macapagal, ay nagpunta rito noong 1965, dahil tinayo niya 'yung inyong munisipyo, ang bayan ng Mogpog. Kasama ko rito ngayon si Secretary Cito Lorenzo ng agriculture. Dahil gaya nga ng sabi ni Governor Reyes, si Cito Lorenzo ang namamahala sa pagpabigay dito nung inyong mga seedlings ng mangga. At tama si gobernadora, nagdagdag pa kami. Kulang ito ha, sample lamang ito. Sana dinala natin iyung limang libong seedling para kayo ay maigaya sa lalawigan ng Guimaras, na ganun ding size. Iyung guimaras ay small but sweet, kasi ang mangga nila ay napakatamis. At kanilang mangga lamang ang nakakapasok nang magaan sa Amerika, sa Australia at iba pang lugar. Itong mga seedling na ito na sample lamang ito, ay sana makatulong sa inyo dito sa napakagandang lalawigan ng Marinduque. Tama rin si gobernadora na nagdadala tayo, at si Cito ang nag-implement nitong ating mga pumps para sa irigasyon dahil talagang number one na kakaiba ng mga magsasakang maykitang maganda at walang kitang maganda ay iyung may irigasyon, iyung magsasakang may magagandang kita. At dito sa lugar na ito, itong inyong barangay, napaka-productive pero mahirap magdala ng produkto kung ganito lamang ang inyong tulay. Kaya ito, gumagawa tayo ng multimillion bridge para mapadali ang inyong produkto. Narito rin kasama natin ngayon ang ating kalihim ng environment, si Bebet Gozun. Siya ang namamahala sa project study na binanggit ni gobernadora na magbibigay ng paraan kung papano mabawi ng mamamayan ng Marinduque 'yung problemang naganap doon sa aksidente doon sa Marinduque mining sa Sta. Cruz. Isa ring gingawa ni Bebet dito ay meron siyang... Ang DENR ay merong Memorandum of Agreement sa labindalawang obispo sa pag-aalaga ng bundok. At dito sa Marinduque, isa nga doon sa labindalawang obispo, kaya nasisiyahan ako na narito ang inyong obispong si Bishop Jose Oliveros. Alam n'yo, si Bishop Oliveros, mas kilala ko 'yung kapatid niya, si Roy Oliveros. O mas kilala naming lahat dahil si Roy Oliveros ay nandoon sa kilusang manggagawa at kasama natin doon sa kompil na nakatulong para maganap ang Edsa 2. Siya nga pala, naalala n'yo 'yung panahon ng Edsa 2? Naalala n'yo iyung spokesman ng impeachment trial? Hindi ba, walang iba kungdi si Edmund Reyes? Kasama namin, nila Edmund si Roy Oliveros, at tinutuloy niya ang kaniyang trabaho ngayon sa ilalim ng aking administrasyon bilang kasapi ng board ng Development Bank of the Philippines. Kaya kung gusto natin na magkaroon ng mga dagdag na barko sa roll-on/roll-off ferry para sa lalong lumapit ang Marinduque sa iba't-ibang lugar ng Pilipinas, lalo na sa panahon ng Moriones, ay maghanap tayo ng investor na hihiram sa DBP para sa roll-on/roll-off ferry. At si Roy Oliveros sigurado ako ay tutulong para iyon ay dumating sa lalawigan ng Marinduque. Mga punong barangay na narito, binabati ko kayong lahat. At mga kababayan, ako ay nasisiyahan na mabalik muli dito kasi galing na ako dito noong ako'y senador pa. Sa katunayan, lahat ng bayan ng Marinduque ay napuntahan ko na. Ngunit, narito na naman ako muli kasi gusto ko kung puwede, sana kausapin ko lahat ng mamamayan ng Marinduque, kung kaya ko lang sana. Kasi gusto kong malaman ninyo na alam ko ang damdamin ng mga maliliit na probinsya at pulo dahil ako ay maliit din. Alam ko na mahirap ang lugar ng malayo, kagaya nito, malayo dati magiging malapit. Pero alam ko rin na masaya kung minsan kasi ilang beses na akong naki-piyesta sa inyo dito sa Marinduque. Kung isang may natutunan ako sa aking pagbisita dito ay: "kahit na ikaw ay maliit, meron kang mahalagang nako contribute sa kasaysayan ng ating bansa." nung nagpunta nga ako noong isang taon dito, nagpunta ako sa Torrijos at doon ipinagdiriwang natin nga ang kontribusyon ng battle of Pulang Lupa sa ating kasaysayan. Sa katunayan nga, dahil napunta ako roon, nalagay pa ako sa front page, pinuputong ninyo ako. Hindi ba yon ang inyong kostumbre dito? Sinabi nung mga peryodiko, "look at her, may problema sa negosyo ang Pilipinas, bakit siya namimiyesta doon; bakit siya nagpapaputong ng korona?" eh inatake pa ako dahil doon. Hindi nila naiintindihan siguro -- 'yung mga 'yon, 'yung mga estamberong 'yon --na pagpupunta ka rito, doon ko nalaman 'yung halaga ng butterfly industry sa inyo. Doon ko nalaman ang pangangailangan ng inyong ospital. Kaya tuloy nagbigay ng 10 million, at narito ang 2.5 million na installment ng 10 million. Sa madaling salita, 'yang mga bagay na 'yan na pawang maliliit, kung nandoon ka sa Malacañang ay malalaking bagay sa mga karaniwang mamamayan. At 'yon ang dapat binibigyan ng pansin. Sa katunayan din, dahil na-iretrato ako noon, ay nalaman tuloy ng maraming mamamayan sa buong pilipinas "ano pala itong giyera ng pulang lupa; ano pala itong kagitingan sa ating kasaysayan ng mga taga-Marinduque." paano ko alam na nalaman ng buong bayan, buong bansa. Kasi pagkatapos noon, lahat ng nagdidiriwang ng kanilang great battle of history gusto nang pumunta ako sa kanilang pagdiriwang. Ngunit, hindi ko naman mapuntahan lahat dahil nga marami rin tayong kailangang asikasuhin sa kabisera ng ating bansa. Si Joey Lina nga eh, itong proyektong ito -- kaya kinatawan ng dilg ang nagbigay sa atin ng project description -- ay nasa ilalim ng dilg ang implementasyon nito na binibigay 'yung national counterpart sa local government. At 'yung local government naglalagay ng counterpart niya, at local government ang nag-i-implement. Pero hindi makapunta si Joey Lina dito dahil meron din siyang mahalagang inaasikaso. Ang inaasikaso niya 'yung imbestigasyon ng mutiny doon sa Oakwood. Mabuti nga napatawa kayo kasi kung meron kayong nanood doon sa telebisyon kahapon, nakakatawa nga ang pangyayari kung hindi lamang naatraso ang ating ekonomiya dahil doon sa mga 'yon. Ngayon lamang ako nakakita ng mga taong sumumpa sa magiging matapat, marangal at matapang, na buo ang lakas ng loob na magsinungaling at pa lalong insultuhin ang talino ng kanilang mga kababayang pilipino. Ang mga aroganteng tampalasang ito ay malaking kahihiyan sa kanilang uniporme. Dapat silang magpasalamat na meron silang sistemang demokratiko para magpahayag ng kanilang paniniwala, isang sistemang demokratiko na hinangad nilang ibagsak. Isipin na lamang natin kung paano ang isang gobyernong pamumunuan nila at ng kanilang mga padrino, kung saan sila tatayong taga-usig, taga-hatol, taga-pagpatupad ng sabay sabay. Kaya, nandito ba si General Ledesma? Wala na? Saan si General Ledesma? O, Generel Ledesma, bagong kaka-ano ko lang, kaka promote ko lang na bagong division commander ninyo. Kaya General Ledesma, ang aking unang instruction sa iyo bilang bagong second division commander, ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay dapat magsumikap na puksain ang sakit na ito ng pakikipagsapalaran, diktadura at totalitarianismo na unti-unting lumalason sa isipan ng ilang mga sundalo. Gayundin, sa inyong mamamayan, sa lahat ng ating mamamayan, what I ask of you, I am calling upon all our people to condemn and resist these attempts to destroy our democratic way of life. Hindi natin dapat hayaang ang kagustuhan ng iilan ay mangibabaw sa ating mga institusyong konstitusyunal. Kaya dinadala ko na lamang ang pahayag ni Secretary Joey lina, na hindi siya makakapunta rito dahil marami akong mga instructions sa kanila tungkol sa kanilang mga imbestigasyon, kasama na rin ang mga imbestigasyon tungkol sa pagdawit ng mga ilang malalaking pangalan dito sa mutining naganap. I'm directing the military and the PNP - na itong sinusupervise ni Joey, ang PNP -- to bring up all pieces of evidence to the media and to the public. We must show the people the cold and unvarnished truth. We're not engaged in a witch hunt against any family or kinship group. This is not a personal matter. All charges will be backed up by hard evidence. The aim is justice and due process, not vengeance against anyone. Salamat na lamang na dito sa Marinduque Mapayapa. Wala tayong nakikitang mga mutiny, ni wala tayong halos nakikitang mga npa sa lalawigan ng Marinduque. Congratulations sa inyong lahat. In fact, sa aking pag-aaral, sa mga dato ng mga barangay kung saan naglalagay ang npa ng kanilang mga shadow organization o revolutionary committee, dito sa buong Marinduque iisa lang barangay ang nakasama sa listahan, ang guisian ng Mogpog. Sino ang mga taga-Guisian dito? Pero ayon kay gobernadora, umalis na 'yung NPA doon, kaya lang isigurado natin na huwag silang babalik. Isigurado natin na hindi sila nalalason ng mga masasamang mga idelohiya. Kaya kagabi, sinabi ko sa inyong Regional dDirector ng Region 4b, si Paraluman Giron -- na wala ngayon dahil iniwan ko siya sa Romblon - na dapat maglagay ng distance learning doon sa barangay Guisian sa Mogpog para sa ganun ay hindi na babalik ang masasamang idelohiya. Ay, nandito 'yung inyong superintendent, puwede bang asikasuhin ninyo 'yon, Ginoong Saet? Okay. Ngayon nga, at gaya nang sabi ni gobernadora, meron na kayong sariling superintendent, mula noong isang taon, ay maasikaso na niya ito. At tutal narito na rin siya, gusto ko ring ipaalam sa kaniya na nagre-release ako ng salapi para maglagay ng eskuwela dito sa mga barangay na nakita ko na wala pa palang paaralan. Tatlong barangay sa Buenavista: Binunga, Bangkuro at Baat. Isang barangay sa Torrijos, ang Bangcuangan. At isang barangay sa -- ay, sa Sta. Cruz pala 'yon -- at isang barangay sa Torrijos, ang sinambahan. At dito, babalik tayo sa Mogpog, gusto ko rin ipaalam na meron tayong ibibigay na credit line sa Mogpog Traders Multi-Purpose Cooperative sa barangay market site para sa credit line ng tatlong milyong piso mula sa Land Bank of the Philippines. Ayun ito 'yon. Saan kayo? Ms. Lucy Malabanan. Etong mga ito ay mga iba't- ibang mga bahagi ng ating mga programa upang sa ganun nga ay makaabot ang higit pang kaunlaran sa lalawigan ng Marinduque. Actually, noong ako ay pumunta dito noong isang taon sa Torrijos, noon lang Nalaman ng maraming taga-Pilipinas ang ibig sabihin ng giyera ng pulang lupa. Ngunit lahat ng Pilipino kilala nila ang Moriones. At dahil maraming turismo ang nagaganap sa ating bansa, eh gusto natin na ang Moriones ay tuluy-tuloy pa na ma-appreciate ng ating mga mamamayang Pilipino. Kaya kagabi, tinanong ko kay governor, papano tayo makakatulong para mas gumanda pa or mas marami pang maaliw at pumunta dito sa panahon ng Moriones. Sabi niya, marami pa ring pumupunta pero dahil sa kahirapan ng buhay ay binebenta 'yung mga maskara pagkatapos. Kaya nagkukulang ng maskara baka lumiit nang lumiit ang selebrasyon. Eh kung lumiit nang lumiit, hindi na dadalawin. Kaya sabi ko, sige doon sa ating one town, one product, bagamat nagbigay na ako ng one town, one product, one million noong isang taon para sa bawat bayan na mag-gagawa ng ating butterfly industry, magpahanda tayo sa dti ng tulong din para magkaroon din ng one million loan sa mga sme na mag-gagawa nitong mga maskara, para tuluy-tuloy ang inyong magandang kostumbre at tradisyon sa Marinduque. Kaya ako ay nasisiyahan na narito, napakaganda ng panahon para mag-luncheon tayo dito sa Marinduque. Salamat sa inyong lahat na naghintay sa akin. At magandang tanghali sa inyong lahat at nawa'y dahil meron ng mimaropang sariling rehiyon, dahil meron na kayong sariling superintendent, dahil na meron na kayong iba't-ibang mga sariling regional director at maglalagay din ako ng sarili ninyong regional director ng DTI para lahat ng inyong mga project study ay magawa para sa inyo, nawa'y tuluy-tuloy umangat ang buhay ng mga masasaya at mababait na Marinduqueño. Maraming salamat sa inyong lahat. |