PGMA's Speech during the Launching Ceremony of the Strong Republic School (SRS)

Purnaga Elementary School Brgy. Purnaga, Magsaysay, Occidental Mindoro (16 August 2003)


Thank you. Maraming salamat sa banda.

Maraming salamat Secretary Mai Jimenez, ang Cabinet officer for Regional Development ng gabinete dahil siya ay anak ng Mindoro island; binabati ko si Congresswoman Josephine Sato; binabati ko si Governor Jo Villarosa; binabati ko si Mayor Barrera pati 'yung Sangguniang Bayan ng Magsaysay sa pamumuno ni Vice-Mayor Abesamis. Gusto kong malaman ni Mayor Barrera at lahat ng mga taga-Magsaysay na naibigay ko na 'yung pondong 20 milyon pesos para sa kalsada na magdadala. Jose. 'Yang kalsada hong 'yan ay galing sa gobyerno, hindi galing sa NPA,

Gusto kong batiin si Barangay Captain Loreto Nicolas;gusto ko ring batiin ang ating mga opisyal ng Department of Education. Nariyan si Superintendent Romualda Dayan, saan siya? Dayan? Ka titser ko sa Assumption dati. Regards sa kanya ha. Okay; nandito rin si Dr. Magdalena Juan ang district supervisor ng Magsaysay; gusto ko ring magpasalamat kay Ginoong Zosimo Panahon, ang Principal ng Purnaga National High School; at saka kay Mr. Gallano, ang Head Teacher ng Purnaga Elementary School.

At ako ay narito sa inyong paaralan sa Purnaga dahil nga gusto kong ipaalam sa inyo, sa kanila, magbigay ng instruksyon na ang telebisyon na dala-dala natin ngayon na may mga tape -- 'yan ay para lumawak ang edukasyon sa barangay Purnaga. Dahil malayo, kailangan n'yo ng mga dagdag na teacher, ang dagdag na teacher ninyo ay 'yung telebisyon. Kaya yan ang education by television. At once a week -- ayun, sinabi ko na sa kanila, 'yan everyday 'yung subject na makabayan o kaya 'yung subject ng english depende na sa kanila sa superintendent kung papano niya ilalagay, anong subject ang ilalagay, 'yon ay ituturo sa ating mga bata dito sa paaralan araw-araw, Monday to Friday. Sa Sabado dadalhin ang ating para guro doon sa sitio ng mga mangyan na nag-enrol dito sa tinatawag nating Strong Republic School. Gusto kong ulit, 'yang telebisyon na 'yan ay galing sa gobyerno hindi galing sa NPA.

Gusto kong batiin ang mag-aalaga ng ating kapayapaan dito, ang namumuno ng mga sundalo ng buong Southern Luzon, ang ating three-star general, si Lt. General Alfonso dagudag. Alam n'yo si al Dagudag meron 'yang kasaysayan eh, kasama ko. Noong araw na nagkita kami ni Angie Reyes, noong January 19, 2001 sa isang safehouse -- safehouse noon pero kilalang-kilala na ngayon, 'yung bahay ni Eddie San Jose -- dalawang heneral ang aking kausap: si General Angelo Reyes at saka si General Alfonso Dagudag. Siya ang dating Deputy Chief of Staff for Operations noong panahong 'yon. Pagkatapos ginawa ko siyang division commander doon sa Mindanao sa Northeastern Mindanao. At pagkatapos ginawa kong Commander ng Southern Luzon. Taga-saan ka, Al? Dumaguete, Visayan.

Ngem, naamuan ko nga nagado ti ilocano idtoy. Agpayso garud nga sisenta porsyento Ilocano idtoy? Siak met Ilocana ti bangir ni mamang ko, ta ni mamang ko naggapo ti Binalonan, Pangasinan. Iso ti kadua ti ilocano nga parte ti probinsya ti Pangasinan. Iso nga kakailyan tayo.

Gusto kong batiin 'yung nag-aalaga rin ng ating kapayaan, namumuno ng mga pulis ng buong MIMAROPA, si Police Superintendent Alejandro Lapinid. Ngayon, si General Dagudag, gawa nang siya ang kanyang inaasikaso ay buong Southern Luzon, kasama na doon ang Calabarzon, kasama na doon ang MIMAROPA, kasama na doon ang Bicol, hindi naman siya araw-araw narito sa Mindoro. Siya ay naka-base doon sa Camp General Nakar sa Lucena. Kaya ang nag-aalaga ng kapayaan dito sa MIMAROPA, dito sa brigada, kasama na rin ng Romblon,ay si Colonel Fernando Mesa, ang Commander ng 204 brigade. Kahapon, pinakita n'ya sa akin 'yung kanyang plano kung papaano mabalik ang kapayapaan dito sa Mindoro. Sabi ko, napakaganda ng plano dahil sabi n'ya hindi natin malalabanan ang rebelyon sa armas lamang. Kailangan kanang kamay at kaliwang kamay. 'Yung kanang kamay ay 'yung puwersa ng ating sandatahang panlakas pati na rin 'yung ating mga pulis. 'Yon ang inaasikaso nila, lalo na nila General Dagudag at saka si Lapinid at saka si Mesa. Ngunit pati sila ay kinokoordina nila 'yung left hand, 'yon ang nag-aasikaso ng mga despair o ugat ng disappointment, ugat ng rebelyon ang kahirapan. At isang malaking bahagi ng pagsagot natin nga sa kahirapan ng Magsaysay ay 'yung 20 milyon road na magpapalapit sa inyo sa San Jose.

Isa rin itong tataas ang antas ng pag-aaral ng mga bata rito dahil 'yung mga material galing sa Maynila, 'yung mga education by television ay madadala na rito dahil maglalagay tayo ng television dito. At itong television by the way, principal pwede ring magamit hindi lamang doon sa... Hindi lamang doon sa lesson, pwede ring magamit ninyo manood ng... Manood ng ano... ng telenobela kung gusto n'yo. so, ha, klarong-klaro 'yan ha, hindi exclusive lang para sa mga subject, pwedeng gamitin ng ating community para manood ng telenobela at kung ano pang gusto n'yong panoorin. Basta hindi 'yung subversive material, ha? Okay.

Ngayon -- so, sinabi ko na 'yung kalsada, sinabi ko na ang edukasyon -- eh, 'yung hanapbuhay. Nasisiyahan akong makita itong mga berde n'yong palay. Ang nagdala niyan dito, galing sa akin noong isang taon pa, ay si Secretary Cito Lorenzo ng Department of Agriculture. Ang binhi nyan ay nanggaling sa akin, hindi nanggaling sa NPA. Kaya kung magbabayad kayo ng buwis, huwag kayong magbayad sa NPA. In fact, 'yung mga mahihirap exempted na magbayad ng buwis sa gobyerno. So, kung kayo mahihirap, huwag kayong magbayad ng buwis. Kung kayo ay may kita, magbayad ka ng buwis sa gobyerno. Dahil gobyerno ang nagdadala ng edukasyon, gobyerno ang nagdadala ng income. Alam n'yo, doble ang income makikita ninyo dahil dito sa bagong binhi. Magdodoble ang income ng ating mga magsasaka. Gobyerno ang nagdadala sa inyo ng kalsada. Gobyerno ang nagdadala sa inyo ng kaunlaran at ang kaunlaran at kapayapaan magkakambal 'yan. Kapag walang kaunlaran, naintindihan natin, mahirap ang kapayapaan dahil may mga naeenganyong mag-alma. Ngunit, pag wala naman ang kapayapaan at tinutulungan n'yo ang NPA ay wala ring kaunlaran, dahil encounter ng encounter ang parati na lamang mangyayari. Dahil tungkulin naman ng republika ipagtanggol ang kanyang sarili.

Eh noon nga, ng magkaroon ng Oakwood mutiny, sinabi ko may State of Rebellion kaya pinapunta ko 'yung mga sundalo doon sa Makati para sugpuin 'yung mga nag rebelyon, at 'yung mga pinanggalingan nila sa iba-ibang mga kampo, 'yung mga naiwan, 'yon din ay kinuha rin sila sa custody ng kanilang commanding officers. Sinabi nung ibang mga nagbabatikos, "eh hindi ba may rebelyon sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas, bakit doon hindi n'yo dini-declare?" hindi na kailangang ideklara, dahil ang ibig sabihin na ng rebellion ay may rebellion dito, military pumunta ka sugpuin mo 'yon. Ngayon, sinasabi ko sa military dito, may rebelyon dito sa Purnaga, pumunta kayo rito at labanan n'yo ang NPA. Sugpuin natin ang npa, dalhin natin ang kaunlaran. At hindi madadala ang kaunlaran habang ang npa ay nag-iistorbo sa inyong buhay dito. Kaya mga kaibigan, 'yan ang aking mensahe rin sa inyo.

At aking mensahe naman doon sa mga nasa sitio ng mga NPA, kung gusto n'yo ng kaunlaran, kung talagang sinsero kayo sa kaunlaran, bumaba na kayo, sumama kayo sa magandang palayan na nagdodoble ng income ng ating mga magsasaka. Sumama kayo na magturo o matuto dito sa ating television by education. Sumama kayo sa pangangalakad na magiging mas madali dahil makakadala ng produkto ninyo sa san jose. 'Yon ang tunay na kaunlaran at kapayapaan na ating gustong dalhin dito sa barangay purnaga.

Kaya ako ay narito para ipaalam sa inyo na sa kabila, sa kabaligtaran ng siguro may itinuturo sa inyo na hindi kayo mahal ng pamahalaan, 'yang palay na 'yan ang pruweba ng pagmamahal ng pamahalaan sa inyo sa purnaga. Alam n'yo, kung kaya ko lang puntahan lahat ng barangay ng Mindoro, gagawin ko 'yon. Kaya lang kulang ang panahon. Eh kanya naman nandito ang ating mga officials -- si Congresswoman, si Governor, si Mayor -- sila na ang magdadala ng ating mensahe. At gusto kong sabihin na ito na ngang kalsada mula ng Magsaysay hanggang San Jose, 'yon nga ay binigay ko 'yung saro kay Congresswoman noong last week, Monday, noong tinawag ko siya sa Malacaņang.

Ako ay nasisiyahan sa inyong maiinit na pagtanggap sa inyong lingkod bagamat last minute lamang ang pagpaalam sa inyo na ako ay paparito.

Salamat, mag-kaisa tayo, kasi 'yon ang panggagalingan ng kaunlaran ng inyong barangay, ng inyong bayan, ng inyong probinsya, ng inyong rehiyon, ng ating buong bansa.

Dios ti agngina kadakayo amin kakailyan.

[HOME]