PGMA's Speech during a meeting with the Filipino Community in the Kindom of Bahrain |
Shaikh Hamad Palace Manama, Bahrain (Dec. 15. 2003) |
| Maraming salamat. Maraming salamat, Secretary Pat Sto. Tomas. Salamat sa iyong pagpakilala sa akin. Salamat sa iyong pag-alaga ng Manggagawang Pilipino maging sa Pilipinas o sa ibayong dagat. At salamat din sa pinagmamalaki namin tungkol sa inyo dahil gusto ko ipaalam sa ating manggagawa dito sa Bahrain na si Pat Sto. Tomas in charge hindi lamang sa manggagawang Pilipino kung hindi manggagawa ng buong mundo dahil siya rin ay pangulo ng International Labor Organization. Ako ay nagpapasalamat din sa magandang mga sinabi ni Ambassador Maglaya at mabuti naalala niya yung aking bilin sa kanya, gawa nang nung si President Ramos ay nanggaling dito, pag-uwi niya sa Pilipinas ay agad binigyan niya ako nang memo tungkol sa mga problema gaya nang sabi ni Ambassador maglaya hindi sa problema ng community, problema ng Embahada. Inaasahan ko na naayos na yon at akoy nagpapasalamat na nagkakaisa ang Embahada at ang Philippine Community dito sa Bahrain. Gusto kong ipakilala ko yung ibat-ibang kasama ko dito sa ating delegation. Narito ang aking Presidential Adviser on the Peace Process, si Secretary Ging Deles siya ay narito dahil sa napakalaking papel ang ginaganap ng Bahrain para tumulong sa ating usapang kapayapaan sa MILF; nandito rin ang aking Presidential Spokesman, si Secretary Toting Bunye narito rin ang Gobernador ng isang probinsyang muslim, although hindi bahagi ng Autonomous Region, Governor ng probinsya ng Sultan Kudarat, si Governor Datu Pax Mangudadatu at dahil yung kanyang probinsya ay malayo, mahirap, yung donation ho ninyong mga school buildings isa doon ay pupunta sa probinsya ni Governor Mangudadatu sa Sultan Kudarat; palagay ko kilala ninyo ito, dahil pinadala ko siya dito sa Middle East noong kainitan noong Iraq war para isigurado niya na ang mga Filipinos ay out of harms way, si Ambassador Roy Cimatu; then dagiti kakailyak ti bangir ko nga Ilocano addadtoy ti maysa nga importante nga personalidad diay amianan ay ang aking Presidential Adviser for the North Luzon Growth Quadrangle, si former Governor ng Ilocos Sur Chavit Singson; at isang dahilan kung bakit napalapit tayong husto sa mga pinuno ng Bahrain ay dahil sa kanyang magandang hospitality pinapakita sa kanila pag nagbisita sa Pilipinas, ito na nga yung nagsalita kanina, salamat sa iyung mga pangdagdag muli na scholarship, si Ambassador King Aguiluz. Binabati ko rin si Ambassador King Aguiluz dahil sa kanyang magandang AMA University dito sa Bahrain. Sabi ko nga sa mga Bahraini businessmen kaninang umaga noong nagkamiting kami, aba, nag-invest na si Ambassador Aguiluz dito sa Bahrain, kayo naman ang dapat mag-invest sa Pilipinas, sabi ko sa kanila. Kinakatawan ang Secretary of Department of Foreign Affairs dahil malungkot tayo na papunta dito si Secretary Blas Ople nagkaroon ng heart attack at yumao kaya ang kumakatawan ngayon ng DFA dito sa aking biyahe ay si Undersecretary Rafael Seguis. palagay ko kilala siya nitong ating delegation from Saudi Arabia dahil dati siyang Ambassador to Saudi Arabia; kinakatawan naman ng ating Trade and Industry, si Undersecretary Tomas Aquino; kinakatawan naman yung ating Department of Tourism, si Undersecretary Evelyn Pantig; at yung nagbibigay sa inyo ng mga serbisyo mula sa Overseas Workers Welfare Administration, si Adminstrator Ver Angelo; at nagkaroon tayo kanina ng kasunduan sa Bahrain tungkol sa training, pagsasanay sa ibat-ibang mga kakayahan kaya nandito ang Director General ng TESDA, si Alcestis Guiang; at dahil tuloy-tuloy ang construction sa Bahrain meron na naman tayong bagong... Meron na naman silang bagong reclamation na naman sa North Bahrain. Importante na tayo ay kasama doon sa ibat-ibang mga ganung klaseng pagnenegosyo kaya nandito ang pinuno ng Construction Industry Authority of the Philippines, si Catherine Josephine dela Cruz; meron tayong business delegation at dalawa sa kanila ay narito. Nandito ang isa sa mga higante sa ating construction sector, si FF Cruz or Felipe Cruz; at doon sa negosyo ng packaging nandito rin si Ginoong Mason Ang. Gusto kong batiin ang ibat-ibang leader ng community dito sa Bahrain. Una sa lahat ang Acting President ng Filipino Club, si Ibrahim Concepcion; ang sports coordinator naman, si Roland Bayubay; ang Professional Group Coordinator, si Tony Ocuenco; ang Artist Group at si Robert Paraan; ang Hairdresser Group, Acelito Culaban; ang Volleyball Group at si Cecille Ignalaga; ang Bowlers, si Lyn Fiel. Salamat ha sa inyong donations, so kayo ang unang nag-donate sa lima. Kaya yon ang ibibigay natin kay Governor Pax Mangudadatu; ang AFAEAT sa pamumuno ni Ramon Anghel; ang TASCOM lalo na si Noni Elario; ang Safety and Order Group, si Ric Tabanao; ang Media, si Luz Refe; ang Arts, si Ofelia Baptista; at saka donor, si Bobby Calimoso; at lahat-lahat na narito mula sa Bahrain maging mula sa Saudi Arabia, magandang hapon sa inyong lahat at Merry Christmas mga minamahal kong kababayan. Karing Caracal a Cabalen kung kapampangan, mayap a katpanapun pu que congan. ken manen dagiti kakailiak ti bangir ni mamang ko, naimbag nga rabii kadakayo amin. sa mga taga-Mindanao asa ko nidako, maayong gabii kaninyong tanan. Assalaamu Alaikum sa mga kapatid nating Muslim. Sa mga kasimanwa sang akong bana nga Ilonggo, maayong gabii sa inyo nga tanan and I heard a greeting from somebody from Zamboanga, buenas noches! Alam nyo dito sa Bahrain nararamdaman ko ang pagmamahal ng mga namumuno rito para sa mga Pilipino at para sa Pilipinas. Paumanhin nyong nahuli ako ngayon dahil dinala pa ako ng Prime Minister sa kaniyang isla. At doon sa kaniyang isla maging doon sa kaniyang hotel ang dami-daming Pilipinong nagtatrabaho maraming Pilipinong nagtatrabaho sa kanila at matatagal na yung ilan doon -- 10 years, 20 years -- kaya tuloy nakilala nila ang Pilipinas sa pamamagitan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa kanila at napamahal sa kanila. kaya kuwento ng Prime Minister, noong minsan siya ay nasa Bali sa isang meeting, gawa ng ang daming nagtatrabaho sa kaniyang Pilipino naging curious siya, gusto siya pumunta sa Pilipinas. Last minute, nagpunta siya sa Pilipinas, na-asign naman si King Aguiluz mag-alaga sa kanya. Ang galing-galing naman ni King Aguiluz mag-alaga at mula noon nagka-love affair na ang Prime Minister sa ating bansang Pilipinas. kaya madalas magbisita sila sa Pilipinas, hindi lamang siya maging mga pinsan niya. Talagang nagtuturista sila sa Pilipinas. Mahal na mahal nila ang Pilipinas. In fact, officially sa aking administrasyon, dalawang beses na pumunta ang Prime Minister doon. Eh, nakakahiya naman mag-imbita ng pangatlong beses hanggang hindi ako pumunta rito. Kaya isa rin yon ang dahilan kung bakit ako ay pumunta rito para sana man hindi naman siya mahiyang pumunta muli for the third time in my administration. At napakagandang pagkakataon, pinili ko nga itong panahong ito para makapag-Merry Christmas naman tayo sa isat-isa. Alam nyo panginoon talaga ang pumipili ng petsa. Supposed to be noong isang buwan pupunta ako dito. Kaniya lamang nagkaroon tayo nang ilang mga kinailangan asikasuhin ko sa Pilipinas. Ten-day trip yon eh, hinati ko sa five days at pinostpone ko yung aking pagbiyahe sa Bahrain sa araw na ito. Eh, tingnan nyo naman ang nangyari kahapon sa aking pagdating, nadagdagan ang kabuluhan ng aking pagbisita sa Middle East dahil sa pagbagsak ni Saddam Hussein since day one we were with the International Coalition for the Liberation and Reconstruction of Iraq, and this event is a major milestone in that historic effort. We had deployed our peacemakers and humanitarian workers in that country, kaya nandito pa rin si Ambassador Cimatu hanggang ngayon. Noong araw yung civilian ang inaalagaan niya, ngayon inaalagan niya yung ating humanitarian mission. And we shall continue to stand beside the Iraqui people in their quest for democracy and prosperity. The late Secretary Ople was one of the stalwarts of our Iraqui policy, and he led both the effort to keep our nationals in the Middle East out of harms way during the crisis, na malaking papel ang ginanap ni Ambassador Cimatu na nandito siya nakapuwesto mismo sa middle east, and also in our effort to help the Iraqui people rise from the crisis. The nation mourns the death of a great Filipino. We were awed by the vision and indomitable wit of Secretary Blas Ople. He was an architect of Philippine Foreign policy in the finest tradition of enlightened and pragmatic diplomacy. A champion of peace, human rights, collective security and the rule of law. We will miss him and the world will miss him. Si Secretary Ople ay nandito nga noong isang buwan, noong akoy hindi nakarating. Siya ay katulong ko sa paghiling sa tulong ng Bahrain sa kapayapaan sa Mindanao. Yon nga dati-dati ang inaasahan natin sa Mindanao -- Malaysia, Indonesia, Brunei, Libya -- ngunit gawa ng kadalasan ang pagbisita ni Prime Minister sa Pilipinas dahil naging kaibigan na rin ni Ambassador Aguiluz. At sinabi niya ano nga baga ang gusto nyong gawin ng Bahrain para tumulong sa inyong paghahanap ng kapayapaan sa Mindanao. Eh sabi ko ang Bahrain sana ay maging isa sa apat na bansang magbabantay sa kapayapaan. yung peace... Ah, yung Ceasefire Monitoring Team kasama doon ang Bahrain at dahil nga doon abot kaya na ang kapayapaan sa Mindanao. Hindi ako nagugulat sa interest ng Bahrain sa mga ganung bagay dahil kayang-kaya naman niya. Ang Bahrain ay isang modernong Financial Center sa Middle East. At ang Bahrain ay ang pinakamalayang ekonomiya sa buong Arab World, the freest economy in the Arab World. At hindi lamang yon, ayon sa United Nations, sa buong Arab world rin ang Bahrain ay siyang merong pinakamataas na human development index, na siya ang sukat ng longevity. Measure of health, per capita income and also literacy rate. Kaya kayong mga Pilipinong nakatira rito sa Bahrain, siyempre namamahagi rin kayo diyan sa mataas na standard of living. Kaya binabati ko kayo at talagang mapalad na kayo ay narito. Mapalad hindi lamang dahil nakikibagay kayo sa standard of living nila kung hindi na rin dahil sa kanilang kakayahan at pagmamahal sa inyo sila ay tumutulong din sa Pilipinas. Halimbawa, kanina, nandoon nga ako nakipag-usap sa mga negosyante, nakipag-usap kay prime minister at sa kaniyang Cabinet, nakipag-usap sa kanilang hari, na ang laking karangalang binigay dahil kahapon dumating kami, ang hari mismo ang nagsalubong sa airport. Napakagandang pahayag ng pagmamahal sa Pilipinas. At nung sinasabi ko nga sa mga negosyante kanina ay kung si Ambassador Aguiluz nag-invest na dito, dapat kayo rin mag-invest sa Pilipinas. At kinukuwento ko kay prime minister na doon sa Pilipinas... Dito kasi sa Bahrain, ito ay financial center at sentro ng tinatawag na Islamic Banking. Yung Islamic bank nila dito ay nagpapahiram ng pera dito sa ating Makati-based institutions hindi lamang sa mga Muslim institutions. Ngunit sabi ko sa kanila kami sa Pilipinas meron din kaming Islamic bank na maliit, ang tawag Al Amanah Bank. Kanya lang medyo palpak, siguro dahil hindi tayo marunong magpatakbo ng Islamic bank. Eh, yung mga bangkong iba naman sabi ko matagumpay. So hindi dahil masama ang ekonomiya na pumapalpak yung Islamic Bank, hindi kami talaga marunong magpatakbo ng Islamic Bank. At dadating ang isang mission, pupunta dito mula sa Central Bank para mag-aaral kung papano magpatakbo ng Islamic Bank. Pero sabi ko sa ibabaw noon dahil free enterprise economy naman ang Bahrain, sabi ko sana naman kayo mga bangkero dito, mga Islamic Bankers, bat hindi rin nyo tignan ang aming Al Amanah bank. Bat hindi na lang ninyo bilhin at irehabilitate ninyo? Aba, kanina sinabi ni Prime Minister sa akin, sino ang kakausapin dahil nagbigay na siya nang instruction na irehabilitate nila ang ating al Amanah Bank. Kaya bagay na bagay ang pagmamahal sa inyo at yung pagmamahal sa Pilipinas ng mga namumuno dito sa Bahrain. At mabuti naman dahil kailangan din natin ang ganitong klaseng pagkakaibigan para sa ating kaunlaran. Matagal nang nahuhuli ang ating bansa sa mga karatig-bansa sa kaunlaran. Mabuti na lamang na sa aking administrasyon ang ating growth rate ngayon ay number 6 na sa dalawampu't isang ekonomiya ng Asia-Pacific region Ang ating growth rate ngayon ay mas mabilis na kaysa doon sa mas mayamang ekonomiya kagaya ng Singapore, Hongkong, Taiwan, Korea. Isang dahilan kung bakit sa kabila ng asian crisis our global slowdown ng 2001, 2002 at 2003, isang dahilan kung bakit tumatatag pa rin tayo ay yung inyong mga remittances. kaya maraming salamat. Talagang kayo ay maituturing kayo ay Overseas Filipino Workers. Pero sa ibabaw noon kayo rin ay Overseas Filipino Investors dahil walong bilyong dollars ang ini-invest nyo sa Pilipinas taun-taon. Yung pinapadala nyong remittances nagagamit sa pabahay, sa pag-aaral -- edukasyon, sa mga puhunan ng inyong mga kamag-anak, hindi ba investment yon? Eh kaya naman gusto namin, gusto kong isukli sa inyo naman ang inyong pagmamahal sa ating bansa. Ito ay isang dahilan kung bakit sa haba ng mga Kongreso na hindi pumapasa ang Overseas Voting Law, sa aking administrasyon napilit pumasa ang Overseas Voting Law. hindi lang yon, yung Anti-Money Laundering Law pinilit ko rin na pumasa, bakit? Isang dahilan ay kung hindi yon ipapasa yung mga International Bankers pagpadala ninyo ng inyong mga remittances magdadagdag sila ng red tape kung hindi natin ipapasa yon. Kaya para maiwasan kayong mahirapan na ipadala ang inyong remittances sa Pilipinas ay pinilit ko rin na mapasa yung Anti-Money-Laundering Law. Pinalawak ko rin ang programa ng pabahay. Sa loob ng dalawa at kalahating taon ng aking pamumuno, nagkaroon ang Pilipinas ng pinakamalawak na programang pabahay sa kasaysayan ng ating bansa. At isang dahilan ay dahil maraming bumibili ng pabahay sa mga OFW. Sana kayo ay bumili rin. Hinihimok ko kayo na ilagay ang inyong naimpok na pera sa mga makabuluhang bagay kagaya ng pabahay. Makipag-ugnay kayo sa mga Embahada kung paano pumasok sa programa ng pabahay ng Pag-ibig Fund. Doon sa Saudi Arabia masigasig na masigasig ang pag-ibig, maraming bumibili nang mga bahay, mga OFW. Sana dito rin sa Bahrain. At salamat muli sa inyong kontribusyon doon sa limang classroom para sa mga parte ng bansa na kulang ng silid-aralan. At binabati ko rin ang inyong Embahada sa mga skills development programs. Para sa mga gusto magkaroon nang mga bagong kakayahan lalo na doon sa mga makauuwi na para maging mabilis ang reintegration program sa Pilipinas. Sana mga kaibigan ipagpatuloy ninyo ang huwarang gawaing na inyong pinagkaka-abalahan dito sa bahrain. Magtuloy-tuloy harinawa ang tagumpay ninyo at ang tagumpay ng ating sambayanang Pilipino saan man tayo naroroon. Sa inyong lahat maraming salamat sa mga remittances. Maraming salamat sa magandang reputasyon na binibigay nyo sa Pilipinas. Maraming salamat sa tuloy na pagmamahal ninyo sa ating bansa. At Merry Christmas, minamahal kayo ng bansang Pilipinas. Maraming salamat sa inyong lahat! |