PGMA's Christmas Message

(23 Dec 2003)


"Nababalot man ngayon ang mundo sa krisis at terorismo, may isang katotohanan na hinding-hindi maipagkakaila; makakaraos at makakaraos tayong mga Pilipino.

"Ganyan ang pagkatao natin. Matibay sa harap ng kahirapan. Taas noo sa harap ng pagsubok. Ngayong Pasko ang ipinagdarasal ko ay tulad din ng dasal ninyo… pagkakaisa tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

"Ang pinakamagandang pamasko natin para sa mahal nating bayan; magsama-sama, magtulung-tulong tayo. At umaasa kayong ang liwanag ng Pasko ay higit na titingkad sa mga darating na araw.

"Maligayang Pasko sa inyong lahat."

[HOME]