PGMA's Remarks during a Visit to the Townfolks of Marawi City and Lanao del Sur who are celebrating their 44th Anniversary

Provincial Capitol, Marawi City (02 July 2003)


Governor Adiong at ang aton mga official ng Lanao Del Sur; Governor Parouk at lahat ng officials ng autonomous region; Mayor Omar Ali at lahat ng officials ng Marawi City; at kumusta din sa lahat ng mga officials na nangangatawan sa Lanao Del Sur at saka sa ARMM.

Binabati ko kayong lahat sa inyong 44th anniversary. Kasama ko ang mga Cabinet members dito para bumati sa inyo, ipakilala ko sila: si Secretary of DILG, Secretary Joey Lina; si Presidential Assistant for Mindanao, Jess Dureza; Secretary ng Social worker, Dinky Soliman; siya ay umuupo rin sa Cabinet, si Governor ng Autonomous Region, si Parouk Hussin; ang namumuno ng Drug Enforcement Agency, si General Jun Alijido; ang namumuno ng agrikultura si Cito Lorenzo; ang aking bagong Secretary ng Press, si Milt Alingod; at siyempre kilala na ninyo dahil siya ay matagal ng nagdadala ng kapayapaan sa autonomous region, ang Secretary ng Defense, si Angie Reyes.

Kami ay narito hindi lamang para bumati sa inyong anibersaryo kung hindi na rin i-follow up 'yung iba't-ibang mga kailangang gawin para sa kapayapaan at kaunlaran ng Autonomous Region of Muslim Mindanao at ng Lanao del Sur.

Noong huling pumunta ako rito isang nakita ko ay malayong-malayo kayo sa national average tungkol sa irigasyon. Kaya sa july 5 na siyang anibersaryo ninyo mag ga-groundbreaking ang dalawang major irrigation projects.

Pangalawa, malaking problema ninyo ay 'yung kuryente. Kasi 'yung Lanao Del Sur Electric Cooperative sad to say hindi nakaka-collect ng mga unpaid bills. Kaya meron tayong bagong namumuno ng electric cooperative na ang pinaka-importanteng assignment niya ay kumukuha ng unpaid bills para naman mapondohan 'yung mga pangangailan ng kuryente sa Lanao Del Sur. Pangatlo ay -- kung pag-uusapan natin ang kapayapaan -- meron akong ilang mga pahayag dito. Itong araw na ito nanggaling lamang ako, kami, sa isang command conference tungkol sa bawal na gamot. Kasi gusto kong iuwi sa ating mga kapatid na Muslim ang mensahe na 'yung giyerang ito ay giyera ninyo maging giyera ng buong bansa. Kasi merong mga lumalawak na mga pag-uugnay ang mga grupong terorista at mga sindikato ng bawal na gamot sa Mindanao. At napapanahon na harapin natin itong napakamatindi at mamamatay taong pag-conspiracy at pag-uugnay na ito.

Ako ay nagpapasalamat doon sa pinangako ng ating mga pamayanang Muslim na magiging alerto at kikilos kontra sa bawal na gamot. At hinihingi ko sa inyo na dalhin n'yo itong inyong pagka-alerto at pagmamatyag sa lahat ng mga siyudad at lungsod kung saan nandoon ang ating mga Muslim -- kayo, kung saan meron kayong presensiya. Itong pagsisikap na ito ay dapat walang parti-partido. At hindi rin dapat ito hinahati sa mga linya ng ethnic group o mga relihiyon. Bawat pilipino ay dapat may-ari nitong kampanyang ito.

Kaya 'yon ho ang isang mensaheng dinadala namin po dito. Gusto ko rin ho sabihin sa inyo na -- eto, baka 'yung media gustong kunin, mag-i-ingles ako: "We are now moving in a calibrated way towards peace talks. We will continue to stabilize the situation on the ground, return the evacuees home and move towards substantive negotiations. We needed everybody's vigilance and support. The fight against terrorism and the enforcement of the law in all places shall be undiminished." Kaya muli, mga kapatid sa Lanao del Sur, Happy 44th Anniversary. Magsama-sama tayo sa giyera -- giyera kontra terorista, giyera kontra sa bawal na gamot at giyera kontra sa kahirapan ng taong bayan.

Maraming salamat sa inyong lahat.

[HOME]