PGMA's Remarks during the Inauguration of the DND-AFP Off-Base Model Housing Units

Brgy. Paradahan, Tanza, Cavite (05 July 2003)


At ease, 'Tikas Pahinga.'

Gusto kong uupo ako dahil 'yung media raw gustong kunan 'yung aking statement.

Una sa lahat, gusto kong batiin kayong lahat dahil dito sa napagandang pabahay. Ito ay kasama doon sa parating sinasabi ni Secretary Angelo Reyes sa akin na alagaan ang ating kawal.

Noong ako'y unang naging pangulo, pinaka-mababang sweldo ang mga kawal ng Pilipinas. Ngayon, tumaas na ang inyong sweldo, 'di ba? At marami sa inyo kaya na itong mga pabahay na ito. 'Yung ating mga second lieutenant, makakaya na ninyo 'yung pinakamahal dito -- 'yung 8,000 per month. At 'yung mga private first class, makakaya nila 'yung townhouse dito -yung 3,000 per month lalo na sa inyong bagong sweldo -- 42 sq. Meters 'yon, kaya malaki 'yon. At ito naman ay... Sabi ko kay Angie, "oo, dapat aalagaan natin ang ating mga kawal dahil sila ang nagtatanggol sa ating kapayapaan, sa ating kasarinlan at lalo na sa ngayon nakita naman natin na meron tayong mga bagong mga labanan sa NPA." kaya gusto ko na habang kayo ay nandoon sa giyera, matahimik namang iniisip ninyo 'yung mga pamilya ninyo ay inaalagaan ninyo sa pamamagitan nitong mga pabahay at inyong tumaas na sweldo.

At dahil napag-usapan ko rin 'yung ating NPA na problema ay... At nandito rin 'yung ating mga media na naghihingi parati ng mga importanteng mga pananalita tungkol sa patakaran, may I now say something about the NDF peace talks and the NPA:

I appreciate the efforts of Speaker De Venecia to go the extra mile for peace. I have no doubt he has the best interest of our people in mind. Nevertheless, talks are still at the exploratory stage and will not affect the comprehensive counter-measures we're drawing up against the resurgent threat of the NDF-CPP-NPA.

'The direction and phase of these counter-measures will not relent until we see a definite shift in the political and arm agenda of the revolutionary left to overthrow our constitutional democracy. We will use force against force, truth against deception. At sa gamit nitong puwersa para ipagtanggol ang ating kalayaan at demokrasya, kayong mga kawal ang inaasahan. Kaya umasa din kayo sa pagmamahal ng taong-bayan at sa gobyerno sa inyo.

Maraming salamat at congratulations sa inyong lahat.

[HOME]