PGMA's speech during the Launching Ceremony of KALAHI-CIDSS: KKB Project in Can-Avid, Eastern Samar |
Samar State College, Can-Avid, Eastern Samar (17 July 2003) |
| Nagpapasalamat ako kay
Congressman sa lahat ng mga batas na ginagawa niya. Yung huling ginawa na importanteng
batas ay yung Dual Citizenship Bill. Kaya maraming salamat, Congressman. Gusto ko rin batiin si Governor Salazar. Binisita ko na rin yung iba't-ibang mga mahihirap pang bayan sa Eastern Samar kasama na nga yung bayan nung kapatid ni Governor Salazar, nandoon ako sa inyong bayan kanina. Kaya ako'y nagpapasalamat na kayo ay naghintay, alas dose na ako dumating dito, alas singko pasado na, maraming salamat sa inyong paghintay sa akin. Kanina nga pumunta kami sa Balangiga, nandito pala ang tiga-Balangiga. Kaya salamat na narito kayong lahat hanggang ngayon, aron ako may pipirmahan. Ang pipirmahan natin ay isang malaking proyekto ng pamahalaan para ipakita na minamahal kayo. Ito ay sa mga pamayanan ninyo mga proyekto para sa inyo mga bara-barangay at ang tinatawag sa programang ito ay KALAHI-CIDSS. Kalahi, ibig sabihin noon, Kabalikat Laban sa Kahirapan at ang CIDSS, Comprehensiveand Integrated Delivery of Social Services. Sa madaling salita, kabalikat laban sa kahirapan sa Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services. Anu-ano ang mga social services na ito? Kasama dito yung mga irigasyon; kasama dito yung mga post-harvest facilities, mga maliliit na pabrika; kasama dito yung mga pang-ayos ng kalsada, yung pag-gravel ng kalsada; kasama dito yung mga patubig; mga barangay health station; mga kailangan sa edukasyon; kasama rin dito yung mga training para doon sa mga gustong magtayo ng maliliit na negosyo kagaya ng kung papano mangisda at mga tuturuan kung papano mag-araro, mag-farming. At itong ating mga tatanggap nitong biyaya itong araw na ito ay limang bayan: bayan ng Can-Avid. Ang halaga ho ng proyekto na pupunta sa Can-Avid ay 8.4 million pesos. Ito ay taun-taon, sa susunod na tatlong taon. Ang tatanggap din...ah.. At dito ay dalawampu at walong (28) barangay ng Can-Avid; tatanggap din ang labingdalawang barangay (12) ng Maslog. Taun-taon ang tatanggapin ng Maslog ay 3.6 million pesos para sa labingdalawang barangay ng Maslog; tatanggap din ang labingtatlong (13) barangay ng Balangiga. At yung labingtatlong barangay, tatlong taon ay tatanggap ng 3.9 million pesos; tatanggap din ang Jipapad. Labingtatlong (13) barangay ng Jipapad. At yung labingtatlong barangay ay tatanggap din ng 3.9 million pesos taun-taon; at yung sa pPolicarpio, labingpitong (17) barangay nasa Policarpio ay tatanggap ng 5.1 million pesos taun-taon. Kaya itong limang bayan na ito ay tatanggap ng 24.9 million pesos taun-taon at 72 million pesos sa darating na tatlong taon. Kaya po sana po itong mga ito ay makatulong sa inyong mga barangay dahil gusto kong talagang mapagkaloob sa inyo na ang pag-asa ng mamamayan ng Eastern Samar ay parating sumali sa ating pamahalaan. At lalo na yung mga tiga-Balangiga, mensahe sa inyo: ang pag-asa ay nasa pamahalaan at hindi sa paglaban sa pamahalaan. kasi may mga nanduon sa mga bundok-bundok ng Balangiga na lumalaban pa sa pamahalaan. Hindi sa kanila kayo makakahanap ng mga tulong, hindi sa kanila kayo makakakuha ng imprastruktura, edukasyon, patubig, kalusugan. Makukuha ninyo ito sa ating pagkakaisa. At sa mga apat na bayan naman ng Can-Avid, Maslog, Jipapad at sa Policarpio, gusto ko magpasalamat sa inyo dahil kahit na mahirap na bayan kayo, kayo ay parating kumakampi sa ating pamahalaan. Kaya sana nga itong mga proyekto na magsisimula ngayon ay magiging patunay para sa inyo. Ito ho ay hindi ang unang nangyari, kasi bago nito ginawa na itong proyektong ito sa sulat -- oho, alam na ninyo -- ang ginawa namin ay pinaylot natin ito sa sulat at naging successful kaya ngayon ay dinadagdag ko sa limang dagdag na bayan. Congratulations, mayor sa iyong magandang paggawa didto. At ito ang ating coordinator sa sulat, salamat dahil matagumpay kayo. Ito ay ginagawa at gusto kong sabihin sa inyo, saan po nanggagaling ang pondong ito? Ito ang pondo ay kalahati mula sa national government, may contribution sa local government, at ang malaking kalahati ay nanggagaling sa World Bank dahil ito ang balato na nakuha ko nung ako ay nagpunta sa Amerika nung 2001 pa doon sa aking official visit sa Amerika. Kaya ang pagbibisita natin ay nagbubunga. Ang pagkakaibigan natin sa ibang bansa ay nagbubunga. Kung ako ay nagbibiyahe hindi yon para lang mag-turista, yon ay para kumuha ng tulong sa ating mga mamamayan, sa mga liblib na barangay kagaya ng barangay ng Eastern Samar. Kaya maraming salamat at sana magtagumpay ang mga proyekto para sa kapayapaan at kaunlaran sa Eastern Samar. Maraming salamt sa inyong lahat. |