PGMA's Speech during the Consolidated Graduation Ceremonies of some 6,000 Barangay Tanods |
RECS Gymnasium, San Luis Sports complex Sta. Cruz, Laguna (22 July 2003) |
| Makiupo sandali. Ang dami n'yong kailangang gawin, ano? Sana itong pagsasanay na dinaanan ninyo ay magdadagdag ng kagalingan at kumpiyensa sa inyong mga gawain. Binabati ko kayong lahat. At salamat na napunta kayo rito kahit na anong oras 'yung notice -- Joey, na binigay? -- 2:00 o'clock in the morning? Ah, kahapon lang ng alas dos kayo sinabihan na gagawin natin itong pagsasanay ngayon. Kasi supposed to be bukas, kanya lamang bukas ay magkakaroon ng isang importanteng pulong sa malakanyang nung mga iba't-ibang leader ng mindanao para pag-usapan 'yung proseso ng kapayapaan. Eh alam n'yo naman mahirap sila magbiyahe mula doon hanggang dito, tayo naman mas madali magbiyahe mula sa ating lugar hanggang dito. Kaya paumanhin, na binaligtad natin ang schedule. Pero tingnan n'yo nandito kayo lahat kahit na less than, ilan? Mga less than 20 hours ang notice. Ibig sabihin noon mabilis kumilos ang mga barangay tanod. At 'yan nga dahil napatunayan ninyo na mabilis kayong kumilos sa isang okasyong kagaya nito mas lalong alam kong bibilis ang inyong kilos pag karahasan ang ating lalabanan. Kaya congratulations sa inyo! Marami tayo mga banta sa ating kapayapaan. Mga terorismo at iba pang mga kung anu-anong dahilan para sa terorismo. At marami naman ang kumikilos at maganda ang gawain. Halimbawa, meron tayong nabasa sa peryodiko na 'yung mga tiga-customs nahuli nila 'yung mga pambomba. Gamitin ko itong pagkakataon na batiin sila, kasi nandiyan ang ating national media, para malaman ng ating tiga-customs na hindi lamang 'yung mga batikos sa kanilang warehouse chief ang ating pina-headline, 'yung kagandahan din ng kanilang trabaho. I commend the efforts of our customs officials in the campaign against terrorism. This is another quiet pre-emptive strike that greatly contributes to the safety and security of our people. I want full details surrounding the shipment unearthed and the consignee of the important explosives exposed and prosecuted. Eto ang trabahong ginawa ng Custom, gaya ng sabi ko, quiet pre-emptive strike. 'Yan ang ginagawa ng ating mga barangay tanod -- quiet pre-emptive. Hindi kayo maingay, hindi kayo mabongga, pero marami kayong naiiwasang katiwalian at karahasan sa inyong mahinahon na trabaho. Gusto natin siyempre na mapadali ang inyong trabaho kaya doon naman sa Camp Crame ay doon naman inaasahan din natin na 'yung mga high-profile na katiwalian, karahasan at krimen sila naman ay aasikasuhin din nila sa inyong tulong kung kailangan sa iyung pamayanan. Gamitin ka na rin itong pagkakataon dahil nandito ang pinuno ng DILG na siya ang boss ng mga PNP, na ipapaalam ko sa kanya at sa inyo na ang inuutos ko sa PNP ay isigurado na bawa't tao na may testigo na may kinalaman doon sa pagpuga, pagtakas ni Al-Ghozi ay bibigyan siya ng seguridad. At dapat bawa't piyesa ng ebidensya ay ipi-preserve natin para maprisinta sa Presidential Fact-Finding Commission. Itong imbestigasyon ay dapat masinsin ang trabaho at kumpleto dahil may kinalaman sa seguridad ng ating bansa. At kung merong sabwatan lahat nung mga sangkot hanggang sa puno, hanggang sa mastermind ay dapat litisin at ipreso. At higit dito ang taong bayan, kayo ay dapat malaman ang katotohanan dahil ito ay isang bagay na kaugnay ng ating mga kasagipan at kasagipan ng ating mga pamayanan. Dapat wala tayong iniiwang bato na hindi natin tinatanggal. Hindi natin puwedeng hayaan na hindi mahanapan ng solusyon itong kasong ito. Kasama kayo doon, kasama si... Siyempre nangunguna si Joey at gusto kong batiin si General Caringal. Alam mo, siya ang dating pinuno ng intelligence group. Eh, kinailangan ninyo kasi ang magaling na regional director, natanggal siya tuloy sa I.G. eh siguro kung siya ang nandoon hindi nangyari ito. Pero tutulong siya. Pero 'yung nawala sa I.G. naman ay nalagay dito sa region iv. Kaya gamitin natin ang magandang liderato dito sa region iv at sa ganun ay tumulong din tayo sa ating pamayanan na maiwasan 'yung mga karahasan na ginagawa nitong mga terorista na hindi lamang naghahasik ng lagim sa Pilipinas kundi na rin sa lahat ng mga bansa sa buong mundo. Gagamitin ko itong pagkakataon na batiin ang mga officials ninyo. Nandito nga si Governor Lazaro, salamat sa iyung pag welcome; nandito 'yung inyong Congressman ng distrito, si Congressman San Luis; salamat din nandito si Mayor Panganiban; at saka ang iba't-ibang mga mayor na narito, salamat na sila ay narito. Pagkatapos nito -- kasi may typhoon alert -- kaya ang unang gagawin natin ay babalik sa mga pinanggalingan. 'Yung mga ibang pupuntahan ko sana, pinauwi na 'yung mga bata at saka mga titser, kaya kanselado na lahat ang ibang mga pupuntahan dito sa Laguna saka Rizal, dahil pinapauwi na kesa mapeperwisyo pa sila. Kaya kayo uuwi rin sa inyong mga barangay, hindi para umuwi sa inyong tahanan kung hindi para gamitin na 'yung pinagsanay ninyo para 'yung mga barangay ninyo ay masagip dito sa mga puwedeng mangyari dahil dito sa bagyo na darating. Nawa na pagkatapos nitong pagsasanay ay maganda ang sagot ng inyong pamayanan dito sa bagyo at 'yung iba pang mga sakuna sa mga darating. Ngayon, dahil meron nang terorismo, bagyo, mga halimbawa na inyong sasagutin at ito rin kasalukuyang ginagawa sana ni General Avenido ay 'yung paglaban kontra sa droga. Ang dami-dami na na ating nakitang nahuli na mga pabrika ng shabu at marami doon ay dahil tumulong 'yung mga barangay tanod na magsumbong sa atin. Kaya tatapusin ni General Avenido 'yung kanyang presentation, tapos noon pwede na kayong bumalik sa inyong mga pamayanan para tulungan ang mamamayan na maghanda dito sa bagyo o sa mga sindikato ng droga o sa mga terorista at ano pang kailangan paghandaan ng ating mga pamayanan. Maraming salamat, congratulations sa inyong lahat! |