PGMA's Remarks during the Launching Ceremony of the Strong Republic School (SRS) |
Laguio Elementary School, Barangay Laguio Siniloan, Laguna (22 July 2003) |
| Magandang tanghali. Alam n'yo, kanselado na sana itong event nating ito. Noong nandon ako sa san... Kasi hindi ba may bagyo? Pinauwi na 'yung mga bata, pinauwi na 'yung mga titser. Kaya sinabi nga sa akin pinauwi na kayo. So, nandoon ako sa Sta. Cruz sinabi ko cancelled na lahat ang ibang appointment, umuwi na kayo mga barangay tanod para asikasuhin na ninyo ôyung bagyong dumadating sa pamayanan ninyo. Tapos nalaman ko nandito pa pala kayo, kaya tumuloy na lang ako rito. Ang ginawa po natin kanina ay naglagay tayo dito ng teacher television para yung mga leksyon ay hindi mahirapan yung mga teacher nõyo dito dahil konti lamang. May mga lessons na doon mismo yung television na ang nagtuturo sa mga bata. Iyan ang isang handog para sa inyo dito sa barangay laguio mula po sa tinatawag nating Strong Republic School para makatulong lumakas ang ating republika. At dito rin po ay meron tayo ngayon ibibigay, ito ay para doon sa nag-aaral. Pero bago sila mag-aral dapat nag-aaral pa rin doon sa day care center. Kaya meron po tayong 200,000 pesos para ho sa inyong barangay captain para gagawa po ng day care center dito po sa barangay laguio. Kaya lang po binabagyo tayo, huwag na tayo magtagal dito. Salamat at naghintay kayo kahit na hindi sana ako darating. Biro mo, kung hindi ako dumating, ang bigo-bigo ninyo sana. Kaya po nandito tayo lahat, magkasama tayo. Siguro po umuwi na kayo dahil binabagyo tayo. Thank you very much. Salamat sa inyong lahat. Eto, ibibigay ko itong tseke sa inyong barangay captain para sa day care center ninyo dito, ha. Okay, congratulations! Okay, okay, sige. Thank you. Thank you. |