| PGMA's Speech during the Military Thanksgiving Event |
GHQ Grandstand, Camp Aguinaldo, QC (29 July 2003) |
| Thank you very much, Secretary
Angelo Reyes. Secretary Romulo; General Abaya; General Camiling; Admiral De Leon; General Abu; maraming salamat sa Task Force Libra; General Ledesma; unit commanders; General Teodosio -- nakita ko kanina, kasi siya ang ground commander doon sa Makati kaya binanggit ko; ladies and gentlemen: Saludo ako sa katapatan at propesyonalismo na pinakita ng ating mga kawal sa krisis sa makati noong Linggo. Maraming salamat sa inyong lahat. Pinamalas ninyo ang pinakamahusay na tradisyon ng ating sandatahang lakas. Matibay ang aking paniniwala sa inyo, sa inyong kakayahang lutasin ang anumang sigalot nang may tapang at disiplina, bagama't nagpapasalamat tayo sa diyos na ang nangyari ay nagtapos nang mapayapa. Ang kapayapaan ang palagiang alituntunin ng sundalo. 'Yan din ang alituntunin ng ating ugnayan. Salamat sa inyo. Thanks to you, the mutiny was quelled in a day and the armed forces fully consolidated one day after. Our political stability and national security are unimpaired. The normal course of governance and business has been quickly restored. There has been some setback in confidence but the fundamentals are sound and stable. This is a blip in the screen that does not forebode instability. Salamat sa inyo. Salamat sa inyo, masasabi ko sa lahat -- the armed forces is fully united. The armed forces is staying the course of reform and modernization. Kanina binanggit ni General Abaya na alam niya, alam ko rin kung gaano masakit kung ang sundalo ay lalaban sa kapwa sundalo. Kaya maliban lamang kung talagang hinihingi ng pagkakataon bilang pagtatanggol sa ating Konstitusyon, ayaw kong maglalabas ng anumang kautusan na hahayaang ang ating mga sundalo ay maglaban-laban. Kaya lamang nakakalungkot na meron tayong mga kapatid na nagpapagamit sa mga gustong magkaroon ng destabilisasyon. The resort to destabilization can only be the handiwork of the most desperate groups that have completely lost their moral compass. We must not only bring them to justice; we must awaken them to the modern world in which the use of force to attain political ends is no longer an accepted model of change, especially in open democratic societies such as ours. Sadly, there are those who still live in the dark ages of dictatorship and deception. They must be enlightened if misled, they must be crushed if they persist. Ang ating mundo ngayon ay nasa gitna ng mabibilis na pagbabago. Ito ay nagdulot ng maraming benepisyo sa sangkatauhan pero gayundin ng malalaki at kritikal na pagsubok. Ang ilan sa mga ito ay binanggit ko sa aking State of the Nation Address kahapon -- terorismo, kahirapan, droga, karamdaman, destabilisasyon. But, thanks to you, we have prevailed. Our priority in the aftermath of the Makati crisis is to build unity and reconciliation with justice. We shall take all means to repair the division caused by the incident by rectifying the grievances that caused it, and by bringing its plotters to justice. Our constitutional democracy can only be strong if we move on both fronts of dialogue and retribution. This is true of our armed forces as it is true for the entire society. All plotters will be brought to justice. Sa pagharap sa mga pagsubok, nagsusumikap tayong lampasan ang bawa't krisis, winawakasan ang walang katiyakan na pumipigil sa ating pag-unlad at reporma ng ating lipunan. Today, I signed a commission... I created a commission to investigate the roots of the mutiny and the provocations that inspired it. Justice Florentino Feliciano has accepted to chair this commission. Also Justice Minerva Gonzaga-Reyes and professor Carolina Hernandez. Ang katatagang pulitikal ay ating kailangan kung nais nating sumulong. Kayo ang nagbibigay ng katatagang iyan, ang tagapagtanggol ng seguridad ng ating bansa. At maliwanag na ang papel na iyan ay hindi ninyo maaaring gawin nang may pagkawatak-watak at di-pagkakaunawaan. Ang ating sandatahang lakas ay dapat magkaisa o ang ating republika ay palaging manghihina. Balikan natin ang dapat nating gawin. Una, ang mekanismong tutugon sa mga hinaing. Natutuwa ako na ang ating Chief of Staff, si General Abaya, ay nagsimula nang ipatupad ito. Dapat marami tayong paraan ng paglalabas ng mga tunay ng nararamdaman ng mga kawal lalo na't dumaranas ng matitinding paghihirap sa araw-araw ang ating mga sundalo. Dapat nating pakinggan ang mga senyales na nanggagaling sa ibaba. Pangalawa, edukasyon ng tropa. Kailangan natin ng mga sundalong may malalim na pag-iisip. Kailangan alam nila kung paano ino-organisa ang limitadong mga armadong pagkilos at ini-uugnay ito sa mga sekretong sabwatang pulitikal. Dapat nilang malaman kung paanong gagamitin ng mga pulitiko ang kanilang mga lehitimong hinaing upang maalis ang katapatan ng military sa pamahalaan. Dapat nilang malaman ang mga paraan ng propaganda at panlilinlang na ginagamit ng oposisyon na taliwas sa demokrasya. Ang ating mga sundalo ay hindi dapat panghinaan ng loob sa mabagal na takbo ng pagbabago. Ang landas na ating tinatahak ay mahaba, milya ang binibilang. Mangingibabaw kung tayo ay nagkakaisa at sumusunod sa ating misyon. Pangilagan natin ang mga taong mas gustong balikan ang Pilipinas ng mga nagdaang panahon. Tanggihan natin sila tulad ng pagtanggi ng inyong mga sinundan sa AFP sa panahon ng kung ilang coup attempts noong dekada otsenta. Magsama-sama tayo at kumilos pauna nang may tiwala at hindi padadala sa mga tumatawag sa atin na magbalik lamang sa ating kawalang pag-asa. Naniniwala ako na ang nagbubuklod sa atin bilang isang bansa ay ang ating konstitusyon, hindi ang paggamit ng puwersa para sa layuning pulitikal. Ito ay tungkol sa ating hinaharap, hindi sa nakalipas. Tungkol sa pag-asa, hindi sa pagkatakot. Tungkol sa pananampalataya, hindi sa kawalang pag-asa. Ang Konstitusyon ang ating pananaw at gabay. Ang palagiang pagtatanggol nito ang tanging daan para umunlad ang ating dakilang bansa. Kaya muli sa inyo ating mga kawal na nagtanggol sa ating republika itong nakaraang linggo, maraming salamat sa inyong pananatili sa tamang daan. Patnubayan nawa tayong lahat ng Maykapal. Maraming salamat, mga sundalo. |