| PGMA's Speech during the Meeting with the Filipino Community Leaders in Korea |
(Convention Hall, Lotte Hotel, Seoul Korea - 02 June 2003) |
| Maraming salamat Secretary, Pat
Sto. Tomas. Alam n'yo si Secretary Pat Sto.Tomas simbolo ng dakilang manggagawang
Pilipino. Kasi hindi lamang siya Secretary of Labor ng ating bansa na nag-aalaga ng
Pilipino sa ating bansasiya ang nag-aalaga ng manggagawa sa buong mundo kasi siya ang
pangulong International Labor Organization. Espesyal na espesyal kayong mga Pilipino dito napaka-highpowered ang ating Philippine delegation. Tignan n'yo nandito si Kabayan Noli de Castro; mula naman sa Negros Occidental si Charlie Cojuangco, Congressman; mula sa Marikina nandiyan si Del de Guzman, Congressman; meron tayong Bulacan Association, 'di ba? Tinuro namin lahat siya, si Secretary Blas Ople ng Foreign Affairs; 'yung tinawag ni President Bush na Great Heir to a Great Political Tradition, si Secretary Mar Roxas; ah eto, kailangan n'ya kayo kasi ang Korean market ang isa sa pinakamalaking umaangat na palengke ng ating turismo, si Secretary Dick gGordon. Tulungan n'yo siya; alam n'yo dito sa Korea maraming mga investors na nag-iinvest sa Pilipinas kasama na dito sa ating power sector, sa kuryente, sa enerhiya. Kaya kasama ko ngayon si Secretary Vince Perez ng Energy. At dito sa aking biyahe hihingiin natin sa Korea na -- alam n'yo naman yung mga saging dito galing sa atin, 'di ba? -- hihingin ko sa kanila na ibaba pa nila yung buwis ng saging na pumapasok dito. Kaya nandito si Cito Lorenzo para ipaglaban iyon; at ang Korea isa sa pinaka-mapagbigay ng Official Development Assistance kaya nandito si ODA Secretary Mai Jimenez para ayusin 'yon; at malaki ang tinutulong nila dagidiay kakailyan tayo ti bangir nimamang ko nga Ilocano ken Cordillera. Issu nga addad toy met ti maysa nga anak ti Ilocandia ni Presidential Adviser Chavit Singson of the North Quad; adda paymaysa nga anak ti Cordillera, 'yung aking head ng Presidential Management Staff si Secretary Yongyong Afable; and of course, let me greet... Ay, let me greet Ambassador Jarasa and Mrs. Jarasa, our Ambassador to Korea but Korea's Ambassador to the Philippines is also here, Ambassador Son Sang-ha, Korean Ambassador to the Philippines. At kayong mga oldtimer dito, meron kayong kilalang dala ko,inimbita ko siya kasi siya ang simbolo ng ating pagtulong sa Korea nung siya ay bago pang demokrasya, si Former Ambassador to Korea at saka isa sa mga kawal na Pilipino na lumaban para sa kalayaan ng Korea si General and Ambassador Ernesto Gidaya. 'Yung iba't-ibang mga organization na narito: binati ko na'yung Bulacan group, 'yung Ilocano, ti Cordillera; caring Cabalen kong Capampangan maayapagat panapon; narinig ko may... Ay, a bengin na pala. Okay; at narinig ko rin may mga Bicolano, dios marhay na bangi sa indo gabos; at 'yung iba't-ibang mga church groups natin. Nakikita ko ay'yung sumisigla pala ang Filipino community dito sa Korea dahil sa napakasigla ng ating iba't-ibang mga church organizations; our Korean friends; sa inyong lahat mga mahal na dakilang manggagawang Pilipino sa Korea, magandang gabi at salamat sa inyong pagkabayani. Kasi dahil sa husay, sipag at galing ng ating OFW at mga manggagawa sa loob ng bansa pati, gusto kong ikwento sa inyo na 'yung ating GNP ay tumaas ng 5.6 percent at 'yung GDP ay 4.5 percent. Ano ang kaibahan nung dalawa?' yung 5.6 na GNP kasama ang OFW remittances, 'yung 4.5 wala. kaya ang diperensya ng dalawa, 'yon nga, 'yung GDP hindi kasama ang remittances ninyo, 'yung GNP ay kasama. Ibig sabihin, ang diperensya between 5.6 and 4.5 ay 'yung nanggagaling sa kontribusyon ng ating mga overseas Filipinos kagaya ninyo. Kaya maraming salamat sa inyong remittances. Taun-taon nagpapadala kayo hindi bumababa sa anim nabilyong dollar. Kung minsan pa nga seven billion, kung minsan eight billion.at dahil sa pinapadala n'yong pera sa mga anak, magulang at kapatid, milyun-milyong kabataan tuloy ang nakakapag-aral o nakakatapos sa edukasyon. Dahil sa pinapadala n'yong pera o kaya iyung binibili n'yong bahay dito para sa kanila doon, libu-libong bagong bahay ang napapatayo. In fact, nung isang araw, nagkaroon ako ng meeting sa developers, housing developers, sabi nila majority sa middle-class housing ngayon ay OFW ang bumibili. Kaya kayo ang nagbibigay ng tahanan sa mga kamag-anak ninyo. Pero dahil 'yung housing ang pinakamalaking multiplier na nagbibigay ng trabaho at iba pang negosyo sa ating bansa pati 'yon nanggagaling sa inyong tulong. Kaya maraming salamat doon. Dahil sa... Ano, Dick? O sabi ni Dick nagpapadala kayo ng pera pang-aral, pang-bahay... Pambili ng bahay o kaya nagpapadala kayo ng bahay na binibili ninyo mula rito ang bayad, magpadala na rin kayo ng turista, sabi ni Dick. Sabi ko nga kay Kabayan Noli, 'yung turismo maging sa ating bansa o sa ibang bansa sa asia kapag umaangat nakinabang tayo. Kasi lahat ng mga lugar kung saan malakas ang turismo, Pilipino ang mga musicians. Kaya congratulations sa inyo. Pag napapadala kayo ng pera sa inyong mga kamag-anak na nagiging puhunan din nila sa negosyo nila ay nagpapalunsad kayo ng mararaming negosyong small and medium enterprises. Ang dami pakinabang ng ating ekonomiya. At sa ibabaw pa nitong lahat, nagbibigay kayo ng magandang reputasyon sa ating bansa kung ganito kayo kagaling sabi nila siguro ganoon din sa Pilipinas. Ang Pilipinas nga siguro ay tahanan ng dakilang manggagawang Pilipino. Itong ginagawa n'yo nagpapa-aral kayo ng kamag-anak, binibilhan n'yo ng bahay, binibigyan n'yo ng puhunan. Ang inyong kontribusyon sa ating ekonomiya ay tugmang-tugma sa hangaring ipinahayag ko para sa ating bansa mula pa noong aking unang ulat sa bayan bilang pangulo noong 2001. Sabi ko noon: trabaho, edukasyon, sariling tahanan, idagdag na rin: pagkain sa bawat mesa -- ito ang mithiin ng masa. And I told the Congressmen and Senators then, and this in common sense and plain talk, is the core of my vision. Pagkatapos ng isang taong sinisikap ko ito, namulatan ako na ito ay mga layunin. Pero 'yung vision dapat, the vision for our nation must be: to rebuild and strengthen the Philippine republic, gaya ng sabi ni Ambassador Jarasa. Dahil ang malakas na republika lamang ang makakasiguro ng trabaho, edukasyon, tahanan at pagkain sa bawat mesa ng ating mamamayan. Itong malakas na republika na sinasabi kong aking vision, dalawa ang katangian na gumuguhit sa malakas na republika: una, ay kalayaan mula sa uri at sektor upang itong republika ay titindig para sa interes ng taumbayan, kaysa sa interest ng makapangyarihang minoridad; at pangalawa ay kapasidad, kinakatawan ng malakas na institusyon at malakas na burokrasya, para matupad ang mabuting patakaran at maghatid ng batayang serbisyo. Dito sa Korea, isa sa sinasabi nilang malakas na republika. Itong taon, kasi 'yung ating 5 percent growth rate mas mataas kaysa sa kanila, kaya lamang mas malaki na, malayo ang ating hahabulin sa kanila. Malaki ang lamang nila sa atin kasi matagal na silang umuunlad. Hahabulin natin ang kaunlaran nila kasi ang kanilang per capita income ay 10,000 dollars, 'yung atin 1,000 dollars. Nung araw, nung panahon ng tatay ko, mas malaki 'yung ating per capita income kaysa sa kanila. Pero nung nagkaroon ng... Nung tayo nagkaroon ng Martial Law, sila naman ay nagkaroon ng export oriented industrialization. In the 1970's nag-iba, naghiwalay 'yung landas natin. Kaya nakamit nila itong 10,000 dollars per capita nila sa loob ng nakaraang tatlumpung taon. Sayang, 'no? 'Yung panahon nung tatay ko, tayo ay pangalawang pinaka maunlad na bansa sa Asya. Kaya ang Korea hindi pa kagaya natin noon. Kaya 'yung Korea, 'yung ginawa nila 'yung industrialization export oriented, 'yon ang nagpa-angat sa kanila. Eh hindi tayo nakagawa noon nung panahon ng Martial Law. Hindi tayo nakasabay sa mga bansang, you know, ibang mga ekonomiya kagaya ng Malaysia, 'yung ekonomiya ng Taiwan. Hindi tayo nakasabay sa kanila dahil nagkagulo 'yung ating bansa sa mga problema ng Martial Law. Kaya noon lampas na lampas ng Korea ang ating growth rate. Kung tayo ay maliit lang ang growth rate natin, 'yung Korea ay nagte ten percent, nine, eight, seven, ganun. Kaya kung tayo ay naging five ngayon at Korea ay three, eh mahaba pa ang hahabulin natin muli. Kaya makikita natin, ang leksyon doon ay ang nangyari sa Korea ay hindi bunga ng isang milagro. Bunga ito ng walang humpay na pagsisikap ng bansa pati na rin ang mga ordinaryong mamamayan upang paunlarin ang kanilang mga buhay. At kayo nakatira kayo dito, saksi kayo sa bagay na ito. Nakikita naman ninyo araw-araw ang disiplina at sipag nila. At naalala natin nung nagkaron ng krisis, 'yung Korea nung 1998, '99 mismo 'yung mga mayayaman nila nagbigay ng alahas para mabayaran 'yung mga utang ng bansang Korea. So 'yung malakas ang diwa ng pag sakripisyo. Ngunit kung sa sipag hindi naman nagkukulang ang disiplina at sipag ng ating manggagawang Pilipino. Kaya naman kayo hinahanap saan mang sulok ng mundo. Hinahalaga kayo ng ating bansa. Dahil dito, ating mga congressmen, ating mga senador, administrasyon, bilang administration urgent measure pinasa natin ang Overseas Absentee Voting Law. At sinusuportahan rin kayo ng lipunan at pamahalaang pilipino sa pamamagitan ng tax free 'yung inyong income dito sa korea. At kabilang rin ang Korea kung saan nagpadala ang pamahalaan ng doktor at social worker para gamutin at bigyan ng payo ang mga OFW. At tinaas ko na rin ang benepisyo ninyo mula sa OWW. Doble na ang death benefits, nung araw 50,000 ngayon 100,000. Eh lahat naman mamamatay, 'di ba? Nung araw walang disability benefits, ngayon binibigyan natin ng disability hanggang 50,000 pesos, depende kung ano 'yung inyong naging sakuna. At taun-taon may isang daang anak ng ofw na bibigyan ng scholarship. At dito naman sa korea ipinaglalaban din natin na sana mapasa 'yung work permit bill. Hindi ito pangako, ha? Kasi hindi naman kapangyarihan ko 'yon ngunit trinatrabaho rin natin 'yon kasama ninyo. At ngayon na nagbago ang mundo mula nang ang koalisyong pinuno ng Amerika ay kumilos kontra sa Iraq, at kailangan ng bagong pananaw ng Asya sa seguridad ng pulitika at kabuhayan, kailangan kasama ang mga Pilipino sa ibayong dagat sa konsiderasyon ng ating bagong pananaw. Ano ba itong bagong pananaw na nanggaling sa nagkaroon ng giyera sa iraq mula sa koalisyon, Coalition of the Willing. Itong bagong pananaw ay dapat kinikilala natin na dito sa Asya higit na kailangan responsable tayo para sa ating sariling seguridad sa pulitika at pangkabuhayan. At kung sinasabi ko seguridad natin kasama na rito ang ating mga mamamayan hindi lamang sa Pilipinas kung hindi na rin ang ating Pilipino sa ibayong dagat. Dito sa nagbagong mundo, mundong nagbago mula nung March 20, 2003 kinikilala natin na tuloy-tuloy pa rin ang banta ng terorismo, at dinadagdagan pa ng posibilidad na ang pangmundong kaguluhan ay umabot hanggang sa north korea. Kaya ito ang hamon ng ating rehiyon. At kinukwento ko ito sa inyo dahil nandito kayo sa Korea, sa South Korea, at dahil nga 'yung mga bantang umabot sa North Korea ang gulo ng ating mundo sa nagbagong mundong ito gusto kong sabihin sa inyo na gagawin nating lahat ang kailangan para ligtas ang Pilipino. Hindi lamang sa Pilipinas kundi na rin sa iba't ibang bahagi ng mundo, lalo na ngayon ang ating mga Filipino dito sa Korea. Kasi mula nang lumala ang problema ng pangmundong istabilidad, laging patakaran ng ating pamahalaan na ang ating pinaka-tungkulin ay ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino maging sa Pilipinas o sa ibayong dagat. Ang ating pangunahing pinag-aabala ay manatili kayong ligtas at wala sa panganib. Kailangan abala ako sa kapayapaan at seguridad ng walong milyong Pilipinong nakatira at nagtatrabaho sa higit sandaan at apatnapu't bansa sa buong mundo, kasama na 'yung tatlumpung-libong Pilipinong nakatira dito sa Korea. Eto ang ating kailangan: kapayapaan, seguridad, trabaho, edukasyon, tahanan, pagkain sa bawat mesa. At ako'y nagpapasalamat sa inyo, dakilang manggagawang Pilipino dahil napakalaking kontribusyon ninyo dito sa ating hangarin ng ating bayan. Sana tuloy ang inyong tagumpay. At sana tuloy din ang inyong tulong para sa ganun maging malakas na rin ang ating republika gaya ng bansang pinagtatrabahuan ninyo. Maraming salamat at mabuhay ang manggagawang Pilipino. |