| PGMA's Speech during the Awarding Ceremonies of the 2002 Bagong Bayani Awards and Celebration of Migrant Workers' Day |
Ceremonial Hall, Malacanang (07 June 2003) |
| Maraming salamat Secretary Pat
Sto. Tomas, na s'yang pangunahing tagapag-alaga ng mga manggagawang Pilipino sa Pilipinas,
manggagawang Pilipino sa ibayong dagat at manggagawa sa buong mundo dahil s'ya rin ang
pangulo ng International Labor Organization. Ang aking kabiyak, si Atty. Mike Aarroyo na nagtanggap ng award kasama ni Mr. Arne Hansen; ang ating mga magigiting na awardees -- napakaganda ng inyong pinahayag; si Captain Gregorio Oca, na siya ang pangulo nitong foundation na ito; si Presidential Adviser ng OFW community, Sonny Alvarez; 'yung iba't-ibang mga appointees ko sa gobyerno: nandito si OWWA Administrator Angelo at si Acting DFA Secretary Ebdalin at iba't-iba pang mga appointees na narito ngayon. 'Yung kasama... Nandito si Aadministrator Baldo saka si LandBank President Gary Teves at saka si PRC Chairman Tonette Ibe; members of the diplomatic corps; maritime cadets; awardees at mga kaibigan nila; guests; ladies and gentlemen. Kaiba-iba itong ating pagbibigay ng award itong taong ito. Kasi nagpalit ang mundo noong a-beinte ng Marso nang ang koalisyong pinuno ng Amerika ay kumilos kontra sa Iraq. Bakit nagpalit ang mundo? Dahil dito nagbago ang mundo, kapaligiran na kailangan ng bagong pananaw ng Asya sa seguridad ng pulitika at kabuhayan. Kailangan ngayon tayo ay mas responsable sa ating kaligtasan sa ating mga bansa. At para sa Pilipinas, iyang pananaw na 'yan ay dapat kinokonsidera ang walong milyong ating mga mamamayan na nagbibigay ng kontribusyon sa kaunlaran maging sa ating ekonomiya, maging sa ekonomiya ng buong mundo dahil isang daan at apatnapu ang mga bansa kung saan nagtatrabaho ang ating mga dakilang manggagawang Pilipino. At kayo mga dakilang manggagawang Pilipino, tinatawag na bagong bayani dahil sa napakaraming binibigay ninyong paglilingkod at dangal sa ating bansa. Magandang reputasyong ang binibigay ng ating mga bayaning Pilipino sa ating bansa. Kasi sinasabi nila kung ganun kagaling 'yung Pilipino halimbawa sa Saudi eh ganun din siguro 'yung Pilipinong nandoon sa Pilipinas. Kaya napakagaling na kayo ay embahador para sa ating bansa. At hindi lamang 'yon. 'Yung inyong mga pinapadala dito. Kung darating ang araw na makakapag-trabaho na kayo dito 'yon din ay dahil puhunan ninyo ang nagpalaki ng ating ekonomiya. Nagpapadala kayo ng matrikula sa inyong mga anak at kapatid kaya milyun-milyong kabataan ang nag-aaral o nakakatapos ng edukasyon at nagbibigay ng bagong henerasyon na magaling ding manggagawa. Ito ay dahil sa tulong ng ating mga OFW. 'Yung mga pabahay na pinapadala ninyo. 'Yung mga bahay na napapatayo ninyo para sa inyong mga kamag-anak, libu-libo 'yon. At 'yung mga minamahal n'yo sa buhay na nagkakaroon ng bagong bahay dahil sa inyo, 'yon din ay nagkakaroon ng bagong buhay. At noong isang araw o noong isang linggo, pumunta ako sa isang miting kasama ng mga industriya ng pabahay. At ayon sa kanila, ang pinakamalaking merkado nila ngayon, pinaka malaking pinanggagalingan ng kanilang negosyo sa pabahay ay mga OFW na bumibili ng tahanan para sa inyong mga pamilya sa Pilipinas. At kung sinasabi nila, ang housing pinaka-malaki ang multiplier effect pati ang housing na 'yan ay kontribusyon ng ating mga OFW. Nagpapadala kayo ng puhuhan. Kaya sabi ko, kung darating ang araw na makakatrabaho kayong muli dito hindi na dahil sa inyong puhunan. Dahil sa inyong puhunan na pinapadala ninyong remittance sa inyong mga kamag-anak ay nakakapaglunsad ng maraming mga negosyo maging small business sa buong bansa. At ang small business ayon sa mga ekonomista, 'yon ang pinaka-efficient sa paggamit ng puhunan. Ang matagumpay na negosyo na napapatayo sa ating bansa dahil sa inyong remittances ay isang malaking haligi ng ating ekonomiya. Sumigla ang maraming barangay, bayan, lungsod, probinsiya sa mga kontribusyon ng overseas Filipino. At tugmang-tugma ito sa aking pangunahing programa sa ating pamahalaan para magkaroon ng trabaho ang ating taumbayan. Sabi ko, ang unang pinaka-kailangan, small and medium enterprises. Kaya kung 'yung mga ibang bansa noong nagkaroon tayo ng Asian crisis o ng crisis pagkatapos ng iraq at saka 9-11 na humina ang negosyo sa buong mundo, buhay pa rin ang Pilipinas dahil hindi exports ang ating inaasahan kung hindi 'yung small ang medium enterprises sa ating sariling bansa. At marami doong puhunan ay nanggaling din sa inyo. At gaya ng sabi ko, kung hindi tayo umasa sa exports, umasa tayo sa housing na malaki ang multiplier effect, galing din 'yon sa inyo. Kaya, ang dakilang manggagawang Pilipino na taun-taon nagpapadala ng hindi bumababa sa anim na bilyung-bilyong dollars. 'Yon ho, ang laki ng inyong kontribusyon. Hindi lamang direktong kontribusyon sa pamilya kung hindi sa multiplier at sa pagbibigay ng trabaho sa nakararami. I am very happy to report to you, our dear new heroes, that for the first quarter of this year, our economic report showed that our gross domestic product grew by 4.5 percent while our gross national product grew by 5.6 percent. 'Yung mga binibisita kong mga ibang bansa wala pa sa kanila ang ganito kalaki ang pag-angat. At ano ang diperensya ng 4.5 percent na gdp at 5.6 percent na GNP. Ang diperensya, yung 5.6 percent na gnp sakop 'yung inyong mga remittances. Kaya ganun, nakikita natin ang halaga ng inyong kontribusyon sa ating bansa. Ibig sabihin, ang diperensya ay nanggagaling sa kontribusyon ng mga overseas Filipinos. Kaya, maraming salamat sa inyong remittances, salamat sa inyong pagka-bayani. At eto na nga, gaya ng sabi ko, ang inyong kontribusyon tugmang-tugma sa mga hangarin natin. 'Yung mga pinahayag mula pa ng aking unang ulat sa bayan bilang pangulo pa noong 2001. Sabi ko noon, ano ba ang hangarin ng karaniwang pilipino -- trabaho, edukasyon, tahanan, idagdag pa natin, pagkain sa bawat mesa -- ito ang mithiin ng masa. At ito rin sabi ko, this is the core of my vision. This is, in common sense and plain talk, is the core of my vision. But one year of seeking to carry out that vision made me realize that these are goals for our people, while the vision of our nation must be to rebuild and strengthen the Philippine republic. Dahil ang matatag na republika lamang ang makakasiguro ng trabaho, edukasyon, sariling tahanan at pagkain sa bawat mesa ng ating mamamayan. Kung kayo ay kinakailangan pumunta pa sa ibang bansa para makahanap ng trabaho, 'yon ay dahil hindi pa malakas ang ating republika. Two essential features mark out a strong republic: the first is independence from class and sectoral interests so that the republic stands for the interests of the people rather than a powerful minority; the second is the capacity, represented through strong institutions and a strong bureaucracy, to execute good policy and deliver essential services. Ang batayang serbisyo ay dapat hinahatid ng malakas na republika sa taumbayan saan man kayo, maging sa pilipinas o sa ibayong dagat. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ko na sa bagong pananaw na kailangan pagkatapos nagpalit ang mundo noong a-beinte ng Marso, kailangan kasama ang mga pilipino sa ibayong dagat sa konsiderasyon. Itong bagong pananaw ay dapat kilalanin na dito sa Asya, gaya ng sabi ko, higit na kailangan responsible tayo para sa ating sariling seguridad sa pulitika at pangkabuhayan. Kasama na rito ang ating mga mamamayan hindi lamang sa pilipinas kung hindi ang ating mga pilipino sa ibayong dagat. At gagawin natin ang lahat para ligtas ang Pilipino, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi na rin sa iba't ibang bahagi ng mundo. Mula nang lumala ang problemang pangmundong istabilidad, laging patakaran ng ating pamahalaan na ang ating pinaka-tungkulin ay ang kaligtasan ng mga Pilipino maging sa pilipinas o sa ibayong dagat. Ang ating pangunahing pinag-aabala ay manatili kayong ligtas at wala sa panganib. I must be concerned about the peace and security of 8 million Filipinos who live and work in over a 140 countries around the world. Bilang pagkilala sa inyong kontribusyon sa ating ekonomiya napasa na nga ang batas na nagbibigay sa inyo ng karapatang bumoto sa ibayong dagat. Maging sa Amerika kung saan tatlong milyong Pilipino ay naroon - tatlo doon sa walong milyong Pilipino ay nasa Amerika -- kinikilala ang inyong kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas maging sa buong mundo. Kaya si Pangulong Bush ay nag-ulat na ang Amerika ay magsisimula ng proyektong padaliin ang tagos ng padalang pera ng mga manggagawang Pilipino mula sa buong mundo, hindi lang nasa sa Amerika, sa Pilipinas. At nagkasundo kami na itong proyekto ay magpapaibayo ng buhay ng milyun-milyong Ppilipino sa pamamagitan ng maging mas mababa ang gastos ng inyong remittance fees at mas madali tumagos ang pondo sa Pilipinas mula sa Amerika at saka sa buong mundo. Sana sa loob ng anim na buwan ay mararamdaman na ninyo itong mas mababang gastos. At doon sa aming pinanggalingan ni Pat Sto. Tomas, doon sa Japan kung saan halos isang daang libong Pilipino rin ay nagtatrabaho. Kahapon, si Prime Minister Koizumi, sabi n'ya pwede na nating simulain pormal 'yung ating pagtatalakay tungkol sa economic partnership agreement ng Pilipinas at saka ng Hapon. At para sa Pilipinas, ang pangunahing pinapasok natin na bahagi ito ay mabuksan ng Hapon ang kanyang pintuan sa ating mga nursing aides at saka ating mga I.T. workers. Ito ay kaiba-iba dahil hanggang ngayon saradong-sarado pa ang mga pintuan ng hapon sa manggagawang galing sa ibang bansa. Doon naman sa Korea -- doon nanggaling kami ni Pat Sto. Tomas -- ay marami ring mga Pilipinong naroon. At kanya lamang, doon sa mga tatlumpung libong Pilipino higit kalahati walang dokumentong tama. Kaya hinihiling natin sa kanila na ipasa nila 'yung work permit law para sa ganun hindi lamang trainees kunyari 'yung mga manggagawa doon na mababa tuloy ang kanilang sweldo. At magiging pareho sa Koreano sa sweldo at saka sa security of tenure. Sabi naman ng pangulong bago, bagamat mabigat 'yung panukalang batas na 'yon dahil syempre isang bansa ay natatakot na mawalan ng trabaho ang sariling mga mamamayan ay binigyan nila ng extention 'yung grace period o 'yung amnesty period ng ating mga manggagawang Pilipino para hindi kailangan agad-agad pinapa-uwi dahil kinikilala nilana ang ating mga Pilipino ay magagaling at gustong-gusto nilang naroon sila. At ngayon, kinikilala rin natin ang mga natatanging OFW itong araw na ito. Sa pagkilalang ito, hangad ng inyong pangulo at ng inyong pamahalaan ang pamamalagi ng katapangan at katibayan ng inyong loob sa anumang mga pagsubok para sa darating. Ito ay inyo nang napatunayan, sampu ng ating maraming kababayan sa labas ng ating bansa. Sabi nga, ang manggagawang Pilipino, subok na matibay, subok na matapang, maging giyera man ay 'di uurungan. Kaya, nagpapasalamat kami sa inyo, dakilang manggagawang Pilipino. Sana darating ang araw na kayo ay magtatrabaho dito sa pilipinas dahil sa tulong na rin ninyo lumakas ang ating republika. Ngunit ang isang ikinalulungkot ko lalo na 'yung mga seamen, dumarating ang araw na lumalampas na kayo sa edad, bumabalik kayo rito kahit na hindi pa malakas ang ating republika at naghahanap kayo ng trabaho sa ating bansa. Kanya naman ako ay nagtayo ng isang bahagi ng DOLE, 'yung Undersecretary of Labor for Reintegration, si Undersecretary Lucy Lazo. At sabi ko, ang kanyang tanging trabaho ay tumulong doon sa mga OFW na bumalik na at dahil wala ng trabaho handa para sa kanila sa ibang bansa. Sabi ko nga kay Pat, "Pat, bakit nawawalan ng trabaho, ang galing-galing nila?" kasi sabi ni Pat, kung minsan meron silang age limit. At pagpasok naman ninyo dito mga pabrika rin, meron ding age limit, o kaya masyadong mataas na ang sweldong natatanggap n'yo sa ibang bansa hindi rin kaya tapatan 'yung sweldo ninyo. Kaya kailangan ibang paraan. Kaya kailangan siguro kung kayo ay nagpapadala ng puhunan noong araw pero kayo ang alam n'yo ay maging manggagawa o technician o professional, kailangan ngayon ay matulungan kayo magsimula ng inyong bagong sariling buhay. At 'yon din ang isang handog nitong pamahalaan sa inyo. Sana malaman ng marami na pag-uwi ninyo at kayo ay naghahanap ng susunod na hanapbuhay, sa susunod na chapter ng inyong buhay nand'yan pa rin si pat at 'yung kanyang Undersecretary si Lucy Lazo na sinabi ko, tulungan lahat ng ating dakilang manggagawang Pilipino magkaroon ng bagong buhay dito sa Pilipinas. Kaya muli, mga kaibigan, salamat at pinupuhunan ninyo ang inyong pinakamagagandang taon ng inyong buhay para sa ating bansa. Ngunit sinisikap nating suklian kayo hindi lamang habang kayo ay nagbibigay ng tagumpay sa pamamagitan ng mga premyong binibigay sa inyo sa mga seremonyang ito kung hindi na rin habang ang inyong buong buhay, sisikapin natin na hindi kayo nakalimutan ng ating bansa. At kung kayo ay nagkalinga sa ating bansa, kayo rin ay aalagaan ng Pilipinas sa inyong buong buhay. Maraming salamat at congratulations, dakilang manggagawang Pilipino! |