| PGMA's Speech during the Program for the Distribution of Land Titles to Farmer Beneficiaries of Jala-Jala, Rizal |
Municipal Gymnasium, Brgy. Punta Jala-Jala, Rizal (09 June 2003) |
| Maraming salamat, Secretary
Obet Pagdanganan sa inyong pagpapakilala sa akin. Binabati ko rin... Kasama ko rin ngayon si Secretary Joey Lina, ang ating Secretary ng DILG; parating na raw si Governor Ynares, tumawag siya. Pero gusto kong batiin ang kakarating na si Vice Governor Jovito Rodriguez; at salamat sa ating mga iba't-ibang mga punongbayan na narito ngayon. Siyempre 'yung ating host, si Mayor Delos Santos, maraming salamat; at nabanggit na rin niya 'yung mga kapwa mayor niya sa pamumuno ng pangulo ng Mayors League, si George Bernardo. Salamat Mmayor doon sa inyong, 'yon, sa inyong streamer "Welcome, Rizal Mayors League." at gusto ko ring batiin 'yung ating mga board member. Pati na rin 'yung ama nung isang board member, si Congressman Ding Tanjuatco; gusto ko rin batiin lahat ng mga officials dito sa bayan ng Jala-Jala. Pinakamaliit at pinakamalayong bayan ng probinsya ng Rizal. Kaya kung pulitika lang iniisip ko hindi ako dito pupunta. Pupunta ako doon sa aking kumpadre sa Antipolo dahil ang laki-laki. Pero dito ako pumunta para ipakita na ito ay trabaho at hindi pulitika. Gusto ko ring batiin 'yung ating mga nag-aalaga ng ating kapayapaan, ang Commander ng Southern Luzon Command, ay wala siya dito; ang Commander ng Second Division, si General Efren Abu. At saka ang namumuno ng police sa Region 4-A, si General Jimmy Karingal; at tinawag ko sa entablado ang Superintendent ng DepEd, si Edith Doblada. Kasi ho tatlo ang aking dahilan kung ba't narito ako eh. Una, itong ginawa... Gagawin ni Obet mamaya. 'Yung pamamahagi ng titulo sa ating mga benepisaryo ng reporma sa lupa dito sa Jala-Jala. Narinig na natin 'yung kwento ni Obet. Narinig natin 'yung kwento ni mayor. Narinig natin 'yung kwento ng kinatawan ng mga magsasaka, na ito ay bunga ng isang mahabang-mahaba at masalimuot na proseso. Sa wakas, mga magsasaka ng Jala-Jala, kayo na ang may-ari ng inyong sariling lupa. At ito ay isang napaka-importante para sa akin. Dahil ang aking tatay, si Diosdado Macapagal, siya nga ang sinasabi nilang ama ng reporma sa lupa. Nung ako ay naging pangulo nakita ko na isang milyon pang hektarya ng sakahan ay kinakailangan pang i-reporma sa lupa. At kung gusto natin na makamit ang pagsugpo ng kahirapan sa loob ng isang dekada dapat lahat ng isang milyong hektarya na yan ay mapamahagi sa loob ng isang dekada. Kaya bawa't taon ang ating tuyo, ang ating pakay ay sana 100,000 hectares every year ang magagawa. Nung Linggo pero ngayon pumapasok na for enrollment. At saka para doon sa mga teachers at saka mga supervisors, superintendents, principals para magsanay tungkol sa sars at iba pang mga sakit na nakakahawa kagaya ng dengue. Congratulations sa ating mga health officials dahil tayo ang isa sa unang mga nag-graduate sa SARS sa buong mundo. At ayaw natin na babalik ang SARS. Doon sa Toronto nag-celebrate na sila tapos bumalik ang SARS. Doon sa Singapore nagse-celebrate sila ngayon pero sinasabi rin ni Prime Minister Goh pero mag-ingat tayo para hindi babalik. Pero kung ano 'yung nagawa... Pero sila bago sila nag-graduate daan-daan ang nagkaroon ng SARS. Sampu sa isang araw. Tayo sampu sa buo. Pagkatapos ng sampu napigil na natin. Sila sampu isang araw namamatay. Tayo dalawa ang namatay sa buong panahon. Pagkatapos ng sampu, na dalawa ang namatay, ay wala na tayong SARS. Pero isigurado natin talagang mawawala na yan. At kung ano ang tagumpay natin sa sars magagawa rin natin 'yon sa dengue. Kaya 'yon ang kailangan kaya meron tayong one week na seminar ng mga guro. Pero ito rin ang paraan kung papano makapunta ako para makita kung ano angmga pangangailangan. Kasi sinasabi nila kulang ang classroom. Pero ilan ang kula ng, yan ang hindi pa scientific na nagagawa. Kaya ang sinasabi ko kanina kay Secretary De Jesus lahat ng mga eskwelahan kung saan ang ratio ay 50 students to 1 at lampas ay dapat mandatory ang shifting. Two shifts morning and afternoon. Ngayon, kung 'yung elementary school ay 100 students and above kahit na mag-shifting kulang pa rin ang classroom. At 'yung mga high school kung 200 and above ang ratio kahit na mag-shifting kulang pa rin ang classroom. Kaya sabi ko itong taong ito kukumpletuhin natin ang classroom gap. Pero ide-define natin. Ide-define natin ang classroom gap. Ang classroom gap, ibig sabihin noon lahat ng mga eskwela sa elementary na ang ratio ay higit sa 100 to 1, ibig sabihin may classroom gap. Lahat ng secondary na ang ratio ay 200 to 1, ibig sabihin noon may classroom gap. Ngayon 'yung mga mayayaman na mga local governments inaalok ng DTI na humiram ng counterparting. Magkaka counterpart ang national government, magkaka-counterpart ang local government para magtayo ng mga classrooms. At ayon dito meron nang tatlong libong classrooms sa buong Pilipinas na local government and hihiram para maitayo yuon. Pero may counterpart din ang national government, maliit lang ang hihiramin ng local government. Pero itong mga marami ay mahihirap kaya yan ang tinitignan natin. Isisigurado natin na yang classroom gap na yan ay masasarado itong schoolyear na ito. Kaya tinawag ko si Edith Doblada. "Edith, kukunin ko na itong records mo. Akin na lang ha?" at tinignan ko. At sa nakita ko na dito sa Rizal, meron tayong... Kung June ang ating definition ng classroom gap para mabuo 'yung classroom ngayon ay mangangailangan tayo ng additional na ten million pesos para sa classroom gap kung... Sorry, Director Agustin kung hindi DPWH ang gagawa. Kasi ang DPWH mahal. Sinasabi ko na sa inyo gumawa na kayo ng ano, ng design na 300,000 lamang. Kaya ang ginagawa ko... Kasi ang nakita kong... Ilan ba itong classroom dating nakita ko? Ah... Ay, saan yung papeles ko, 'yung ginagawa ko kanina? 'Yung papeles ko? Hindi, 'yung binibilang ko 'yung classroom gap, wala na rito. Kinuha ninyo. Ang nakita ko mga ano yata -- 16 plus 11 is already 27 -- mga 30 classrooms ang kulang sa buong Rizal. At 'yung 30 classrooms na yon eh kung gagamitin mo ang budget ng DPWH ay masyadong malaki ang... Hindi ba? Magkano ang isang classroom mo? Kaya ninyo ang 250,000? Kasi 'yung Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce ginagawa nila 350,000 for two classrooms, yata. Kaya ang gagawin ko, magdo-donate ako sa federation ng 10 million. Alam ko magdadagdag sila ng 5 million. Para sa ganun... Kasi 'yon ang nangyari sa Cavite eh. Sa Cavite siyam lang ang kulang. Kaya nagbigay ako sa kanila ng 3 million, yata. Sabi nila, sobra 'yan for one classroom, pero kulang for 2 classrooms for 9 schools. So sabi nila, sige kami na lang ang magbubuo para may 2 classrooms. Kaya ang binibigay ko sa kanila budget ng DPWH na one classroom tapos noon binubuo nila at nagiging two classrooms. Kaya ito ho ay bibigyan ko sila ng 10 million para magkakaroon ng two classrooms lahat itong mga eskwelahan na kulang. Pero ano... Talaga director agustin gumawa kayo ng plano na makakaya natin. So 500,000 per two classrooms kung ganoon ha. Kaya na ninyo ng 250,000 na ha? Bakit hindi... Ngayon doon sa headquarters hindi ba ganoon? Bagong plano na ba yan? Hindi, pero ang problema ninyo wala pang kisame, wala pang ano... Ha? Babarnisan na ba ito? Kasi kung bagong design baka sa inyo ko na ibigay ang pera. Basta mag-a-alocate ako ng 10 million for the province of rizal. Kasi 'yon ang magko-close ng classroom gap. Pero over and above that 'yung mga congressmen, mga governor, mga mayors, 'yung NDC-DTI magkakaroon pa ng iba. Pero nakikita ko at the very minumum dapat itayo natin yuon. So 'yon ang aking isisigurado. So 'yon ho ang pangalawang dahilan kung ba't ako'y napunta rito. Dahil nga matignan kung ano 'yung inyong classroom gap. 'Yung critical classroom gap. Pangatlo, eh kasi matagal na akong hindi nakakapunta sa Jala Jala kahit na maliit at malayo. Eh, siguro dahil maliit at malayo halos walang nagpupunta rito. Kaya ako ang magbibisita sa inyo. Wala na akong babasahin kaya aalis na ako sa podium. Hindi n'yo ako nakikita eh. Alam n'yo, noong nagpunta ako sa Amerika, nilagyan nila ako ng tungtungan para makikita ako. Kasi noon daw 'yungReyna ng Onglatera nagpunta din siya sa Amerika at tumindig siya sa entablado nang ganun. Eh hindi nilagyan ng tungtungan, kaya siya mismo nagsabi, ang nakita lang ng tao 'yung sumbrero niya na nagsasalita. Anyway, nagbasa ako kaya kailangan nandito ako kanina. Pero ngayon wala na. 'Yung Jala-Jala... Alam ho n'yo, itong Jala-Jala, 'yon nga ang sinasabi ni Ding Tanjuatco noong Congressman siya noon, pinakamalayo at pinakamaliit na bayan. Pero ho itong jala-jala matagal ko nang kilala kahit na hindi pa n'yo ako kilala. Kasi nung ho ako'y undersecretary sa Department of Trade And Industry proyekto ko po 'yung integrated development program ng Jala-Jala. At alam ni Mayor Delos Santos 'yon. Tapos, nung naging senador ako, 'yung slaugtherhouse. Pero sabi ni mayor hindi pa niya binubuksan 'yung slaughterhouse dahil hinihintay n'ya 'yung palengke na ngayon sa wakas ay na approve na nang logofind, 'yung programa ng dilg together with World Bank para sa mga palengke. At na-approve nung last week lamang. Kaya sabi ko, "baka mayor, ma-imbita mo ako sa groundbreaking?" kasi isasabay 'yung palengke at saka yuong aking slaughterhouse na magbubukas. Kaya ho, tapos itong land reform na napakalapit sa puso ng aming pamilya. Kaya salamat sa pagkakataon nakabisita muli dito sa inyo. At ngayon si Obet at 'yung mga kasamahan niya ang magdi-distribute ng mga titulo habang ako ho ay pupunta doon sa loob para i-finalize ko po itong pangangailangan ng mga school building dito sa lalawigan ng Rizal. Maraming salamat at congratulations sa mga bagong may-ari ng lupa. Thank you. |