| PGMA's Speech during the Launching Ceremony of the "Santuaries of Peace" Program by the "Tabang Mindanaw" |
Brgy. Inug-ug, Pagalungan, Maguindanao (13 June 2003) |
| To recognize the members of the
diplomatic corps from the organization of the Islamic conference who have been so
supportive of our peace and development efforts for Muslim Mindanao. I think we should
know each one of them. Plus they have come here personally to know us better here. We have
somebody who has been in the Philippines for such a long time that he's practically a
Filipino, the Ambassador of Libya, Ambassador Salem Adam. We also have of the organization
of the Islamic conference has been so supportive of the Philippine position, Ambassador of
Bangladesh, Ambassador Munir Uz-Zaman. Kasama pa nga niya si Madame Munir Uz-Zaman, the
Lady of the Bangladesh Ambassador; Philippines in the OIC, the Chair of the Committee of
the eight is Indonesia and we have here the Charge d' Affaires of Indonesia, Alexader
Laturiuw; and the Chairman of the BIMP-EAGA that we hope will be part of the fruits of
peace and development, the Ambassador from Brunei, Ambassador Hajah Maimunah Dato Paduka
Haji Elias. The region of Muslim Mindanao, the World Bank Representative in the
Philippines Mr. Vance Pulley. Dito po sa ating lugar. Si Mayor Montawal, ang Mayor ng Pagalungan. Salamat na kayo ay narito sa kabila pagagawan, Mayor Annie Montawal; Mayor din ng karatig bayan sa kabila ng ilog pero kaya itong tatlong ito isang ekonomiya lang dapat ito, ang Mayor ng Pikit si Mayor at at saka nagmamahal din sa ating lahat at narito ang barangay captain dito sa Inug-Ug si Captain Ibrahim Malabana; at 'yung Pangulo ng ABC, salamat sa inyong welcome remarks. At gusto ko ring batiin ang mga officials ng "Tabang Mindanaw" na napakalaki ang tulong kaya narito tayo ngayon lahat. Nalaman na ninyo si President Aquino ay ang honorary chair ng "Tabang Mindanaw." ang moving spirit din ng "Tabang Mindanaw" ay si Ambassador Howard Dee. Siya po ay ginawa ko pong Presidential Adviser for the Indigenous peoples at siya ang tumulong sa akin na matayo muli at mabuo muli 'yung National Commission on Indigenous Peoples. Kaya po mahal na mahal po niya kayong lahat at tayong lahat. At isang moving spirit din po lalo na dito sa lugar na ito, ang obispo po ng Kidapawan, most reverend Bishop Valle. Tumawag po siya sa akin kagabi, kasi dapat daw magsalita ako. Sabi ko, napakalaking karangalan na kasama natin si President Aquino dapat siya ang ating guest of honor and main speaker. Pero sabi ni Bishop Valle, "gusto ring marinig ng mga taga-pagalungan kung anu-ano ang mga patakaran ng pamahalaan, kaya mabuti rin na magsalita ka." eh, nagsabi po ang obispo mahirap hindi sumunod. At gusto ko rin po batiin si namumuno sa buong member of the board ng Public Estate Authority, at siya po kanina ay inatasan na magbigay ng sagot ng Datu Paglas town, si Datu na nga, si Toto Paglas; Angie Reyes ang Chairman ng dito sa kambal kasi ang pag-iisip nila kaya parating pinagkakamalian sa isa't-isa. At marami pong mga tulong Secretary ng Official Development Assistance si Mai Jimenez; gusto kong batiin ang Mothers for Peace. At meron tayong mga taga-maynilang Mothers for Peace na narito. Talaga ito ay napakagandang kayo ay isang sangtuwaryo ng kapayapaan. Gaya ng sabi ni Bishop Valle kanina ang mga sangtuwaryo ng kapayapaan ang ay, naku! Hindi mo sinulat, ang aking Presidential Adviser sa Strategic concerns. Siya na ang tumutulong sa aking buong Mindanao campaign ngayon para buo, hindi lang sundalo, hindi lang... Kungdi lahat ng military, diplomatic, cultural, political, religious information -- lahat ng adjective -- siya ang aking adviser, si Secretary Rene De Villa. Ay, naku! Bakit naman hindi sinulat. Sa dami ng Cabinet members na narito, hindi ko pwedeng tignan sila isa't-isa eh; 'yung ating bagong chairman ng Peace Panel, si Secretary Ed Rrmita. At yung dating chairman ng Peace Panel.. ... Sabihin mo lang sa akin, it is not an imposistion, it is coming from the decision of the people in the community. At 'yon ho ay isang aking malaking pagbati sa inyo. Ng "Tabang Mindanaw" na magkaroon ng hugis para maka-abot sa pamahalaan, sa sundalo maging mismo doon sa mga rebelde. At napakaganda ang ginagawa ng "Tabang Mindanaw," kasi 'yung ginagawa nila ay isang sagot doon sa matagal ko nang paniniwala. Ako po ay naniniwala na hanggang tayo bilang sambayanan ng buong Pilipinas ay magkasundo sa Mindanao kahit kailan hindi natin makakamit ang ating pangako bilang isang dakilang bansa. Kaya kailangan umabot tayo sa pambansang pagkaintindihan sa mga prinsipyong gagabay sa ating paghanap ng kapayapaan. At gagamitin ko itong pagkakataon na ipahayag muli itong ating mga prinsipyo. Isang prinsipyo ay dapat ating pinakalayunin ay dapat kapwa magkasama kapayapaan at kaunlaran. Kaya po 'yung binanggit ni Mayor Montawal na sinusuportahan 'yang deklarasyon ko sabi ko, bakit ceasefire by installment. Dapat permanent ceasefire, dapat final peace agreement. At itong sinasabi na dapat final peace agreement 'yan ay tugon sa ating pangalawang prinsipyo. Itong pangalawang prinsipyo natin ay ang ating framework ay dapat nakabase sa ating konstitusyon, sa pambansang kasarinlan na buong bansa, isang bansa, at integridad ng ating pambansang teritoryo. Pangatlong prinsipyo ay ang ating lipunan ay multi-ethnic. We are a multi-ethnic society. We must recognize that we are a multi-ethnic society. Ibig sabihin nito magkaroon tayo dapat ng panlipunang katarungan para sa lahat and we must have institutionalized accommodation of the various ethnic traditions. Kristiyano at Muslim, Intsik at Tisoy, Tagalog at Cebuano, ang mga ito isa lamang sa mga pangalan na sinasagutan ng Pilipino sa isang napaka halagang testigo ng pamana bilang bansa. Kaya doon sa sang-ayon sa ating institutionalized accommodation of ethnic traditions kung meron mang moskeng nasira, maging dito sa pagalungan, maging doon sa buliok, saan man nangyari o may nagka aksidenteng nasira ang moske sa labanan tungkulin na itatayo muli 'yon ng ating sandatahan... Ng ating mga sundalo. Sila mismo ang magtatayo muli nitong mga moskeng ito. At magiging isang kasalimuutang isyu ang gagawin doon na gusto kong mangyari maging sundalo, maging milf wala doon. Ihandog natin sa isang ngo na muslim na rekomendado ng Office of Muslim Affairs, 'yon po ang ating gagawin. At gusto ko pong sabihin din, kahapon kasi hindi ba pagdiriwang ng ating Araw ng Kalayaan. Ako po ay nagdiskurso para sa buong bansa mula po doon sa Zamboanga City. Bahagi ng aking ikinuwento ay para sa malalayong lugar lalo na kung saan nasisira 'yung mga eskwelahan o natatakot pumunta ang mga guro dahil sa labanan maglalagay tayo ng distance learning. Maglalagay tayo ng eskwela na dumadaan sa telebisyon. Pagtuturo sa telebisyon. At bahagi ng gagamitin natin ay 'yung mga technovan ng Technology and Livelihood Resource Center. Umiikot-ikot po ito sa mga lugar para nagtuturo po ng mga sanayan sa pangkabuhayan upang kapuwa magulang at anak ay matututong magbasa, magbilang, magsulat. At maglalagay po tayo ng isang TLRC technovan para sa distance learning para sa eskwela sa telebisyon dito po sa complex ng pagalungan, pagagawan at saka Pikit. Kailangang pa ninyo ng gamot, bigas, mga de lata, mga pangangailangan dahil ang daming nawawalaan dahil doon po sa giyera. Meron ho akong dalang tseke mula sa Sweepstakes ng 100,000 pesos para po sa pagalungan at saka pagagawan. Kahapon din po, doon sa aking Independence Day message, sinabi ko po sa pagdiriwang natin sa Araw ng Kalayaan ang ating pinaka-importanteng tukoy ng kalayaan pangtao ay Mindanao -- kalayaan mula sa katakutan; kalayaan mula sa kakulangan; kalayaan mula sa walang katarungan. Ating hangarin po dito sa santuwaryo ng kapayapaan dito po sa barangay inug-ug, ating hangarin na isigurado na ang mamamayan ng barangay inug-ug ay maging -- 'yon na nga - sila ay makamit nila itong mga kalayaan na hinahangad ng ating buong bansang Pilipinas. Maraming salamat. |