| PGMA's Speech during a New Town Visit in Gen. S.K. Pendatun |
Evacuation Center (near the Municipal Hall) Gen. S.K. Pendatun, Maguinadao (13 June 2003) |
| Ito para bang kahapon lamang
ito. Gusto ko lamang batiin kayong lahat at... kayong lahat na nandidito. Ang Governor
nung lahat na maliban kay... 'Yon nga ang gusto ko ikuwento. Alam po n'yo itong S.K.
Pendatun . Diosdado Macapagal ay Pangulo ng Pilipinas, si Salipada Pendatun po ang unang
Deputy Speaker na Muslim sa ating kasaysayan nung panahon po niya. In fact, I remember
nung ako ay sa Iligan, noong kami'y bata pa 'yung tatay namin tapos kami magkasama sa
eskwelahan panay ang turo naman nila sa akin tumakbo bilang senador. Pumunta ako dito sa
paiyak-iyak. Hindi ko alam kung umiiyak siya dahil sa wakas nakapunta ako dito na hindi
niya akalain talagang pupunta ako o dahil nung araw ang population niya ay 30,000 ngayon
45,000 na. At 'yung report na binibigay ni DSWD Secretary ng ARMM, si Secretary Karon na
dito sa buong ARMM... O sa... Hindi, sa Maguindanao... Ah, sa ARMM, sa ARMM, ang number
one na pinakamaraming evacuees ay sa pagalungan. Ang number two na may pinakamaraming
evacuees ay dito na nga, sa Salipada Pendatun. 'Yung Pikit hindi kasama dahil ang Pikit ay hindi ARMM. Pikit ay bahagi ng Region XII. Kaya 'yung tatlong 'yon ay napakaraming evacuees. Kaya sabi ko pupunta tayo sa S.K. Pendatu, at sabi ko si Dinky Soliman at ang kanyang counterpart sa DSWD sa ARMM ay magpapahayag ng ating relief and rehabilitation program para sa ating mga evacuees dito. Kaya dito natin ginagawa itong programa sa evacuation center mismo para ipahayag sa inyong mga evacuees, 'yung mga gustong umuwi pwede nang umuwi sa inyong lugar. Ang nag-evacuate dito merong mga nagsabi na mananatili -- liwat, 300 families? -- 700 families ang nagdesisyon na dito na matitira sa S.K. Pendatun. Ibig sabihin, kalahati nung nag-evacuate ay nagustuhan ang hospitality ng taumbayan ng S.K. Pendatun kaya dito na raw sila matitira kasama ninyo. Kay ang 30,000 population, 'yung iba kaya tutulungan kayong lahat ng rehabilitation whether dito na kayo matitira o doon at babalik sa inyong mga lugar. 'Yan po ang aking mensaheng binibigay ni Dinky. Ngayon po isa ang pinag-aralan ko po dito sa armm na napakaraming walang trabaho. Siguro sa buong Pilipinas kapag kailangan ninyo maraming walang trabaho 'yung Metro Manila at saka Calabarzon. Kasi sa Metro Manila at saka Calabarzon maraming pumupunta doon kasi mataas ang income kaya akala maraming trabaho. Pagpunta doon wala nang trabaho. 'Di na umuuwi, nandoon na sa squatter area kaya mataas ang unemployment. Doon ang pinakamataas ang unemployment pero kapantay na halos dito sa ARMM. Kaya 'yung kanina sabi ko doon sa DOLE magpasalamat din kayo sa akin dahil policy decision ko 'yan. Etong nag-oathtaking, gusto ko ring i-launch dito. 'Yang nag-oathtaking na 'yan, 'yan ang isang tulong mula sa Amerika, usaid. 'Yon ang tulong para sa child labor. In other words, imbes na 'yung mga bata magtatrabaho mga kapatid nila o mga magulang nila ang dapat magtrabaho, maligtas sila sa child labor. At ang talagang tukoy niyan ay 'yon sana ay para sa Calabarzon dahil maraming child laborers sa Calabarzon. Ako'y nagsabikay pat Sto. Tomas, ilipat muna ang pera doon sa Autonomous Region of Muslim Mindanao. Ay ito ay emergency employment. Ngayon 'yung emergency employment na ginagawa ko noon, nakikita ko pag tinatanong natin sa DSWD, kahirap-hirap, maghahanap ng magha-house, maghahanap ng mag-training, maghahanap ng magtuturo ng livelihood eh mga out-of-school-youth nga ito eh. Eh, kaya tatapusin ko na ho ang aking pananalita total hindi naman talaga kasama ito sa ating programa. |