PGMA's Speech during the Moral Recovery Training Program Culmination Ceremony

Jamiatu Muslim Mindanao Quadrangle Marawi City, Lanao del Sur (14 June 2003)


Maraming salamat, Secretary Bert Gonzales sa iyung pagpakilala sa akin.

Gusto ko ring batiin ang isang pangunahing gumanap ng papel dito sa ating programang ito, ang Secretary of Education ng Republic of the Philippines, si Secretary DJ De Jesus. At siyempre gusto kong batiin ang ating mga official ng Autonomous Region of Muslim Mindanao sa pamumuno ni ARMM Governor Parouk Hussin.

At dito sa ating palatuntunang ginaganap napakalaki rin ang papel ng ating ARMM Vice Governor at Secretary ng Education ng Autonomous Region of Muslim Mindanao, si Vice Governor and Secretary Mahid Mutilan.

Batiin ko ang ating Host Mayor, City Mayor, Mayor Omar Ali; batiin ko ang Gobernador ng Lanao Del Sur, si Mike Adiong; si Vice Governor Ramos; ating mga Congressmen, si Faysah Dumarpa at si Ben Macarambon; iyung ibang Secretary ng Cabinet na narito ay si Secretary Mai Jimenez, Secretary Ging Deles, Secretary Dinky Soliman, Secretary Cito Lorenzo, Secretary Renato de Villa; at dalawang P.A. na narito, si Jess Dureza at saka si Mona Valisno;

Binabati ko ang lahat ng Mayor ng Lanao Del Sur na narito, maging ang Vice Mayor at ang buong konseho ng Marawi City, at si Assemblyman Usman Sarangani; iyung ating mga superintendent: si Salma Bagul, si Zenaida Ampatuan at saka si Ilindang Dimaampao; si Ali Mohamad Anwar Bashir, Presidente ng Jamiah, at 'yung ating mga opisyal ng ating kapayapaan, ang South Commander ng Armed Forces of the Philippines, si General Roy Kyamko at saka ang Deputy Director General ng Police, Virtus Gil; narito rin ang namumuno ng OMA, si Sam Ampatuan; sa inyong lahat mga guro, Assalamu Alaikum Warahmatullah Warrabakato. Sumainyo nawa ang kapayapaan.

Sinadya kong dalawin ang mga lugar ng Muslim Mindanao matapos ang Araw ng Kalayaan para maalala nating lahat na ang Muslim Mindanao ay parte pa rin ng Pilipinas at ito ay hindi dapat kalimutan. Ako, hindi ko makakalimutan ang Muslim Mindanao lalo na ang Lanao dahil ako, ang aking kabataan ay ginanap mahabang panahon doon sa Iligan. And I know that for too long, the people of Mindanao have been feeling economic exclusion. Ito ang isang dahilan ng rebelyon dito.

Kahapon, nagpunta ako sa Barangay Inug-ug ng pagalungan doon sa Maguindanao, na ginagawang santuwaryo ng kapayapaan mismo ng mga taga-barangay sa tulong ng Tabang Mindanaw,' pamahalaang lokal ng pagalungan at diocese ng Kidapawan. Nakumbinsi nila ang mga rebeldeng grupo at ang militar na huwag isangkot ang komunidad sa kanilang laban at hayaang manumbalik ang normal na pamumuhay ng tatlong daang pamilyang nasa santuwaryo. Si dating pangulong Cory Aquino, isang haligi ng kapayapaan, ang ating panauhin sa nasabing okasyon. Kanina naman, nanggaling kami sa sultan gumander sa barangay ubanoban, at sabi rin nila, "Welcome to barangay Ubanoban, a zone of peace."

Bilang isang patunay na ang pinakamahigpit na magkakaaway man ay makatao rin, sana ay mabigyan-daan ang mga gawaing ito sa mas malawak na kapayapaan at pagkakaisa sa Mindanao.

Sa aking pagtigil dito sa Mindanao, inaasahan kong maisulong ang prosesong pangkapayapaan at itaguyod ang rehabilitasyon ng mga lugar ng kaguluhan. Gusto ko ring matiyak na ang programang mindanao national initiative o 'Mindanao Natin' na sinadya kong binuo para sa kaunlaran ng Mindanao, ay ipapatupad sa paraang makakapagdulot ng rehabilitasyon at kaunlaran sa mahihirap nating kababayan.

Gusto kong mapabilis ang implementasyon ng 'mindanao natin' na may pondong 5.5 billion pesos para sa limang libong barangay sa Autonomous Region ng Muslim Mindanao, sa Lanao del Norte, sa Bukidnon at sa Zamboanga Peninsula. Ang programang ito ay suportado rin ng Official Development Assistance ng halagang 1.3 billion dollars.

Ang Mindanao ay nasa gitna ngayon ng paglaban sa terorismo at kahirapan, gamit ang iba't-ibang kakayahan galing sa loob at sa labas ng ating bansa. Mula sa aking pagdalaw, halimbawa, sa amerika noong isang buwan, nakapag-uwi ako ng mahahalagang economic assistance: 96 million dollars para sa tulong sa kaunlaran at kaligtasan ng mga bata sa pinakamahirap na bahagi ng bansa, at two-thirds nito ay gagastusin dito sa mindanao. Bukod pa ito sa 74 million dollars para sa iba't-ibang proyekto ng usaid para sa mindanao. Kabilang dito ang 33 million dollars bilang tuloy na development grants sa mga dating rebeldeng MNLF. at 50 million dollars bilang tulong sa ating prosesong pangkapayapaan sa milf kung tatalikurin nila ang terorismo. Ng pangkalahatang halaga nitong mga tulong galing sa amerika sa aking huling biyahe ay higit pa sa natatanggap ng pilipinas nung may base militar, kasi noong panahong 'yon, 200 million dollars a year ang binibigay ng amerika sa Pilipinas taun-taon.

Aking biyahe naman sa Korea ay naghatid ng 100 million dollars halaga ng Official Development Assistance, na ang 9 million dollars dito ay pupunta sa pagbuo ng kailangang pondo para sa Laguindingan Airport ng Misamis Oriental, na magiging mas malaki at mas malapit sa Lanao del Sur kaysa ang Cagayan de Oro airport. Ang aking pagbisita sa japan ay nakakuha ng dagdag na pondo para sa mga proyekto ng armm na nagkakahalaga ng 20 million dollars.

Nagsimula na rin ang 33 million dollars galing sa USAID para sa ARMM social fund na noon pang unang pagbisita ko sa washington ng 2001ay pinagkasundo na namin ni President Bush. Nagmiting kami kahapon sa board ng ARMM social fund para pag-usapan kung saan pupunta itong pondo. Pinagkasundo na bahaging itong armm social fund ay pupunta sa pagtayo ng bahay ng mga nasunugan dahil sa giyera. Sinabi ko rin na dapat gastusan ng ARMM social fund ang distance learning o eskwelahang telebisyon na magdadala ng reading, writing at arithmetic sa mga malalayong lugar kung saan kulang ang silid-aralan o kaya kulang ang guro.

To prepare the youth to be the next generation of knowledge workers, we have upgraded math and science teaching in basic education last schoolyear. Now, we will upgrade English teaching, pati sa mga madrasah so that our great Filipino worker will continue to have the advantage in this increasingly competitive world.

Upang mapalawak ang tsansang magtapos ang ating mga bata sa paaralan, sinisigurado natin na may paaralan bawat barangay. Ngunit higit dito, sa lahat ng mga paaralang higit limampung bata sa bawat silid-aralan, inaatasan ko si Secretary De Jesus na gumawa ng dalawang halili ang mga klase para hindi masikip at mahirap ang mag-aral. Sa mga paaralan namang elementaryong higit sandaang bata bawat silid-aralan, itong taong-aralan, inaatasan ko rin ang DepEd na magtayo ng dagdag na silid-aralan.

Dito sa armm, kagabi nagpuyat ako kasi binilang ko ang mga eskwelang higit sandaang bata bawat silid-aralan. At nabilang ko sa ARMM, isang daan at tatlumpu't pitong eskuwela. Kaya maglalaan ako ng 40 million pesos para magtayo ng bagong silid-aralan sa mga eskwelang iyon. Sa ganitong paraan, minsanan aasikasuhin natin ang matinding pagkulang ng silid-aralan na matagal nang nagbibigay ng perwisyo sa ating mga mag-aaral.

Sinabi ko rin na dapat gastusin ng ARMM social fund ang dokumentasyon ng mga mahihirap para sa pagpapatitulo ng lupang tinitirikan nila. Tinutugunan nito ang matagal nang problema ng mga komunidad na muslim hinggil sa titulo ng lupa. Kaugnay nito, magtatayo tayo ng mga one-stop shop for land titling and registration sa ARMM sa ilalim ng Office of Muslim Affairs at DENR. Ang unang ganitong one-stop shop ay tinayo kahapon mismo sa ARMM compound sa Cotabato City. May mga teams din na ipapadala sa mga komunidad ng Lanao Del Sur at ibang lugar ng armm para tumanggap at mag proseso ng land patents na hahantong sa titulo ng lupa para sa inyo.

Kanina gaya nang sabi ko, pumunta ako sa Sultan Gumander dito sa Lanao Del Sur upang simulan ang kalsada na pinopondohan ng Kuwait fund for Arab Economic Development. Ang Kuwait ay pinopondohan ang apat na road projects dito sa Lanao Del Sur hanggang Lanao Del Norte na umaabot sa halagang 20 million dollars. At iyung pinuntahan namin sa Sultan Gumander kanina magiging two-and-a-half hours na lang pagpunta niya doon sa Cagayan de Oro para ang produkto nila ay madaling makaabot sa iba't ibang palengke ng ating bansa.

Kahapon rin ay binuo ko ang ARMM Unified Command ng Armed Forces of the Philippines na nakasaad sa aking Executive Order 212. Ang ARMM Unified Command ang mangangalaga sa kapakanan at seguridad ng mga nakatira sa Muslim Mindanao. Itong ARMM Unified Command ay ilalagay sa supervision at control ng Southern Command ng AFP, si General Roy Kyamko. Magkakaroon siya ng Deputy South Commander para sa Autonomous Region of Muslim Mindanao, iyan ang unang hakbang ng unified command. At ang mga tagarito sa ARMM na may angkop na kakayahan ay bibigyan ng prayoridad na mapabilang sa nasabing unified command ng Autonomous Region of Muslim Mindanao. Sinabi ko rin sa DOLE na magbigay ng emergency employment sa mga out-of-school youth ng ARMM. Kaya kanina pagdating ko doon sa helicopter site ay in-induct ko itong ating mga out-of-school youth emergency employment beneficiaries. Isang libo mula sa Lanao del Sur at isang libo mula sa Maguindanao. Sa ilalim ng proyektong ito, ang mga kabataan ay sasanayin bilang bagong grupo ng Sala'am peace corps. Ang mga ito ay sasanayin upang makalahok sa socio-civic activities, relief operations, police work assistance at medical missions. Bawat batang sasali dito ay tatanggap ng 1,000 pesos allowance kada buwan. Maari silang sumali nang mula tatlong buwan hanggang isang taon.

Lumikha na rin tayo ng isang search committee para sa mga maaaring hirangin sa Shariah courts. Hinahanap natin ang mga pinaka-mahuhusay at pinaka-magagaling na legal luminaries mula sa Muslim community. Ang komite ay pamumunuan ni Justice Secretary Datumanong dahil siya ay abogado at siya ay Muslim. Siyempre nandiyan si Governor Parouk Hussin at saka si Vice Governor Mutilan pati na rin ang mga batikang abogado ng ARMM ay ilalagay natin dito sa search committee. Hinihingi ko ang kanilang mga rekomendasyon sa loob ng anim na buwan para magtayo na tayo sa wakas ng hinihintay n'yong Shariah courts. Mamaya, pupunta ako diyan sa gusali na 'yan dahil pag-uusapan kung papano maipabuhay muli iyung irrigation project na ginawa nung aking tatay, the late president Diosdado Macapagal.

Hayaan ninyong ulitin ko dito ang mga prinsipyong gumagabay para matupad ang ating pangarap sa Mindanao:

Una, ang kapayapaan at kaunlaran ay laging magkasama;

Pangalawa, ang pag-unlad ng ating bansa ay dapat naka-base sa constitutionality, national sovereignty at territorial integrity;

Pangatlo, ang ating lipunan ay binubuo ng iba't-ibang tradisyon na nakabatay sa social justice para sa lahat at paggalang sa ating pagkakaiba-iba.

Idadagdag ko sa tatlong batayang prinsipyo ang isang pang apat, na ang terorismo at ibang kasamaan ay dapat kondenahin.

Inaasahan ko na ang 'Mindanao Natin' ay tatangkilikin ng lahat sa ating bansa, hindi lamang ang mga taga-Mindanao at mga Muslim, kundi ng lahat maging taga-Luzon at taga-Visayas bilang mahalagang hakbang patungo sa katuparan ng pangako ng Mindanao. Ang pagkakaisa ng ating bansa ang isang kahulugan ng ating ginawang pagdiriwang noong makalawa ng araw ng kalayaan, ginawa natin iyan dito sa Mindanao.

Ako at ang iba pa nating mga kababayan ay nakikiisa nang buong giting sa mga taga-mindanao sa mga adhikain ng hangganang ito ng ating kasarinlan.

Bilang nagkakaisang sambayanan sa ilalim ng isang bandila, makakamit natin ang makabuluhang autonomiya sa muslim mindanao at matutupad ang pangako ng rehiyong ito nang sa gayon ay mapalapit tayosa ating adhikaing matatag at maunlad na republika ng Pilipinas.

Mabuhay ang guro ng Autonomous Region of Muslim Mindanao!

Okay. Thank you, thank you.

[HOME]