PGMA's Remarks during the Induction Ceremony of Muslim Youth Volunteers (Members of Sala'am Peace Corps)

Kampo Ranao Landing Area, Marawi City


Magandang umaga sa inyong lahat.

Mamaya ho, doon sa meeting ng teachers, ako magbibigay ng aking mas malawak na pahayag. Ngunit dito ho ang ginagawa natin ay 'yung ating Emergency Employment Program para sa ating mga unemployed out-of-school youth. Ito po ay isang programa na pinopondohan ng Official Development Assistance. Ito ho ay upang maiwasan ang child labor kaya hinahanap natin 'yung mga kapatid na mga bata para maiwasan 'yung mga bata ang magtatrabaho doon... At mabuti 'yung mga kapatid nilang walang trabaho. Kaya sinabi ko kay Pat Sto. Tomas na 1,000 kabataan sa Maguindanao at 1,000 na kabataan sa Lanao Del Sur ang bibigyan natin ng emergency employment.

At itong mga kabataang ito ay bibigyan ng allowance ng 1,000 pesos a month para makaganansya kayo sa inyong parttime work na bumalik muli sa eskwelahan. Ang trabaho nitong mga ito ay tutulong sa ating mga pulis, maging parang junior police. Ang tawag dito sa ARMM ay Sala'am Peace Corps at tutulong sa iba't-ibang trabaho ng pulis, community projects, 'yung kung anu-ano at sana sa ganun ay magkaisa kayo ng mga pulis na tumutulong sa kapayapaan at magandang mga relasyon sa ating mga komunidad.

[HOME]