| PGMA's Speech during the 142nd Birth Anniversary of Dr. Jose P. Rizal |
Calamba City Plaza, Laguna (19 June 2003) |
| Maraming salamat. Maraming salamat, Kalihim Joey Lina. Ama dati ng lalawigan ng Laguna at ngayon ama ng lahat ng local governments ng Pilipinas sa iyong napakagandang tula bilang pagpakilala sa akin. Maraming salamat din Governor Ningning Lazaro sa inyong pag-welcome sa akin sa inyong probinsya; binabati ko rin si Vice Governor Dan Fernandez at lahat ng ating mga members of board. Salamat at meron na kayong upuan. Kanina kasi wala; at siyempre binabati ko ang punong-lungsod ng Calamba City mayor lajara sa inyong kaarawan ni Jose Rizal, at salamat at naikuwento n'yo 'yung iba't-ibang mga aking tulong sa iyung lungsod para hindi ko na kailangan isama sa aking talumpati; binabati ko si Vice Mayor Orliga at 'yung iba't-ibang mga members ng Sanggunian ng Lungsod ng Calamba; at gusto kong ipakilala 'yung aking bagong Press Secretary sa inyo, si Secretary Milt Alingod. Tignan n'yo napakamapagpakumbaba. Mukhang nandito halos lahat ng VIP ng lalawigan ng Laguna sa kaarawan ni Dr. Jose Rizal. Siyempre 'yung inyong Congressman, si Jun Chipeco ay narito; mula sa kabila, doon sa third district si Congressman Dan Buzer ay narito rin; at narito rin si Congressman Boying San Luis; binabati ko siyempre ang mga kapamilya, kaanak ni Dr. Jose Rizal; at 'yung parating nagpapanatili sa ating damdamin ang paala-ala ni Dr. Jose Rizal 'yung Knights of Rizal; narito ang napakaraming punong-bayan ng Laguna, binabati ko silang lahat. Binabati ko sila lahat ngunit babanggitin ko na lamang yung pangalan ng presidente ng Mayors League, si Mayor Arcillas; 'yung ating mga barangay captains sa pamumuno ni Diosdado Lajara; nabanggit na rin 'yung nag-aalaga ng ating kapayapaan, si General Abu; si General Karingal, kaya pala gustong-gusto niya malagay sa Region IV-A eh, taga-Cabuyao pala siya. Hindi ko naman hinindian dahil ang ganda ng trabaho niya nung nandoon siya sa intelligence group; mga iba't-ibang mga opisyal ng lunsod; mga guro -- maganda 'yung inyong kanta kanina -- iba't-ibang mga panauhin at siyempre mga kababayan ni Dr. Jose Rizal: Narito na naman tayo muli pagdiriwang ng kaarawan ni Dr. Jose Rizal. Para sa akin, natural pumunta dito sa kanyang bayan kung saan siya napanganak. Ngunit sabi ni Congressman Chipeco ako lang pala ang unang dalawang beses pumunta rito bilang pangulo. At bagama't taun-taon pinagdidiriwang natin ang kaarawan ni Dr. Jose Rizal -- at gaya ng sabi ko para sa akin natural na ipagdidiriwang ko sa kanyang hometown -- ginagamit ko itong pagkakataon paghahanda sa aking mensahe sa inyo na tinitignan ko 'yung mga sinusulat niya at ginagawa niya at sinasabi niya noong panahon niya. Para makapagnilay tayo sa kanyang mga mensahe na angkop pa rin sa ating henerasyon ngayon. At 'yung isa nakita ko minsan, sinabi ni Rizal sa kaniyang mga kasamahan ay ito, sabi niya: "Mga ginoo," sabi niya, "Panatilihin natin ang ating pagkakaisa," sabi ni Jose Rizal, "at patunayan natin sa lahat na pag ginusto ng Pilipino kaya niyang gawin ito." 'yon ang sinabi ni Dr. Jose Rizal. Sinabi niya ito sa Espanya at kaya lang sinabi niya more than a hundred years ago pero ang katotohanang ito ay patuloy nating binibigyang-buhay sa pagharap sa mga unos na dumating at dumarating sa ating pambansang pamumuhay. Noong panahon nang sinabi ni Dr. Jose Rizal itong mga salitang ito, noong panahon ng ating mga dakilang bayani, ang ating kalaban ay ang mga kastilang mananakop. Ngayon, totoo pa rin itong sinabi ni Dr. Jose Rizal ngunit ang kalaban ay kahirapan na pinalalago ng terorismo at kriminalidad. At ang makabagong kalabang ito ay nangangailangan muli ng makabagong kabayanihan. Kailangan natin, halimbawa, ng kabayahinan kontra sa droga. 'Yung binanggit ni Secretary Joey Lina sa kanyang tula, 'yung paglaban sa droga, at it so happens na itong dating ama ng lalawigan ng laguna ay siya rin ang chairman ng Dangerous Drugs Board. Kaya taga-Laguna tulungan natin si Joey. And I acknowledge the sincere offer of Senator Barbers, and this is being considered seriously. Indeed, a deep sense of sacrifice and statesmanship is needed among all our leaders to help us surmount this pervasive threat which cuts across almost all sectors and age levels. In the end, our own sense of complacency and indifference will be our greatest enemy. I ask every citizen to help in this campaign by adding a voice against drug abuse and drug dealers. The entire citizenry must rise against this threat by advocating drug-free communities, by exposing drug syndicates and pushers, and by supporting the rehabilitation of users. Our crackdown against illegal drug trade must have a strategic force behind it -- this is the will, cooperation and action of the people. Let us harness the motive force of people power to defeat this enemy just as we are defeating terrorism. Sa labanang ito, labanang kontra sa droga, maging labanan kontra sa terorismo lilitaw at lumilitaw ang mga makabagong bayani ng ating panahon. Gaya ng ibang labanan kung saan nagtatagumpay tayo, nariyan ang mga nagtutulong-tulong mula sa gobyerno at sa pribadong sektor para mapaghandaan ang mga panganib na maaaring idulot ng iba't-ibang mga labanan -- ilang buwan nakaraan, 'yung labanan ng Iraq; 'yung mga doctors, nurses, iba pang health workers, mga guro at lgus na hindi ini-intindi ang sariling kalusugan mapigilan lamang ang pagkalat ng SARS dito sa ating bansa, at congratulations sa inyong lahat; at ang mga pulis, kawal at ibang taong-gobyerno na patuloy na nangangalaga sa kaligtasan ng mamamayan laban sa terorismo at sa krimen. On the terror threats, I commend the PNP for a job well done. We will work with the Indonesian government to trace the underground contacts of the suspects arrested by the PNP and get a clear picture of the transnational web of conspiracy. We will tie up the various testimonies to expose the entire terrorist network that is ranged against the political and economic security of the region, especially in our immediate neighborhood with Indonesia and Malaysia. To beat this threat, we will continue to harness diplomacy at the highest levels, and community vigilance on the ground. Binabati ko rin ang ating mga kawal sa paglaban kontra sa mga kalaban ng ating bansa at ng ating soberenidad. Peace talks will only resume under conditions where the safety and security of our communities against terrorism and crime are permanently assured. The burden of this assurance lies in the MILF. If it can convincingly cut clean from terrorists and criminals, the government is ready to engage in principled negotiations with the assistance of third party facilitators. Maganda ang nagiging resulta ng ating pagtutulungan. Sa kabila ng mga problema nitong mga nakaraang buwan sa buong mundo hindi lamang sa Pilipinas ay nagkaroon ng improvement ang ating ekonomiya. Bumaba ang ating unemployment rate mula noong 13.9 percent noong abril noong isang taon at bumababa ng 12.2 percent nitong nakaraang abril. At salamat sa mga pabrika ng Calamba dahil sa laking tulong sa pag-angat ng employment rate. Dito nga sa Calamba ay Makikita natin ang ilang mumunting kabayanihang pamana ng pinakamagiting na anak ng inyong lungsod, si Dr. Jose Rizal. Mga kabayanihan na nagpapakilala sa calamba bilang isa sa pinakamaunlad na lungsod sa buong Pilipinas. Narito nga ang ilan sa malalaking kompaniya at pabrika. 'Di ba narito ang Coca-Cola, Pepsi Cola? May mga Jolibee, Shakey's, Mcdonald. Samsung, malala... Ah 'yung mga industrial estates -- oo Yakult, oo yasaki. Uy! Nandiyan ang taga-yasaki, kumusta kayo? Malalaking bangko narito tulad ng BPI at Metrobank. At iba pang tanda ng inyong mabilis na pag-unlad. Talagang ang lungsod na ito ay nasa gitna ng paglaban kontra sa kahirapan at siya nating pangunahing kaaway ngayon -- ito, 'yung kahirapan. Buong-buo ang aking paniniwala na kaya nating harapin at mapagtagumpayan ang anumang hamon sa ating pambansang katatagan. Tulad nga nang sinabi ni Rizal, "pag sinabi natin na kaya, talagang kakayanin," dahil nananalaytay sa ating mga ugat ang dugo ng mga bayaning tulad ni Rizal. Kanina nga may survey sa radyo, kaya ba raw ng ating pamahalaan na mabuwag o mayanig ang mga sindikato ng droga sa loob ng tatlong buwan? Ang sagot ng taong bayan, higit 600 sabi, 'kaya.' 'yung nagsabing 'hindi kaya' hindi umabot sa 200. Kaya 3 to 1 naniniwala ang taumbayan sa ating kakayahang labanan ang droga. Sa laban naman kontra sa kahirapan, ito ay hindi ginagawa sa karaniwang battlefield kundi sa mga pabrika na kung saan dapat pagbutihin ang paggawa ng ating mga produkto para mapasok ang pandaigdigang merkado, doon makita nila ang kagandahan ng ating produkto. Itong laban sa kahirapan ay nagaganap sa mga paaralan kung saan kailangan puspusang mahasa ang talento ng ating mga kabataan para sa pandaigdigang labanan, at sa mga ahensiya ng gobyerno kung saan dapat mapagsilbihang mabuti ang publiko para sa mas maayos at matiwasay na kalakaran. Sabi nga ni Rizal, 'kung gusto natin ng kaligtasan, kailangan kumilos tayo para sa kaligtasang iyan." May diwa ng kabayanihan sa bawa't isa sa atin. Kailangan lamang na isabuhay natin ito para na rin sa ating kapakanan at sa mga henerasyon pang darating. Inaasahan ng ating minamahal na bansa sa atin na sumunod tayo sa batas, magbayad ng buwis, bigyang puwang ang pampublikong interes sa ating mga puso, at tumulong sa kabuuang kaligtasan ng mamamayan, lalo na laban sa terorismo at kriminalidad. Mga minamahal kong kababayan: kailangan kumilos tayo. Hindi natin puwedeng ipasa sa susunod pang henerasyon ang ating dapat gawin ngayon. Kung hindi tayo ang gagawa nito, sino pa? At gaya ng sabi ko, para sagutin ang mga hamon para manahimik naman ang susunod na henerasyon, tandaan natin ang sinabi ni Jose Rizal, "panatilihin natin ang ating pagkakaisa. Patunayan natin sa lahat na pag gusto ng Pilipino kaya niyang gawin ito." si Rizal ay bilib sa Pinoy. Ako rin bilib sa Pinoy. Maniwala tayong lahat sa ating sarili. Maraming salamat at happy birthday Jose Rizal. |