| PGMA's Speech during the LGU Town Meeting on Student Safety |
Batasan Hills National High School, Quezon City (20 June 2003) |
| Maraming salamat. Maraming salamat, kay Mayor Sonny Belmonte. Salamat sa inyong pagpakilala sa akin, at salamat din sa inyo at sa buong pamunuan ng lungsod ng Quezon sa pagbuo ng pagtitipong ito. Binabati ko rin ang ibat-ibang mga official. Una, babatiin ko ko 'yung mga hindi tiga-Quezon City. Nandiyaan po kanina 'yung ating emcee -- ay, tiga- Quezon City nga pala siya -- 'yung ating master of ceremony si Mike Defensor; at 'yung ating Secretary of Education, si dj De Jesus; 'yung ating Press Secretary, si Milt Alingod; ang chairman ng Committee on Education sa House of Representatives, si Edmund Reyes; ang Congressman ninyo dito, si Chuck Mathay; 'yung namumuno ng ating Drug Enforcement Agency, si General Avenido; Binabati ko ang mga officials ng eskuwelahang ito, ang principal, si Dr. Romulo Rucena; ang superintendent ng Quezon City, si Dr. Fuentes; gusto ko ring batiin ang National Capital Region Police Office sa pamumuno ni General Velasco; gamitin ko na itong pagkakataon na batiin sila sa kanilang programang "Oplan Balik Paaralan." 'yan ay kanilang programa upang alagaan ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at mai-ayos ang pagpapatupad ng mabilis na takbo ng trapiko sa kamaynilaan noong simula ng pasukan. Nandito ba si General Castro? Hindi ko pa nakikita. Ah, si Colonel Rafanan ang narito. At saka salamat sa report ni Station Commander Navarette. At gusto kong batiin 'yung mga officials ng ating asosasyon ng mga estudyante, ng mga teacher sa inyong pagsasalita. Gusto kong magpasalamat kay Vice-President Oteda ang parent-teacher sa community association sa inyong napakahalagang mensahe na droga ang malaking problema dito sa inyong pamayanan. Gusto kong batiin ang napakagaling na pangulo ng student council, si Maria Lourdes San Pedro. Babatiin ko sabay na rin silang dalawa, ang faculty club president Teresita Busadre. Kasi 'yung dalawa pinag-uusapan namin ni Secretary De Jesus. Hindi ba sinasabi ko isang malaking problema ng ating bansa ay sumasama 'yung ingles. Eh, napapakinggan namin 'yung guro at 'yung estudyante, pareho ang galing-galing ng kanilang ingles. Pero dapat batiin ko rin ang principal, dahil doon pumasok ako sa isang sili-aralan at nagkataon na ang pinag-aaralan nga nila ay English, spelling. Nakipag-usap ako sa teacher, tinanong ko, "ano ang pinag-uusapan ninyo? Papaano ninyo ginagawa, ipakita nga ninyo." at yuong buong panahon na nag-uusap kami, straight ang English, diretsong-diretso ang English. Mukhang buong eskuwelahan magaling ang English. Gusto kong batiin ang bagong chairaman ng Batasan Hills, si Ginoong Ranulfo Ludoveca. At binabati ko siya dahil mukhang doon sa inaasahan ko sa Barangay ay alam na niya kung ano ang inasahan natin sa barangay. Congratulations! Sa inyo, Ginoong Ludoveca; iba't-ibang mga local government officials, mga estudyante, mga magulang, mga panauhin: Layunin natin sa pagtitipong ito na maipakita ang matibay nating pag-kakaisa at masusing pagsisikap upang sugpuin ang kriminalidad, lalo na ang droga na sanhi ng setenta porsyento ng ibang mga krimen. Kailangan kasi matiwasay ang pag-aaral ang ating estudyante. At kung may droga diyaan sa paligid nila hindi magiging matiwasay ang kanilang pag-aaral. Kaya hayaan ninyong gamitin ko itong pagkakataon na magbigay ng aking mga direksyon kay General Avenido at 'yung ibang mga drug enforcers. We must concentrate on specific strategic priorities: first, is make drugs more inaccessible and more expensive to users. This means a steady attrition in drug supply lines; second, we must concentrate in the areas of highest drug trafficking intensity. Kaya ayaw nga ni mayor... In the case of Mayor Belmonte kasama na itong lugar na ito. This will put pressure on points of highest profitability; third, we must concentrate on exposing the big fish at the highest levels possible -- police and government patrons are a priority; fourth, we must stop drug use before it starts at the most vulnerable age levels. This requires the combined efforts of homes, communities, schools and civil societies. Kaya narito tayo. Everyone must be on board. This is a fight of the Filipino people. We have the will and the numbers to bring this menace to its knees. Sabay-sabay nating pinupulong ang mga barangay tanod dito - 'di ba? Nandito ba ang mga barangay tanod, saan kayo? Very good -- at ang mga estudyante upang malaman ng mga naririto kung paano sila makakatulong sa kampanya laban sa droga at iba pang krimen. Mahalaga ang papel ng ating mga barangay tanod sa pagsugpo sa krimen, sa paghuli sa mga pushers, at rehabilitasyon ng mga biktima. Well, sabi naman ni barangay chairman, nag-seminar na kayo kaya hindi ko na masyadong magdagdag ng napakaraming detalye. Sabihin ko lang na ang ating mga barangay tanod ay mabisang taga-pagmatyag sa mga krimeng nagaganap sa barangay. Sa mga kabataan naman dito, pati na rin sa mga magulang, nananawagan ako na makipag-ugnayan kayo sa inyong mga barangay tanod kung kayo ay may napapansing kahina-hinala sa inyong lugar o kaya'y may napapansin kayong krimen. Ang mga tanod ay kakampi ninyo, kakampi natin. Kailangan tumulong ang lahat upang labanan ang droga at krimen. Nananawagan din ako sa lahat ng mga barangay tanod na pagbutihin ang pakikipag-ugnayan sa mga kasang-barangay sa kanilang pagkalap ng impormasyon. Siguruhin din ninyo na hindi ninyo ipaalam sa iba ang inyong information sources. Panatilihin ninyo ang confidentiality of information and source, lalo pa kung sila'y mga estudyanteng walang ka-laban-laban. Marami sa ating mga mamamayan ay natatakot makipag ugnayan sa mga tanod at pulis dahil takot silang balikan ng mga gumagawa ng masama. Siguruhin natin na mawala ang takot na ito, upang magiging mas mabisa ang pagtutulungan ng mga tanod, pulis at lokal na pamahalaan, at ng mga mamamayan. Kailangang masugpo natin ang droga upang tahimik na makinabang ang ating mga kabataan sa edukasyon. Sa panahong ito na gusto natin o hindi mahigpit ang kumpetisyon sa buong mundo, lalo tayong magsikap na maging edukado ang ating mga mamamayan upang magiging maayos ang kanilang buhay at mapabilis ang pag-unlad ng bansa. At kahit na walang kompitensiya, ang edukasyon ay isang kayamanang pinagmamalaki ng bawa't Pilipino. Para sa ating mga pilipino, ang pag-aaral ngayon ay tulad ng isang bukas na pintuan para sa trabaho at oportunidad sa darating na panahon. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan nating pangalagaan ng husto ang ating mga mag-aaral. To prepare our youth to be the next generation of knowledge workers, last year, we began to upgrade math and science teaching in basic education. This year our special task is to upgrade English teaching, so that our great Filipino worker will continue his or her advantage in this increasingly competitive world. I can predict that the students of Batasan national high school will indeed be very competitive when it is time for them to look for jobs. Upang mapalawak ang tsansang magtapos ang ating mga bata sa paaralan, sinisigurado natin na may paaralan bawat barangay. Siyempre hindi naman yan ang problema dito sa Quezon City dahil mayaman ang Quezon City, at si Mayor Belmonte naman... Eh, ba't naman naging mayaman ang Quezon City? Kasi number one ang Quezon City sa pag-koleksiyon ng buwis. Congratulations, Mayor Belmonte! Hindi problema sa Quezon City na may paaralan bawat barangay, iba ang problema dito. Ang problema ay dapat sa lahat ng mga paaralang higit limampung bata sa bawat silid aralan ay meron tayong isasagot sa problemang 'yon. Inatasan ko na si DepEd Secretary De Jesus na ipatupad ang sistema ng pag-hahalili kapag ang eskuwela ay higit limampung bata sa isang silid-aralan Dito nga, may dalawang halili, may tatlong halili sa mga klase dito sa Quezon City. Sa mga paaralang elementaryong higit isandaan ang bata bawat silid-a ralan, itong taon magtatayo tayo ng dagdag na silid-aralan. Dito sa Quezon City binilang ko ang mga grade school kung saan higit bawat isandaan ang bata bawat silid-aralan. At nakabilang ako ng dalawampu't anim. Kasama rito ang Commonwealth Elementary School, Culiat Elementary School, Payatas 'C' Elementary School, Batasan Hills Elementary School, Payatas 'B' Elementary School, Payatas 'B' Elementary School Annex, Lupang Pangako Elementary School, Payatas 'A Elementary School, Holy Spirit Elementary School, Bagong Silangan Elementary School -- hindi ko na ibabanggit lahat, dalawampu't anim silang lahat. At iyung high-school naman kung saan higit dalawang daan sa bawat silid-aralan, meron dalawang high school, isa na iyon itong Batasan National High school. Kaya maglalaan ako ng anim na milyong piso para magtayo ng bagong silid-aralan sa mga eskwelang ito. Ano ang sinabi ko anim? Hindi, walo, walong milyong piso. At nagpapasalamat rin tayo kay Supreme Court Justice Josue Bellosillo na kinakatawan ni Atty. Irene Guevarra, ang Board Secretary ng Senate Electoral Rribunal, pati na rin kay Speaker Joe De Venecia na kinakatawan ngayon ni Tim Adasa na narito dahil, gaya ng sabi ni Mike Defensor, pansamantalang puwedeng gumamit ng apat na silid ng electoral tribunal building sa mga mag-aaral ng Batasan Hills. At ito nakita ko, TESDA multi-purpose tourism center. May turista bang pumupunta rito, bakit may gusali diyaan ng turista? Kaya tumawag ako kay Pat Sto.Tomas. Sabi ko, "Pat, ano ba ang ginagawa ng TESDA Center dito sa gitna ng Batasan National High School na punong-puno ang estudyante? Ilipat na lang ninyo ang TESDA para magamit 'yung gusali bilang high school." kaya si Pat Sto. Tomas agad-agad naman na tumango, kaya sabi ko kay DJ, mag-usap sila kaagad para mailipat 'yung TESDA sa ibang lugar sa National Government Center. Sa ganitong paraan, minsahang aasikasuhin natin ang matinding pagkulang ng silid-aralan na matagal nang nagbibigay ng perwisyo sa ating mga mag-aaral. Alam n'yo, itong pagkulang ng silid-aralan, nandiyan 'yan sa buong bahagi ng Pilipinas, ngunit dito lamang dumami mula sa 500 hanggang sa 9,000 sa loob ng limang taon. Ito na ang worst case scenario sa pagkulang ng silid-aralan. Kaya ito ang dapat asikasuhin. Hindi problema ang pera, may 30 million pesos si Sonny Belmonte para sa silid-aralan. Ang problema ang lugar, kaya salamat sa electoral tribunal. Salamat sa tesda na magbibigay ng lugar. Salamat din doon sa mga informal settlers dito sa... 'Yung pitong pamilyang narito at doon sa 100 families na nandiyaan dahil mag-aayusan sila kay Mike Defensor para lumipat, para magkaroon ng ginhawa ang pag-aaral dito. Kamakailan din ay inilunsad ko ang strong republic grade school. Ito ay distance learning program o eskwela sa telebisyon, kung saan maari nang magpatuloy ng pag-aaral ang mga estudyanteng nasa lugar ng kaguluhan o kaya sa mga lugar na walang guro o kulang ng paaralan. Ang lahat itong ating pangarap ay para sa maayos at mas maunlad na lipunan at ito ay makakamit lamang kung ating pagsasamahin ang ating lakas upang palawakin pa ang ating pagtutulungan. Kaya mga estudyante, mga guro, mga magulang, mga tanod, mga namumuno dito sa barangay at sa buong Quezon City, sa buong bansa, doon sa mga bagay na pag-aaral ng mga bata at pagpapairal ng batas at laban sa krimen, magkaisa tayo. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal noong siya ay buhay pa, nung lumalaban sa mga Kastila, sabi niya: "Panatilihin natin ang ating pagkakaisa, ipakita natin na ang Pilipino pag may kagustuhang may gagawin ay magagawa niya ito." 'yung sinabi ni Dr. Jose Rizal, higit isangdaang nakaraan na, iyon pa rin palagay ko ang kanyang mensahe sa ating mga mamamayan at kapwa Pilipino sa ating henerasyon. Si Jose Rizal naniwala sa Pilipino. Ako rin bilib sa Pinoy. Magtiwala tayo sa isa't-isa, magtiwala tayo sa ating sarili at uunlad ang ating bansa Maraming salamat sa inyong lahat. |