| PGMA's Speech during the Inauguration of the Pasig River Redevelopment Project |
Muelle Del Rio Linear Park, Magallanes Drive Intramuros, Manila (23 June 2003) |
| Thank you, thank you. Salamat. Salamat, Mayor Lito Atienza. Salamat sa iyong magandang pagpapakilala at salamat din dahil pinapaganda mo muli ang Maynila. Ginang Atienza, Congressman Nieva, Congressman Bacani, members of the diplomatic corps, presidential appointees, city councilors, barangay chairmen, ating mga pinuno ng Chinese Community na naririto: Mr. Aupeng lam at 'yung ibang mga kasapi ng Philippine Chinese-Business Club; si Don Emilio Yap na malaking ginastos para sa Jones Bridge at saka National Press Club na ating mga heritage structures; Director Peter Pedon of the Asian Development Bank, which is financing the Pasig River Rehabilitation; mga estudyante, mga taga-Maynila: Una sa lahat, maligayang anibersaryo sa inyong lahat sa bukas. Itong ating inagurasyon ng Muelle Del Rio Park ay isang bahagi ng selebrasyon ng Manila Week. Ito ang pinakamalaki sa labinlimang linear park na planong itayo sa ilalim ng Pasig River Rehabilitation Program. Parang kamakailan lamang si Mayor Atienza ay nakiusap sa akin para ipaubaya na sa lungsod ng Maynila ang pagpapatupad ng mga proyektong ito. Ngunit dahil pinondohan ng ADB -- ang implementing agency ay 'yung mga ahensya na kausap ng ADB -- ganun pa rin, puspusang tumulong si Mayor Atienza dito sa pagpapaganda nito. At ngayon ay natupad na ng Pasig River Rehabilitation. And I would like to also acknowledge all of the NGOs and all of the corporations that are situated on the Pasig River because all together they have help make this project come true. Nagpapatunay ito na mabuting pag-iibayo ang nangyayari kapag ang pamahalaan ay may determinasyon, kapag nagkakasundo ang pambansa at lokal na pamahalaan, at kapag itong programa ay nakakamit lamang nang buo sa nananatiling suporta at partisipasyon ng taumbayan mismo. Ito rin ang mensaheng pinapahayag natin sa mga Pilipino hindi lamang sa Maynila kung hindi na rin sa ibang bahagi ng bansa habang nagsisikap tayong makamit ang hangaring malakas na republika. Isang republikang nagbibigay ng mabuti at mabisang pamamahala at sumisikap na ipag-ibayo ang kalidad ng buhay ng ating mamamayan. Ang kalidad ng buhay ng ating mamamayan ay binubuo ng magandang kapaligiran, kapayapaan, kaunlaran, seguridad. Our will for peace -- which is part of the quality of life that this beautiful park also contributes to -- our will for peace is only matched by our will to defeat terrorism. In regard to the peace overtures of the MILF, we will respond with a policy of calibrated reciprocation so that terrorist intrusions are effectively checked and civilian communities are not put in harm's way. I take note that these peace overtures come hand in hand with the discovery of deadly explosives in an MILF area, and credible revelations of MILF links with transnational terrorist groups. Now is the time for the MILF to cut clean by deed from terrorists, purge its armories of terrorist weapons and engage in earnest peace talks shorn of deception. This morning, I instructed the cabinet oversight committee on internal security to submit recommendations that will further stabilize the situation on the ground, provide for the speedy repatriation of evacuees, and fast track principled negotiations towards a lasting peace. The links between transnational and local terrorist groups have been well established. We are working with our allies on common strategies that will help us deal with the threat in a more comprehensive manner even as we pursue our policy of peace, security and development in Mindanao. Sana maranasan na rin ng Mindanao ang kapayapaan, seguridad at kaunlaran na nararamdaman ng mga Manileņo sa ilalim ng liderato ni Mayor Lito Atienza. Salamat rin sa inyo, Mayor Atienza hindi lamang sa magandang tinulong ninyo dito sa Muelle Del Rio Park, hindi lamang sa tuloy na maunlad na komersiyo sa maynila kundi na rin sa pagpapaunlad muli sa mga bukas na lugar gaya ng iba't-iba pang mga parke, plaza at playground. Kagaya ng Roxas Boulevard Baywalk kung saan ako at mister ko ay madalas namamasyal kasama ng aming apo. Ito nga maliwanag na pasyalan ay nagbibigay ng matinong aliw sa ating mga matatanda maging sa ating mga kabataan. Mabuti na lang at ang ating mga kabataan ay naroon nagpapasyal, nagsasayawan pa nga sila doon sa plaza sa gabi kasama ng matatanda. Mabuti na rin 'yon keysa naroon sila sa mga madilim na sulok at nagdo-droga. The bane of narco-politics lies at the root of our national security problems. For as long as there are elected officials who engage in the drug trade, aided and abetted by others in the government, we will never decisively defeat this menace. This drug trade tends to enforce a veil of silence in the community. I ask our political leaders at all levels to speak out and act against drug lords. Our own apathy and indifference will only feed and nurture this monster. We need strong leaders and advocates, kagaya ni Mayor Atienza, mustering vigilant and committed communities. Nagpapasalamat ako kay Mayor Atienza din dahil nung makalawang gabi nag-host siya doon sa luneta ng paglunsad natin ng 'Bata Iwas Droga.' at doon ang ating mensahe, every citizen must be responsible for his or her fellow human being. Marami pang plano ang siyudad para pagandahin ang Maynila. Gawing maliwanag, gawing ligtas para sa mga kabataan, ligtas para sa mga matatanda. 'Yung mga pangunahing tulay ng ilog Pasig ay iilawan, kagaya ng Ayala. Binanggit kong espesyal ang Ayala bridge dahil espesyal ito para sa akin, dahil itong Ayala bridge ay ang nagpatayo nito ay 'yung aking lolo, si Engineer Juan Macaraeg. Siya nga pala, ako ay lumaki sa San Juan at saka sa Mindanao. Pero napanganak ako sa St. Luke's hospital nang nandito pa siya dito sa Maynila. Kaya ako rin ay Anak ng Maynila kagaya ng halos lahat ng mga mamamayan sa Metro Manila. At bilang isang nakatira sa Maynila, Malacaņang ay Maynila, kitang-kita ko ang suporta ng mamamayan ng Maynila sa mga ginagawa ni Mayor Atienza. Sana ang ibang mga punongbayan ay magkaroon din ng suporta gaya ng suportang nakukuha ni Mayor Atienza dito. Nalulungkot ako pag nakikita ko ang diin ng alitan sa ibang lugar, na umaabot pa kung minsan sa asasinasyon ng punongbayan, kagaya ng nangyari kailan lamang sa Pangasinan. We sympathize with the family of Mayor Zaragoza and his companions, and we assure them that the government will leave no stone unturned in the conduct of the investigation, and in hunting down the perpetrators. Dito sa Maynila, kampante ako dahil nandiyan naman si Mayor Atienza, hindi niya pababayaang magkaroon ng ganitong mga karumal-dumal na krimen, lalo na't ayon sa kaniyang panukala, linagay ko ang pulis ng Metro Manila sa ilalim ng awtoridad ng mga punong-lunsod ng Metro Manila. Pati nga 'yung aking sariling PSG Deputy pinayrate ni Mayor Lito Atienza para sa Western Police district, si General Pete Bulaong. Para talagang nagkakaisa, nagkakasundo ang nagpapa-enforce ng ating batas kontra sa krimen para mapayapa ang lungsod. At kung mapayapa, gaganda ang kaunlaran. Kaya sa mga taga-lunsod ng Maynila, tinatawagan ko kayong lahat na magtulungan tayo upang maalagaan natin ang kapayapaan ng Maynila. At upang tuluy-tuloy ang kaunlaran ng manynila, at upang maalagaan natin ang kapaligiran ng kamaynilaan, lalo na ang ilog pasig at ang iba't-ibang mga lugar dito na napakagandana ngayon. Ang mga itong pagpapaganda ng Maynila ang inyong puhunan para sa turismong nagbibigay ng napakaraming trabaho. Dito nga sa Intramuros ngayon, ito na ang isa sa mga dinadalaw ng mga turista. Ito rin ang inyong pasyalan -- Intramuros, ngayon, the river banks, Luneta, Manila bay -- ito na ang inyong pasyalan at nakakatulong sa pagpapaganda ng kalidad ng buhay ng karaniwang Manileņo. Hindi na kayo kailangang maging mayamang-mayaman para magkaroon ng magandang hardin. Ang daming lugar ng Manila ngayon ay hardin ng karaniwang Manileņo. Kaya magtulungan tayo upang lalong gumanda ang ilog Pasig, upang lalong gumanda ang Muelle Del Rio park at iba pang mga parke ng lungsod ng Maynila. Sa ganun, maalaala natin, in the year 2003, we celebrated the feast of Manila celebrating the renewed beauty of the City of Manila. Maligayang Araw ng Aaynila at mabuhay ang mga Manileņo! |