PGMA's Speech during the Homecoming Program for the NPA Rebel Returnees

Cultural Center, Sta. Cruz, Laguna (15 May 2003)


Maraming salamat, Secretary Joey Lina, dating ama ng Laguna, ngayon ama ng lahat ng local government sa ating bansa.

Governor Lazaro, Congressman San Luis, Vice Governor Fernandez, lahat ng mga official ng ating lalawigang Laguna, Mayor Panganiban, Mayor Arcilla, Mayor aquino -- sila ang mga mayor na nakaupo rito pero ang dami palang mayor na nandoon. Kumusta kayo lahat?

Siyempre 'yung ating mga Cabinet members na narito. Sa dami ng Cabinet members na narito pwede na tayo mag-Cabinet meeting. Pero hindi sila nandito upang mag-Cabinet meeting, nandito sila upang mag welcome sa pagbalik-loob nitong ating mga kaibigan sa laguna. Unang-una ho nandiyan si Secretary Angelo Reyes. Dating magkatunggali si Angie reyes at kayo, mga kaibigan. Ngayon isang panig na lang tayong lahat; nandiyan si Dinky Soliman. Sabi nga... Nagsabi si Mike Defensor ang bukok niya ngayon ay asul because blue is the color of peace and reconciliation; nandiyan si Secretary Ermita, na siya ang namamahala ng ating peace process at malaking tagumpay ito para sa kanya na ito ay isang bahagi ng proseso ng ating kapayapaan; ayan si Mike Defensor, ang ating batang-batang dating aktibista, pero ngayon malaking tulong para kayo ay maalok na magbalik-loob na nga; nandiyan si Secretary Ging Deles, ang ating Secretary ng Anti-Poverty dahil alam natin na ugat ng rebelyon ay kahirapan. Malaki ang papel ni Ging Deles para maiwasan na magkaroon muli ng mga rebelde dito sa Laguna.

Marami't iba-ibang mga officials tayo rito. Eh siyempre dahil ito ay isang rebel returnees program, nandiyan 'yung dating mga katunggali ninyo, 'yung mga leader ng ating military. Nandiyan nga si General Narciso abaya at binanggit niya 'yung iba't-ibang mga nasa chain of command: si Southern Luzon Commander, si General Dagudag; si Division Commander, si General Abu; at 'yung ating brigade commander na siya ang napakalaking dahilan kung bakit kayo ay narito ngayon kaysa nasa bundok. Hanggang kahapon ang kanyang pangalan ay Clonel Orbon. Pero mula kahapon ang kanyang pangalan ay General Prbon.

Mga kaibigan, isa sa mga bagay na tunay na nagbibigay sa akin ng kasiyahan bilang pangulo at ina ng ating bansa ay tanggapin ang ating mga kababayan na nagbabalik-loob sa pamahalaan. Ako ay nasisiyahan sapagka't ito ay tanda rin ng ating mga pagsisikap tungo sa pagkakaisa at kapayapaan na ito ay nagtatagumpay.

Ang aking administrasyon ay patuloy na naninindigan sa mapayapa at demokratikong paraan para lutasin ang problema ng rebelyon sa ating bayan.

Linalabanan natin ang rebelyon, na tinuturing natin bilang isang organisadong krimen, at ako ay nagagalak na kayo, tayo ay magkasama na sa labang ito. Linalabanan din natin ang terorismo, na siya rin ay organisadong krimen. Kung minsan nga hindi na natin nakikita ang pagkakaiba ng rebelyon at terorismo. Linalabanan din natin ang iba pang mga organisadong krimen, kagaya ng mga sindikato ng droga. Dito nga sa southern tagalog dahil kayo ay bumabalik na mas matindi pa nga ang problema ng droga kaysa sa problema ng rebelyon. Kaya bagamat ito ay okasyon ng pagbalik-loob dahil tayo ay nasa southern tagalog at may mga officials ng national government dito, may mga officials ng local government, gusto kong gamitin itong pagkakataon na imulat na lalabanan din natin ng mas matindi ang bawal na gamot.

Gusto kong iulat sa inyo na kanina nagpirma ako ng executive order na nag-uutos sa iba't ibang ahensiya, lalo na ang pulis na nasa ilalim ngating Chairman din ng Dangerous Drugs Board na si Joey Lina, na bumuo ng task force na tutulong sa Philippine Drug Enforcement Agency para sugpuin ang mga sindikato ng bawal na gamot. Doon sa Executive Order na 'yon na pinirmahan ko kaninang umaga iniuutos ko rin sa Philippine Charity Sweepstakes Office, na narito ang chairman, si Honeygirl Singson de Leon at ang manager na si Reggie Uriarte, ang utos ko sa PCSO doon sa executive order na 'yon ay magtabi ng isang bilyong piso mula sa gross receipts ng Lotto para gamitin ng PDEA at mga task force ng pulis at iba't iba pang ahensiyang tutulong sa PDEA sa labanan ng droga..

Aba, eh kung doon sa ofw natin sa Iraq 'di ba nagtabi tayo ng pera sa OWWA para makauwi sila kung kailangan o maligtas sila doon kung kailangan. Bahaging maliit na bahagi lang ang talagang ginastos natin. Hindi ba nuong magkaroon ng SARS namahagi rin tayo ng isang bilyon mula rin sa PCSO na itatabi para labanan ang SARS, pero ilan ba ang biktima ng SARS sa Pilipinas? Sampu, ibababa pa yata sa walo dahil 'yung dalawa na merong... Pinadala yung blood test sa hapon, pagbalik negative pala. Eh, walo ang nagkaroon ng sars, dalawa ang namatay. Ilan ang namamatay dahil sa bawal na gamot? Kaya kung makakabigay tayo ng isa... Makakatabi tayo ng isang bilyon para sa OFW doon sa Kuwait at Middle East. Kung makakatabi tayo ng bilyon para sa SARS na walo pa lang ang biktima at dalawa ang namamatay. Ano pa 'yung droga na ilan? Napakarami, lalo na sa southern tagalog ang nagiging biktima nitong napakasamang sakuna ng ating bansa. Ang sindikato ng droga ay walang kinikilingang lahi, relihiyon o paniniwala. At ganoon din ang terorismo. Kaya dapat pareho ang paglaban natin doon sa dalawa. Ang terorismo nakita na natin, bumaba na at kahit saan kahit kailan. Alam ninyo iyon, dahil ang mga dating kasamahan ninyo palagay ko isang dahilan kung bakit ilan sa inyo ay bumalik-loob ay hindi ninyo makayang gawin ang terorismo. Nangyayari ang terorismo mula sa pinakamalayong barangay sa Mindanao hanggang sa mga kapitolyo ng mundo.

In the world, in the post-Iraq war period, we have achieved greater strategic stability. Ngunit ito ay tumutulak din sa mga militanteng selda sa mas malalim na desperasyon. Kaya lahat ng Pilipino ay dapat alerto saanman tayo. Dapat ipakita natin sa terorista -- maging terorista doon sa npa o terorista doon sa MILF-- na ang sangkatauhan ay hindi masisindak, na ang buhay ay patuloy at kayong mga terorista anuman ang ibang bansag para maging glamorous sila ay dadalhin sa karapatan, sa katarungan.

We will intensify our intelligence work at home and strengthen international security cooperation. At sana itong ating laban kontra sa terorismo ay makakadagdag ng malaki sa kapayapaang hinahangad natin, kapayapaang mas malapit na ngayon dahil kayo mga kaibigan ay nagbabalik-loob. Kalimutan na natin ang inyong marahas na kahapon. Hindi na kayo kasama doon sa ating mga kalabang organisado. Simulan na nating panibago ang inyong buhay. Kayo ay malaya nang makaka-pamuhay nang tahimik.

Alam ko na hindi madaling desisyon ito para sa inyo. 'Yon ang kiniwento ng ating mga kapatid, ang mag asawang nagpahayag ng kanilang kasaysayan. Kaya lalung ako ay lubos na nagpapasalamat sa tiwalang ipinagkaloob ninyo sa ating pamahalaan.

Ang ugat ng rebelyon alam niyo 'yon ay kahirapan. Ang katulong ng sindikatong krimen at terorismo ay kahirapan. Kaya linalabanan natin hindi lamang ang rebelyon, hindi lamang ang sindikatong krimen, hindi lamang ang terorismo, linalabanan din natin ang kahirapan.

Alam ko, mga kaibigang nagbabalik-loob, na kayo ay nanggaling sa mga buhay na matinding kahirapan bago pa kayo pumasok sa kilusan. Gusto kong masugpo ninyo ang kahirapan sa inyong buhay.

Kaya, kayo ay makakatanggap bilang pansimula muli ng inyong buhay ng 4,500 pesos bawat isa, pansimula. Eto, kita natin itong bigas, ito ay tulong din DSWD at provincial government para kayo ay mabigyan ng tig-isang kaban ng bigas pansimula ng inyong buhay. Kiniwento nga ni Mike Defensor na meron pa kayong lupain. Tinanong ko din sa anak ng Laguna kay ka Lix Cataquiz, totoo ba 'yon? Sabi niya totoo dahil sa Calauan doon sa bayan ni Mayor Berris ay merong lugar kung saan kayo pwedeng manirahan kung gusto ninyo. At para sa mga magtatayo ng bahay me ron din kayong coco lumber, 'di ba Danny? Na maibibigay pang-tayo ng inyong bahay. Meron na kayong pansimula na panggastos, pagkain, pabahay. Gagawin din kayong miyembro ng Philhealth. Anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin nito matutulungan kayong magkaroon ng libreng pagpapagamot, konsultasyon pati operasyon kung kailangan. Siyempre naman tayo ay lahat namamatay kaya para sa ating mga mangnyoniyog ay meron din kayong libreng life insurance. 'Di ba libre? At napag-usapan natin ang mangnyoniyog kasi ang dami sa Laguna na nasa kanayunan ay mangnyoniyog, bibigyan din kayo ng mga coco seedlings para magsimula muli ng inyong hanapbuhay. Doon naman sa may balak maging mangingisda, minumungkahi ko na bumuo kayo ng kooperatiba at bibigyan kayo kaagad ni Alix ng LLDA ng permit para magpatayo ng fish pen.

Ngunit gusto kong ipahayag sa ating mga officials na itong mga tulong na pinahayag ko ay hindi lamang para sa mga balik-loob. Ito ay tulong para sa pinaka-maralitang mga pamayanan sa buong laguna. Alam n'yo ang probinsiya ng Laguna ay napakayaman, isa sa pinakamayaman sa buong Pilipinas dahil maraming namumuhunan sa Calabarzon. Kanya lamang para bang dalawa ang mundo ng Laguna eh. May mundo ng maraming industriya at mayaman sa Calabarzon, yung lugar ni Mayor Arcilla. 'Yung Sta. Rosa 'yon ang
Detroit ng Pilipinas eh. 'Yung anak pa nga ni Mayor Arcilla ay leader ng ating bansa dahil pangulo ng lahat ng SK sa buong bansa. Ayun ang isang lugar. Leadership sa buong bansa -- ayun pala si SK -- economic at political. Nandoon naman 'yung isang mundo ng Laguna ang daming mahihirap - mahihirap na magsasaka, mahihirap na mangnyoniyog, mahihirap na mangingisda. Kaya kahit na nakikita ang ganda ng mga industrial estates sa Calabarzon doon sa kabilang Laguna ang dami namang mga mahihirap sa kanayunan ng Laguna.

Kaya gusto ko na si Secretary Lina, na dating ama ng Laguna, kilalang-kilala ang laguna ay hanapin 'yung kanyang mga dating anak ng mga barangay sa kanayunan ng laguna na kailangang bigyan nitong tulong kagaya nang pinamahagi natin ngayon. Ibig sabihin hindi kayo kailangan maging rebelde muna bago matulungan ng ganito. Dapat nga lalong bigyan ng gantimpala 'yung mga mahirap pero hindi pumasok sa pagka-rebelde. So 'yan ang ating hihingiin na trabaho ng ating dating ama ng laguna. Hanapin mo, 'yung mga apong 'yon ha, Joey? Apong barangay.

Pero sa mga panahong ito, kayo mga kapatid nating balik-loob, gusto kong sabihin na kayo ay talagang napakaimportante itong araw na ito sa inyong pagbabalik. Alam n'yo itong araw na ito ay piyesta ni San Isidro lLabrador. Siya ang Patron ng mga magsasaka. Si San Isidro lLabrador ay karaniwang magsasaka. Ang kaibahan araw-araw bago siya pumupunta sa sakahan ay nagmimisa muna, I mean, nagsisimba muna, pumupunta sa misa at tapos nuon, 'di one hour siyang nahuhuli sa kasamahan niya. Kaya lang pagpunta niya sa sakahan, pagdating ng ani mas marami pa rin ang kanyang ani kaysa doon sa iba. Kaya 'yung mga nagseselos sa kanya sabi, mag-ispiya nga tayo. Papano siya nakakakuha ng mas maraming ani eh one hour later siya nagsisimula nang kanyang pagsasaka. At ayon sa istorya, kaya siya naging santo, nakita nila habang siya pala ay nagsisimba may anghel palang bumababa para mag-araro para sa kanya. Kaya tuloy pagdating ng kanyang trabaho tanim na lamang siya nang tanim.

Tayo wala tayong anghel kagaya ni San Isidro labrador. Hindi tayo lahat mababansagan bilang patron saint. Nagbibigay ang Panginoon ng ilang halimbawa para magkaroon tayo ng inspirasyon. Ano ang inspirasyon ng araw ni San Isidro Labrador? Ang ibig sabihin nuon kung tayo ay may pananampalataya hindi lahat kailangan manggagagaling lamang sa atin. Ang pananampalataya, ibig sabihin nuon, pag tayo ay may pananampalataya, magiging mabunga ang ating trabaho.

Kaya sa araw na ito, mga kaibigang balik-loob, salamat na kayo bumabalik ang inyong pananampalataya sa katarungan ng ating pamahalaan. At sana nawa basbasin kayo ni San Isidro Labrador na ang bunga ng inyong mga trabaho ay tunay na magbibigay ng magandang buhay para sa inyong mga pamilya.

Maraming salamat, welcome home to all of you.

[HOME]