PGMA's Speech during the 34th Anniversary of the Laguna Lake Development Authority (LLDA)

Daungan, Brgy, Palingon, Calamba City, Laguna (03 Nov 2003)


Maraming salamat, GM Cataquiz.
   
Batiin ko ang mga official ng mga gobyernong nagpapaligid sa lawa ng Laguna, ang gobernador ng Laguna si Ningning Lazaro; ang congressman ng Laguna, si Boy San Luis; ang ating mayor dito sa bayan kung saan nating ginaganap itong ating pagdiriwang, Mayor Lajara; Vice Governor Fernandez; ang barangay captain kung nasaan tayo ngayon, Kapitan Giliaco.

'Yung mga punong lungsod at punong bayan ng mga paligid sa lawa, si Mayor ng Muntinlupa, Mayor Fresnedi; si Mayor ng Taguig, Mayor Tinga; Mayor ng Binangonan, Mayor Ynares; mayor ng San Pedro, Mayor Vierneza; mayor ng Taytay, Mayor Zapanta; mayor ng Baras, Mayor Garciano; mayor ng Cardona -- hindi ba nandito? -- mayor San Juan, din ang kapangalan; mayor ng Sta. Rosa, Mayor Arcillas, kasama na lahat ng mga mayor ng buong Laguna dahil siya ang presidente ng Mayors' League. At ewan ko kung nandito lahat itong mga check na ito dahil hindi ko naman nakikita 'yung ibang narito. So, batiin ko na lamang 'yung mga iba't-ibang mga mayor... Ay, mayor ng San Pablo, Mayor Boy Aquino; mayor ng Calauan, Mayor Berris.

'Yung iba't-iba kung hindi ko sila nakita kanina patawarin na lamang ngunit binabati ko kayo kahit na hindi ko nakita ang inyong pangalan dahil na-check lahat dito eh alam ko naman ilan dito wala rito. Okey, hintay muna kasi... Si Mayor Aguillo, ayun; Mayor Ramos; hindi ko nakikita si Mayor Perez ng Los Baņos, okey; Mayor Rebong; Mayor Quiat; Mayor Badulis; Mayor Afurong; Mayor Sombilla; Mayor Acero; Mayor Diwajon. Eh 'yon na nga, dalawa kasi ang ating Mayor Perez eh. Hindi ko nakikita 'yung sa Los Baņos -- ayun, okey, alright. Mayor Magana; Mayor Rodillas. Okey, salamat, salamat ha. Kung meron hindi ko pa nasabi sa listahan, patawarin ngunit ako ay nagpapasalamat na kayo ay narito. Maging kayo ay bahagi ng lawa o hindi, salamat at kayo ay narito.

At lahat naman ng mga mangingisda, magsasaka, mga batang kanina pa naghihintay. Sabi ko, "Ningning, talaga naman alas dose y media ang usapan natin." ngunit mga teachers salamat na kayo ay maagang pumunta rito.

Taos-pusong binabati ko ang llda sa inyong anibersaryo.

Binabati ko rin ang mga kabalikat na ahensiya na tumutulong para magampanan ng LLDA ang kanilang tungkulin. Binabati ko rin ang sektor ng kalakal, industriya nasasakupan ng LLDA, maging ang sektor ng pangisdaan na kinakatawan ng Laguna de bay region's fisheries and aquatic resource management council o farmc. Saan kayo? Saan ang FARMC? Okay. Alam naman natin kung gaano kaimportante ang Laguna de bay sa ating pamayanan. Sa ating rehiyon ang Laguna de bay ang pinakapangalawang pinakamalaking inland freshwater body sa buong Asya. Ang mas malaki lamang dito sa asya ay 'yung Lake Toba sa Indonesia. Eh 'di hamak naman mas malaki ang Indonesia keysa Pilipinas. Pilipinas ay number twelve biggest country sa buong mundo. Indonesia ay number four. Pilipinas ay may 7,000 islands, Indonesia ay may 18,000 islands. Kaya 'di hamak naman talaga naman mas malaki ang Indonesia. Ngunit sunod na nga sa kanya eto na ang pinakamalaking freshwater body of water.

Ang sentro ng ating pagdiriwang ngayon ay ang pagtataguyod ng kapakanan ng mga mangingisda sa lawa at ang pagpapakilala sa tilapia bilang pagkain ng masa. Kasi 'yung galunggong pangingisda 'yon sa dagat eh. 'Yung ibang galunggong pa nga imported pero ang tilapia pwede nating palakihin sa lawa. Pwede natin palakihin sa ating mga fishpond. At mas mura dahil kaya natin ma-kontrol ang pagpapalaki ng supply. Pwede nating palakihin ang supply. Pwede nating i-culture. Kaya tama na gawin nating pagkain sa araw-araw ang tilapia. Ewan ko, para sa akin mas masarap ang tilapia keysa galunggong eh. Talagang favorite ko, itanong n'yo sa mga dswd noong ako'y nandoon. Kaya hanggang ngayon pag ako ay nagbibisita sa kanila tilapia ang pinapakain sa akin.

At malaki ang benta ng tilapia breeding para sa ating mga mangingisda kung ikukumpara natin sa ibang bansa. Kaya palawakin natin ang tilapia para manatiling mura ang ating pagkain.

Kanina nga nagpakawala tayo sa lawa ng sampung libong tilapia breeders. Ito ay bahagi ng pinalawak na fish dispersal program ng LLDA.

Sa unang semestre ng taong ito, mahigit daw na apatnapu't walong libong tilapia breeders ang naipakalat sa LLDA.

At natutuwa akong gumaganda ang kalidad ng tubig sa lawa. Alam n'yo parati kong binabantayan ang tubig sa lawa pag ako'y lumilipad nang helicopter eh kung brown ba o nagiging asul na. Salamat naman at maraming bahagi ay nagiging asul na muli.

Mahigpit rin nating hinahadlangan ang illegal fishing sa lawa, lalo na sa loob ng limang libong ektaryang fish sanctuary LLDA. Kanina meron akong tinapong boya, 'yon ang magmamarka ng ating sanctuary. Hindi pwedeng mangingisda doon ang illegal na fishermen.

Ang pangangalaga natin sa laguna de bay ay tumatanggap din ng tulong mula sa mga organisasyon sa labas ng ating bansa. Halimbawa, noong ako ay -- hindi pa nga ako pangulo -- nagpunta ako doon sa isang pagdiriwang doon sa isang hotel sa makati kung saan ang Laguna de bay ay pinangalang kasapi ng International Living Lakes. Kinikilala na buhay na muli ang ating Laguna lake. May sister lake partnership agreement din ito sa Taihu lake ng China at Sun Moon lake ng Taiwan.

Noong ako ay bata, nagtuturista sa Taipei, parating kasama ang Sun Moon Lake sa ating pagkaturista. Ngayon dapat parating kasama ang laguna lake sa ating pagkaturista.

Alam ito ng mga mayor ng mga lugar diyaan, lalung-lalo na 'yung ating paglibot, kasi ang ganda-ganda ng lawa kung magda-drive ka around the lake. Nandoon 'yung mga artists. Nandoon 'yung mga old churches. Nandoon naman 'yung mga craftsmen. Nandoon 'yung mga waterfalls. Nandoon 'yung mga maliliit na lawa. Nandoon 'yung mga halaman. Nandoon 'yung mga spa. Lahat noon mapupuntahan mo kung ikaw ay iikot sa Laguna lake. Kaya mahahambing natin ang kagandahan ng Laguna lake at 'yung tourism diversity sa mga lawa kagaya ng lake Lanao sa Pilipinas at kagaya ng Lake Geneva doon sa Europe. Eto ang gusto kong mangyari sa ating lawa.

Sa darating na Enero raw ay sisimulan naman ang isang proyekto ng llda upang palakasin ang partisipasyon ng mga komunidad sa paligid ng lawa sa kanilang pag-unlad.

At sa kabila ng lahat na ito, ang Laguna de bay naman ay -- bakit ko parating tinitignan kung asul o brown ang tubig, kung bakit natin binibigyan ng diin ang pagka-natural, 'yung pagka-living lake -- ay dahil sa paligid, dahil ang Laguna lake ay nasa Calabarzon, nahaharap din sa environmental hazards na nagbabantang sumira dito at sa kabuhayan ng mga mahirap na mangingisda na walang inaasahan kundi ang lawa.

Ang pagdami ng mga industriya sa palibot ng lawa -- at hindi lamang industriya, 'yung mga tumitira, mga subdivision dahil lumalaki ang ating populasyon dito sa Calabarzon sa proseso ng urbanisasyon -- ito ay dahilan ng patuloy na erosion ng watershed dito.

Kaya meron tayong hamon na isiguradong manatiling buhay ang lawa. Ayaw natin maging kagaya ng Pasig na noong nagkaroon ng industrialization sa Metro Manila at nang dumami ang nakatirang bahay sa Metro Manila ay namatay. At wala nang isda na nandoon sa pasig river ngayon kung hindi na lamang 'yung mga isdang hindi na natin gustong kainin. At 'yung mga dumi mula sa mga pagawaan at mga bahay sa tabi ng lawa, ito ay maaring makasira sa kalidad ng tubig at ecosystem ng lawa kung hindi ito mahadlangan.

Ito ang inaasahan nating mabilis na matugunan ng llda. Kanya lamang kailangan makipag-ugnay sa mga industriya dahil ang industriya naman ay nagbibigay din ng complaint na kung minsan ginagamit, pinaggagamitan ito ng burokrasya at harassment para hindi sila makapaggawa ng kanilang tamang gawain. Kaya kailangan sa isang panig inaalagaan ang lawa, sa kabilang panig 'wag gamitin para mag-harass ng ating mga pabrika na nagbibigay naman ng hanapbuhay sa taong bayan. Alam ko naman na kaya itong gawin ng mga kawani, mga nagtratrabaho na mga rank and file at mga officials ng LLDA.

Ang tema ng selebrasyon ngayon, "masaganang lawa, matatag na republika." ito ay angkop sa mga nakamit na tagumpay ng llda sa mga nakaraang panahon. Inaalagaan ninyo ang likas na kayamanan ng lawa. Naisusulong din ninyo sana ang interes ng ating mga mahihirap, lalo na ang mangingisda, ngunit huwag i-harass ang mga industriya.

Sa simula pa lamang ng aking panunungkulan, naging layunin ko nang wakasan ang kahirapan at makamit ang isang mapayapa at maunlad na bansa.

Alam ni freddie tinga 'yung ginawa natin para sa ganun ay maisaayos 'yung ating dike, 'yung ating flood control sa bandang kabila para sa ganun ang lawa ay magbibigay ng buhay at hindi magbibigay ng sigalot sa ating mamamayan.

In the two and a half years that I have been president, I've gained the experience to make me realize on the ground what fundamental reforms we must make in order to achieve these goals. Halimbawa, maraming bumabati na 'yung mga kalsadang patungo sa mga North and South Expressway nitong nakaraang Holy Week -- ay, All Saint's weekend -- sabi nila ang mga traffic hindi na kagaya ng mga nakaraang panahon. And yet meron tayong construction -- may construction tayo sa North Expressway, may construction tayo sa South Expressway -- pero maayos ang traffic papunta sa probinsiya nitong nakaraang weekend.

'Yan ay nanggaling sa karanasan sa dalawang nakaraang taon. And I have gained enough experience to make me realize that we cannot achieve these goals unless we achieve unity and reconciliation as a nation. Diyaan sa PNCC, diyaan sa DPWH, diyaan sa DOTC, diyaan sa PNP, iba-iba ang kanilang mga teritoryo ngunit ginawa nating magkakaisa sila sa mag-organize ng traffic. At ito ay kailangan gawin natin sa buong bansa. Ganun na rin ang reconciliation ng kapakanan ng mangingisda at industriya dito sa Calabarzon, dito sa Laguna lake.

We must do these reforms, but we must also achieve reconciliation of interest if we do not want to be left behind by our neighbors who are again accelerating their growth in the aftermath of the Asian crisis.

Salamat na lamang sa nakaraang dalawang taon at kalahati, habang 'yung ibang bansa ay naghihingalo pa sa Asian crisis, sa SARS, sa terorismo, ang Pilipinas sa 21 economies sa buong Asia at pacific, number six ang ating growth rate.

Salamat na lamang na 'yung Japanese na number one investor sa buong mundo, sa kanilang latest ng kanilang preferred investment sites, number three ang Pilipinas.

But the others are beginning to recover from the Asian crisis. They are beginning to recover from the SARS. Huwag tayong maiwan. At ang kailangan natin reporma. Kailangan din natin rekonsilyasyon at pagkakaisa. Hindi lamang pagkakaisa ng PNP, DOTC, DPWH, PNCC sa kalsada. Hindi lang pagkakaisa ng mangingisda at pabrika sa lawa. Pagkakaisa rin ng mga dakilang institusyon ng ating pamahalaan.

Kaya ako nitong nakaraang All Saints Day matindi akong nagdasal tungkol sa kontrobersiya ng impeachment. At ako ay nakipagkonsulta sa mga leader ng mga dakilang sanga ng ating pamahalaan. At sa aking nakita tayo ay lumampas na doon sa political threshold kung saan pwede nang makialam ang pangulo para maghanap ng maka-prinsipyong solusyon dito sa ating impasse.

Sa ilang araw nakaraan, na-headline pa nga sa mga peryodiko, na ako'y nanawagan na itong solusyon ay dapat maging sa anyo ng isang covenant sa paligid... Sa mga malalaking sangay, 'yung tatlong malalaking sanga ng ating pamahalaan. Itong covenant na ito ay maaring manggaling sa mga batayang prinsipyo: una, dapat respetuhin natin na ang kapakanan ng taong bayan ang pinakamataas, at itong kapakanan ay nandoon nakaguhit sa ating konstitusyon at sa ating mga tradisyon ng ating pulitika.

Pangalawa, dapat diinin natin ang magkapantay at malaya ngunit kailangan ang kooperasyon at pagkakaisa ng tatlong dakilang sanga ng ating pamahalan.

Pangatlo, dapat palakasin natin ang prinsipyo ng check and balance bilang instrumento ng pambansang pagkakaisa at stabilidad at hindi dapat bilang instrumento ng pulitika.

Pang-apat, ang ehekutibo, ang lehislatibo, ang hukuman, ang mga awtoridad ay dapat magkasama bilang tiwala ng interes ng publiko at makahanap ng resolusyon sa kontrobersiya sa loob ng batas panglima, ang pagpapamahalang demokratiko ay dapat nakabatay sa pagtitiwala sa isat-isa -- respeto, civility, responsibilidad, transparency sa lahat ng kanyang mga leader.

At ako ay naniniwala na itong mga prinsipyo ngayon pa lang ay nagdadala na sa atin tungo sa daan sa resolusyon ng problema at sa daan tungo sa stabilidad at progreso ng ating pulitika. Kailangan natin ng nagkakaisang panindigan na ito ay magpapalarawan ng ating collective statesmanship. Bagamat kailangan makialam ang pangulo, hindi ko ito magagawang mag-isa. Lahat ng may kinalaman, at kayong mga officials ng lokal, kayong mga kawani ng pamahalaan, lahat kayo may kinalaman sa paghanap ng pagkakaisa. At lahat ng mga direktong apektado, everyone concerned will have to bend backwards a bit na hindi naman nasasakripisyo ang mga prinsipyo.

Ngunit ang masasabi ko sa ating mga sinisikap na ginagawa, mayron na tayong nakikitang solusyon kung saan panalo lahat.

Manalangin tayo magtagumpay itong ating mga sinisikap sa ganun, mga kawani ng llda, kawani ng pamahalaan, mga official na halal ng taong bayan, lahat tayo magdasal, magkaisa. Dahil sa awa ng panginoon malapit na ang resolusyon ng ating problemang nangyayari ngayon.

Sa inyong lahat, Happy Anniversary!

Congratulations sa inyong lahat!

[HOME]