PGMA's Speech during the 23rd AMA Computer University Foundation Day and Education Computer College Celebration |
AMA Computer University Gymnasium Villa Arca, Project 8, Quezon City (12 Nov. 2003) |
| Maraming salamat sa ama ng AMA,
si Ambassador King Aguiluz. Gusto ko ring batiin ang bagong ama ng AMA, ang kanyang anak, si Miguel Aguiluz. Ang nanay ng AMA, si Mrs. Cielo Aguiluz. Gusto kong batiin rin lahat ng mga officials ng AMA at saka 'yung ating napakagaling na Chairman ng Student Council na nagsalita kanina. Thank you very, very much for your beautiful words of welcome and support. Kasama ko ngayon ang aking pinakabatang Cabinet member, si Mike Defensor ng Housing. At saka si Milt Alingod, ang aking Press Secretary. Kasama ko rin ngayon ang anak ni Executive Secretary Romulo, si Berna Romulo-Puyat. Sa inyong lahat, isang maligayang anibersaryo. Binabati ko hindi lamang 'yung mga estudyanteng narito sa loob ng gym, binabati ko 'yung mga estudyanteng nandoon sa may mga tent, sampung libo kayo dito sa buong campus. Mamaya pupuntahan ko kaya diyaan para makipagkamay sa inyo. Binabati ko rin 'yung mga estudyante ng AMA sa buong bansa, kasi maraming nanonood ng live sa ating selebrasyon sa internet. Hindi lamang sa buong mundo... Ay, sa Pilipinas, binabati ko 'yung mga estudyante sa buong mundo dahil ang dami ng eskwelahan ng AMA sa Hongkong, sa Middle East, kung saan-saan, at ang buong AMA community online community na nasa buong daigdig. Noong nagsimula si King Aguiluz ng AMA computer school 23 years ago, hindi pa naman I.T. age, kaya labingtatlo lamang ang mga estudyante niya. Tingnan n'yo ang kanyang vision at foresight, 'yon pa lang tinuturo n'ya, 'yon pala ang magiging susi ng siglo beinte uno. Kaya ngayon, from thirteen students, 150,000 students na ang AMA system sa buong daigdig. Dahil maaga nagsimula si King, twenty three years ago -- hindi pa man I.T. age -- dahil sa kanyang vision, he was one step, two steps, three steps ahead of everybody else. Kaya hanggang ngayon nangunguna ang AMA pagdating sa information technology. Hindi ako nagugulat sa tagumpay ni Ambassador Aguiluz dahil alam ko, kilala ko 'yung kanyang pamilya. 'Yung ama ng AMA ni King... Ng eskwelahan ninyo, 'yung ama ni King, 'yung original Amable Aguiluz I, alam n'yo kababata ng aking tatay. Sila ay magkapitbahay sa kalye Kuku sa Lubao. Bakit tinawag na kalye Cucu, kasi doon sa lugar nila mahihirap lang sila. At 'yung kanilang lugar, 'yung Lubao ay mas mababa keysa sa sea level kaya parating binabaha. Kaya 'yung mga mahihirap na hindi pwedeng pumunta sa doktor parati o hindi pwedeng parati magpagamot ay parating inuubo. Kaya 'yung Cucu, ubo. Ubo 'yon. Kaya ang tawag kalye Cucu. 'Yung tatay ko pa nga ay nagkaroon ng tuberculosis, ewan ko 'yung tatay ni King. Ngunit silang dalawa matalino, nag-aral nang mabuti. Tatay ko naging Bar topnotcher, naging congressman, vice president, pangulo. At noong si Diosdado Macapagal ay naging pangulo, kinuha n'ya si Amable Aguiluz I sa iba't-ibang mga pwesto -- BIR Commissioner, Treasurer of the Philippines, Budget Commissioner, at sa wakas, 'yung head ng COA. Lahat ng apat na pwestong hinawakan ni Amable Aguiluz I sa administrasyon ni Pangulong Macapagal ay may kinalaman sa salapi. At kinakailangan ang taong malaki ang tiwala ng tatay ko sa kanyang nagiging matapat ang kanyang integridad. At hindi naman n'ya nabigo 'yung aking tatay. Hindi n'ya nabigo ang bansa sa magandang paghawak sa apat na maselang-maselang tungkulin. Kaya naman ang diyos binasbasan siya, binigyan siya nang gantimpala, binigyan siya nang mga anak na matagumpay sa kanilang buhay. At kasama na nga doon ay ang ama ng AMA, si Ambassador Amable Aguiluz IV. Kaya ngayon, 23 years later... 1998, 25 years ago, binenta ni King ang unang computer n'ya. 1980, nagtayo nga nang unang computer school. And today, here we are 23rd anniversary. Ang isang anibersaryo ay araw ng pagsasalamat sa diyos at pagbabalik-tanaw. Sa anibersaryong ito tayo ay nagpapasalamat sa magandang asal na tinuro ni Amable Aguiluz I sa kanyang mga anak. Nagpapasalamat tayo sa tagumpay na naganap sa buhay ni Ambassador Aguiluz, kanyang mga pamilya na tumutulong sa kanyang negosyo, at sa inyong lahat na nag-aaral dito sa AMA University System. Sa araw ng pagpapasalamat, hinihiling ko rin sa inyo, isali ninyo ako sa inyong pagpapasalamat lalo na't sa pagkalutas kamakailan ng isang isyu na kamuntik nang naging dahilan ng pagkawatak-watak ng ating sambayanan. At ang aking tinutukoy ay 'yung maayos na natapos ang krisis sa konstitusyon tungkol sa impeachment ni Chief Justice Hilario Davide. Kailangan ngayon meron tayong rekonsilyasyon at panibagong pagkakaisa kung gusto nating sumulong ang bansa. Susulong ang bansa kapag may knowledge workers kagaya ng mga nagga-graduate sa AMA. At susulong ang bansa kapag ang ating mga institusyon ng ating pamahalaan ay ginagalang at may dignidad. Para sa katahimikan ng pag-iisip ng taumbayan, dapat patahimikin na natin ang kontrobersiyang ito, itong krisis ng impeachement pagkatapos na resolbahan na sa paraang makasaligang batas. Lahat ng mga panig sa alitan ay kumilos nang maka-bansa at dapat magkaisa at patibayin natin ang ating mga institusyong demokratiko kaysa pahinain pa sila. Binuksan ko na ang mga seryoso at tahimik na pag-uusap sa lahat ng mga grupong may kinalaman at inaasahan ko na pakikinggan nila ang panawagan sa maka-prinsipyong rekonsilyasyon. Ang taumbayan ay kailangang makita ang pwersang nakapagkakaisa kung hindi ang bayan mismo ay magwawatak-watak at hihina sa pagharap ng mga nakakasindak na hamon na pairalin ang kapayapaan at labanan ang kahirapan. Ang bansa ay kailangang mahilom sa pamamagitan ng pinagkaisang patriyotismo at damdaming tungkulin maging sa mga lider, maging sa taong bayan. Mga kabataan, mga estudyante, mga teacher, sinisikap nating magkaroon ng malakas na republika. Mabuti na lamang na habang nagkaroon itong mga kontrobersiyang ito, tumataas pa rin ang ating stock market. Mabuti na lamang masigla pa rin ang koleksiyon ng buwis, lumalakas pa rin. At ang mga tagumpay na ito ay patunay na 'yung ating tinatawag na macroeconomic fundamentals ay matatag itong ating mga pangkalahatang ekonomiya. At ito rin ay patunay na tama 'yung aking attitude na kahit binabatikos ako na dapat magbigay ng mga kung anu-anong mga pagpapanig-panig, ang ginawa ko ay huwag magpadala sa mga batikos. Sa kainitan ng issue ng impeachment, tumutulong ako makahanap nang solusyon sa krisis na pinaiiral na may dignidad ang mga dakilang institusyon ng ating pamahalaan. Ngunit nakatugon ang ating higit na pansin sa mga serbisyong pangangalakal at pangkabuhayan. Nakatuon ang ating atensyon sa mga importanteng pang-araw-araw na gawain kagaya ng laban sa iligal na droga. Kaya kahapon, 'yung ating mga pulis ay nakahuli nang smuggler, nahanap nila 'yung smuggler ng droga, ng shabu. Kasi noong nakaraang tatlong buwan, ang dami nilang mga nahuling drug lord, ang dami nilang nasarahang pabrika. Ang shabu ay naging mahal. Noong araw, 100 pesos. Ngayon, 500 na. Ngunit meron pa ring nagbebenta. Saan nanggagaling, kung 'yon ay sarado na ang mga pabrika? 'Yon ay ini-import, ini-smuggle. Kahapon, nahuli nila 'yung smuggler ng shabu. Nahuli nila, caught-in-the-act sa loob ng furniture, sa ilalim ng sofa na kunyari ini-import, nandoon pala. Halagang isang bilyong pisong shabu. At ito ay bunga ng masinsinang intelligence operations ng ating mga nagtutupad ng batas. At itong one billion na nahanap na smuggled shabu, 'yan ang pinakamabisa at pinakamabungang drug bust sa kasaysayan ng ating bansa. Napapahina na rin natin ang Abu Sayyaf. Kanina, nabasa ko sa peryodiko, 'yung isang lider na naman noong mga nagkidnap doon pa sa Sipadan noong year 2000 ay nasugpo ng ating mga sundalo. At ngayon, puspusan ang ating kampanya para madakip ang mga kasapi ng Jemaah Islamiyah. Bakit ginagawa ito ng ating pamahalaan? Ito ay ginagawa natin, ang lahat ng ito para sa lahat ng pilipino, lalo na kayo, mga kabataan ng Pilipinas dahil kayo ang kinabukasan ng ating bansa. At sigurado ako na kayo rin ay nagnanais na gumanda ang inyong kinabukasan. Alam ko 'yon na iyon ang gusto n'yo, kaya nag-aral kayo dito sa AMA dahil ang AMA ang number one sa information technology. Pinakamalaking eskwela sa information technology and related disciplines hindi lamang sa manila, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong Asia. At alam naman natin ngayon -- although maski na si king hindi n'ya alam 'yon when he established your school 23 year ago -- ngayon ang pinakakailangan ng siglo beinte uno ay ang information technology. Sabi nga ni King, "nagkatugma kami roon." mula sa simula ang aking administrasyon ay pinaghandaan natin ang ating imprastraktura para sa I.T. at telecommunications. Noong ako ay unang naupo, ang connectivity sa Amerika ay 38,000 dollars. Kaya marami tayong I.T. workers, mahal naman ang connection, ang connectivity. Ngayon, dahil inayos natin ang imprastraktura, inayos natin ang mga patakaran sa telecommunications commission, from 38,000 dollars ang connectivity ngayon ay 4,000 dollars na lang. Kaya naging competitive tayo sa information technology. Kaya inaasahan ko na lalong magiging maliwanag ang bukas para sa ating I.T. sector. At nakikita naman natin ito. Nabanggit nga ni king 'yung 700,000 na nagkaroon ng trabaho sa I.T., sa iba't-ibang sector related sa I.T. sa ating bansa. Talagang 'yan ang growth sector of the future. Noong araw, ano ang layunin ng ating taong bayan? 'Yung magsasaka na sana meron s'yang traktorang minamaneho keysa 'yung kalabaw. Pero maraming anak ang isang magsasaka. Ang panaginip naman nitong magsasaka na may traktora sa halip na kalabaw sa harap n'ya ay 'yung anak naman n'ya ay nasa harap ng isang computer keysa sa isang traktora o isang kalabaw. At salamat sa mga eskwela kagaya ng I.T. ng AMA, eto ay nagaganap natin ngayon. At ang daming mga investor ay pumupunta dito dahil sa ating knowledge workers. Number one ang Pilipinas sa knowledge workers sa buong mundo. At sa mga knowledge workers sa Pilipinas pinakamarami ay nanggaling sa AMA University System. Kaya nga halimbawa 'yung Convergys, noong nakaraang buwan 'yung Convergys, pinakamalaking call center company sa buong mundo ay nagbukas dito sa Pilipinas. Tatlong libong katao ang kanyang binibigyan ng trabaho. Gayundin ang Intel ay nagpahayag na magdadagdag na naman sila ng 300 milyon pesos sa investment para sa kanilang expansion program. Ang texas instruments naman ay papalakihin din ang kanilang planta dito sa pamamagitan ng 70 million dollars na investment dahil marami silang nakukuhang knowledge workers, maraming mga AMA alumni ay nagtatrabaho dito sa mga importanteng negosyong ito. Edukasyon ang pangunahing serbisyo natin sa kabataan. Sa college level, 'yung knowledge skills. Sa grade school at high school -- Science, Math at English. Kailangan buo ang ating paghahanda sa darating na siglo, itong kasalukuyang siglo na nagsisimula pa lang tayo. Ngunit para sa akin, ako ay nagpapasalamat na guminhawa ang aking trabahong ihanda ang ating bansa sa knowledge century dahil ang AMA 20 years ago ay nalaman na n'ya, meron na s'yang nagunita na mangyayari ito. Kaya maraming salamat, Jing. GMA is for A-M-A! Congratulations sa inyong lahat. |