PGMA's Speech during the Awarding of Certificates of Entitlement to Lot Allocation (CELAs) to Qualified Resident Beneficiaries in the Resettlement Site |
Paliparan National High School, Dasmariņas, Cavite (13 Nov 2003) |
| Maraming salamat, Secretary
Mike Defensor, ang aking katulong sa pagbibigay ng karapatang magkaroon kayo ng sarili
n'yong lupa. Kasama ko rin ang aking Cabinet member na taga-Cavite, si Secretary Mai Jimenez. At binabati ko ang punong lungsod, punong bayan ng Dasmariņas, Mayor Barzaga. Sabi n'ya, walang iwanan, parati magkasama tayo. Binabati ko rin 'yung ating emcee, emcee siya rito pero aking kababayan siya, taga-Angeles City, ang namumuno ng National Housing Authority, si General Manager Ed Pamintuan. At salamat na lang sa inyong lahat na pinagamit n'yo sa amin itong Paliparan National High School, kaya nagpapasalamat ako kay Principal Marcelina Chavez for being our host. Gusto ko ring batiin ang Barangay Chairman ng Paliparan, si Barangay Chairman Numeriano Bukal. At lahat ng mga faculty members -- saan si Victoria Carungkong? Nandoon? Hello! -- at lahat ng ibang faculty member, mga staff, mga estudyante ng Paliparan National High School. Pati ang mga nasa loob ng classroom, salamat. mga taga-barangay Paliparan. Oh, pati si Manny de Castro pala. Kanina ko pa... Ilang araw ko nang kasama hindi ko binabati. Batiin kita nang minsan kasi binati ko si si Ed Pamintuan. At saka ang ating number one board member sa probinsiya ng Cavite, si Dominick Ttolentino. Father, salamat po. Sa inyong lahat, 'yung ating ano, ha, 'yung ating... Nakakalimutan ng atin protocol ilagay si Dominick Tolentino, number one board member pa naman. Anyway, sa inyong lahat mga kababayan, una sa lahat, congratulations sa mga bagong may-ari ng lupa! Hindi na kayo squatter sa sariling bayan. Ang kinikuwento ni Mike Defensor sa akin, 1992 doon sa PEA area ay maraming squatter, tawag nila. Kayo, kusang lumipat, mapayapang lumipat dito sa Paliparan sa Dasmariņas. Kanya lamang, sa sampung taon pawang damdamin n'yo, nakalimutan na kayo. Ngunit sa aming paglilibot, dahil nga ginawang patakaran ng pamahalaan na bigyang karapatang bilhin ang tinitirikang lupa ng mga maralitang taga-lungsod, natagpuan kayo nila mike at naikuwento ninyo sa kanya, paiyak pa kayo ng kinuwento ninyo na bakit kayo ay nakalimutan na ng sampung taon. Ngunit narito ako para ipaalam sa inyo na kayo ay hindi nakalilimutan ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo. Itong araw na ito... Okasyon, hahawakan na ninyo 'yung inyong sertipikado sa inyong sariling lupa. At hindi lamang 'yon, meron kayong malinis na tubig, meron kayong kuryente, meron kayong health facilities, meron kayong sari-sariling septic vault, meron kayong drainage system. Alam ho n'yo, nung ako ay vice president at nabibisita ko 'yung ilang mga relocation site, 'yon naman ang daing ng taong bayan sa akin -- tinapon na lamang daw sila roon, wala namang kuryente, wala namang tubig, wala namang kasilyas, wala namang clinic. Pero kayo, kumpleto lahat ng kinakailangan n'yo para mabuhay nang may dignidad. Kasama ko sa trabaho eto mga ahensiya na nasa ilalim ni Mike Defensor, lalo na 'yung housing authority, kaya nga sila ang nag-ayos nitong inyong mga papeles. At siyempre 'yung public estates authority na may-ari ng lupang pinanggalingan ninyo, kasi noong nalaman ni Mike 'yung inyong kasaysayan, kinuha sa PEA 'yung mga legal na mga kasaysayan ninyo para maisaayos inyong mga titulong hahawakan ngayon. At siyempre para umabot tayo hanggang dito kailangan ang pondo ng pamahalaan, kaya ako'y nagpapasalamat din na meron tayong tulong mapondohan itong inyong pagkasariling may lupa ang GSIS, SSS, PNB at Asset Privatization Trust. Kaya tingnan ninyo, ang daming ahensyang kasama --NHA, PEA PNB, GSIS, SSS, APT. Kaya kung walang magkukumpas, another ten years wala pa ring mangyayari sa inyo. Kaya hindi ko kayo nakalilimutan at nilakad natin ito. Si Alex Santos -- nandito ba si Alex? -- Alex, salamat at ikaw ay malaki rin ang iyung tulong dito. Thank you. ikaw naman kasi, napaka-humble mo eh, dapat nandito ka sa entablado eh. Alam n'yo, kahit na marami ang problemang hinaharap ng ating bansa, hindi ko kayo nakalilimutan. Hindi kayo nakalilimutan ng inyong pangulo at kailanman hindi mangyayaring makalilimutan kayo. Kaya magdasal tayo na matigil na sana itong mga nanggugulo para maibuhos naman natin ang ating oras at atensiyon sa mabibigat na problemang apektado ang sambayanan. Kagaya ng iba't-ibang mga natapon sa ibang lugar kagaya ninyo sa matagal na panahon na nakalilimutan, kailangan makalibot tayo para nahahanap kayo kasi walang master list 'yang mga itinapon sa iba't-ibang mga lugar. Malasakit na lamang namin kaya nahanap kayo muli. At 'yung mga nagdadamdam kagaya n'yo dati, ang problema pinagsasamantalahan. Ako ay nalulungkot na ang ating sambayanan halatang-halatang ini-engganyo ng mga desperado ng mga ilang taga-kumplot ng destabilisasyon, 'yung ganyang nangyari kahapon. Sa diwa ng demokrasya, binigyan ng permit para sa rallly hanggang alas-singko ng hapon. Maximum tolerance ang pinairal sa loob ng mga oras na 'yon. Kaya lang pagkatapos, si Mayor Jojo Binay at ang mga awtoridad ay kinailangang kumilos upang ibalik ang katiwasayan sa mga lansangan. Kaya nagpapasalamat ako kay mayor binay at ang mga police authorities sa kanilang mabisang pag-disperse nung mga rallyista kahapon sa makati. Habang rine-respeto natin at tinataguyod ang buong pagpahayag ng mga karapatang sibil, hindi natin maaring pabayaan kahit sino na tumawid sa linya ng katiwasayang pampubliko dahil sa sakunang dinudulot sa malawakang kinabubuti. Ganumpaman, dismayado ako sa paraan ng ilang mga walang konsyensiyang lider ng pulitika gumagamit ng mga masa bilang pagkain ng kanyon, tinatanggalan sa inyo ang inyong dignidad pag ginagamit kayo para maging laman ng kanyon. Dapat mayroon tayong pagkakaisa at rekonsilyasyon pero dapat ito ay batay sa respeto, sa dignidad ng masa, at malusog na respeto para sa inyong mahalagang papel sa lipunan. May karapatdapat na panahon at lugar para sa mga makapartidong pakikibaka at ang panahong ito ay halalan ng 2004. Kaya ngayon, mga kaibigan, kayo sana huwag kayong bastang padadala sa mga maling balita o paghimok sa mga grupong gustong siraan at ibagsak ang gobyerno. Tulungan n'yo akong mas manatiling matatag ang ating gobyerno, ang ating demokrasya. Habang nagplot-plot sila kung papaano ako ipabagsak, ito'ng ginagawa natin, inaayos natin ang inyong mga titulo. Ito ay ginagawa ko na mula pa nung ako ay unang naupo bilang pangulo, pagkaloob ng titulo sinimulan ko nang gawin mula pa nang ako'y unang umupo. Kaya tulad kayo, 150 families kayo, 'di ba? Kayo ay kasama sa nalampasan na nating target na bibigyang katiyakan sa lupang tinitirikan. Gumawa tayo ng mga proklamasyon, mahigit limampu na nagdeklara ng mga lupang pag-aari ng gobyerno na maaring bilhin ng mga nakatira doon o kaya kung may private owner, kinakausap 'yung may-ari para sa community mortgage program, 'yung sa lupang may-ari. At itong mahigit limampung proklamasyon na ating ginawa, ang halos nakinabang na kayong 150 families kayo ay kasama sa halos tatlong daang libong pamilyang nakinabang na sa ginagawa natin kagaya nang ginagawa natin dito ngayon sa Dasmariņas. Kaya basta tayo nagkakaisa, magkakaroon ako nang panahon at sigla para sa inyong kapakanan. Inyong kapakanan ay laging nasa aking kaisipan, may gulo man o wala. Tulungan n'yo ako mawala ang gulo para lalung-lalong dadaming magiging kagaya ng mga mamamayan ng paliparan dito sa Dasmariņas. Congratulations sa mga bagong may-ari ng lupa! |