PGMA's Speech during the Distribution of Certificates of Lot Awards to Qualified Beneficiaries

Francisco Felix Sports Center, Brgy. San Juan Cainta, Rizal  (14 Nov 2003)


Maraming salamat.

Maraming salamat, Governor Nini Ynares. At siya rin po ang Chairman ng Lake Laguna Development Authority.

Una sa lahat, doon sa ating binuksan na magandang fountain sa inyong renovation. Binabati ko rin si dating Vice Governor Ben Felix. At saka si Vice Mayor Julio Narag. At yung ibang mga punong bayan na narito, si Mayor De Los Santos ng Jala-Jala, si Mayor Bernardo ng Morong, at saka si Mayor Zapanta ng Taytay. Binabati ko yung ibat-ibang mga members ng Sanggunian, yung ibat-ibang mga barangay captain na narito. At nandito na pala si Mike Defensor, yung chairman ng HUDCC, at yung mga officials ng mga ahensya sa ilalim ng HUDCC. Binabati ko yung mga makikinabang sa pagdistribute ng Certificate of Llot Allotment. At binabati ko yung pinanggalingan ng lupang madi-distribute ngayon, si Ginoong at Ginang Boboy Virata.

Sa mga makakatanggap ng papeles ng inyong lupa, congratulations sa mga bagong may-ari ng lupa. Hindi na kayo squatters sa sariling bayan. Sana makatulong ito na maunawaan ninyo na sa dami ng mga problemang hinaharap ng ating bansa, hindi kayo nakalilimutan ng inyong pangulo at hindi kailanman mangyayari makalilimutan kayo ng inyong lingkod. Dahil sa inyong pagtutulungan, unti-unti nang nagiging maayos ang inyong pamumuhay. Masisipag ang mga opisyal ng inyong mga asosasyon, kaya congratulations sa mga opisyal. Saan kayo? Saan kayo? Gayundin, mga pinuno ng inyong pamahalaan -- probinsiyal at lokal -- sa pangunguna ni Governor Nini Ynares at Mayor Nicanor Felix.

Kung bawat Pilipino ay kasing-sipag at nagtutulungan tulad ninyo at hindi panggugulo ang inaatupag, mas bibilis pa ang pagsulong ng ating bansa. Kaya ang cainta napakamaunlad na lugar. Ito ay napaka-urban na talaga itong lugar na ito. Lungsod na nga itong lugar na ito sa ekonomiya. At dapat makita ito ng buong Pilipinas bilang huwaran na kapag kaunlaran ang iniisip at hindi kaguluhan sumusulong ang ekonomiya ng isang bayan. Kaya mula sa maunlad at mapayapang bayan ng Cainta, magbibigay ako ngayon ng mensahe sa ating taong bayang Pilipino.

There is a pattern of renewed destabilization to erode the looming electoral process and I call upon the people to stand for democracy. We shall respect the right of protesters to express their political views and grievances, but we would like to draw the line on the side of civility, lawful conduct and public order.

I'm calling for reconciliation but I must stand in the way of anarchy. I extend my hand to my detractors but I cannot allow them to flaunt the law. I ask the leaders of protest actions to police their own ranks and instill discipline among their followers. The police and the military are holding maximum tolerance but they are ready to enforce the full might of the law when required by any situation.

Kaya mga kaibigan, taga-Rizal, taga-Metro Manila, ang aking panawagan naman sa inyo, lalo na yung mga maralita, huwag kayong basta padadala sa mga maling balita o paghimok ng mga grupong gustong siraan at ibagsak ang gobyerno. Dahil lubos na pinangangalagaan ng pamahalaan ang dignidad ng bawat Pilipino. Kaya, ganun na lamang ang aking pagsisikap na maibigay sa inyo ang inyong mga pangangailangan katulad nang maayos at disenteng lupang tinitirikan.

Ang pagkaloob ng mga titulong kagaya ng ginagawa natin ngayon ay sinimulaan ko mula pa noong ako ay unang umupo bilang pangulo. At nalampasan na natin ang target na bibigyang katiyakan sa lupang tinitirikan. Dahil gumawa tayo ng mga limampo at isang proklamasyon na nagdeklara sa mga lupang pag-aari ng gobyerno na maaring bilhin ng mga nakatira doon. Gayundin ng community mortgage program sa mga lupang meron nang may-ari. Kaya nagpapasalamat ako kay ginoong boboy virata, na isang malaking negosyante, dahil siya ay nagsusuporta sa ating programa.

Gaya nang sabi ko, mahigit limampung proklamasyon na ang ating ginawa. At halos tatlong daang libong pamilya na ng ating mga maralitang taga-lungsod ay nakinabang kasama na nga ang ating mga kapatid dito sa San Juan, sa Cainta, sa Rizal.

Ang aking panawagan, basta tayo ay magkaisa. At gusto kong ipaalala sa inyo at tiyakin sa inyo ang inyong kapakanan ay laging nasa aking isipan, may gulo man o wala.

Kaya mga kaibigan sa Cainta, maraming salamat dito sa pagkakataon. Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat dahil parati kayong nagsusuporta sa akin. Magtulungan tayo upang umunlad ang Pilipinas, ang Rizal, ang Cainta.

Maraming salamat sa inyong lahat.

[HOME]