PGMA's Speech during the Mass Oathtaking of New Members of Lakas-CMD Officials Rizal Chapter |
E. Rodriguez Gymnasium, Angono, Rizal (14 Nov 2003) |
| Maraming salamat sa anak ng
Angono, ang Chairman ng Energy Regulatory Commission, si Manny Sanchez. Alam po n'yo, bago ko batiin 'yung ibang mga panauhin, 'yung mga nasa entablado, gusto kong ikuwento sa inyo kung papano naging ERC Chairman si Manny Sanchez. Noon hong ako ay naghahanap ng Chairman ng Regulatory Office ng MWSS, 'yung Water Regulatory Office, sabi ng search committee, meron kaming magaling na biodatang nakita, ang ganda-ganda ng kanyang record, galing pa sa Harvard, siya ang nino-nominate namin bilang chairman ng Regulatory Office ng MWSS. Sabi ko, sino 'yon? Sabi nila si Congressman Manny Sanchez. Aba! Sabi ko, si Congressman Manny Sanchez? Kilala ko 'yon! Bagama't bagay nga siya sa Regulatory Office ng MWSS, kailangan ko rin ng Undersecretary of the Press sa ngayon. Gusto ko sa Malacaņang siya magtrabaho, hindi doon sa MWSS. Kaya kinuha ko siyang Undersecretary of the Press. Naging Undersecretary Manny Sanchez. Pagkatapos noon, doon naman sa Energy Regulatory Commission si Chairman ay si Fe Barin. Tapos noon, nagkaroon ng... Natapos 'yung termino ng ilang mga members of the monetary board, kaya dahil si chairman ng ERC si Fe Barin ay matagal siya doon sa Central Bank, 'di inappoint ko siya bilang member of the monetary board. Nagkaroon tuloy ng vacancy sa Energy Regulatory Commission, napakamakapangyarihang pwesto. Ang dami-daming nag-aagawan para maappoint doon sa pwestong 'yon. Kaya sabi ko, sa pwestong napakamakapangyarihan at maraming nag-aagawan, naalala ko 'yung sinabi ng search committee, si Manny, isang abogado, tiga-Harvard, bagay na bagay sa regulation, kaya siya ang ginawa kong Chairman ng Energy Regulatory Commission. Gusto kong batiin siyempre ang Ama ng Angono, si Mayor Gerry Calderon, na matagal nang tumutulong sa akin. Senador pa lang ako, 'di ba? At si mayor ay vice mayor pa. Matagal nang kaibigan ko, kaya ako ay matagal nang kaibigan ng Angono. Gusto kong batiin si Vice Governor Jovita Rodriguez, pinakamataas nating opisyal sa partido lakas sa lalawigan ng Rizal. Gusto kong batiin 'yung iba't-ibang mga official na narito ngayon. Batiin ko si Vice Mayor Villamayor. 'Yung mga konsehal ng Angono kasama na rito si ABC President Armando Villamayor. Alam n'yo, merong sinasabi ni Mayor Calderon na madalas ako magbisita sa Angono. Kasi artist center ito, nagpupunta ako sa mga museo ninyo, binibisita ko 'yung mga artists ninyo. Bumibili ako ng mga art pero meron yata nagba-black propaganda sa akin. Sinasabi na pumupunta ako rito wala akong iniiwanan. Testigo si ABC President Villamayor na lahat ng barangay ng Angono ay na tulungan ko na. Kaya hindi totoong wala akong iniiwanan, dinaan ko ang tulong kay ABC President Armando Villamayor. Gusto ko ring batiin si ABC Vice President Francisco Saginsin. At saka si SK Chairman Anover Tiamson. Nandito tayo sa ano, 'di ba, barangay Sto. Niņo? Kaya batiin ko ang barangay captain ng Sto. Niņo, si Chairman Roberto Miranda. At saka si Mr. Ding Roan. At saka ang ating kilalang artist, si Orviel Quiamson. Saan si Orviel? Siya 'yung parati pinupuntahan ko, okey. Si Atty. Efren Bautista, binabati ko rin. At saka si Judge Rosa Tatad. Kasama ko rin ngayon, si Secretary Marita Jimenez at meron siyang gustong ipabalita ko sa inyo. Kasi si Mai Jjimenez ang tumutulong sa akin sa mga bagay ng Official Development Assistance o 'yung tulong na nanggagaling sa ibang bansa. At alam ko dito sa Angono, isa sa mga daing ninyo ay 'yung baha. 'Yung daing sa baha hindi nasasagot sa sampung milyong piso. Ang kailangan ninyong flood control project ay 'yung talagang kumpleto at komprehensibo. At ayon kay Mai Jimenez, ito ay gumagawa na tayo ng proposal. Ang tawag nitong project na ito ay east of Manggahan Flood Control Project. Ito po ay hindi ten million pesos, ito po ay ten billion pesos po ang halaga nitong proyektong ito. Ito po ay sakop hindi lamang Angono kung hindi na rin Cainta, Pasig, Marikina, Taytay, Antipolo. At dahil po maraming bayan ang sakop, kailangan lahat ng bayan ay mag-endorso sa regional development council. Kaya pwede ba hingiin ko kay Mayor Calderon na ikaw na lang ang kumuha ng endorsement ng mayor ng Cainta, Pasig, Marikina, Taytay, Antipolo, maging sa iyo. Kasi gusto nating habulin na kung maibibigay ito sa Regional Development Council at ma-approve nila, pwedeng ibigay na ito sa Japan government pagpunta ko sa Japan itong darating na Disyembre. Kaya ako na ang bahala sa paperwork. Anyway po, gusto ko ring batiin ang kpatid ng ating national artist, si Botong Francisco, nandito po ang kanyang kapatid. Nasaan? Nakita ko kanina. Isa sa ating mga senior citizen. Tayo kayo! Alam po n'yo, 'yung mga painting ni Botong Francisco, 'yung mga iskultura ni Botong Francisco, sa bahay ho ng aking tatay, sa aming entrance and exit, nandoon po 'yung kanyang iskultura na pinagawa ng aking tatay sa kanya tungkol po sa ating land reform, sa ating independence day. At doon naman sa malacaang, malalaking tatlong painting ni Botong Francisco, linagay ko rin sa pintuan ng Malacaņang, labas ng aking kuwarto para araw-araw bago ako lumabas ng Malacaņang, tinitingnan ko si Botong Francisco. Dahil ipinagmamalaki natin ang mga artists na nanggagaling dit o. At noong ako ay senador -- alam ito ni Mayor Calderon dahil vice mayor siya noon -- bahagi sa aking cdf bilang senador ay binigay ko po upang magtayo ng music hall para matuloy 'yung musika ni Lucio San Pedro. Ngayon, dalawa ang hiniling ni Mayor Calderon sa akin tungkol sa inyong kultura. Una, sana magtayo ng artists center, 'yung gallery and museum for artists of Angono. Sabi ko, tutal sinimulan ko na 'yung music hall, sige, magdadagdag ako ng 2 million pesos doon, para 'yon na ay ma-expand mo, ma-improve mo, Gerry at maging hindi lang music hall kung hindi gallery and museum for Angono. At meron din akong hihingiin kay manny sanchez, dahil sa ibabaw ng siya ay abogado at chairman ng ERC, dahil abogado naman siya, pwede ba gumawa nang kunting trabahong hindi kinalaman sa iyung trabaho sa ERC? Manny, tulungan mo akong gumawa ng draft declaration para madeklara ko ang Angono bilang artist capital of the Philippines. Ako ay nagpapasalamat sa mainit na pagbati sa lahat ng mga narito ngayon, lalo na 'yung mga bagong kasapi ng partido ng ating administrasyon, ang Lakas-CMD. Ito ay patunay ng inyong pagsang-ayon at pagtaguyod sa mga layuning panlipunan ng ating gobyerno. Ngayon, dahil kayo ay kasapi ng ating partido gusto kong iulat sa inyo na ang nais ng ating partido at aking administrasyon ay reporma at rekonsilyasyon. Itong ating mensahe ng rekonsilyasyon, kung mamarapatin po, ipapahayag ko hindi lamang sa inyo kung hindi na rin sa buong bansa dahil may telebisyon tayong nagko-cover nitong ating pangyayari. The country has suffered enough from extreme divisiveness. I have called for reconciliation and healing as a moral duty and I will persist even if repudiated along the way. I am seeking light in the minds of our leaders so that we can breach the cynicism and hatred that is rending the nation and depriving the people of peace of mind and economic opportunity. I am making this offer before things become worse for our people. We must not leave the Filipino people trapped in the middle of political clashes. Let us not forget, the people are sovereign and they expect more statesmanship and solidarity from their leaders. Marami sa ating mga pag-uugali at pananaw bilang lipunan ay kailangan baguhin o kaya mabalik sa mga dating magagandang asal kung magkakaroon tayo nang reporma at rekonsilyasyon sa pagbabago o pagbabalik sa loob, sa tanaw sa mga dating magagandang asal, malaking kinalaman ang kultura. At sa kultura, malaking kinalaman ang Angono dahil ang Angono ang tahanan ng pinakamaraming artists sa ating bansa. Kaya kung gagawin nating art center of the Philippines, artist capital of the Philippines ang Angono, hindi lamang para sa inyong karangalan ito, ito ay para sa kinabubuti na rin ng diwa at kaluluwa ng bansang Pilipinas. Kaya, mga mamamayan ng Angono, mga kababayan ni Gerry Calderon, mga kababayan ni Manny Sanchez, salamat sa mga artists na nilikha ninyo, salamat sa diwa na sana madala n'yo sa kaluluwa ng buong Pilipinas. Mabuhay ang mga artists ng Angono! Mabuhay ang diwa! At sana nga buong pilipinas maging kasing-kaluluwa ng Angono. Maraming salamat sa inyong lahat. |