PGMA's Opening Statement during a Press Conference in Angono, Rizal

Municipal Bldg., Angono, Rizal (14 Nov 2003)


Gusto ko lang ulitin yung dalawang mensaheng binigay ko itong araw na ito. Yung isang mensahe na ngayon ay sinabi ko na ang ating bansa ay sapat nang nagdusa sa lubhang pagwawatak-watak. Ako ay nanawagan sa rekonsilyasyon at paghilom bilang isang tungkuling moral. At ito ay itutuloy ko kahit na ako ay mabigo. Hinahanap ko ang linaw sa mga pag-iisip ng ating mga lider, sa ganun ay malampasan natin yung cynicism at saka yung hatred na naghahati sa ating bansa. At tuloy natatanggalan sa ating taong bayan ang kapayapaan ng pag-iisip at oportunidad sa ekonomiya.

Ginagawa ko itong alok bago lumubha ang mga bagay. Dapat hindi natin maiwan na ang taumbayang pilipino ay nai-entrap sa gitna ng mga labanang pulitikal. Huwag nating kalimutan na ang taong bayan ang ating mga amo at inaasahan nilang higit na statesmanship at pagkakaisa mula sa kanilang mga lider.

Kanina naman dito sa angono, sinabi ko po ay ito: merong pattern ng panibagong destabilisasyon para sa ganun ay masabotahe ang parating na proseso ng halalan. Nananawagan ako sa taong bayan na manindigan para sa demokrasya. Rerespetuhin natin ang karapatan ng mga nagpo-protesta na ipahayag ang kanilang mga pananaw sa pulitika, mga daing ngunit iguguhit natin ang linya sa panig ng civility, lawful conduct at publikong katiwasayan.

Ako ay nananawagan para sa rekonsilyasyon ngunit pipigilan ko ang anarchy. Ako ay ibinibigay ko ang aking kamay sa mga nagbabatikos sa akin ngunit hindi ko pwedeng payagan silang pagtawanan ang batas. Ako ay hinihingi ko sa mga lider ng mga kilos protesta na sila ay idisiplina nila ang sarili nilang mga ranggo, sa kanilang mga... At maglagay ng disiplina sa kanilang mga sumusunod sa kanila. Ang pulis, ang sundalo ay gumagawa ng maximum tolerance ngunit sila ay handa na ipatupad ang buong puwersa ng batas kung ito ay kailangan.

[HOME]