PGMA's Speech during the Jesus Saves Crusade Prayer Rally

Quirino Grandstand, Luneta Park, Manila (14 Nov 2003)


Maraming salamat.

Maraming salamat kay Dr. Benny Abante, aking kaibigan, matagal na kaming nagdadasal na magkasama. At ako ay nagpapasalamat sa panginoon na narito rin ang bayani na malaking nagawa para maresolba yung crisis ng impeacement, si Speaker Joe de Venecia.

I thank Evangelist David Janney because what he talked about tonight, the story he talked about tonight, by providence -- because there's no coincidence in God -- by providence he told the story of Zaccheus. And that is what my Cabinet and I have been reflecting on for three days now, the story of Zaccheus. Because the story of Zaccheus is the story of reconciliation. At yan ang ating kailangan para maligtas tayo at tayo ay siguradong nasa piling ng ating panginoon.

Ako ay nagpapasalamat na kayo ay narito at hindi umaalis, ang dami-dami ninyo kahit na umuulan. Kanina -- kasi yung ulan umaabot din dito eh, hanggang sa akin -- kanina, iuurong sana nung ilang mga technicians itong aking entablado. Sabi ko, huwag, kasi kung nababasa ang ating mga kapatid, ako rin dapat ay mabasa.

Sa katotohanan, kanina pa naman ako talagang nababasa dahil nanggaling ako sa probinsiya, sa Rizal. At doon ay naglalakad ako at umuulan. Kasi tuwing may pagkakataon na magkaroon ng sakripisyo, ang aking ipinapanalangin ay sinasabi ko, salamat Jesus dahil isinasama mo ako sa inyong sakripisyo sa krus. at sa lahat, tuwing tayo ay nagkakaroon nang sakripisyo kagaya ng pinapabayaan nating tayo ay mabasa sa ulan, nababawasan yung kahirapan ng panginoong hesus doon sa kanyang krus. We share in the sufferings of Jesus Christ by making sacrifice and prayer.

Ngayong gabi tayo ay nagdadasal, tayo rin ay nagsasakripisyo. Ang sakripisyo natin ay pinapayagan natin na ang sarili nating katawan ay mabasa sa ulan na nanggagaling sa langit. Ang ating sakripisyo ay importante. Doon sa bibliya, parating hinihingi ng panginoon ang ating sakripisyo para tayo'y maligtas. Si Zaccheus na tinawag ni jesus, nung tinawag ni Jesus siya ay nagreconcile, si Zaccheus din ay nagsakripisyo. Kung anuman daw yung ninakaw niya ay ibabalik niya times four sa mga ninakawan niya. At kahit na yung hindi niya ninakaw na yaman niya, kalahati ay ibinigay niya sa mahihirap. Yon ang kanyang sakripisyo.

Tayo, ang sakripisyo natin ay itong ulan. Naalaala ko, tinuturo sa akin ito noong ako ay nag-aaral sa kumbento, ang tawag dito ay mortification. Kasi dapat tayo ay magkaroon nang mortification para ang ating dasal ay mapuri at buo at pag tayo ay nagmo-mortification, pwede tayong humingi ng petisyon sa Panginoon. Ang tanong ko, ano ang hinihingi ko ngayong gabi at sana kayo rin ay kasama ko na humingi sa Panginoon bilang kanyang binabalik sa atin, sa ating mortification, sana iligtas ang sambayanang Pilipino, Jesus save the Filipino people. Jesus save the Filipino people from sin and evil. Jesus save the Filipino people from those who want to destroy our democracy. Jesus save the Filipino people from those who do not want reconciliation.

Tinawag ni jesus si Zaccheus. Si Zaccheus ay isang maraming sala. Kaya sinabi noong mga pharisee, yung Jesus na yan bakit nagbabait-bait, tingnan mo naman yung mga kasama niya mga makasalanan. yon ang dapat ipagdasal natin, na itong mga pharisee sa ating kapaligiran ay malinawan ang kanilang diwa at makita na reconciliation ang gusto ng Panginoon para sa akin.

Reconciliation ay kinakailangan para magawa natin ang reporma na kailangan ng ating bansa para masugpo natin ang kahirapan. Dahil kung parati na lang watak-watak ang ating lipunan, wala na akong gagawin bilang pangulo kung hindi sanggahin yung mga sinisikap na sirain ang ating lipunan. Papano natin magagawa yung batayang reporma para ating mahihirap na minamahal ng panginoon.

Kaya mga kapatid, maraming salamat na tayo ay magkasama. Maraming salamat at tayo ay magkasama sa ating mortification. Magkasama tayo sa ating dasal. Jesus save the Filipino people through our sacrifice in union with the sacrifice of Jesus on the cross.

Amen

[HOME]