PGMA's Speech during the Farmers' Forum and Awarding of Certificates of Land Ownership to Farmer Beneficiaries |
San Luis Sports complex Sta. Cruz, Laguna (17 Nov 2003) |
| Maraming salamat at happy
birthday sa ating Clean and Green Governor Ningning Lazaro Tama yung sabi ni Ningning, anak siya ng mga magsasaka. Kuwento nga ni Obet Pagdanganan na si ningning ang mga magulang niya ay taga-Calumpit, mga kababayan ni Obet, na lumipat sa Laguna at yon na nga naging gobernador ng probinsya ng Laguna. Batiin ko yung nag-kuwento sa akin ng kasaysayan ng buhay ni Ningning, ang kanyang kababayan sa kanyang mga magulang, si Secretary Obet Pagdanganan ng land reform. Si Obet din po ang nag-organize nitong ating seminar at siya rin po yung nag-ayos para kayo, mga magsasaka ay hindi na squatter sa sariling sakahan, congratulations po sa inyo! Kasama ko rin ngayon ang Secretary of Housing naman, si Michael Defensor. Tamang-tamang kasama ko si Obet at saka si Mike, kasi ang Laguna Industrial Center sa Calabarzon doon sa bandang Calamba, doon kay Mayor Lajara at dito naman ay agricultural center. Kaya ang Laguna ay huwaran ng ating urban land reform na ginagawa ni Mike Defensor at agricultural land reform na ginagawa ni Obet Pagdanganan. Batiin ko ang... Hindi naman dahil sa matanda siya kasi maganda nga at bata pa, pero para bang tinuturing nang nanay ng Congress, si First Lady ng Congress Gina de Venecia. Kasi babatiin ko siya bago ko batiin yung kanyang mga anak na tiga-Laguna. Yung dalawang congressmen na narito: sa 3rd district si Dan Bueser at saka dito dating mayor ng Sta. Cruz, si Mayor San Luis. Ay! Congressman San Luis na nga ngayon, noong araw mayor ngayon congressman. at siyempre pinag-uusapan natin ang mayor ng Sta. Cruz, salamat sa ating host mayor sa kanyang napakagandang welcome, si Mayor Panganiban. Nabanggit na ni Governor Lazaro ang ating iba't-ibang mga mayor na narito. Hindi ko na babanggitin ang pangalan nilang lahat. Batiin ko na lamang sila, lahat-lahat ngunit espesyal na bati sa presidente ng Mayors' League, si Mayor Arcillas bilang pakikiramay, dahil dalawang oras lang ang nakaraan yumao yung kanyang mahal na ina. Nakita naman natin yung kanyang sense of duty, narito pa rin si Mayor Arcillas kasama natin. Batiin ko rin yung nag-aalaga ng ating mga punong bayan at saka punong lungsod. Dalawa lamang ang lungsod nga ng laguna, yung Calamba binanggit ko na si Mayor Lajara at saka San Pablo, banggitin ko rin si Mayor Boy Aquino. Ang kanilang nag-aalaga naman ay si Undersecretary Agnes Devanadera ng DILG. At yung members of the board ng Laguna under the presiding officership of Vice Governor Dan Fernandez. Batiin ko lahat ng mga barangay captain sa pamumuno ni ABC President Board Member Nomel Buenviaje. Mga kaibigan, una sa lahat, ulit, happy birthday kay Ningning Lazaro! Pangalawa, ulit, congratulations sa mga bagong may-ari ng lupang sakahan! Hindi na kayo squatter sa sariling lupang sakahan. Yung mga binigay natin ngayon, titulong-titulo na po yon, Transfer Certificate of Title (TCT). At nabigay din natin yung ilang tulong doon sa barangay ng Los baņos at saka, saan pa yung isa? Doon sa barangay ng Siniloan. At yung mga yon, yung Certificate of Land Ownership at yung tsekeng pinamahagi natin sa Siniloan at saka doon sa Los baņos, sa isang barangay ni Mayor Cesar Perez, ay kasama na ang regalo natin kay governor Ningning Lazaro sa kanyang birthday. Gusto ko ring batiin yung mga kasama ni obet pagdanganan sa DAR dahil kayo ang gumawa nitong matagumpay na seminar-workshop. Binabati ko yung mga farmer-leaders, mga cooperative chairmen, mga barangay officials. At yon na nga dahil ang Laguna ay malaking probinsiya, malaking bahagi ng lungsod ay kanayunan kaya meron tayong land reform. At doon naman sa ibang lugar nagbibigay naman tayo ng lot awards para sa mga maralitang taga-lungsod. Kaya yon dalawang klase ng land reform ang nakikita natin sa Laguna: urban land reform at rural land reform. Kaya ibig sabihin noon kung ano ang takbo ng reporma sa Laguna, ganun din ang takbo ng reporma sa buong Pilipinas. Sa seminar ninyo, marami kayong resolusyon na nagawa -- mga gagawin ng mga magsasaka at mga kailangan sa pamahalaang nasyonal. At nakita ko sa inyong listahan ay meron kayong kailangang marketing assistance. Kaya gusto kong sabihin sa inyo, bahagi rin ng ating regalo kay Governor Lazaro, meron tayong five million pesos para sa bagsakan center dito sa Laguna. Ang sarap-sarap dito sa Laguna, kahit na maraming gustong manggulo doon sa kamaynilaan, hindi ko tuloy makalimutan kayo. Ang sarap-sarap pumunta rito lalo na't birthday ni governor. Sa gymnasium na ito, ningning, di na natin mabibilang ilang beses tayo mag-kasama dito, di ba? Tuloy-tuloy ang ating trabaho dito sa Laguna . Ang hinihingi ko naman sa inyo, mga kaibigan ng Laguna, sana basta huwag kayong padadala sa mga maling balita o paghimok ng mga grupong gustong siraan at ibagsak ang gobyerno. Kung bawa't Pilipino sana ay kasing-sipag, clean and green province, clean ang green capital town, land reform, industrialization, kung sana lahat ng Pilipino ay nagtutulungan at ang sipag at ang daming nagagawa kagaya ng laguna kaysa sa nanggugulo, siguradong mas mabilis sana ang pagsulong ng ating bansa. Itong ginagawa natin ngayon, yung pamimigay ng biyaya sa mahihirap ng laguna, yung reporma sa lupa, yung mga proyekto para sa social reform para sa ating mga maliliit na barangay o bayan, yung bagsakang tulong dahil yon ang pinagkasundong kailangang-kailangan ng magsasaka dito, ito ay isang paraan tungo sa hangad kong pagkakaisa at rekonsilyasyon sa ating bansa. At yon ang isang gustong-gusto kong nagawa natin dito. Kasi sabi nila ang Laguna raw ay bahagi ng Edsa Tres. Ayun! Si Mayor Ejercito nandito pa nga. Pero tingnan mo, nandito si Mayor Ejercito kahit na ako ang guest of honor. Kaya itong ginagawa natin sa laguna ay sigasig ng rekonsilyasyon ng Edsa Dos at Edsa Tres. Huwaran din ang Laguna sa rekonsilyasyon. At dahil yan ang nakikita natin dito mga simbolo ng Edsa Dos, ng Eedsa Tres, dito napakagandang panahon at pagkakataon na maipahayag ko ulit na gusto kong mahilom ang mga sugat ng ating pagkawatak-watak. Marami rito ay dulot ng malaking agwat sa pamumuhay ng ating mayayaman at mahihirap kaya nagkakaroon ng pagkawatak-watak. Naririnig ko nga nung araw yung mga diskurso sa Edsa Tres, sinasabi nila, iyan mga mayayaman, yan ang kumakampi kay Gloria. Mga mahihirap nandito. talagang ang agwat sa mahihirap at mayayaman ay pinanggagalingan ng maraming pagwawatak-watak. Yon din ang sinasabi ng mga komunista, yon din ang sinasabi ng mga MILF. Kaya gusto natin bahagi ng paghilom ay labanan natin ang ating kapwang kalaban at yon ay ang kahirapan at hindi ang isa't-isa. Kaya ito rin ang dahilan kung bakit patuloy tayong nagsisikap na magbigay ng pagkain sa bawa't mesa. At ako ay nagpapasalamat sa laguna dahil sa kabila ng marami na kayong industriya doon sa bandang 1st and 2nd district ay dito naman ay gumagawa pa rin kayo, nagtatanim pa rin kayo ng pagkain sa ganun ang buong kamaynilaan at luzon ay nagkakaroon ng pagkain sa bawat mesa. Salamat sa mga taga-Laguna. At yung ating ginagawa ngayon, halimbawa, kayo magsasaka, may-ari na ng inyong sariling lupa, ito ay dahil lubos na binibigyan nang halaga ng pamahalaan ang dignidad ng bawa't Pilipino, kaya ganun na lamang ang ating pagsisikap na maibigay sa inyo ang inyong mga pangangailangan, tulad ng maayos at disenteng pag-aari, sa ganun kayo na ang sariling may-ari ng inyong lupa, kayo na ang panginoon ng inyong lupa. Gaya nang sabi ni Obet, ako yung anak ng ama ng reporma sa lupa. kaya unang upo ko pa bilang pangulo gusto ko na talagang masugpo ang kahirapan at matapos na ang reporma sa lupa. Noong ako'y umupo ang unang nakita natin na statistics na hindi pa namamahaging lupa sa reporma sa lupa ay one million hectares. Kaya kung gusto nating masugpo ang kahirapan sa loob ng sampung taon, dapat at least 100,000 hectares ang napapamahagi natin. Ngunit ang masasabi natin, salamat kay Obet sa kumbinasyon ng land to the tiller at saka yung leasehold, lampas na lampas na tayo sa ating mga target para sa reporma sa lupa. Congratulations, Obet! Kaya kailangan natin reporma, reporma sa lupa, maging sa sakahan, maging sa maralitang taga-lungsod. Ngunit, kailangan din natin ang pagkakaisa. Kaya itong araw na ito, sa birthday ni Governor Lazaro, ito ang aking panawagan sa inyong lahat -- nagkakasama tayo sa kaunlaran ng Laguna na malaking pinanggagalingan ng kaunlaran ng buong Pilipinas. Sana tayo rin sa Laguna manguna sa rekonsilyasyon, sa pagkakaisa dahil doon makikita natin kung malalampasan natin ang mga target ng land reform na binibigyang katiyakan sa lupang sinasaka. Sana maabot din natin ang layunin ng rekonsilyasyon at pagkakaisa ng Laguna at ng buong Pilipinas. Kaya ating mga kababayan, magkaisa na tayo, magsama-sama tayo. Unity ang kailangan ng ating bansa. Yan ang aking birthday wish para kay ningning, sana yan din ang kanyang panalangin para sa ating bansa. Maraming salamat at happy birthday once again, Governor Lazaro. |