PGMA's Speech during the 53rd Founding Anniversary of the First Scout Ranger Regiment (FSRR) |
Camp Tecson, Brgy. Tartaro San Miguel, Bulacan (26 Nov. 2003) |
| Maraming salamat, General
Narciso Abaya. Troop Commander, give the troops "Tikas Pahinga." Una sa lahat, gusto kong batiin 'yung ating mga officers na nagtanggap sa atin itong araw na ito sa kanilang pagdiriwang. Nandito si bagong namumuno ng Philippine Army na siya ay nanggaling din sa Scout Ranger, Major General Efren Abu. Nandito ang ating Commander ng Northern Luzon command, General Romy Dominguez, at saka siyempre 'yung namumuno ng mga scout rangers, si Colonel Danny Lim. Batiin ko naman ngayon 'yung ating mga kasama na nagpunta rito. Una sa lahat batiin ko ang maybahay ng Speaker of the House of Representatives, si Mrs. Gina De Venecia. At sa kanyang pamamagitan magpasalamat tayo sa Kongreso dahil mabilis nilang pinasa 'yung batas na hiniling ko sa kanila na itaas ang suweldo ng ating mga sundalo kagaya ng mga teachers. Kasama rin natin dito ngayon, iba't-ibang mga officials ng pamahalaang nasyonal at pamahalaang lokal. Ang punong-bayan ng San Miguel, Bulacan, si Mayor Santi Sevilla; ang Congresswoman nitong distritong ito, si Congresswoman Lorna Silverio; ang bise-gobernador ng probinsiya ng Bulacan, si Vice Governor Rely Plamenco. Pinapaabot din ni Governor Rosie De La Cruz ang kanyang pagbati bagama't siya ay itong umagang ito umalis papuntang hapon. Nandito rin si board member Tony Ligon, salamat sa inyong pagpunta rito. At saka 'yung barangay captain ng barangay Tartaro, si Chairman Manuel Apoderado. Kasama ko ang ilang Cabinet members. Ilan dito nga ay may kinalaman sa Bulacan. Una sa lahat, alam natin dahil dating gobernador siya ng Bulacan, si Secretary Obet Pagdanganan. At salamat sa kalsadang itatayo niya mula sa housing project hanggang sa main highway. Nandito rin, apo ng Bulacan, apo nga ng San Miguel, Bulacan dahil ang kanyang lola ay walang iba kung hindi si Doņa Trinidad De Leon Roxas, si Mr. Palengke, Secretary Mar Roxas. Si Secretary Roxas ay narito hindi lamang upang makipagdalo sa kanyang mga kababayang taga-San Miguel kung hindi dahil dala ko dito ang national media at si Secretary Roxas ay may isang gustong ipabalita at handa siya magsagot sa mga tanong nila pagkatapos ng ating programa, ang ating huling mga statistics, huling record, update ng investments as of October 2003 for the last ten months, tumaas ang investments by 22 percent. Kaya sa kabilang batikos nang batikos at alitan nang alitan, nakikita natin na nandiyan pa rin ang tiwala ng mga investors. Pwede magsalita ang ilan pero in the end, they vote with their money, and there's a 22 percent increase of those who voted with their money for confidence in the Philippines. Marami dito nga foreign investment pa nga eh. Nakararami sa investment na ito ay foreign investment. Kaya hindi tayo nagugulat dahil sa kabila ng kon sinu-sino nagsasabi na wala nang tiwala raw, ang survey ng Japanese investments ay number three favorite pa rin ang Pilipinas, next to Thailand and Malaysia. Ano pa kaya kung tayo ay nagkakaisa. Gusto ko ring batiin, isa pang anak ng Bulacan, ang ating chairman ng National Food Authority na may Cabinet rank, si Secretary Lito Sarmiento. At kanina ay nagpirma ng memorandum of agreement dahil magtatayo ng housing project para sa ating mga kawal dito sa likod ng Camp Tecson, si Secretary of Housing, Mike Defensor. Gusto sabihin ni Mar Roxas na sa mga umangat na mga pagtaas ng ating production sa ating bansa, ang pinakamabilis na pag-angat ay ang housing sector. Kaya congratulations, Mike Defensor. Gusto ko ring batiin 'yung ating kinatawan ng National Defense nitong araw na ito -- ay, hindi pala. Nasa akin pa pala siya sa Malacaņang -- si Undersecretary Abby Puruganan dahil binabati ko siya dahil siya rin ay scout ranger dati. At binabati ko 'yung ating mga iba't-ibang may ginanap sa ating programa ngayon, si Presidential Assistant for North Luzon, si Secretary Renato Diaz. At salamat sa kanyang magandang pinahayag tungkol sa kalahi program natin dito sa Camp Tecson. Dahil ito ang unang-unang kampo na nagkakaroon ng KALAHI program o integrated community development programs. Kaya kayong lahat, gusto ko rin batiin hindi lamang 'yung mga officials kung hindi 'yung mga private sector na napakalaki ang igaganap sa mga darating na panahon. Gusto kong batiin 'yung chairman ng Manila Bank, Luis Puyat at kanilang presidente, Benjamin Yambao. 'Yung may-ari ng lupa na idinodonate, 50 hectares, Attorney Dave Puyat, Attorney Raymond Puyat. At babatiin ko 'yung nagsabi kay Dave Puyat na kailangan ng mga sundalo ang pabahay, 'yung anak ni Executive Secretary Bert Romulo, Mrs. Berna Romulo-Puyat. Berna, akyat ka nga dito sa entablado at makaupo ka dito, somewhere here. Dapat nandito ka rin. Si Berna parati in the background. Pero itong araw na ito, donor siya ng lupa eh dapat nandito rin siya sa entablado. Binabati ko lahat ng iba't-ibang mga officers ng Armed Forces of the Philippines na narito at siyempre sa inyong lahat mga scout rangers, maligayang bati sa isa sa mga grupong pinakamahusay na mandirigma sa sandatahang lakas sa inyong anibersaryo. Kasabay sa pagbati ko sa buong scout rangers, binabati ko rin 'yung mga scout rangers at 'yung mga civilian na nagkamit ng parangal bilang patunay ng inyong natatanging serbisyo sa ating bansa. Sa inyong patuloy na napakahusay na paglilingkod sa bansa, kung naaalala pa ng ilan sa inyo, pinili ko na kayo ang una kong dalawin sa lahat ng mga rehimento ng Armed Forces nung ako ay maging pangulo. Naalala ninyo, a long, long time ago, early 2001. Noong araw na 'yon, Pebrero a-siete 2001, nagdalaw ako sa inyo. At doon din, right after I became president, doon ko rin unang pinahayag ang aking plano upang mapahusay pa ang serbisyo ng buong militar. And we continue those reforms I talked about them up to today. Continuing reforms, better morale and discipline, and the even handed pursuit of justice and compassion have steadily immunized the Armed Forces from the coup fever. The intelligence community sees no reemergence of underground groups in the command. And I call upon the politicians who are inclined to inveigle or support these groups to train their sights on the forthcoming polls rather than futile destabilization. Let's resolve all political issues by the ballot rather than the gun and give our people the peace of mind they deserve. Noong una ako nagbisita rito, ano ang mga nabanggit ko, noong unang pagbisita ko dito sa inyo? Sabi ko, dadagdagan ko ang tulong para sa mga pamilya ng sundalong masusugatan o mamamatay sa digmaan. Sabi ko, tataasan ang pensiyon ng mga nagkamit ng Medal of Valor na ang karamihan naman ay galing din sa scout ranger regiment. Sabi ko, bibigyan ko nang mas maraming tax exemption ang mga kasapi ng AFP. Sabi ko, papalakasin natin ang mga programang pabahay at iba pang benepisyo para sa militar. Sabi ko, sisiguruhin ko ang mga promotion batay sa kahusayan at hindi sa kapit. Sabi ko, makikinig ako sa mga inyong hinaing. Kung titignan n'yo, isa't-isa doon sa mga aking sinabi noon - February 2001 -- today, November 2003, masasabi n'yo tinupad ko 'yung aking mga sinabi as early as two years ago. Halimbawa, sinabi ko 'yon Pebrero, sumunod na Abril, two months later, inanunsyo ko na ang pagtaas sa mga tulong pinansyal sa mga nasugatan at mga naiwan ng mga namatay. At ni hindi ko sinabi noon ngunit nakita ko pagkatapos dahil sa aking karanasan sa learning curve na kailangan pala ninyo na maging pantay ang suweldo ninyo sa titser at pulis. Mabilis na pinasa ng Kongreso -- salamat kay Speaker De Venecia, salamat kay Congresswoman Lorna Silverio - mabilis nilang pinasa ang batas upang maging 20,000 na ang pensiyon ng mga may Medal of Valor. Noong araw, ilang daan lamang, ngayon 20,000 na. Binigay rin nila 'yung mga exemption sa mga allowances, mga non-salary benefits, at higit na importante, tinaas din ang inyong suweldo. Una, sa savings lamang natin sana makukuha 'yung suweldo ninyo, dahil 2003 pumasa 'yung batas -- hindi, 2002 pala -- pero 'yung 2002 na budget na pinasa for 2003 hindi kasama ang pagtaas ng suweldo dahil nga wala pa 'yung batas. Ngayon, salamat pinasa ng House of Representatives 'yung inyong supplemental budget, kasama na doon 'yung 50 percent sa pay increase. Kaya salamat sa Kongreso. Ipinagpapatuloy natin ang iba pang programa upang mapabuti ang inyong mga buhay tulad nga nung pabahay, tulad nga nung KALAHI, 'yung ating comprehensive and integrated delivery of social services. Katunayan nga, ang ating patuloy 'yung proyektong pangkabuhayan at pabahay para sa limampung ektaryang ibubukod para sa inyong pabahay. Nalulungkot, nakakalungkot ang pangyayari sa Oakwood noong Hulyo. Kahit na nabuksan ito ang naiwan pang hinaing ng mga sundalo dahil patuloy naman ang mga gawain ng pamahalaan upang gumaan ang inyong buhay. Gayunpaman, patuloy kong pinapalakas ang Armed Forces sa pamamagitan ng mga batayang reporma. Ang pagpapalakas ng mga patakaran, ang mahusay na pangangasiwa ng mga gamit at tao, at ang matuling pagpasunod ng mga utos na walang sagabal o sa ingles ang tawag nito reinforced policy control, sound management of resources and untrammeled command efficiency. Eto ang mga estratehiyang ating sinusunod sa ating batayang pangreporma. At tinatanggal ko na ang kaugalian ng conversion na pinagmumulan ng maraming corruption. At ang AFP Chief of Staff ngayon siya na lamang ang tanging hahawak ng mga cash reserves. Nalulungkot ako na may iba pa sa rehimentong ito na nagkulang ng tiwala sa katapatan ng pamunuan ng ibinigay kong mga pahayag two years ago. Ngunit nakita naman n'yo sa aking accounting ngayon, hindi ko nakalilimutan 'yung sinabi ko noon. Hindi ko nalilimutan sa dalawang taon at kalahati ng aking pagkapangulo. At bagama't hindi ako araw-araw nagbibisita, nag-aanunsyo kasi kailangan ang pangulo ay nagtatrabaho sa kanyang desk para magawa lahat natin 'yung mga bagay na 'yon. Ginagawa naman natin even before oakwood. Walang maidudulot na kabutihan ang pagtanim ng sama ng loob. Ang lahat ng pumunta sa Oakwood na napatunayang iniligaw lamang ng kanilang mga officials ay pinawalang-sala, 133 na sila. Ang mga lider naman ng kaguluhan ay paparusahan ayon sa batas sapagkat hindi lamang sila nakipagsabwatan sa mga ambisyoso upang pabagsakin ang pamahalaan, nilito rin nila ang kanilang mga tauhan. Wala nang dahilan upang bigyan ninyo ng kahit konting panahon ang mga sulsol ng mga pulitikong nagnanais lang na gamitin ang lakas ng kasundaluhan upang makamkam nila ang kapangyarihan sa anumang paraan. Ang ating pagsisikap ay dapat batayang pagbabago sa sistema at saka rekonsilyasyon. Rekonsilyasyon din ang dahilan ng ating pagsisikap na makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa mindanao kung saan marami kayo ay naglilingkod kahit na ang headquarters n'yo ay narito sa Camp Tecson. Kapayapaan din naman ang hangad nating lahat pati mga sundalo. Batayang reporma at pagkakaisa, ito ang kailangan ng buong bansa. Kaya mga Scout Rangers, hinihiling ko ang inyong suporta tulad ng paghingi ko ng suporta sa buong sambayanan para sa ating pagbabago at pagkakaisa sa buong bansa. Muli, maraming salamat sa inyong serbisyo sa sambayanan. At mabuhay ang ating Elite Scout Rangers of the Philippines! Maraming salamat sa inyong lahat. |