PGMA's Speech during the Farmers' Forum on Agrarian Reform |
Central Luzon State University (CLSU) Multi-Purpose Gym Muņoz, Nueva Ecija (26 Nov. 2003) |
| Maraming salamat, Governor
Tommy Joson sa inyong pag-welcome sa aming lahat. At tungkol ho sa pagkain, huwag ho
kayong mag-alala, ang mga district engineers ay hindi lamang pinapakain ang ating mga
barangay captain kung hindi linilibot din, magto-tour dito sa CLSU at 'yung iba doon pa
nga sa Subic. Gusto ko rin pong magbigay ng galang sa ating congressman po dito sa distritong ito, si Congressman Violago. Meron tatlo tayong congressman din na kasama niya, hindi nga congressman kundi congresswomen. Nandito po si Congresswoman Josie Joson ng first district. Nandito rin ho si congresswoman ng ano... Dapat ang pangalan... Hindi pangalan niya ang maaalala natin kung hindi ang pangalan ng kanyang partido, Butil, Congresswoman Butil, si Nelly. Atsaka congresswoman ng Quezon, maybahay ng vice chairman ng Road Board, si Congresswoman Aleta Suarez. Ang nanay ng mga congressman ay narito rin, bagamat mas bata siya keysa doon sa ibang mga congressman, First Lady ng House of Representatives, si Gina De Venecia. Nabanggit ko na rin si Mrs. Suarez kaya batiin ko na rin 'yung mga DPWH officials, ang chairman ng Road Board ay si Dante Soriquez, ang vice chairman na nga ay si Danny Suarez. Mga Cabinet members na kasama ko na narito ay si Secretary Mar Roxas, "Mr. Palengke;" si Secretary Mike Defensor, maraming pabahay 'yan dito; at saka si Secretary of the Press, Milt Alingod; si Secretary of DAR, Obet Pagdanganan; 'yung aking Presidential Adviser for infrastructure, si Teddy Encarnacion; at saka anak ng Nueva Ecija, kilala ninyo, si Presidential Assistant Rene Diaz; nandito rin si General Boysie Braganza, ang Commanding General ng 7th Division. Batiin ko naman ang ating mga host dito. Nabati ko na nga si Governor Joson. Nabati ko na nga si Congressman Violago. Batiin ko rin si Mayor ng Muņoz, Mayor Alvarez. Ganun na rin, lahat ng mga Board members, mga mayors ng Nueva Ecija, si Vice Mayor Alvarez at members ng City Council ng Muņoz. Ngayon, binabati ko na 'yung nag-host sa atin, mga guests naman natin. Tinatanggap ko, welcome sa mga barangay captains ng Regions I to V, magandang tanghali sa inyong lahat. Una sa lahat, batiin ko ang mga taga-Nueva Ecija. Kasi sa dalas ng pagbisita ko rito, siguro wala nang nagdududa kung gaano ko kayo kamahal mga taga-Nueva Ecija. At itong araw na ito dito rin natin linulunsad ang mga pagbabagong ating kailangang gawin para maging mas maunlad ang ating bansa. Gaya nang sabi ni Vice Chairman ng Road Board Danny Suarez sa pagkakataong ito linulunsad natin ang pangatlong bahagi -- kaya tatlong ilaw, tatlong kulay ng ilaw -- tatlong bahagi ng "Kalsada Natin, Alagaan Natin" program. Itong programang ito ay gumagamit ng one billion pesos para alagaan ng mga barangay ang mga national road na dumadaan sa inyo. At ito ay sisikapin nating gawin sa buong bansa. Kasi kung hindi wasto ang pag-aalaga ng kalsada, ito ay nasisira. Ngayon, ang programang ito ay sasakop so far dito sa ating ginawa, pangatlong launching. Ito ay sakop so far sa lahat ng national arterial roads at lahat ng national secondary roads sa buong Luzon because every citizen, every barangay must contribute to the whole enterprise. At sa pagkaintindi ko, sa karanasan noong unang dalawang paglunsad, 'yung Unisan to Urdaneta at saka 'yung Southern Luzon, nalaman ko, nakita, napag-alaman ko na 'yung mga barangay captains ay grabe rin ang tulong sa mga manggagawa sa mga implementasyon nitong programang ito. Kaya ako ay inaatasan ko si Chairman Soriquez at si Vice Chairman Suarez na simula sa susunod na December 1, 2003, lahat ng tumutulong na barangay captain sa buong Luzon ay tatanggap ng 500 pesos a month supervision fee. Nauna kasi kayong tumulong eh, so bigyan na kayo nang supervision fee. Itong ating ginagawa, itong ating pag-aalaga ng kalsada, 'yung national road na dumadaan sa barangay, itong programang ito ay maaaring magsilbi batong panulak ng kaunlaran ng ating bansa. Ang importanteng pakinabang na agad mabibigay ng programang ito ay trabaho. Ito ay parang noong panahon ng tatay ko, noong itinatag ang emergency employment program ni Pangulong Macapagal noong 1962. Ako rin, kagaya ng tatay, para sa akin ang paglikha nang trabaho para sa ating mga kababayan ang pangunahing preyoridad simula nang ako ay maging pangulo. Salamat na lamang na anuman ang binabatikos sa akin ng mga kalaban, nandito si Mar Roxas, "Mr. Palengke," pero itong araw na ito tatawagin natin siyang "Mr. Investment" dahil batay sa pinakahuling ulat tungkol sa investments sa Pilipinas tumaas pa rin ng 22 percent ang mga investments sa Pilipinas. Ito ay ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Trade and Industry na siyang nag-aasikaso ng Board of Investments at 'yung Philippine Economic Zone Authority. At karamihan nitong salaping pumasok ay galing sa foreign investments. Ibig sabihin noon, anuman ang sinasabi ng ilan dito sa ating bansa nariyan pa rin ang tiwala ng foreign investors sa atin. May mga negosyanteng mga nagbabatikos, ang importante 'yung negosyanteng nagsasalita sa kanilang salapi hindi lang sa kanilang bibig. Kaya itong ating investors ay nagsalita, 22 percent increase in investment. At ayon pa sa mga Hapon, number 3 preferred investment ang Pilipinas next only to Thailand and Malaysia. Ano pa kaya kung tayo ay nagkakaisa keysa nag-aalitan. Matapat na hangarin ng pamahalaan ang bumuti ang kalagayan sa buhay ng mga mamamayan. Kapag dumami ang negosyo gaya nito, dadami rin ang trabaho para sa atingmga kababayan. Kaya kayo, mga barangay captain, kayo mga officials na narito, hinihiling ko sa inyo, sa ibabaw ng pagsupervise n'yong maganda, itong ating "Kalsada Natin, Alagaan Natin" hinihiling ko ang pagkakaisa nating lahat sa halip na tayo ay magwatak-watak at maglaban laban dahil sa hangad ng ilang grupo na pairalin ang kanilang maling paniniwala sa ating bansa. Ako ay nananawagan sa inyong lahat, mga barangay captain, kung nais nating wakasan ang kahirapan, kung nais nating wakasan ang kahirapan, magkaisa tayong lahat dahil ito ang kailangan natin kung nais nating iangat ang katayuan ng buhay ng ating mga kababayan. Kaya, magtulungan tayo para sa tagumpay ng "Kalsada Ko, Alagaan Ko," para sa tagumpay ng ating mga programang mag-alok ng investments, at para sa tagumpay ng iba pa nating mga pambansang adhikain. Sa ganun, sana sa ating pagkakaisa at batayang reporma kagaya ng ginagawa natin para dumating ang investments at dumami ang trabaho sa mga kalsada natin. At sa pagkakaisa, makakamit natin na umunlad ang ating bansa at umunlad ang inyong mga pamayanan. Maraming salamat at welcome sa lahat ng mga barangay captain. Thank you. |