PGMA's Speech during the Awarding of the Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) to beneficiaries of Parola, Tondo

Barangay 20, Zone 2, District 1 Parola, Tondo, Manila (05 Sept 2003)


Salamat. Salamat sa inyong pagbati.

At maraming salamat, Secretary Dinky Soliman sa iyong pagpakilala sa akin. Salamat rin Mayor Lito Atienza sa inyong pag fast-track nitong ating unang isang daang benepisyaryo ng ating papeles para sa katiyakan ng lupang tinitirikan sa Parola.

Congressman Bansai Nieva, salamat sa inyong panalangin. Kasama ko ang iba't-ibang mga opisyal ng gabinete na tumutulong sa akin sa pag-aalaga ng ating mga maralitang taga-lungsod, 'yung namumuno ng ating Komisyon Kontra sa Kahirapan, si Secretary Ging Dele;. 'Yung Kalihim ng mga Pahayagan, si Secretary Milton Alingod; si Secretary ng mga pangunahing programa ng pamahalaan at ang pag-aayos ng mga papeles ng tulong galing sa ibayong dagat, si Secretary Mai Jimenez; at 'yung inyong parating kabalikat sa pang araw-araw na mga pangangailangan ng mga maralitang taga-lungsod, si Percy Chavez; narito rin, anak ng Maynila, tumutulong sa akin, Presidential Assistant sa mga Pabahay, si P.A. Nestor Ponce, dating Congressman; at 'yung nagpaliwanag sa atin kanina nitong kasaysayan na hangarin ninyong mahigit isang dekada na magkaroon ng katiyakan sa lupang tinitirikan, ang director ng Natural Resources dito sa NCR, si Corazon Davis.

Salamat Barangay Captain Eli Salud sa maganda at mainit na pagtatanggap sa akin ng mga inyong kasamahan sa Barangay Parola. Ay, 'di pala Barangay Parola dahil de numero ang mga barangay ninyo, basta mga taga-Parola.

At ako naman, nagagalak akong muling makasama kayo mga taga-Parola sa araw na ito dahil itong araw na ito hatid na naman natin mga benepisyo at serbisyo tutugon sa inyong pangunahing pangangailangan. Kasi naalaala ko -- ewan ko kung ilan sa inyo naalala pa ninyo -- isang araw, bagong pangulo ako, biglang dumating ako, walang advanced notice, pumunta ako doon sa isang bahay doon, umupo -- oo, naalala n'yo? O yeah, ikaw! Birthday mo noon, 'di ba? Birthday mo noon. Tapos sabi ko, "ano ba ang pangunahing pangangailangan ninyo dito? Sabi n'yo, "katiyakan ng lupang tinitirikan." kaya 'yon ang ating hinahatid itong araw na ito. O Lucy, 'di ba? Ikaw, noon? Thank you, thank you. Birthday mo noon. Okey, o 'di meron nakang belated birthday present. Kasama ka pala sa isang daan. Very good.

Kaya naman sa tulong ninyo sana matigil na ang mga banta sa katiwasayan ng ating pamumuhay upang mabuhos natin ang ating oras sa atensiyon sa mga mabibigat na problemang apektado ang sambayanan, lalung-lalo na ang kahirapan, krimen, terorismo.

'Yung umanong kumplot ng destabilisasyon, o kung anong nalalabi d'yan, ay ampaw na kahon ng tsismis, malisyosong mensahe sa text, at maingay na propaganda.

Sa ingles, dahil meron tayong nasa audience nakikinig dito, the so-called destabilization plot, or what remains of it, is an empty shell of rumors, mischievous text messages and noisy propaganda. The conspiracy is still there. Nandoon pa rin 'yung conspirators, driven by raw ambitions of power of persons who want to evade justice. 'Yang mga nagkukumplot nandiyan pa rin. Dahil gusto nila na makaagaw ng kapangyarihan para makaiwas ng katarungan. But, lalo na sa inyong pakikiisa, the threat is being beaten and no amount of media play and intrigue can make it rise again.

Kahapon, nagkaroon ako ng aking unang command conference bilang Secretary ng National Defense. At 'yon ay isang makabuluhang pangyayari. 'Yung Chief of Staff nag ulat ng mga kasalukuyang pagtutupad sa lahat ng aking mga direktiba tungkol sa reporma at consolidation ng armed forces. Pitumpo at pitong officers ay nakalaya na mula sa kanilang preso. At 'yung mga sinampa sa kanilang kaso ay binawi na dahil napatunayan na sila ay inosente doon sa pangyayari sa Oakwood. Kaya tayo ay nagbibigay ng katarungan sa mga inosente. Ngunit pinakamatinding parusa ang naghihintay sa mga may sala. 'Yung pulis sa kanyang bahagi naman -- ito, nandito si Colonel Jamias, 'yung isang binisita ko noon na hindi retrato ko ang nasa kanyang desk, pero ngayon andoon na. Ah 'yung boss niya, si Pete Bulaong, sinasagot siya.

'Yung PNP, si Pete, si Colonel Jamias, kahapon doon sa aking command conference ay nag-ulat ng napakamatinding mga tagumpay sa kampanya kontra sa droga, sa kalahati -- no, sa ilan ba? -- sa nakaraang dalawang buwan at kalahati. Alam n'yo, sa Philippine National Police, sa aking one billion na tinabi ko mula sa PCSO Lotto para sa paglaban sa droga, 100 million ang binigay sa pnp para sa gagamitin sa tatlong buwan. Dalawang buwan at kalahati, ang nagastos pa lamang nila tatlumpong milyon, meron pa silang nalalabing 70 million. Ngunit resulta ng kanilang gawain, dumoble na ang presyo ng shabu dahil ang supply ay hirap na hirap na. Kaya congratulations sa PNP sa magandang trabaho. Magandang trabaho, nakakaimpok pa ng pondo. Hindi ba 'yon ang huwarang naglilingkod sa ating bayan?

We're moving forward in the security and law enforcement fronts. And this is clearing the ground for sustained reforms. Kasi pag mapayapa ay mas lalong nagagawa natin, naasikaso natin ang pangmatagalang reporma. Sa kasalukuyan, ako ay direktang nag-aasikaso na may segurado na ang inyong pasahe ay hindi tumataas. At inyong presyo ng pangunahing bilihin ninyo ay hindi tumataas kahit na tumataas ang presyo ng gasolina sa buong mundo. Kaya gusto ko lang ipahayag kay Secretary Lito Atienza na sa makalawa ako ay tatawag ng miting -- ano ang sinabi ko, Secretary? -- Mayor Lito Atienza, na sa makalawa ay tatawag ako ng miting ng Metro Manila Council kasama ng NEDA Executive Committee doon sa Metro Manila Development Authority para pag-usapan natin kung ano ang magagawa ng mga local government units para ma-isegurado na hindi tataas ang pasahe ng bus at jeepney na ginagamit ng ating mga mahihirap.

At dinadalas ko rin muli ang aking pagbibisita sa mga pamayanang maralitang taga-lungsod. Siyempre, babalik ako muli sa mga probinsiya to broaden our people's support for the big push forward. At hinihiling ko rin sa inyo na manatili sanang lubos ang inyong tiwala sa pamahalaan. Biro mo, sabi ni Corazon Davis, dekada mahigit ang inyong hangarin. Sabi ni Lito Atienza, ilang proklamasyon pero ngayon lang individual na papeles sa katiyakan ng lupang tinitirikan.

Ang patuloy na panggugulo ng mga grupong gustong siraan at ipabagsak ang pamahalaan ay malaking hadlang sa ating pagsisikap na matulungan ang mga kababayan nating mahihirap. Pero itong araw na ito, ganunpaman, dahil nasusugpo naman natin sa tulong ninyo 'yung mga gustong magdestabilize. Papano ninyo natutulungan na sugpuin 'yung gustong magdedestabilize, hindi ba kayo ang hinihingi nilang mag-people power kontra sa pamahalaan at hindi kayo pumapayag, maraming salamat. Dahil hindi kayo pumapayag na magamit ng mga ambisyoso sa kanilang hangaring umagaw ng kapangyarihan, naaasikaso tuloy natin ang inyong mga pangangailangan. Kaya itong araw na ito, ano ang ating okasyon?

Ito meron tayong 100 na may tatak, sila ang unang makikinabang sa pagkakaloob natin ng certificate of eligibility for lot allocation itong araw na ito. Simula pa lamang ito, kasi itong 100 na ito sila ang unang natapos sa proseso, na ang laki ng tulong ni mayor atienza. Dahil itong unang 100 ay natapos na ang papeles pwede nang ibigay ang certificate, pwede nang ipamahagi ngayon. 'Yung iba, meron pang dalawang libo, na palagay ko sa mga gagawin natin simula ngayon ay matutupad sa loob ng tatlong buwan.

Ito ay bahagi ng pagtupad sa hangarin ng aking administrasyong magbigay ng seguridad sa lupa at ating layunin ay 150,000 families per year. Kaya sa dalawang taon ngayon ay nakakaabot na tayo ng ating nasabing bilang at halos tatlong daang libong pamilyang maralitang taga lungsod ang nabigyan na nang katiyakan sa lupang tinitirikan.

Itong unang isang daan, 'yan ang huling hakbang para sa inyo ng prosesong nasimulaan noong gumawa ako ng proklamasyon sa Parola. At 'yung proklamasyon kong 'yon ay bahagi sa mahigit limampung mga proklamasyon na ang ilang lupaing pag-aari ng gobyerno na gamitin sa socialized housing ng mga pamilyang maralitang taga-lungsod.

Ngayon, bakit hindi lumalampas sa 300,000? O bakit 'yung dalawang libo na mga kasama ninyo ay hindi pa natatapos ang papeles? Kasi dahil sa mga iba't-ibang batas, 'yung papeles sa iba't-ibang ahensya ay kailangan kung tayo ay susulong mula sa proklamasyon hanggang sa titulo. Kaya mahirap, maraming papeles. Kaya gaya ng sabi ni Corazon Davis, ipinag-utos ko ang pagtatayo ng "One-Stop Shop Processing Center" sa higit dalawampung lugar ng maralitang taga-lungsod para mabilis ang asikaso ng papeles n'yo tungkol dito sa inyong pagpapatitulo.

Alam n'yo, 'yung mga investor noong ako'y nasa dti, naglagay ako ng one-stop shop center para sa mga investor, para hindi sila mainip pumunta sa napakaraming ahensya para sa papeles nila. 'Yung mga maraming mga local government units kagaya ng Maynila, sa mga negosyanteng maraming lisensyang kailangan, naglalagay din ng one-stop shop center para hindi din sila maiinip pumunta sa iba't-ibang ahensya. Eh kung ang serbisyo sa mayamang investor merong one-stop shop, dapat meron din para sa mga mahihirap. Kaya ngayon, meron na tayong one-stop shop center for the poor sa ganun sa inyong pagtititulo, sa inyong pagkuha ng sertipikado, sa inyong pagkuha ng papeles para tiyak kayo sa inyong lupang tinitirikan, hindi na kayo kailangan pumunta ahensya... Magpupunta sa ibat-ibang ahensya pa.


Nag-eksperimento tayo nitong one-stop shop for the poor sa Barangay Escopa sa Cubao, sa Barangay Pineda sa Pasig, sa Barangay Sto. Niño sa Parañaque, sa Grace Park sa Caloocan. Itong araw na ito, malugod kong ibalita sa inyo ngayon na itatayo natin ang inyong one-stop shop center sa mahihirap sa tabi ng Delpan sports complex dito sa Binondo.

Kaya pagkatapos magbigay ng mga certificate dito sa 100, iniimbita ko 'yung ibang 2,000 -- hindi naman masyadong malayo -- sumama kayo, punta kayo doon para makita n'yo kung papaano maayos 'yung mga papeles ninyo na isang gusali na lang ang inyong pinupuntahan. At sa ganun, magkakaroon kayo ng mas maraming pagkakataon na gawin 'yung inyong ibang trabaho at inyong hanapbuhay, kagaya ng emergency employment na pinahayag ni Mayor Lito Atienza.

Alam n'yo doon sa ibang lugar kung saan nakabigay na ako ng certificate of lot entitlement, nakakagulat. Sa sunod na pagbisita ko doon, gumaganda ang kanilang tahanan. Kasi kapag meron na kayong katiyakan at may papeles na kayo, mismong papeles ninyo ay nagagamit na ninyo, 'di ba? Para humiram para sa negosyo, humiram para gumanda... Pagandahin ang bahay ninyo. 'Yan ang tinatawag nating De Soto principle. Ako bilang ekonomista natuto ko ito sa mga karanasan sa ibang lugar lalo na sa South America kung saan marami ring mga squatter dati. Ngunit dahil doon sa Se Soto principle ay kumonti na, halos wala ng squatter doon sa sariling bayan at 'yan ang ating hangarin sa maralitang taga-lungsod.

Sana itong ating sinimula itong araw na ito sa Parola ay tuloy-tuloy at darating ang araw sana sa loob ng ating kabuhayan na masasabi n'yo na kayo ay hindi na squatter sa sariling bayan.

Maraming salamat sa inyong lahat.

[HOME]