PGMA's Remarks during the Media Briefing on Housing for Relocated Families in Smokey Mountain

Permanent Housing Unit, Smokey Mt. Development and Reclamation Area, Tondo, Manila (11 Sept 2003)


Habang hinahanda, sabi ko nga kay Mike Defensor, pupunta ako rito pag natapos na yung mga repair. Di ba Mike, pag na-repair? So, na-repair na yung mga temporary ninyo. Ha, na-repair na ba? Ongoing. yung mga temporary noon. Okay na.

Ngayon, yung susunod na sinasabi ni Ed Pamintuan na hinihingi n'yong ibaba yung amortization. So, aking inaatasan ko si Mike Defensor na hanapan niya ng paraan para mas kaya ninyo yung inyong amortization.

Pangatlo, hindi ba meron kayong garbage processing dito sana? Para magbibigay sana ng hanapbuhay at saka sana mabawasan ang mabaho sa kabila. Wala na kayong amoy dito eh. yung amoy nanggagaling doon across the street. Kaya sabi ko kay Mike na ayusin na, para itong garbage facility dito ay mabuksan para sa ganun ma-process yung garbage, pati kayo magkakaroon ng trabaho. Okay

Kaya salamat sa pagkakataon na tayo ay magkasama. Sabi, narinig ko nga rito eh. 350 pesos lang ang babayaran ninyo pero nahihirapan pa rin kayo. So, babawasan pa rin.

Maraming salamat sa inyo.

[HOME]