PGMA's Prayer during the Prayer Meeting/Rally for Peace, Unity and Democracy

Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila (12 Sept 2003)


Mahal naming Panginoon, kami ay nagtitipon-tipon ngayon bilang patunay ng matibay na pananalig ng Pilipino sa Poong Maykapal. At sa matinding hangarin ng sambayanan na maghari ang kapayapaan, pagkakaisa at demokrasya sa aming bansa.

Nakakabahala na Panginoon ang mga kaganapan nitong mga nakaraang buwan na nagbabanta ng kaguluhan sa aming pamumuhay, pagkawasak ng aming demokratikong lipunan at paghina ng aming pambansang ekonomiya.

Panginoon, alam ninyo, the roots of the crisis are ambition, hatred and greed. Panginoon, sa tulong ninyo, we shall overcome these by unity, peace and democracy.

Lord, I have submerged my leadership in the profound yearnings of your people, for food on the table, a roof over their heads, and peace in their homes. Panginoon, palinawan ninyo ang mga ambisyoso. The few that are impatient for power must wait for the constitutional opportunities to vie for it.

Panginoon, sa proteksyon ninyo, we shall not give them an inch of the people's sovereignty that they intend to usurp by force. Panginoon, sa utos ninyo, I shall continue to spend my day in the uplift of the poor and underprivileged, and in caring for the dispossessed. Panginoon, sa grasya ninyo, I have no time for pleasing despots.

Panginoon, naniniwala kami na ang panalangin ay mabisang hakbang tungo sa kapayapaan at pagkakaisa ng sambayanan. Sa pamamagitan ng aming taimtim na panalangin, sana ay palakasin mo ang aming loob upang maharap namin ang maraming hamon sa aming pambansang katatagan.

Hinihiling ng pansakalukuyang panahon na kaming mga Pilipino ay magpamalas ng pagka-makabayan at manindigan para sa kapayapaan, pagkakaisa at demokrasya. Tulungan ninyo kaming maipakita na kami ay may kakayahang lampasan ang mga pagsubok na aming kinahaharap at magtulong-tulong para sa pambansang kapakanan. Bigyan ninyo kami ng pagkakataong magkaisa para mapanatili ang demokrasya sa aming bansa at para sa kinabukasan ng aming mga anak at mga susunod pang henerasyon.

Ang aming panalangin ay patunay na nangingibabaw pa rin ang pambansang interes sa nakararami sa amin. Higit sa lahat, patnubayan ninyo ang hanay ng kabataan na kapiling namin ngayon. Mahalaga na namumulat sila sa ganitong uri ng pagkilos upang maging matatag sa kanilang pagkatao ang matuwid na paglilingkod sa Diyos at bayan.

Panginoon, bilang pangulo, handa akong gawin ang lahat upang isulong ang katatagan at kaunlaran ng aming republika. Paminsan-minsan ay nakadarama rin ako ng pagod at pag-aalinlangan, pero ang iyong pagpapala, Panginoon, ang gumagabay sa akin upang maging matibay sa gitna ng unos at manatiling nakatutok sa makabubuti para sa aming bayan. Sa lahat ng aking pagkilos at mahalagang desisyon, bagamaõt ginagawa ko lagi ang abot ng aking makakaya, sumasangguni ako sa inyo, panginoon, sa pamamagitan ng panalangin.

Mga kababayan, lahat ng ating gawin ay para sa kaluwalhatian sana ng ating panginoon. Basbasan tayo ng ating panginoon at tayo ay parating sumangga sa kanya.

Maraming salamat sa inyong lahat.

[HOME]