PGMA's Remarks during the Flag Raising Ceremony at the PNP National Headquarters |
PNP Headquarters, Camp Crame, Quezon City (15 Sept 2003) |
| Ladies and gentlemen: Una sa lahat, salamat sa suportang ipinahayag n'yo sa pamamagitan ng manifestong binasa ni General Ebdane. Ang masasabi ko, ang pulis ng Pilipinas hindi lamang sa manifesto pinapakita ang katapatan sa ating watawat, sa ating republika, at sa inyong Commander-in-Chief, napakita na ninyo ito sa inyong gawain, kaya maraming salamat sa inyong lahat. Secondly, I congratulate you on this Memorandum of Agreement on Anti-Highway Robbery on Commodities. This just goes to show that the PNP is sensitive and responsive to the feedback coming from its citizens. Marami tayong hamon sa kapayapaan. Sabi nga noong ating dasal, ang PNP ay dedikado sa labanan ang lahat ng klaseng kriminalidad. At talagang napakarami pa nating banta sa ating kapayapaan at katiwasayan na dapat ayusin. Sabi noong dasal, we must maintain our strong republic. Ang sabi ko naman, wala pa nga tayo sa maintenance stage. We still have to build a strong republic. And we can only say that we have achieved a strong republic that can be maintained if the people feel that they are safe in their homes and in the streets. Kaya sa kabila ng... Sa ibabaw ng highway robbery o hijacking, marami pa tayong ibang klaseng kailangan asikasuhin -- mga krimen sa ordinaryong lansangan, mga krimen sa highway, mga krimen na napaka-high profile sa ating mga pahayagan. Yung mga pag-hold up sa mga bangko. We must now train our sights on the linkages between the underworld and those holding political power. This is a bane to many nations, especially in the developing world, and a threat to democratic societies. The people must be aware of this threat and our people must not glorify rogue leaders masquerading as paragons of reform or good performance. Sa taong bayan, gusto kong sabihin sa inyo, the PNP is now doing its best to pin down the masterminds of recent crimes to see if there are any politico underworld linkages at work. Sabihin ko naman sa PNP, we have to gather the evidence for this and avoid witch hunting. Tungkol naman doon sa pagnanakaw doon sa Quezon City KTV. It's already bad for the police image that a high profile night spot is robbed. And it is worse that this place is being tagged as a hangout of police officials. The PNP must not only get to the bottom of this crime but discipline its ranks with regard to night life. Police officers frequenting night spots smack of protection and corruption. Police officers must serve as models not only for others in the organization but also the community they serve. Ang pulis din ay inaasahan sa ating laban kontra sa terorismo lalung-lalo na't yung lider ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo na lider din sa laban sa terorismo ay malapit nang magbisita sa ating bansa. Maximum security measures are set for President Bush's visit. Ito ay gusto kong ipahayag sa buong sambayanan. This is being handled jointly by Philippine and U.S. authorities. We're taking pro-active steps and beefing up intelligence gathering and surveillance. We will leave no stone unturned to ensure that his stay in our country will be safe, fruitful and rewarding. Sa ating mga pulis, importanteng-importante ang organisasyon ng pulis para sa isang malakas na republika. Marami tayong kailangang gawin pero marami ding dapat ibati tungkol sa inyo. Halimbawa nga gaya nang sabi ko, yung inyong buong katapatan sa mga banta sa ating republika at yung inyong tagumpay din sa ating laban kontra sa droga. Thirty million pesos pa lamang ang nagagastos ng PNP para sa laban kontra sa droga pero eight billion pesos na ang nahuli n'yong droga at ilang libo na ang nahuli nõyong mga pushers kasama yung mga malalaking isda ng Triad na noong araw ay hindi mahuli-huli kaya naman ngayon doble na ang presyo ng shabu sa palengke. Kaya congratulations sa ating mga pulis na naglalaban sa droga. Kung ano ang kagalingan ninyo sa laban kontra sa droga, iyon din ang inaasahan natin sa laban kontra sa hijacking, sa laban kontra sa bank robbery at iba pang robbery. At kung nahuhuli n'yo iyung big fish na international syndicates sa shabu ay inaasahan kong mahuhuli din ninyo iyung mga big fish dito sa mga pagnanakaw o pagho-hold up ng mga bangko kahit na sila ay mga makapangyarihang pulitiko. Congratulations PNP! Continue the good work and improve on it some more. Maraming salamat sa inyong lahat. |