PGMA's Speech During the Commemoration of the 105th Anniversary of the Malolos Congress

Barasoain Church Compound, Malolos, Bulacan (15 Sept 2003)


MARAMING SALAMAT,

Secretary Pagdanganan sa iyong pagpakilala sa akin. At batiin ko na muna iyung ating isa pang Cabinet member mula dito sa Bulacan, si Secretary Blas Ople; at 'yung aking bagong appointeeng tiga-Bulacan rin ang bagong pangulo ng PhilPost Bank, si Jun Aniag; ating kapwa kapit-probinsya naman mula sa Nueva Ecija, si P.A. Rene Diaz; siyempre po binabati ko ang ina ng Bulacan, si Governor de la Cruz. At salamat Josie sa pagpapahayag mo sa ngalan ng probinsya sa suporta ng aking pamamahala. Ating mga congressmen, hindi lamang 'yung mga taga-distrito, kundi na rin pati 'yung mga party list - nandito si Congressman Alvarado, si Congressman Villarama, si Congresswoman Silverio, si Congresswoman Nicolas, si Congressman Cruz, at saka si Congressman Villanueva. Siyempre po, ang mga napakaraming punong-bayan na itong malaking probinsya, at babanggitin ko na lamang dahil nabanggit na ni Josie 'yung iba, ang ating host na punong-lungsod, si Mayor Danny Domingo; ating mga kaanak na mga bayani lalung-lalo na 'yung mga kaanak ng mga nagsulat ng ating Malolos Constitution sa pamumuno ni General Aglipay ng PNP; at gusto ko ring batiin si Monsignor Filomeno at saka si Monsignor Ande; ang aking military host sa parangal na binigay sa akin at parangal na binigay natin sa mga ating mga bayani, si Northern Luzon Commander General Romy Dominguez; kayong lahat mga anak, mga kaanak ng mga bayani at mga anak ng dakilang probinsya ng Bulacan:

Isang taos-pusong pagbati ang ipinapaabot ko hindi lamang sa inyo kundi na rin sa sambayanang Pilipino pero lalo na siyempre 'yung mga taga-Bulacan sa pagdiriwang natin ngayon ng isangdaan at limang anibersaryo ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos. Nakikita natin tunay na mayaman ang kontribusyon ng Bulacan sa kasaysayan ng ating bansa. "Linggo ng Bulacan" is a glorious celebration of the glorious contribution of this province to our republic. And gaya ng sabi ng mga nagsalita na kanina, tuloy pa rin. It is a celebration of the continuing commitment of the province of Bulacan to the good of our nation. Bulacan is rich in history, in enterprise,

In patriotism. Mahalaga ang papel na ginampanan ng kongreso ng Malolos upang mabigyang katuparan ang ating kalayaan. Naalala ko tuloy 'yung aking ama. My father spoke during the unveiling of a commemorative marker at Barasoain Church way back in 1963. And he said that such a marker "will serve to inspire our people to dedicate themselves to the great task of nation-building. Likewise, it will constantly remind them of the courage, patriotism and other sterling qualities of the Filipinos who framed the Malolos Constitution." noong dineklara ni Heneral Aguinaldo sa Kawit, Cavite ang ating pagkabansa noong a-dose ng Hunyo 1898, nangailangan ito ng konstitusyon upang bigyang-diwa ang isang demokratikong pamahalaan. Sa Kongreso ng Malolos 'yon ang naganap. Sa Kongreso ng Malolos, na binuksan makalipas ang tatlong buwan noong a-kinse ng Setyembre 1898 at ginanap sa loob ng humigit-kumulang na tatlong buwan, pinagtibay ang nasabing pagpahayag ng kalayaan. Ang Konstitusyon ng Malolos, gaya nang sinabi ng ating mga nagsalita, ang kauna-unang Konstitusyon sa buong Asya. Ito ang lumikha sa unang demokrasya ng asya kung saan ang kapangyarihan ay ang kanyang tahanan ay nasa mamamayan. Huwag nating kalimutan, huwag kalimutan ng ating kabataan, huwag kalimutan ng buong mundo na ang demokrasya sa Asya ay napanganak dito sa Malolos.

At the inaugural session of the Malolos Congress, General Aguinaldo referred to the Constitution as "the supreme expression of the nation's will." the Malolos Constitution ordained a government steeped in the majesty of the democratic framework, where power is exercised and shared by three co-equal branches of government: the executive, the legislative, and the judiciary. Mahigit isangdaang taon na ang nakalipas simula nang itanim ng ating mga bayani, sa pamumuno ni Andres Bonifacio pa, ang binhi ng himagsikan na naging Pilipinas ngayon at simula namang itatag ang ating republika sa pamamagitan ng Malolos Constitution. Ang ating paglaban sa kahirapan at pagtanggol sa demokrasya ay nagpapatuloy pa hanggang ngayon. Mahigit isangdaang nakaraan pagkatapos ng himagsikan ni Bonifacio at ng Malolos Congress.

Sinisikap natin maging malakas ang ating republika bilang pagpapatuloy ng rebolusyon na sinimulan ni Bonifacio at binigyan ng demokrasya ng ating mga ninuno sa Malolos Convention. Upang maging malakas ang ating republika, kailangan nating labanan ang iba't-ibang hadlang sa ating pag-unlad kagaya ng kahirapan, terorismo at kriminalidad.

Kanina, kasama ko si General Aglipay at 'yung ilang mga opisyal ng pulis doon sa Camp Crame bago ako pumunta rito. At sinabi ko sa kanila na kailangan ngayon itukoy natin ang ating tanaw sa mga koneksiyon ng mga tulisan at yung mga humahawak ng kapangyarihang pulitikal. Ito ay isang sigalot sa maraming mga bansa lalo na sa mundong umuunlad pa lamang at isang banta sa mga lipunang demokratiko. Ang taongbayan ay dapat buong mulat sa bantang ito at ang ating sambayanan ay dapat hindi nagbibigay ng luwalhati sa mga berdugong lider na nagpapanggap bilang mga templo ng reporma o mabuting pamamahala. Ang pulis kung saan ang nangungunang kaanak, si General Aglipay ay isang mataas na opisyal, ang ngayong ginagawa sa abot ng kanyang kakayahan na talagang itukoy at ipitin ang mga utak ng mga krimeng kagaganap lamang para makita kung mayroon ngang mga koneksiyon ang mga pulitko at ang mga tulisan na umiiral ngayon. Kailangan magbuo tayo ng ebidensya para dito at kailangan iiwasan natin ang witch hunting. Nakakalungkot lamang isipin na sa halip na ibuhos natin ang ating oras at atensiyon sa mga mabibigat na problemang apektado ang sambayanan, lalung-lalo na ang kahirapan, krimen at terorismo, naaagaw ito ng mga kaguluhang dulot ng mga banta ng distabilisasyon na ginagamit bilang sandata ang sobrang pamumulitika. Ang mga banta ng distabilisasyon na gumagamit ng sobrang maagang pamumulitika bilang bahagi ng kanilang sandata ang nagpapahirap sa taong bayan. Ang pangunahing naaapekto nito ay ang mga karaniwang mamamayan, ang kanilang hanapbuhay at kapakanan. Kaya bilang pagpatuloy ng trabaho ng ating mga ninuno para sa constitutional democracy, magsama-sama nating pigilan ang mga banta sa ating demokratikong pamumuhay.

Ang hinihingi ng kasalukuyang panahon ay magpamalas tayo ng pagkamakabayan at manindigan para sa kapayapaan, pagkakaisa at demokrasya. Ito ang ginawa ng mga delegado sa kongreso ng malolos mula sa kanilang mga tahanan ngayon doon sa ating langit. Inaasahan nila na magkakaisa tayo para mapanatili ang demokrasya sa ating bansa at para sa kinabukasan ng ating mga anak at mga susunod pang henerasyon. Kaya sama-sama nating bigyang-buhay ang dakilang simulain ng mga talinong pinagbuklod sa Kongreso ng Malolos.

On this hallowed and historic ground, let us stand invigorated and inspired to build a strong republic that links our glorious struggle of the past with our hopes for the future. Congratulations, Bulakeno! Congratulations, kaanak!

Maraming salamat at mabuhay kayong lahat!

[HOME]