PGMA's Remarks during the Distribution of Checks for the Kalahi Program in Luuk, Sulu |
Camp Andres Central Elem. School, Luuk, Sulu (22 Sept. 2003) |
| Batang-bata ngunit respetadong
Congressman, si Congressman Arbison at ang kanyang tatay na matagal ko hinahangaan, si
Mayor Arbison. Kasama ko ngayon ang iba't-ibang mga Cabinet member -- nandito si Secretary
Dinky Soliman, kaya bahagi sa ating ipinabigay ngayon ay 'yung tulong para sa day care
center; kasama rin natin si Secretary Ging Deles, siya ang Secretary ng National
Anti-Poverty Commission at siya ang namamahala doon sa programang tinatawag nating KALAHI
(Kabalikat Laban sa Kahirapan). At alam n'yo, kung tayo ay nilalabanan natin ang kalaban
sa giyera kailangan nilalabanan din natin ang kahirapan at 'yan ang trabaho ni Ging Deles. Narito rin ang Chief-of-Staff ng Armed Forces, si General Narciso Abaya at ang iba't-ibang mga heneral na kasama natin na sinisigurado ang kapayapaan at kaunlaran sa probinsya ng Sulu maging dito sa bayan ng Luuk. Uy! Dumating na pala. Ayun! Itong aking... Kung mayron kayong batang-batang congressman, meron din akong batang-batang Cabinet member, si Secretary Mike Defensor. Alam ho n'yo, ako ay ini-schedule na bago ako pumunta sa United Nations dahil ang aking pakay doon ay makipag-usap kay Prime Minister Mahathir, makipag-usap sa mga Ambahador ng Islamic Conference ay talaga ho naka-schedule na pupunta ako dito sa sulu para sa ganun maka-report ako sakanila 'yung mga magandang nagagawa natin dito sa Sulu. Ngunit sinabi ko, pagpunta ko sa Sulu hindi pwedeng jolo lamang ang pupuntahan, kailangan pupuntahan ang Luuk. Matagal ko na kasing hinahangaan ang Luuk. Marami ang nagagawa ng Luuk sa kinabubuti hindi lamang ng bayan n'yo kung hindi ng probinsya at ng buong Pilipinas. Naalala ko na noong... Isang una sa tagumpay ng aking laban kontra sa terorismo ay 'yung pagsagip kay Jeffrey Schilling. At saan naganap 'yung pagsagip kay Jeffrey Schilling? Wala iba kung hindi sa mababait na taong bayan ng bayan ng Luuk. Siya ay nasagip dahil kayo mga taga-Luuk ay nagbibigay ng suporta at kooperasyon sa pamahalaan. At naalala ko rin noong nabigyan ng Gantimpala Award si Mayor Arbison sa Armed Forces, naalala n'yo mayor? Dahil nga sa kanyang malaking tulong at tulong ng taong bayan ng luuk sa ating mga sundalo sa paglaban sa mga terorista at pagsagip ng kanilang mga biktima. Pinaalala ni Mayor Arbison sa akin, hindi lamang tumutulong sa laban kontra sa terorista, tumutulong din sa ating pagpapamahala kasi binigyan n'yo ng 13-0 'yung aking mga kandidato noong 2001. Maraming salamat sa inyo. At hindi lamang 'yon, 'yung pamamahala dito mismo sa Luuk. Napag-alaman ko kay Secretary Dinky Soliman na noong pinairal natin na dapat magkaroon ng gun ban, isa sa mga unang nakatupad ng gun ban sa sariling sikap ng bayan ay ang bayan ng Luuk. Kaya congratulations sa inyo. Noong nagkaroon ng mga laban nga doon sa Abu Sayyaf at lahat. At sinabi natin na kung gusto natin masugpo ang kalaban, hindi lamang 'yung pwersa ng militar ang kailangan, kung hindi na rin 'yung pwersa ng laban sa kahirapan. Kaya doon sa mga lugar na 'yung mga 'yon kung saan dahil sa kahirapan nila ay sumasali sa Abu Sayyaf, sabi ang programa ng gobyerno ang magdadala ng kaunlaran para wala na silang dahilan na sumama sa mga Abu Sayyaf. Ngunit sabi ko, kung ano man ang programang ilalagay ninyo sa mga lugar na pinapaiwas natin sumali sila sa abu sayyaf, ilalagay dito sa Luuk dahil pinatunay na nila na nasusugpo nila 'yung mga Abu Sayyaf dito sa Luuk. Kaya itong ating pagpunta rito, mga bagong mga tulong lamang 'yan -- kuryente, tanim, day care at lahat... Mula pa noon, matagal na, dalawang taon na ang nakaraan, kung ano ang nilalagay sa ibang bayan, nilalagay sa bayan ng Luuk dahil sa pagmamahal ninyo sa ating pamahalaan at sa ating konstitusyon. Kaya 'yon ang aking gustong ipahayag sa inyo. Ang luuk hindi nakakataka na sa labas ng Jolo kayo na ang pinakamaunlad sa Sulu. Hindi nakakapagtaka dahil kayo ay tapat sa konstitusyon, tumutulong sa pamahalaang nasyonal. Punong lungsod ninyo at ang kanyang anak ngayon na congressman ay magagaling magpatakbo ng bayan kaya swerte si Governor Parouk Hussin ng ARMM na meron siyang mga bayan kagaya ng luuk sa kanyang autonomiya, sa kanyang jurisdiction. Kaya ako ay narito para personal na ipahayag sa inyo na ang dahilan kung bakit siguro nararamdaman n'yo ang ilang mga biyayang dumarating dito 'yon ay senyas ng pagpapasalamat at pagmamahal sa inyo ng inyong pambansang pamahalaan. Maraming salamat muli sa inyong lahat. |