PGMA's Speech during the 613th Foundation Anniversary of Sulu Governance and Public Administration |
Provincial Multi-purpose Center, Jolo, Sulu (22 Sept. 2003) |
| Maraming salamat, Governor
Parouk Hussin. Maraming salamat, Governor Yusop Jikiri; His Highness Sultan Ajimodin Abidin; Vice Governor Hadji Abdel Anni; Mayor Hadji Soud Tan at ibat-ibang mga mayor na panauhin ngayon. Kasama ko ngayon ang ibat-ibang mga Cabinet member na tumutulong sa aking mag-alaga ng probinsya ng Sulu. Narito si DSWD Secretary Dinky Soliman; narito si Chairman ng HUDCC Mike Defensor; narito si Secretary ng Anti-Poverty Commission, si Ging Deles; narito rin 'yung tumutulong sa atin mag-alaga ng ating kapayapaan sa ilalim ng pamumuno ng AFP Chief-of-Staff General Narciso Abaya. Gusto kong batiin ang ibat-iba rin na mga kasama ni Governor Hussin, opisyal ng autonomous region, lalo na ang speaker ng Autonomous Region Legislative Assembly, si Speaker Ishmael Abubakar. Sa inyong lahat mga kaibigan, assalaamu alaikum mangapagariya. Alam n'yo noong isang taon, nandoon ako sa Maynila sa Malakanyang, kasama ko 'yung mga heredero ng Sultan of Sulu. Nagla-luncheon kami roon. Tapos meron akong gustong tanungin kay Governor Jikiri, tinawagan ko siya ng long distance dito sa Sulu. At sabi ni Governor Jikiri, "oh, kumusta, Mrs. President? Alam n'yo narito kami ngayon at ipinagdidiriwang namin 'yung foundation ng sultanate of Sulu." ang gandang pagkakataon. Ngayon na naman muli, bago ako pumunta kung saan kasi sa miyerkules ng gabi pupunta ako sa United Nations. Kakausapin ko si Prime Minister Mahathir tungkol sa ating peace process. At kakausapin ko 'yung mga Ambassador ng OIC para pag-usapan 'yung application ng Plipinas sa observer status sa OIC. Kaya sabi ko bago ako pumunta doon, bago ako makipag usap kay Prime Minister Mahathir at sa mga Ambassador ng OIC sa United Nations dapat puntahan ko muna ang sulu para tingnan at maka-report ako sa ating mga programa sa kaunlaran ng Sulu. Eh ang ganda na nagkataon na naman na anibersaryo na naman ng sultanate of Sulu. Kahapon dapat pumunta dahil 'yon ang mas araw ng sultanate of Sulu. Pero kahapon sinikap ni regional Governor Hussin na pumunta rito mas maaga, hindi siya nakalipad dahil masama ang panahon. Pero ngayon sa aking pagdating maganda ang panahon, basbas ni Allah ang ating pagsama-sama ngayon. Kaya ako'y narito para nga tingnan ang mga proyekto. At nagpapasalamat ako allah na binabasbasan niya itong ating pagsama-sama rito. Nagkakataon na anibersaryo na naman ng Sultanate of Sulu at ako ay nagpapasalamat sa ating magandang pagkakataon. At palagay ko ang dahilan kung bakit tinayming ni Allah na anibersaryo ninyo ang aking pagbisita bago pumunta sa United Nations at kung bakit tinayming niya na maganda ang panahon bagamat umuulan ng malakas kahapon ay binabasbasan niya ang ating pagsisikap para sa kapayapaan at kaunlaran sa Sulu at sa Mindanao. We shall not take the bait of martial law just to look for peace and order because our democratic institutions are strong enough to withstand the onslaught of destabilization and we have adequate constitutional powers to pursue justice and reforms. Peace and order can be attained through the instruments of democratic vigilance, criminal justice and good governance. And not necessarily through military rule. Martial Law is an anachronism that goes against the worlwide trend of openness and liberalism. Martial Law is only a weapon of last resort that we don't need and we don't seek to wield. Sa paghanap natin ng kapayapaan hindi Martial Law ang kailangan. Ang kailangan ang ilang mga prinsipyo: una, kambal ang kapayapaan at kaunlaran; pangalawa, ang paghanap sa kapayapaan ay dapat sa loob ng konstitusyon, kasarinlan at integridad ng lupang Pilipinas; pangatlo, kilalanin natin na tayo ay isang lipunang maraming lahi -- a multi-ethnic society. Ako, noong ako ay bata, matagal ako ilang taon nakatira doon sa Iligan City sa Mindanao. At doon kung saan malaking bahagi ng aking pagkabata ang naganap noong 1950s, naramdaman ko ang ibig sabihin ng multi-ethnic society. Ang lola ko taga-Pangasinan, ang asawa niya, lolo kong hindi ko na naabot pero maraming pinsan sumama sa kanya sa Mindanao noong 1920s pa kaya marami akong pinsan sa Iligan, mga Ilocano naman. 'Yung mga kalaro ko naman sa labas ng bahay, mga bisayas. 'Yung mga suki namin sa palengke at 'yung pinuno ng Philippine Constabulary ay Muslim, at anak nila kalaro ko rin. 'Yung bumibili ng aming mga kopra Intsik. 'Yung nagbebenta ng aming kuryente mestiso. Kristiyano, Muslim, Bisaya, Ilocano, Pangasinan, Intsik, Kastilang mestiso, ibat-ibang kultura ngunit kami doon sa Iligan isang pamayanan lamang, nagkakaisa kami. 'Yan ang Mindanao ng aking kabataan. 'Yan ang Mindanao na gusto kong bumalik muli dito sa ating panahon. Ang tawag ng lupain ng aking lola sa Iligan ay Timoga. Baka may ilan sa inyo naka-swimming na doon. At ako bata doon, kagaya ng lahat ng bata sa buong mundo, mga bata may mga idolo. 'Yung mga young girls, naalala ko noong 1960s ang idol nung young girls si Jacquie Kennedy, kasi maganda, matalino, pusturyosa. Noong 1980s naman ang idol nung young girls si Princess Diana, kasi maganda, edukada, pusturyosa. Noong ako batang maliit sa Iligan, sa timoga ang idol ko maganda, edukada, pusturyosa ay si Prinsesa Tarhata Kiram ng Sulu. Ang tawag tuloy ng lola ko sa akin Prinsesa Tarhata ng Timoga. At naalala ko 'yon dahil nga si Prinsesa Tarhata ang kanyang ninuno si Saed Abubakar ang siya ang nagsimula ng Sultanate of Sulu, 613 years ago. At noong panahong 'yon naging sentro ang Sulu ng Islam sa buong Pilipinas at ito ay importante rin sa ating pagnenegosyo sa ibang bansa, Kilalang-kilala ang Sultan of Sulu sa ibang bansa. Doon sa China noong ako'y nagpunta, napag-alaman ko sa kasaysayan ng China noong panahon ng Ming dynasty many, many centuries ago, inimbita ng emperador ng Tsina ang Sultan ng Sulu para magbisita sa kanya sa guangdong bilang isang state visitor. Ganoon kaimportante ang Sultan of Sulu sa kasaysayan ng Asia. And so today, what we want to do, we would like to bring back the glory of Sulu. But we must begin by working together for peace and development in Sulu. Kaya ipaumanhin ho ninyong mag-aksaya ako ng konting panahon para maikwento sa inyo ang ibat-ibang mga bahagi o halimbawa ng mga ginagawa natin dito sa kaunlaran ng Sulu. 'Yung Sulu, noong araw nga gaya ang sabi ko, napaka edukado, pumupunta pa hanggang sa guangdong, kapantay ng emperor ng Tsina. Pero ngayon, sa haba ng panahon na may labanan sa Sulu at natakot 'yung mga teachers na pumunta sa mga liblib na lugar para magturo ng fulltime, ang literacy rate ng Sulu ay 82 percent na lamang. Napakababa kaya kailangan isa sa ating ginagawa ay ipag-ibayo ang edukasyon, sistema ng edukasyon dito sa Sulu. Kaya mamaya pag-aaralan ko ang student-classroom ratio ng sSulu at lahat ng bayan -- ah, hindi -- lahat ng eskwelahan kung saan mahigit isang daan ang estudyante sa bawat paaralan o bawat classroom mag dadagdag tayo ng classroom sa ibat-bang bayan ng Sulu. At sa mga liblib na lugar kung saan natatakot magturo fulltime ang mga teacher maglalagay tayo ng distance learning o education by television. 'Yan ang gagawin natin para tumaas ang literacy rate muli sa lalawigan ng Sulu. Marami ring lugar sa Sulu ay hindi maganda ang patubig, sa deep well lang kumukuha ng tubig, kung minsan marumi. Kaya isa sa mga proyekto ni ging deles ay patubig para sa mga 100 or more 200 waterless municipalities isasama ni Ging Deles 'yung mga bayan ng sulu kung saan walang maayos na patubig para dagdagan ng patubig. At kanina kinekwento ni Governor Parouk hussin na inaayos na ang Sulu hospital at pati ang pangutaran district hospital, ito ang mga kailangan ayusin. At ewan ko, pinatutupad na yata ng ARMM at saka ng local government ang pag-ayos nitong napakaimportanteng mga hospital na ito. At puspusan din ang kampanya ng ARMM-DOH para masugpo ang sakit ng tb at saka malaria. At saka diyaan sa Patikul, kung saan ang daming naging biktima ng giyera -- kaya nandito si Mike Defensor at saka si Dinky Soliman-- ay tuloy ang pag-papagawa ng core shelter project dahil lahat ng mga nawalaan ng bahay dahil sa giyera ay tungkulin ng gobyernong itayo muli ang kanilang tahanan. Livelihood assistance din ay binibigay natin sa ating mga kapatid. Ang talagang pinakakailangan ay livelihood. Kaya sabi ko kay Dinky Soliman, lahat ng mga social welfare offices ay magiging conduit ng ating microfinance para makaabot sa ating mahihirap dito sa Sulu. At importante rin 'yung inyong mga produksyon. Kanina -- ay, hindi mamaya -- pupunta kami ni Governor Hussin at ni Hovernor Jikiri para tingnan 'yung ilang mga proyekto ng USAID. At isa sa pinakamalaking mga proyekto ay 'yung proyekto ng Carrageenan o Agar Agar. 'Yan ang susi ng kinabukasan ng Sulu sa ating kaunlaran dahil ang Pilipinas ngayon ay favorite supplier ng Carrageenan sa buong mundo. Kaya lahat kayong mga nasa coastal areas magsimula tayo ng pagtatanim ng Carrageenan. Marami ring iba pang produkto ng dagat dito. Kanina nga nandoon kami sa Luuk dahil nagbigay ako ng mga proyekto doon bilang pagpasalamat sa Luuk dahil mula pa noong sagip si Jeffrey Schilling ang Luuk ay parating hinuhuli 'yung mga Abu Sayyaf na naliligaw doon. Kaya nagbigay tayo ng proyekto doon sa kanila. Pinakain nila kami, 'yung mga lobster, 'yung mga crabs kasinlaki ng plato. Kaya kailangan ang mangyari sa inyo ay meron kayong mga cold storage para maganda parati ang presyo ng inyong mga prutas or yaman ng dagat. Hayan ang ating sisikapin na ipagawa sa Department of Agriculture. Ang Department of Agriculture din ay meron na ring ibat-ibang mga nagawa dito hindi lamang 'yung pinapalawak 'yung carrageenan kundi na rin 'yung kape at saka 'yung cassava. 'Yung kape doon sa bandang parang, halimbawa, ay binibili ng nestle 'yung planta sa Cagayan de Oro dahil 'yung planta ng Nestle sa Pilipinas ang siya ang nagpapakain ng breakfast sa buong asia. Kaya 'yung kape na ginagawa ng Nestle ay pwedeng nanggagaling sa ibang bahagi ng Mindanao kagaya na nga ng Sulu. At saka 'yung cassava, ayon sa San Miguel, kahit na isang milyong hektaryang produkto ng cassava pwede nilang bilhin. Kaya mga kapatid, lahat ng naghahanap kung anong tatanimin ninyo, magtanim kayo ng cassava dahil merong bibili ng inyong produkto. Itong ibat-ibang masasabi natin na magandang mga susi sa kinabukasan ng Sulu. At hindi lamang 'yon. Hindi lamang USAID ang tumutulong para sa ating kaunlaran at kapayapaan maging ang Asian Development Bank din ay tumutulong rito sa mga agrarian reform community kagaya halimbawa doon sa patikul. At ang ADB ay tumutulong para maglagay ng Halal slaughter house at culture ng Abalone at mga sea horses na produktong pang-export. At naglalagay din nang mga -- 'yung USAID -- naglalagay din mga solar drier hindi lamang sa panglima, kung saan pupunta kami mamaya, kundi na rin sa indanan at ibat-iba pang mga bayan. Kaya ito ang ilan sa ating mga ginagawa. Ang adb rin ay tumutulong sa paggawa ng farm-to-market roads at pagsemento doon sa Ppatikul, sa Siasi at sa pagsemento ng Jolo at Jolo trunkline roads na malapit nang matapos, at mga access road. At malapit na ring isemento ang sampung kilometro ng Jolo circumferential road. Hindi ba 'yon ang huling-huli na? Bago matapos na ang national highway dito sa Jolo. Kaya ito mga kaibigan ang ating mga ginagawa. At sisimulan na rin ng pag-aaral ng feasibility study para lumaki 'yung maimbung seaport nang sa ganun ay pwedeng mangalakal hindi lamang sa Zamboanga kundi na rin sa ibang mga bansa ng BIMP-EAGA. Kaya mga kaibigan, 'yan ang ilan sa ating mga ginagawa para sa kaunlaran ng sulu ngunit magagawa natin lahat nito kung meron tayong kapayapaan. Gaya ng sabi ko kambal ang kaunlaran at kapayapaan. Kung walang kaunlaran, parating may giyera; kung parating may giyera, walang kaunlaran. Kaya narito tayo ngayon. Kailangan sabay-sabay nating labanan ang kalaban. Kailangan sabay-sabay nating labanan ang kahirapan. Kailangan buo ang ating approach -- may left hand, may right hand. 'Yung right hand 'yung matigas na kamay ng batas, 'yung left hand 'yung bukas na kamay ng ating kaunlaran. Sa right hand, gusto kong batiin 'yung ating mga sundalo dahil sa malaking nagawa nilang nabuwag nila muli ang isa pang kampo ng Abu Sayyaf kahapon. Congratulations sa inyo, ating mga kawal. At sa left hand naman, salamat dahil nagkakaisa tayo sa ibat-ibang mga proyekto mula sa malalaking mga kalsada hanggang sa maliliit na mga pautang sa mga Carrageenan at pabahay sa mga biktima ng giyera. Kailangan talaga huwag nating kalilimutan: isa lamang ang Pilipinas kahit na maraming kultura. Isa lamang ang hangarin natin -- sabay-sabay kaunlaran at kapayapaan. Isa lamang ang ating bansa. Isa ang ating watawat -- ang republika ng Pilipinas. Maraming salamat. Happy anniversary sa Sultanate of Sulu! |