PGMA's Speech During the Departure Ceremonies for a 5-day visit to the U.S.A. and Europe

Centennial Terminal II, NAIA, Pasay City  (24 Sept 2003)


General Abaya and the other major service commanders, fellow workers in government, minamahal kong kababayan:

Paalis ako ngayon patungong Estados Unidos, Italya at pransya kaugnay ng ating hangaring polisyang panlabas foreign policy nababatay sa kapayapaan, kaunlaran at paglaban sa terorismo.

Ang nangyari sa Oakwood ay bahagi na ng nakaraan. Ang pagkakaisa ng bansa ay nabuo na muli.

Ang proseso ng katarungan para sa militar at sibilyan ay patuloy ang pag-inog. Patuloy na umuusad ang ating laban kontra sa kahirapan, lalo na ngayong may inaasahang pang-matagalang kapayapaan sa Mindanao.

Ang mga nagkakalat na intriga at nanggugulo ay isasantabi na.

I have designated Vice President Guingona as caretaker while I'm away. This is an institutional act. Some people are sowing intrigues about our policy differences with the Vice President but these are not pertinent to his designation. I am confident in his full capacity and resolve to uphold and implement constitutional governance and he will have the full support of the executive branch. Ang mga pangamba na dulot ng giyera sa Iraq, banta ng SARS, El Niņo, destabilisasyon ay tuluyan nang napawi, at napalitan na nang bagong pag-asa sa mga lungsod at kanayunan.

Pinili ko bilang susunod na Secretary of National Defense si Presidential Adviser on the Peace Process Eduardo Ermita. Siya ay lilipat sa Defense kapag sa palagay niya ay maaari na niyang iwanan ang trabaho ng peace process sa kaniyang kapalit, na 'yan ay si National Anti-Poverty Commission Secretary Ging Deles.

I call on the Armed Forces, the Defense department and the public to lend their full support for Secretary Ermita when he assumes the position sometime in the near future. And also to support Secretary Ging Deles when she also is ready to assume after Secretary Ermita decides that he has reached a stage when he can leave it to her. Not that Ging is not capable but of course Secretary Ermita I'm sure would like to be there when some of the early fruits of his hard work are bearing.

Secretary Ermita comes with an impressive track record in peace, development and security management. I am giving him three priorities: one, sustain the momentum of reforms in the military organization; two, bring the peace process into the mainstream of defense doctrine; and three, push forward the AFP modernization. I'm confident his impressive government record and vast experience will lead him on.

Makikipag-pulong ako kay Prime Minister Mahathir sa New York -- nandoon nga si Ed Ermita, trabaho pa 'yan ng OPAP 'yon -- kakausapin ang foreign ministers rin ng Organization of the Islamic Conference o OIC at magtatalumpati sa United Nations. Ang mensaheng aking ipaparating sa kanila ay tungkol sa kapayapaan at seguridad.

Sa Vatican, ipaparating ko sa Santo Papa ang mainit na pagmamahal ng ating sambayanan, at hihilingin sa kaniya na basbasan ang bawa't mamamayan, pamilya at tahanang Pilipino saanman sila naroroon.

Sa Paris, pasasalamatan ko ang UNESCO dahil sa tulong nito sa Pilipinas para itaguyod ang kapayapaan, kaunlaran, kagalingan ng utak ng ating mga kabataan, palakasin ang ating kultura kasama na 'yung pagpapa-alaga ng ating rice terraces sa ating mga pinakaliblib na mga barangay.

Sa aking mga pakikipagpulong, bibigyang-diin ko ang kahalagahan ng kapayapaan sa mindanao at ang pagtulong sa ating laban kontra sa kahirapan at terorismo.

Pagkatapos ng Cancun, kailangang harapin natin ang mga pagbabago sa trade politics na makatuwiran para sa mga umuunlad na mga bansa o developing nations at nagpapahalaga sa ikagagaling ng sangkatauhan.

Sa Oktubre ay apat ang kaganapang may kaugnayan sa ating pambansang kapakanan: ang Asean Summit sa Bali, ang APEC Summit sa Bangkok, ang OIC Summit sa Kuala Lumpur at ang pagdalaw ni Pangulong Bush sa Pilipinas.

Ang mga lider ng mundo ay magiging mainit ang pagtanggap sa bagong ugnayan ng Pilipinas sa mundo, patunay na ang ating mga pagsisikap ay nagbubunga na. Kailangan natin ang pinakamagandang pakikipagloob ng mundo kung gusto nating umasenso.

Kaya samahan ninyo akong magdasal habang ipinapakilala natin ang Pilipinas sa mundo at itinatakda ang malaking pagbabago sa ating pambansang pamumuhay, pagkakaisa mula sa pagkakawatak-watak, kapayapaan mula sa kaguluhan, at katiyakan mula sa pag-aalinlangan.

Patuloy nating itataguyod at ipagmamalaki ang kagalingan at panindigan ng ating bansa.

Maraming salamat.

[HOME]