| PGMA's Speech during the Launching of the Coco-Diesel Program |
San Pablo City, Laguna (21 April 2004) |
| Maraming salamat, Kalihim Vince
Perez! Kumusta na kayo lahat? Sana po Patnubayan kayo ng Panginoon. Gusto kong batiin ang mga opisyal ng lalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Governador Nining Lazaro. Kasi mga buong Laguna ang narito ngayon. Batiin ko naman ang ating host Mayor si City Mayor Boy Aquino at ibat-ibang mga opisyal at mamamayan ng lungsod ng San Pablo. Gusto kong batiin and mga ibat-ibang mga opisyal ng aking pamahalaan na aking appointee, pati na rin ang ating mga lider ng business sector na kagabay natin sa pag-iral ng coco-diesel lalo na si Meneleo Carlos, ang pangulo ng RI Chemical. Si Mr. Vitaliano Mamawal, ang pangulo, vice president ng Toyota; si Claire dela Fuente, yung nagsalita kanina; na pangulo ng IMMBOA, 'yung Integrated Metro Manila Bus Operator Association; at si Miss Nanette Alcantara, ang pangulo ng maniniyog dito sa San Pablo. Nandito din di ba si Ginoong Hermilo Santos? Saan siya? Dito na kayo sa taas. Ito ang mga manufacturers ng coco diesel. At saka di ba nandito rin si Mr. Dean Lao? Wala? Halikayo, dito kayo! Dagdagan niyo ng silya. Okay. Sila ang manufacturers ng coco diesel. Kaya sila ang mga pioneers sa industriya at yang binibili nilang copra para sa kanilang pabrika at nakatulong sa ating administrasyon na tumaas ang presyo ng copra mula ng tatlong piso nong hindi pa ako pangulo, at ngayon 23 pesos na ang copra. Labis kong iginagalak ang mainit ninyong pagtanggap sa akin itong hapon na ito. Itong ginagawa natin ay tungkol sa enerhiya. Ang enerhiya as isang mahalagang bahagi ng economic at social reform agenda ng aking administrasyon. Ang aking pagdalo ditto, ang aking pagdalo dito ay para ipaliwanang sa inyo kung gaano kaimportante itong ginagawa nating coco diesel. Tatlo ho ang pagkaimportansya nitong coco diesel na inilulunsad natin itong araw na ito. Una nga yung binanggit ng ating mga nagsalita nagayon, ito ay tumutulong upang tumaas ang kita ng ating mga taga-copra. Kasi nga, nagkaroon tayo ng mga bagong gamit ng ating copra. Dati-dati nong ako ay batang maliit doon po sa Iligan, ang lola ko po, ang kanyang taniman ay copra rin. At nong panahong yun ang ginagamit na copra na binebenta sa buong mundo ay para sa make-up at mga ganong bagay pero ngayon, ginagamit na rin para sa enerhiya. At tayo, yung ibang bansa, nauna na sa atin. Ngayon, ginagawa natin sa ating bansa upang siguradong may bibili ng produkto ng ating mga magniniyog. Pangalawang dahilan kung bakit importante itong coco diesel, maliban sa ito ay nagpapataas ng kita ng ating magniniyog, ay ito ay nagpapalinis sa ating kalikasan. Ito ay pagpapatupad sa Clean Air Act dahil ang sabi ni Claire, mula nong ini-ekperimento ng mga bus operators itong paggamit ng coco diesel ay nabawasan na ang pollution sa Metro Manila. At pangatlo, dahil ginagamit na natin ang niyog para sa enerhiya, nababawasan tuloy ang ating dependence sa imported oil. At yun ay isang makakatulong sa atin para bumaba ang presyo ng kuryente. Kasi po, isang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng kuryente ay tuwing tumataas ang presyo ng langis na binibili natin sa ibang bansa, tumataas ang presyo ng kuryente. Ganunpaman, pinapangako ko bilang isa sa aking anim na pangako para sa ating mga mahihirap, sa susunod na anim na taon ay magdadala ng kuryente sa lahat ng barangay ng ating bansa at gagawin pinakamura ang ating kuryente sa buong rehiyon. Itong hapong ito, gagamitin ko ang pagkakataon para mapaliwanag sa inyo papano natin ibababa ang presyo ng kuryente sa mga darating na taon. Ito ay magiging bunga ng ating reporma ng kuryente na sinimulan natin noon pang 2001, pero syempre maikli ang aking panguluhan, ang mga batayang reporma ay di nagagawa sa isa o dalawa o tatlong taon. At ito nga gaya ng sabi ko, ang repormang batayan lalo na sa kuryente ng maraming konstruksiyon ang gagawin, maraming bagong rules ang gagawin, maraming bagong pabrika ang gagawin kagaya nitong ating ginawang coco diesel oil, ilang taon kailangan. Pero kung bibigyan niyo ng pagkakataon for me to build up on the strong start I have made, matutupad ang mga bunga ng sinimulaan nating electric power reform sa ating susunod na administrasyon. Bago ako nagging pangulo, ang Pilipinas ay pangalawa lamang sa Japan sa pinakamahal na presyo ng kuryente. Ngayon, number 7 na lang tayo sa ibang region. Bakit? Why is electric power more expensive, cheaper in the other countries than in the Philippines? Ang dahilan ay una, they have their own plenty indigenous energy resources or they resort to using Nuclear Energy but that is prohibited by the Philippine constitution. Ako, kailangan ko ng mandato ninyo sa Mayo to build on what we have started. I need a mandate from the people to undertake the more strategic measures para matugunan natin yung problema ng industriya ng kuryente. Kami ni Vince at mga kasamahan niya sa Department of Energy ay gumuhit ng isang pangmatagalang energy program na isisigurado ang rasonableng gastos at efficiente, mabisang serbisyo ng kuryente para sa lahat. Una, maghahanap pa tayo, naghahanap pa tayo ng dagdag na Malampaya. Ngayon, mayron tayong kasunduan sa China. Mayroon tayong joint exploration doon sa area ng spratly. Kaysa nag-aaway tayo kung sino may ari non, ginamit natin ang ating foreign policy para magkaroon ng joint exploration. At pag nakadiskubre na tayo ng langis o natural gas, sharing tayo sa bunga kaysa pag-aawayan ito. Also we are developing more geothermal resources. Tayo ay pangalawa sa buong mundo sa nasimulaan na ay magbunga at yung mga planta ay magbibigay na sa atin ng kuryente, we'll be number one geothermal power in the whole world. Ano ang kagandahan nitong geothermal energy? Ito ay likas na pilipino at mas malinis na panggagalingan ng enerhiya. Mapalad ang Laguna dahil dito sa Laguna, meron kayong geothermal power na nanggagaling sa Mt. Makiling. Yan ang dahilan kung bakit ginawa ko itong palatuntunan dito. At yung hydro power, mapalad din ang Laguna dahil ay may hydro power na nanggagaling sa Caliraya, Botocan at Kalayaan. Suyo ng isa, itong sinimulaan na natin na maghanap pa ng mga additional resources sa dagat kasama ng China, kasama ng Shell ng U.K. Pangalawa, yung ating sariling gamit, yung geothermal. Isa pa tutuparin nating ang privatization ng transmission at generation assets ng NAPOCOR para tumaas ang efficiency at permanenteng bumaba ang presyo ng kuryente. Isa pa, kumpetisyon, nagawa nating kumpetisyon sa eroplano at saka sa telecommunication. In fact, yan ang dahilan kung bakit nong hindi pa ako pangulo, limang milyon lamang ang cellphone. Ngayon, 25 million na ang cellphone sa ating bansa. At mas mura na ang gamit. Kaya ang daming can afford sa ating cellphone. Kung ano ang ginawa natin sa eroplano at saka sa telecommunications, gagawin natin sa wholesale power generation sa pamamagitan ng wholesale electricity spot market na magsisimula sa susunod na taon. Eh medyo mahirap pag-usapan itong mga ito, kasi mga ekonomista at maga enhiniyero ang may alam nito, pero siguro sisikapin kong paliwanagin although hindi accurate pero more or less maiintindihan ng layman. Hindi ba yung stock market, dahil nakasulat lahat ng presyo, alam mo kaagad ang presyo, alam mo kung bibili ka o hindi. At ngayon yung magsasaka, dahil sa cellphone, nakakatawag na sila ngayon, alam na nila yung presyo. Kung tumaas ang presyo ng produkto, nagtatakbo na sila sa palengke at ibebenta na yun. Kung babagsak ang presyo, ilalagay muna nila sa refrigerator. Ganon ang gagawin natin sa presyo ng kuryente, yan din. Ang tawag diyan as WESM, Wholesale Electricity Spot Market. At isa pa, magdala tayo ng investments para magtayo pa ng mas efficient na power plant na who will cater for the increasing demand for electricity. Isang dahilan kung bakit nagmura rin yung cellular, kasi ngayon, pilit na yung telephone companies na mag-interconnect sa isat-isa. Kaya kahit na Globe ang tawag mo, tatawag ka sa Smart, makakakonekta ka at hindi mahal. Pinilit natin ang interconnection. Gagawin din natin yan sa kuryente. We will implement the efficient and reliable interconnection of the transmission system. Ibig sabihin non, kahit na nandito manggagaling ang kuryente kung mas mura ang ibinebenta niya, yun ang bibilhin ng taga-Cebu, kung mas mura yung ditto kaysa yung nanggagaling sa Visayas dahil interconnected na lahat. Our electric distribution utilities also should perform efficiently as encourage the sector to have a "cost-plus: orientation towards a "cost-efficient regime". Ito ay gawain ng Energy Regulatory Commission. Again, magja-jargon muna ako. They are moving towards a performance-based rate making methodology for distribution utilities rather than the current "cost-plus" orientation that we inherited from the traditional system. Ano ang ibig sabihin nito? Ngayon, kapag ang isang utility gaya ng MERALCO o yung Laguna Electric Cooperative ay mag-a-apply ng pagtaas ng rate, ang isa-submit niya, sabihin ito ang gastos naming. Ito ang allowed kaming rate of investment kaya dapat ito ang icha-charge naming, cost-plus kaya mas malaki ang gastos, mas malaki icha-charge. So, walang incentive na maging efficient kasi total, tuwing tumataas ang gastos, kahit na galing sa inefficiency, tumataas ang kuryente. Ang gagawin nating performance-based, gumagawa ng benchmark yung Energy Regulatory Commission. Yung magagalin na company dito at sa ibang bansa. Magkano ang ginagastos nila para sa operation na ito? Magkano ang ginagastos sa overhead? Magkano ginagastos sa rent? Magkano ginagastos sa kanilang transmission losses? Dapat, yung ating mga kompanya ay ganon din ang ratio, para bang sa gobyerno or sa local government units, sabihin - itong IRA ninyo pero hindi kayo puwedeng lumampas ng 50% na suweldo. Ganon na lang ang gagawin sa kuryente. Hindi kayo puwedeng lumampas ng so much percent para sa inyong system loss. Kung hindi, hindi nyo puwedeng i-charge yun sa ating mga consumers. Yan ang tinatawag na performance-based. At yung Energy Regulatory Commission ay ginagawa o nagawa na? Ginagawa na nila yung rules ang regulations for performance-based rather than cost-plus. Isa pa, ditto naman sa probinsya, nabanggit ko ang mga probinsiya, nagtagumpay tayo sa pagbaba ng systems loss ng Electric Cooperatives sa pamamagitan ng aking Executive Order 119 na pinaayos ang pagpapatakbo ng operasyon ng mga electric cooperative. Halimbawa, yung Aklan Electric Cooperative, bumaba ang systems losses. Nong araw, 23 percent, ngayon 13 percent na lamang. Nabayaran pa nila ang kanilang utang sa NAPOCOR na P70 million. Yan ang ginagawa rin natin dito sa Laguna. Hindi ba Governor Lingling, tinutulungan natin ang Laguna? The DOE - energy and the NEA - National Electrification Administration are helping Laguna reduce its systems losses. Hindi ba kanina, Governor Lingling, nong nag-usap tayo don sa iyong headquarters, sinabi nong isang Mayor, pinaalala sa atin na patawaran ang Laguna Electric Cooperative ng utang na P200 million at ang kondisyon ay binaba and presyo ng kuryente na tsina-charge nitong kooperatibang ito. Kaya nagawa natin yan ditto, gagawin natin yan sa buong Pilipinas, sa lahat ng Electric Cooperative. In the reform of the electric power sector, there will be new players, such as supplier/aggregators to help promote competition. Halimbawa na naman, kasi jargon ito eh. Vince sorry kung hindi ako accurate technically. Pero hindi ba kapag maliit-liit yung mga nagbebenta ng halimbawa produkto - garments? Bawat isa, mahal ang pasahe sa barko. Pero kung mayrong company na ibubuhos nila lahat. Isang container lang, mas mura so ganon din sa kuryente, magkakaroon tayo ng mga supplier/aggregators, tama ba yung sinabi ko? So, ganon ang gagawin natin. So yan ang mga hakbang para maibaba natin ang presyo ng kuryente at gagawin nating pinakamababa sa buong rehiyon sa ating susunod na administrasyon. Mahirap bang maintindihan, syempre, inhenyero, ekonomista, abogado-kailangan sa lahat mga bagay na ito. Kailangan din ng karanasan. Eh, sana naman, itong repormang inumpisahan natin, huwag nating ipapaubaya sa walang karanasan at hindi maintindihan itong mga gagawin. Yun naman ating sinabi kong kuryente sa lahat ng barangay. Kasi yung pangako natin sa mga mahihirap, gagawing pinakamura, at dadalhin natin. Ang kuryente sa lahat ng barangay ng pilipinas. By the year 2006, lahat ng barangay ay meron ng kuryente. Bakit ko sinasabi ito? Kasi para makumpleto lahat ng barangay na may kuryente, kailangan na lamang ipailaw natin ang 1,000 barangay bawat taon mula ngayon. At dito rin, may karanasan na rin ako dahil nagawa ko na ito sa aking maikling panguluhan, nakadala ng ilaw sa 4,200 na barangay sa aking maikling panguluhan. Kaya kasama na rito yung 160 barangays sa Laguna at Quezon kung saan marami ang ating magsasaka ay nanggaling ngayon. In fact, itong mga lugar na ito Vince, hindi ba ay 100% electrified na. Laguna, 100 percent electrified na at ito Vince, hindi ba natupad sa ating maikling panguluhan. Kaya uulitin ko bilang pagtapos, ang aking anim na pangako sa mahihirap ng ating bansa para sa susunod na anim na tao: Una, magdadala ng kuryente sa 1,500 barangays bawat taon at ibababa ang kuryente sa pinakamababa sa rehiyon; Pangalawa, lilikha tayo ng isang milyong bagong trabaho bawat taon kasama yung iiral na coco diesel industry. Salamat nga pala sa mga tumupad sa ating hangaring ma-develop ang coco-diesel industry. Nabanggit ko na si Ginoong Carlos, si Ginoong Santos na taga Lucena, si Ginoong Lao, nabanggit na natin si Claire at yung IMMBOA. Gusto kong magpasalamat sa Toyota Motors Philippines dahil sila ay nangangako na meron silang convertible gasoline tank, puwedeng gamitin ng diesel at puwedeng gamitin ang coco diesel. Panagatlong pangako, titiyakin natin na may malinis na tubig ang lahat ng 4,000 45,000 barangays sa buong bansa. Itong araw na ito nga, ang PAGCOR ay nakikipag-usap kay Mayor Aquino para magdala ng malinis na tubig sa kanyang barangay na wala pang malinis na tubig. Pang-apat, ibababa natin sa kalahati ang presyo ng madalas gamiting gamut; Panglima, magpapatayo tayo ng tatlung libong bagong paaralan, magbibigay ng college o voc-tech scholarship sa bawat pamilyang mahirap at isang computer sa bawat eskwelahan. Yung scholarships, sinimulan natin dito sa Biņan para sa 100 pamilya ng Laguna. At pang-anim, tri-triplehin natin ang pautang sa mga self-employed at may maliliit na negosyo kagaya ng mga nagba-banana cue at kagaya ng ating mga magni-niyog na mayrong mga sariling mga negosyo. Mga kababayan, itong halalan ay tungkol sa inyo, hindi tungkol sa akin. Ang taumbayan ay may karapatang marining mula sa mga kandidato kung ano ang kanilang gagawin. Ang aking kampanya ay tungkol sa isyu, hindi sa personalidad. Itong halalan ay tungkol sa pagresolba ng iyong mga problema, hindi tungkol sa akin. Dapat sama-sama tayong sumulong, magkaisa sa solusyon ng ating kapwang problema. Kaya mga taga San Pablo, taga Laguna, taga Quezon, mga magni-niyog, mga transportasyon, mga gumagawa ng mga pabrika ng coco-diesel, sama-sama tayo sa solusyon ng problema ng kahirapan, magkaisa tayo. Mabuhay ang coco-diesel, mabuhay ang magniniyog, mabuhay ang transportasyon. Maraming salamat sa inyong lahat. |