PGMA's Speech during the Rice Industry Summit

Plenary Hall, PICC, Pasay City (06 Feb 2004)


Maraming salamat. Maraming salamat sa inyong lahat.

Maraming salamat, Secretary Cito Lorenzo.

Batiin ko na rin ang iba't-ibang kasama ko sa pamahalaan. At binabati ko siyempre kayo mga pribadong sektor. Salamat, Chairman Danilo garcia ng PGIC. Salamat sa inyong binigay sa aking manifesto ng suporta galing sa buong konseho at salamat sa grecon dahil magbibigay kayo ng 50 centavos discount sa mga mahihirap na bumibili ng bigas pag meron silang card na ito.

Nagpapasalamat din ako kay Raul Montemayor, ang pangulo ng Philippine Farmers Advisory Board. Naalala ko noong si Raul ay nag-graduate ng valedictorian sa Ateneo. Doon din ako nag-graduate ng masters ko, di ba Raul? At ako'y nasisiyahan na ginamit niya ang kaniyang kagalingan para sa ikinabubuti ng ating mga magsasaka.

Salamat, Mr. Joji Co, matagal ko nang kilala na lider ng Confederation of Grains Association. Salamat at narito ka muli. Salamat tayo'y nagkakaisa. Caring Cabalen cung Capampangan mayap a gatpanapun quecongan. Lalu na ing kekatamung ortelanu manibat bacolud itang tinggap outstanding hybrid rice farmer. Dagiti kakailyak ti bangir ti mamang ko nga Ilocano tan Pangasinan, naimbag nga malem yo amin apo, masantos. sidakayo amin nangruna ti mannalon tayo nga naggapo ti tagudin, ti nagabak ti premyo akas may isa nga five Outstanding Hybrid Rice Farmers.

Sa mga taga-Mindanao asa ko nidako, maayong pag-abot kaninyong tanan. Sa mga Ilonggo, kasimanwa sang akong bana, maayong hapon sa inyo nga tanan. yung mga taga-katagalugan, lalo na yung number one Outstanding Hybrid Rice Farmer, si Ginoong Pablo ng Mindoro Occidental, congratulations! Sa inyong lahat salamat dahil tayong lahat magkabalikat sa hangarin ng karaniwang Pilipino magkaroon nang pagkain sa bawat mesa. At alam ko na kayo ay hindi pa kumakain ng tanghalian, kaya hindi ako magtatagal ng aking diskurso kasi biro nyo kayo ang nagpapakain sa sambayanang Pilipino, kayo ay hindi pa kumakain ng tanghalian. Tutal napahayag na ni Cito Lorenzo ang ating mga programa, gusto ko lang bigyang diin na tayo ay sa Marso magsisimula pa ng isa pang bagong programa para sa ating magsasaka, at yan ay programang murang fertilizer at equipment mula sa China.

Bahagi ito... Kasunod ito ng hybrid rice, bahagi ito sa 60 billion pesos na ginastos ng aking administrasyon para sa modernisasyon ng agrikultura. Wala pang gumagastos ng ganun kalaki sa mga nakaraang panahon. At gusto ko rin ipaabot sa inyong lahat, dahil nga sa ating modernization, dahil sa unprecedented irrigation, dahil sa hybrid rice na napatunayan ng ating magsasakang outstanding kung papano nadodoble, natitriple ang ani. Huwag kayong mag-alala na baka walang bibili ng inyong palay. Dati-dati one billion pesos ang pondo ng NFA para bumuli ng palay, itong taon, itataas natin sa four billion pesos procurement program.

Kaya siguro yon na lang para makakain na rin kayo. Alam ko nagbreakfast kayo ng ten o'clock pero mag-aalauna y media na rin.

Kaya salamat, salamat sa retailers, salamat sa millers. At bahagi sa ating milling program yung binigay na tseke kanina ng DBP. Yon ang una sa mga pautang ng DBP para sa rehabilitation at modernization ng ating milling facilities.

Kaya mula sa magsasaka hanggang sa millers, hanggang sa retailers tayong lahat magkasama parati dapat tayo magkasama para magkaroon ng pagkain sa bawat mesa.

Maraming salamat at ngayon kumain na tayo ng ating tanghalian.

[HOME]