PGMA's Speech during the Victory Dinner Celebration of 'Team Philippines' as Overall Champion of the 23rd Southeast Asian Games |
Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Sports complex, Pasay City (07 December 2005) |
| Maraming salamat, Chairman
Butch. Sa inyong lahat, please sit down. Ating mga opisyal, ating mga atleta, ating mga host ngayong gabi, yung mga negosyante. Sa ngalan ng mga nagmamalaki at maligayang taumbayan, nagpapasalamat ako sa lahat sa matagumpay na 23rd Southeast Asian games. Siyempre una sa lahat binabati ko ang mga atleta, congratulations! Sa inyo muli. At nagpapasalamat ako sa POC, sa PHILSOC, sa mga sports associations, sa pribadong sector, sa sports commission, sa mga lokal na opisyal, at sa mga mapagbigay na mga volunteer, at sa lahat ng mga sa anumang paraan nag-contribute sa tagumpay ng mga palaro at tagumpay ng ating mga atleta. Dahil sa inyo, mga atleta natin, mga coach nila, mga trainer nila, mga handler nila tayo ay patungo sa maging sports power sa Asia. Sa likod ng fighting spirit at solidaridad ng pilipino kaya pwede nating masabi mabuhay Southeast Asian games! Beijing here we come. Masasabi nating ito dahil nadiskubre natin muli ang pinakamagaling sa Pilipino. Isinantabi natin ang mga diperensya at pinakita sa buong mundo na maaari tayong kumilos bilang isa kaya nanguna at tumungo sa ginto na walang kapantay na pagkakaisa at teamwork -- Team Philippines. Ang Pilipinas ay humahangad sa numero uno hindi lamang sa sports, kundi sa kalakasan ng ekonomiya, sa pagtatag sa pulitika kasama-samang dinadama ang mga sakripisyo at mahihirap na desisyon. Napatunayan ninyo mga atleta walang panaginip na masyadong malayong matamo kung maghanda tayo ng mabuti, magtrabaho ng lubos at magkabalikat. Ipagpala ng Panginoon ang Pilipinas! Mabuhay! Maraming salamat sa inyong lahat. |