PGMA's Speech during the Meeting with the Filipino Community

Ballroom, Saloma Theatre and Restaurant Jalan Ampang, Kuala Lumpur, Malaysia (December 11, 2005)


Maraming salamat.

Maraming salamat, Secretary Romulo sa iyong pagpakilala sa akin.

Mga kaibigan, magandang hapon. Pwede na kayong umupo. at gusto kong ipakilala ang iba't-ibang mga panauhin na kasama ko itong araw na ito dito sa entablado.

Daghan kaayo ang aton mga taga-Cebu diri karon gabiuna, tungod kay ang umaabot nga tuig kita ang host sa ASEAN Summit didto sa Cebu. Busa kauban nato ang mga opisyales sa Cebu aron makita kon paunsa ang pag-host nining importante nga summit.

So, to the right of Secretary Romulo, our congresswoman from the Mandaue area, Lapu-Lapu area where the summit, many of the hotel rooms are located, Congresswoman Nerisse Soon-Ruiz. to the right of Congresswoman Ruiz, Cebuano gihapon, siya ang chairman sa atong house committee on foreign relations, Congressman Tony Cuenco. to his side, Cebuano sab 'no? Gusto ko ipakilala sa inyo ang magiging ambassador natin dito, si Ambassador Vic Lecaros. alam niyo naman na dito sa Malaysia yung mga pinaka-senior ang kinukuha nating ambassador dahil sa importansya ng malaysia sa ating bansa. Kaya nga tuloy si Ambassador Ong noon ang pinaka-senior sa lahat ng lahat ng ambassadors natin kaya nagretire na nga ng tuluyan dahil very, very senior. So, si Ambassador Lecaros ay pinili rin bilang embahador sa Malaysia dahil siya ang isa sa mga senior ambassador, career ambassadors natin. Hindi ibig sabihin ay hindi magaling yung papalitan niya.

At gusto kong batiin ang charge d' affaires, si Louie Cruz sa kanyang magandang pagpaalaga noong nagretire nga yung dating ambassador dahil he was the most senior, so he retired. Isang taon naglingkod si Louie Cruz sa inyo bilang charge d' affaires. Ngayon, panahon na para siya ay bumalik sandali sa Pilipinas. Siya ang mamamahala sa ASEAN desk, at napaka-importanteng mamahala sa ASEAN desk dahil tayo ang magiging host ng ASEAN Summit. at pagkatapos noon ay handa na siyang magkakaroon ng sarili niyang embassy as full-pledged chief of mission.

Anyway, to go back to Vic Lecaros, whom now you have met, to his right, ang gobernador sa probinsya sa Cebu, Governor Gwen Garcia. and to her right, the mayor of Cebu City, Mayor Tommy Osmena. to Tommy's right is the outgoing ambassador from Korea, and he will be undersecretary of foreign affairs during the period of the ASEAN Summit so that he can -- because he is from Cebu -- so that he can also help in the preparations for the summit, Ambassador Frank Bbenedicto.

Sa pikas, dili na taga-sugbo apan cebuano gihapon, binisaya gihapon ang iyang pagsulti, next to Charge d' Affaires Louie Cruz is Congresswoman Cora Malanyaon. she is with us because she is the chairman of the house committee on BIMP-EAGA affairs. Kaganina gyud nanggaling kami sa BIMP-EAGA Summit. Pagkatapos ng BIMP-EAGA Summit ay dumalo kami sandali rito pagkatapos mamamayang gabi magsisimula na yung working dinner kung saan malamang pag-uusapan ang ilang mga off the record, candid issues ng BIMP-EAGA.

To the left of Cora is the Governor of Sulu, Governor Ben Loong. and to the left of Governor Ben Loong is the Governor of Agusan del Sur, Governor Eddie "Bong" Plaza. to the left of Governor Eddie "Bong" Plaza is our secretary of trade and industry, Secretary Peter Favila. at sa kaliwa naman niya ang press secretary natin, si Secretary Toting Bunye. at sa kaliwa ni Secretary Toting Bunye, i-congratulate natin siya dahil sa ating pagwagi sa Southeast Asian Games, ang chairman ng Philippine Sports Commission, si Butch Ramirez. and of course, I need not introduce to you, our master of ceremonies whom I can see you love so much, our labor attache in Malaysia.

So, kaninyong tanan mga Cebuano, maayong gabii. Nung ating capampangan queti, mayap a bengi quecongan. Nu adda ilocano idtoy, naimbag nga rabii yo amin. Kag kon may ara Ilonggo, maayong gab-i sa inyo nga tanan. Meron ba tayong bicolano dito? Marhay nga bangi sa indong gabos. salamat sa inyong lahat sa mainit na pagtanggap sa ating mga kasamahan hindi lamang ang officials na narito sa entablado kungdi ang ating business community din na nasa ating front row ngayon.

Pag napag-usapan natin ang ating business community, pag-usapan natin ang hanapbuhay. At salamat sa inyong pagsisikap na maghanapbuhay sa ibang bansa upang makatulong sa inyong mga pamilya. at ang pagtulong ninyo sa inyong pamilya ay malaking tulong rin sa ating bansa lalo na itong taon ang ating overseas Filipino remittance ay tumaas ng 40 percent. sabi nga nila, baka umabot ng 12 billion dollars itong taon. Dati-dati 8 billion, 7 billion. Kaya naman ang piso ang tinatawag nila ngayong pinakamalakas na currency sa buong Asia at baka pa nga sa buong mundo. maraming salamat sa inyong lahat.

Salamat sa inyong lahat. Ngunit gaya ng ginawa natin kanina espesyal na pagpapasalamat muli kay Dr. Becky leogardo sa kanyang mga donasyon, so generous. Kay Cherina Chacko, na isang libong musikero ay nakakuha ng trabaho dahil sa kanya. Kayo ba? Oh, very good, mga alaga. Special congratulations kay Marilyn dela Rama, pangulo at valedictorian ng skills training center.

Espesyal na pagpasalamat kila Aileen Carumba -- Justin Bernales, salamat -- datin Grace Liao, Marilou Chin, Juvy Ranjit, Vic Moran, Imelda Doliente, bakit ko pinagsama? Ang kanilang ginagawa -- siguro isama na rin natin ang representante ng PAL, si Sol Solleza -- ay parating tumutulong sa ating mga OFW na nangangailangan ng tulong at saklolo.

Special greetings also to Juliet Chin, Katrina Karim and Maria Allgeier -- akala ko al din ang family name mo -- because of their leadership in civic and social activities.

And special congratulations to Luis Encarnacion. Biro mo nakalista sa ating stock exchange dito sa Malaysia, and Cora cross for their successful businesses.

Special acknowledgment to the volunteers in the Filipino Workers Resource Center, to the volunteers of St. John Tahanang Filipino Ministry, to the Penang support group, to the Filipino Bowlers Association for being such outstanding organizations.

And our special gratitude to the Malaysians who touched the hearts of Filipinos in a special way because of your compassion and generosity: Archbishop Murphy Pakiam, thank you for your love for the Filipinos; Brother Anthony Rogers and Datuk Lim Sum Hoe, thank you so much for your generosity.

Itong mga indibidwal, organisasyon, Pilipino, Malaysian or married to Malaysian, nakakaligaya na makita kayong muli. Naalala ko, unang pagkakilala natin ay noong 2001. Unang state visit ko sa buong pagkapangulo ko ay ginawa ko dito sa Malaysia dahil napakalaki ang tulong ng Malaysia sa ating peace process. doon nakilala ko kayo. Tapos ilang beses akong bumalik dito sa mga iba't-ibang mga summit. Kung minsan nakikita ko kayo, kung minsan hindi. Yung huling napuntahan ko rito hindi ko kayo nakita dahil malungkot na okasyon yun, yung libing ng maybahay ni Prime Minister Abdullah.

Pero ngayong gabi, masaya ang ating pagsasama sa isa't-isa. Unang-una, ipinagdidiriwang natin ang paggalang sa mga outstanding Filipinos who serve fellow Filipinos and outstanding Malaysians who serve the Filipinos. At pangalawa, dahil malapit na ang pasko, kaya maganda rin na nagsasama ang mga Pilipino bagamat alam ko na ang narito ay maliit na bahagi lamang ng buong Filipino community.

Kinikuwento ko nga doon sa mga Malaysians na sa Ooverseas Filipino communities natin, pangatlo kayo sa pinaka-marami. Number one, America, three and a half million; number two, saudi, one million; number three, Malaysia na half a million pero 15 thousand lamang ang narito sa peninsulang Malaysia. Kaya lalong mahalaga yung tulong nitong ating mga binigyan ng trophy ngayong gabi dahil ang layo-layo ng mga pulo kung saan nandoon yung karamihan ng Filipino na manggagawa. At kung wala sila, talagang hirap na hirap ang embahada na maglingkod doon sa mga Pilipinong naroon. Kasi yung mga Pilipinong naroon, sila ang mga madalas nagigipit sa pera o sa batas. Kayong mga narito sa Kuala Lumpur and surrounding areas, gaya nang sabi ni Secretary Romulo, magaganda ang trabaho, more or less sitting pretty, kayong karamihan ng Pilipinong nasa labas ng peninsula ang talagang nangangailangan ng tulong. At ang galing naman ng mga Pilipinong sibilyan, nagtatrabaho rin o nagnenegosyo o nakapag-asawa na sa mga Malaysians ang sila mismong malaking tulong sa ating embahada na maglingkod sa kapwa pPilipino. maraming salamat muli sa inyong lahat.

Gaya ng... Well, binanggit ko nga na next year tayo ang host ng ASEAN Summit kaya alam naman din ninyo na narito kami ngayon sa Malaysia para palakasin ang ating ugnayang pambansa sa Asya. And I'm glad to be here also at this season, not only because it's the Christmas season but because the season has been good for our economy. Halimbawa, yung dinala niyong mga dollars at ringgit lumalakas ang ating piso. At sa mga nagawa nating mga mahihirap na reporma ay nagkakaroon ng kumpiyansa ang world community sa ating bansa kaya isang dahilan din na lumalakas ang ating piso. At dahil dito, this strengthens our voice in the region to call for decision and action on key issues like trade, investment, security and human development.

Kanina na nga, pinag-usapan namin doon sa BIMP-EAGA ang investment. At ang Pilipinas ay binigyan ng responsibilidad na ipairal ang small and medium enterprise development sa BIMP-EAGA regions, yung mga mas mahihirap na rehiyon sa apat na bansa ng Malaysia, Indonesia, Pilipinas, although Brunei ay walang mahirap na rehiyon -- itong apat na ito.

And indeed, there are four reasons why the Philippines has such a huge stake in ASEAN: energy, counter-terrorism, maritime security, and the Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN growth area or BIMP-EAGA. Eto mga mabibigat na pag-uusapan. Malaki ang terorismo na nagaganap sa mga rehiyong ito kaya kailangan ang pagkakaisa ng mga bansa sa ASEAN. At may bird flu yung iba't-ibang mga bansa ng ASEAN. Salamat na lamang ang Pilipinas, mula ng dumating ang bird flu sa rehiyong ito, hindi pa tayo nagkakaroon ng bird flu. kaya salamat sa panginoon. Pero dahil doon naman, obligasyon din ng Pilipinas na tulungan yung ibang mga bansa kagaya ng Indonesia na nagkakaroon ng bird flu. Kasi, siyempre eh kung mawawala ang bird flu sa kanila mabuti yon sa atin dahil yung mga ibon ay lumilipad sa iba't-ibang mga bansa dito sa rehiyon na ito.

Kaya napaka-importante ang pagkakaisa ng mga bansa sa ASEAN. Napaka-importanteng pagkakaisa sa Pilipinas. Napaka-importante ang pagkakaisa ng mga Pilipino dito sa Malaysia. Yang binibigyan natin ng parangal ngayong gabi eh yung mga tumutulong sa kapwa Pilipino sa malalayong lugar ng Malaysia, talagang magandang halimbawa ng pagkakaisa. At gusto ko sanang malaman ng taumbayan sa Pilipinas kung gaano kayo nagkakaisa at may solidaridad.

The unity of the Filipinos in Malaysia. Yung ating malaking pagpanalo sa Southeast Asian Games at yung mga medalyang nakukuha natin ngayon bilang pagtatag ng ating ekonomiya. All of these make me proud to represent the Filipino in ASEAN and East Asia.

And seeing all of you here tonight and knowing about the good work that you are doing for one another and the less privileged among the Filipinos here in Malaysia, I am even prouder to be a Filipino in visiting this beautiful country.

Maraming salamat sa inyong lahat and Merry Christmas!

[HOME]