President Gloria Macapagal-Arroyo's message for the New Year   

(December 29, 2005)


Ang paglakas ng ating piso ay senyas na sa Bagong Taon, isang magandang bukas ang naghihintay sa atin.

Napatunayan na natin na kaya nating tukuyin ang ating pagsisikap sa mga solusyon sa mga problema at manatili ang atensyon sa pinakamabuting interes ng taumbayan.

Ang mga tagumpay na ating natamo sa ekonomiya ay nagbibigay-kapangyarihan sa atin upang tumawag ng pansin at makilahok sa mundo—upang protektahan ang ating mga manggagawa sa ibayong dagat, palawakin ang pag-unlad, labanan ang terorismo at pairalin ang kapayapaan sa bansa, lalo na sa Mindanao.

Ang mga karangalang natamo ng ating mga kababayan sa iba’t-ibang larangan ang patunay na kapag desidido ang Pinoy, kayang-kaya ang dapat gawin.

Gayunpaman, kinikilala natin na ang Pilipinas ngayon ay nahahati sa isang bansang handang umangat ang ekonomiya, at isa namang may sirang sistemang pulitikal na nagiging hadlang sa pag-unlad.

Let us break from the past and face a brave new future.

Political change is the handmaiden of permanent economic prosperity.

Harapin natin ang Bagong Taon na may pag-asa at higit na patibayin ang ating determinasyon upang isulong ang kapakanan ng bansa.

Happy New Year to all!

[HOME]