PGMA's Opening/Closing Statements during a Roundtable Discussion on Jeepney fare rollback

Kalayaan Press Briefing Room, Malacaņang, 13 Dec 2006


Mga mahal kong kababayan:

Noong Lunes, binawasan ang pasahe ng singkwenta sentimo sa Metro Manila, gitnang Luzon at timog katagalugan.

Sinimulan natin ang Linggong ito ng magandang balita. Napakagandang handog pamasko ang 50 sentimos kaltas.

Ang sunud-sunod na rollback sa presyo ng gasolina at krudo ang nagbigay daan para maipatupad natin ang kaltas pasahe. Dahil din sa pagmura ng gasolina at krudo, inaatas din natin na ang mga taxi operator ang kanilang hiling na pagdagdag sa flag down o unang singil sa taxi.

Kaya ngayong umaga, kasama natin sina Transportation Secretary Larry Mendoza. Magandang umaga, larry; si LTFRB Chairman Tom Lantion. Magandang umaga, Tom; ang representative ng mga jeepney drivers at operators na si Olympio Vidallo. Magandang umaga, Olympio. Anong nickname mo? Olympio; at si Aling Sonia Mamaril na pasahero sa jeep araw-araw. Magandang umaga, Aling Sonia.

Okay. Sa una umpisahin natin kay Aling Sonia. Saan kayo sumasakay sa jeep araw-araw, Aling Sonia?

* * *

Closing statement:

Maganda talaga mapag-usapan ang ganitong magagandang balita para sa ating mga kababayan kaya nagpapasalamat ako sa ating masisipag at magigiting na tsuper sa kanilang tulong upang maipatupad ang bawas-pasahe sa diwa ng pasko.

Kaya mga kababayan, tulungan ninyong ikalat ang magandang balitang ito. Seven pesos na lang ang pamasahe sa pampublikong sasakyan sa Metro Manila, gitnang Luzon at timog katagalugan. At mas mababa pa kung kayo ay senior citizen o batang estudyante.

Maraming salamat Olympio sa iyo at sa lahat ng mga jeepney driver at sa iyong pagdalo sa araw na ito. Maraming salamat naman Ginang Sonia at sana manatili kayong may mga biyaya sa mga epekto ng ginagawang reporma ng ating pamahalaan. At maraming salamat din Tom. Congratulations! Sa iyong bagong pwesto bilang Chairman ng LTFRB. At maraming salamat din Secretary Mendoza. Ngayon asikasuhin natin naman yung ating closing the loop ng MRT-LRT.

Sa inyong lahat, maraming salamat.

[HOME]