PGMA's Opening/Closing Statements duringa Roundtable discussion on the Philippine National Oil Company-Energy Development Corporation (PNOC-EDC) Initial Public Offering (IPO)

Kalayaan Press Briefing Room, Malacaņang, 14 Dec 2006


Magandang araw mga mahal kong kababayan.

Una sa lahat, magsimula tayo tungkol sa Constituent Assembly:

I commend the decision of the House leadership as an act of statesmanship to unify not only the two chambers of the legislature but the whole nation around the issue of Charter change. I thank Speaker De Venecia and his valiant allies in the house for heeding the voice of national consolidation and unity without sacrificing the high vision of political renewal.

It's time to gather together all the energies of our people for the continuing work ahead, maintaining our economic strength, ensuring the social payback of economic reforms, and helping distressed communities back to their feet. Philippine democracy will find the proper time and opportunity for Charter reform at a time when the people deem it ripe and needful, and in the manner they deem proper.

The nation must consolidate now. I call upon all our institutions to stand as one for the country's future.

Sa larangan ng ekonomiya, kailangan tayo rin ay nagkakaisa. At sa larangan ng ekonomiya, nalalabi pa ang reporma ng kuryente. Kung magmahal ang elektrisidad, tataas din ang gastusin ng mga pamilya at ang presyo ng bilihin.

Kaya naman nagagalak tayo sa malaking pera na nalikom sa paglilista sa stock market ng ating PNOC-Energy Development Corporation, ang pinakamalaking kompanya sa asya sa paglikha ng energy at kuryente mula sa singaw ng lupa o geothermal energy. Kumita ng halos labimpitong bilyong piso ang PNOC sa magagamit upang maghanap at mag-develop ng marami pang geothermal energy.

Upang ipaliwanag ang magandang balitang ito, inanyayahan natin si Energy Secretary Popo Lotilla. Magandang hapon, Popo; ang presidente at CEO ng PNOC, si Paul Aquino. Magandang hapon, Paul; nandito rin si Mayor Giovani Ed Napari ng Kananga, Leyte. Maayong hapon, mayor; at nandito rin si Mr. Manuel Paete, ang PNOC Leyte manager. Maupay nga kulop; at si Mr. Bienvenido Napoles, isang beneficiary dahil siya ang barangay captain ng barangay tongonan sa kananga, kaya nandoon yung Tongonan geothermal plant ng Leyte.

Well, Paul you're the hero of the day because you had a very, very successful offering. So papaano natin mapapaliwanag 'to? Anong ibig sabihin nitong nakabenta ang PNOC-EDC sa stock market? Maraming bumili, sobra pa sa hiningi n'yong presyo. Tumaas ang presyo ng stock, hindi ng kuryente, ng stock. Oo.


* * *

Closing statement:

Kaya talagang nandito tayo sa virtuous cycle -- maraming biyaya sa pamayanan, maraming biyaya rin sa lahat ng consumers dahil sa pagbawas ng kuryente maraming biyaya rin ang buong sambayanan dahil sa lumalakas ang kaban ng ating bansa.

Okay. Masigla ang tugon ng merkado sa initial public offering o ipo ng PNOC-EDC. Dahil dito mas lalong sumisigla ang ating ekonomiya. Kapag masigla ang ekonomiya, ang benepisyo ay bumababa sa mga kababayan natin sa pamamagitan ng dagdag na trabaho, kabuhayan at serbisyong pampubliko. Mas matatag ang piso, mas pinalakas na social services at magagandang imprastraktura.

Kaya salamat Secretary Popo Lotilla sa buong energy family dahil sa mga ginagawa ninyo para mas guminhawa ang buhay ng taong-bayan. Maraming salamat din at congratulations! Paul for the very, very successful public offering. At Ginoong Paete, maraming salamat sa lahat ng official and staff ng PNOC dahil magandang korporasyon kayo kaya tuloy mabenta yung inyong stocks. Okay. Ug daghan salamat sab kan Mayor Napari and more power. Literally more power to the town of Kananga and may we have electronics companies going to invest in your town. Ug kan Barangay Captain Napoles, congratulations! To all of your constituents. At sana mas dumami ang Barangay Tongonan sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas na nakikinabang dito sa masigla at masigasig na public offering ng PNOC-EDC.

Maraming salamat sa inyong lahat.

[HOME]